Episode 22

3075 Words

Oriana Fatima’s POV “Kumusta? Anong napag-usapan n’yo?” agad na tanong ko kay Damien na naglalakad pa lang palapit sa akin. Gustong-gusto ko ng malaman ang nangyari kanina sa loob ng office simula nang mawala ako roon. Nag-aalala lang naman talaga ako dahil baka may masamang balik kay Damien ang pagtatanggol niya sa akin. “Ayos lang ba ang lahat?” Nakaupo lang ako sa unahan hilera ng bleacher dito sa loob ng gym. Mabuti na lang din at ako na lang ang mag-isa rito kaya ayos na ayos lang. Kasi kung may ibang tao rito baka hindi na ako nagtagal pa rito. “Ayos naman na. Huwag ka ng mag-alala,” nakangiting sambit niya sa akin. “Walang masamang nangyari sa loob.” Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko dahil may nilagay siya roon. Pagbuka ko sa palad ko n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD