Episode 03

1257 Words
Oriana Fatima’s POV “Ate, may inaalok na trabaho sa akin ang kapit-bahay natin.” Napantig kaagad ang tenga ko sa narinig ko kay Odelia. Ibinaba ko ang kubyertos ko at nag-angat ng tingin sa kanya. “Trabaho? Hindi ka dapat nag tratrabaho. Sixteen ka pa lang, Odelia. Bata ka pa. Bakit hindi ka na lang gumala kasama ang mga kaibigan mo—” “Ate, paano naman ako makakagala kung alam kong nahihirapan ka sa pagtratrabaho para sa ating dalawa? At isa pa, madali lang naman ang trabaho. Magkukusot lang ng damit—” “Odelia naman,” mahinang sambit ko. “Hindi nga kita pinaglalaba ng damit natin tapos maglalaba ka naman sa ibang bahay.” “Gusto ko lang naman na tumulong sa’yo, Ate. Pandagdag lang sa bayarin natin.” Masaya ko na may kapatid ako na alam na maging responsable sa batang edad. Pero hindi ko naman gusto ‘yon dahil mas gusto kong ma-enjoy niya ang pagiging bata niya hindi katulad ko. “Bakit hindi mo na lang gawin ang kung anong gusto mo?” nakangiting sambit ko. “Hindi ba’t mahilig ka magluto? Magluto ka na lang at ititindi ko sa eskwelahan tapos ibibigay ko sa’yo ang kita. Mas maganda ‘yon kasi na e-enjoy mo ang ginagawa mo. Kapag masaya ka sa ginagawa mo, gaganahan ka sa trabaho mo—” “Eh ikaw, Ate? Hindi ka naman masaya sa ginagawa mo so, wala kang gana sa trabaho mo?” Parang sinapak ako ng katotohanan. Ibinaba ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng hita ko. Pakiramdam ko nakikipag-usap ako sa isang bente anyos na babae. “Masaya nga ako kasi kahit pa paano ay may trabaho ako na bumubuhay sa atin,” pagmamalaki ko at tumayo. Kinuha ko na ang bag ko na may laman na uniporme ko. Kailangan ko ng pumasok bago pa ako mahuli at mabawasan ang sahod ko. “Ligpitin mo na ‘yan, Odelia, at hugasan mo na rin.” Umalis ako sa harapan ng lamesa at inayos ko ang silyang inupuan ko. Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng kapatid ko na hindi ko naman tinitignan pabalik. “Masaya ka ba talaga, ate? Paano ka nagiging masaya kung hindi naman ‘to ang nasa imagine mong magiging buhay natin?” Tama siya. Buong akala ko noon, maayos akong makakatungtong sa kolehiyo at makukuha ang kahit na anong kurso na gusto ko. Inisip ko rin na hindi ako magkakaproblema sa paaralan na gusto ko dahil may kaya naman kami pero bumaligtad na ang mundo ko. “Mauna na ako, Odelia, baka mahuli pa ako.” Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya sa akin at nagmamadali na ako sa paglabas ng studio type na tinutuluyan namin. Magiging maayos din ang lahat at babalik din sa dati ang pamilya ko. Pero ngayon, ang kailangan ko ay magkapera para masimulan ang paghahanap kila Papa at Yza. Hindi pwedeng mawalan ako ng mahal sa buhay. Mas gugustuhin ko na mauna na lang ako. “Ana!” Napalingon agad ako kay Damien na bigla na lang lumabas mula sa maliit na kalye. Sumabay siya sa paglalakad sa akin. “Ganito ka kaaga pumapasok?” tanong niya sa akin. Ala-sais pa lang ng madaling-araw pero gising na gising na ang diwa niya. Palagi siyang may energy sa katawan. “Nag almusal ka na?” tanong niya sa akin at simpleng pagtango lang ang sinagot ko. Bakit ko ba siya nakasabay? Hindi naman ganito kaaga pumapasok ang mga studyante. “Hindi pa ako nag-aalmusal,” sambit niya kahit wala namang nagtatanong. Hindi pa siya nag-aalmusal sa lagay na ‘yan. Paano pa kaya kapag kumain na siya? Tiyak kong mas hyper pa siya. “Ang aga kasi ng pasok namin ngayon. Kailangan daw para sa training sa gym. Eh napuyat pa naman ako kagabi para tapusin ‘yong paper namin,” pagrereklamo niya sa akin. Hindi ako kumibo at hinayaan siya na dumakdak nang dumakdak sa tabi ko. Hindi ko rin naman siya mapipigilan dahil bibig niya ‘yan. “Bakit ba kasi nauso pa ang summer class? Bakasyon ko sana ‘to.” Hanggang sa makarating kami sa university ay puro pa rin siya reklamo. Mabuti nga at hindi nabasag ang tenga ko sa pagsasalita niya. “Saan ka?