Episode 33

3022 Words

Oriana Fatima’s POV Huminto ang sinasakyan naming itim na van sa kanto kung saan kami nakatira. Alas-otcho na ng gabi kaya marami na ang nasa labas lalo na ang mga matatanda na hindi nauubusan ng chismis. Araw-araw na lang may bago. Agaw pansin na naman tuloy ang sasakyan nila Damien. “Ana.” Napatingin ako kay Mr. Balenciaga na nakaupo kaharap namin ni Damien. “Itago mo ‘to.” Inilahad niya sa akin ang isang calling card na kinuha ko agad. Tinignan ko ito. Isang personal calling card ni Mr. Balenciaga. Nakalagay ang pangalan niya, address at ang number. Hindi ko alam kung para saan ‘yon basta tinanggap ko pa rin dahil baka magamit ko ‘yon sa susunod. Ibinulsa ko ang maliit at matigas na papel sa pantalon ko. “Tawagan mo ako kapag nagpasaway sa’yo ang apo ko.” Natawa ako sa dahilan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD