Oriana Fatima’s POV Apat na araw ng wala si Damien at walang habol nang habol sa akin. Mawalang maingay na dumadaldal sa akin. Walang sumisigaw sa pangalan ko at walang makulit. Tahimik lang ang buhay ko sa loob ng apat na araw na wala siya. Papasok ako ng mag-isa at uuwi akong walang kasama. Pero hindi ko ‘yon masyadong naiisip dahil sa pagiging abala ko sa dalawa kong trabaho. Isa sa umaga at isa sa gabi. Talagang biglang double kayod ako dahil hindi pwede ang tatamad-tamad. “Isang order ng double patty.” “Noted,” sagot ko sa bagong customer. Binuksan ko ang ref at kumuha ng dalawang patty. Maraming customers pero hindi naman ganoon kahirap dahil kasama ko naman si Tupe. Ang masungit na kaibigan ni Damien na siya rin nagmamay-ari nitong minute burger. Pero ngayong magkasama kami s