"What? You fall in love with a guy who has a girlfriend already? Are you out of your mind?" Galit na sabi ni Macy sakaniya. Hindi sinabi ni Sam dito na ang tinutukoy niyang 'gusto' niya na may girlfriend na ay walang iba kundi ang kakambal nitong si Jace. Ayaw niya ng gulo pero hindi na niya kayang kimkimin pa ang tunay niyang nararamdaman kaya napilitan na siyang magkwento. "I'm sorry Macy. Hindi ko na kasi napigilan e. I really like... J- him." Pagtuloy niya. Muntik na siyang mahuli sa sariling bibig. Kahit naman mag-bestfriend sila at kakambal nito ang lalaki ay hindi pa din papayag si Macy sa ganoong status. "Ano ka ba naman Samantha. Gusto mong manira ng relasyon. That's a big no no! Matalino ka kaya alam mo ang tama at mali. And loving a man that is already committed is a