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa quadrangle. Mahinahon na ang tono ng pananalita niya. “Sa engineering building,” tipid na sagot ko. “Eh sa gym? Hindi ka ba maglilinis do’n?” nakangiting tanong niya sa akin. Wala ba talaga siyang kaibigan kaya siya matiyaga na kausapin ako kahit na halata namang wala akong kwentang kausap? Mahirap siya pero kung matalino naman siya sigurado ako na may gusto pa rin na kaibiganin siya rito sa unibersidad. Pero sigurado naman ako na gagamitin lang siya ng mga ‘yon dahil sa talino niya. “Bakit?” tanong ko sa kanya. “Nasa gym ako e,” masayang sambit niya. Mabuti na lang at alam ko na kung nasaan siya. Kung nasa gym siya e ‘di roon ako hindi maglilinis. Tumigil siya sa paglalakad pero tuloy pa rin ako. “Ana!” sigaw niya sa akin. Kami pa lang halos ang tao sa quadrangle dahil masyado pang maaga kaya siguro ang lakas ng loob niya na mag-ingay. “Maging magkaibigan tayo! Gusto kitang maging kaibigan!” Tumigil ako sa paghakbang at buong lakas na humarap sa kanya. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Ang matangos niyang ilong, medyo kulot na buhok, ang kilay at mga mata niya na nagpapahiwatig kung gaano siya kasiyahing tao. Habang tinititigan ko ang mukha ni Damien, hindi ko maiwasan isipin kung totoo ba talaga na mahirap lang siya. “Ayoko, Damien. Maghanap ka na lang ng iba.” Magulo ang buhay ko at mukha naman siyang mabait na tao. Ayokong madamay pa siya sa gusot na mayroon ako. Siya lang ang magiging kawawa. “Bakit ayaw mo?” mabagal na tanong niya habang dahan-dahan din na nawawala ang ngiti sa labi. “Parehas lang naman tayong mahirap.” Ang akala niya dahil sa parehas kami ng estado sa buhay, pwede na kaming maging malapit sa isa’t isa. Gaano ba siya kainosente? “Wala ka namang aasahan sa akin, Damien. Wala akong kayang ibigay sa’yo—” “Bakit sa tingin mo nakikipagkaibigan ako sa’yo kasi may inaasahan ako sa’yong ibibigay mo? Ganyan ba ang mga nagiging kaibigan mo, Ana? Palaging may inaasahan sa’yo?” Ano ba ang pagkakaibigan? Nakalimutan ko na ang kahulugan ng salitang kaibigan dahil tatlong taon na simula nang huling maramdaman ko ang isang kaibigan sa tabi ko. “Hindi ako studyante rito, Damien. Janitress ako rito. Nagtratrabaho at ikaw naman ay nag-aaral dito—” “Bakit may requirement ba sa pagkakaibigan?” natatawang sambit niya. “O ayaw mo lang talaga na maging kaibigan ako. Naiirita ka ba sa kaingayan ko?” “Hindi pa ba halata?” “Pwede naman akong maging tahimik. Gaano katahimik ba ang gusto mo?” “Ayokong maging kaibigan ka. ‘Yon ang gusto ko—” “At bakit?” nakangiti na tanong niya sa akin at nagsimulang humakbang palapit sa pwesto ko. “Kasi gusto mo ako? Gusto mo ba na boyfriend mo na lang agad ako?” “Loko-loko at ang ingay mo. Tahimik ang buhay ko kaya ayoko na may parang bubuyog sa buhay ko—” “Ayaw mo ‘yon? Bagay tayong dalawa. Tahimik ka tapos madaldal naman ang kaibigan mo. Perfect tandem tayo, Ana!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD