Oriana Fatima’s POV Tama lang ba na maging masaya ako dahil ako pa rin ang kinampihan ni Damien kahit nakita niya na ang nangyari at nakita niya ang ginawa ko kay Jara? Nabunutan ako ng tinik dahil nakita ko at ramdam na ramdam ko kung gaano nag-aalala sa akin si Damien kahit hindi naman ako nasaktan. Ako pa nga ang nanakit. “Sinaktan ako ni Ana! Sinabi ko lang na isusumbong ko siya na nagbebenta siya rito kahit bawal tapos sinaktan niya na ako!” Parang mababasag ang tenga ko dahil kay Jara na nakaupo sa visitor’s chair tulad ko. Magkaharap kami pero nasa Dean namin ang tingin ko. “Tinulak-tulak niya ako tapos sinipa niya ako! Tapos pati ang studyante ninyo rito ay inuutusan niyang magtinda! Hindi ba’t bawal ho ‘yon! Dapat matanggal ang babaeng ‘yan dito!” Pinanatili ko ang ngiti sa la