Oriana Fatima’s POV “Isang milyon ang talo ko kagabi sa casino.” Nabilaukan ako bigla sa kinakain kong garlic bread dahil sa sinabi ni Mr. Balenciaga. Mabilis na inabot sa akin ni Damien ang tubig niya. Mabilis akong uminom habang marahan na hinahaplos ni Damien ang likuran ko. Isang milyon pala ang natalo sa kanya kagabi? Hindi ko man lang napansin na natatalo siya dahil ang saya-saya niya habang naglalaro siya. Tuwang-tuwa pa siya sa pakikipagkwentuhan pero 'yon pala natatalo na siya. Hindi lang libo ang natalo sa kanya dahil milyo pa talaga! “I won five million,” si Damien habang hinihimas ang likuran kong kitang-kita dahil sa backless na crop top kong suot at wide leg pants naman sa pang-ibaba. Hindi na ako nagulat sa panalo ni Damien dahil na banggit niya na ‘yon sa akin kagabi