Ang plano nilang magswimming sa beach ay hindi natuloy dahil sa mataas na tirik ng araw. Lahat sila ay nagtatago sa tatlong beach umbrella na malapit sa dagat. Kaniya kaniya sila ng pinagkakabalahan. Ang mga babae ay busy sa pagseselfie habang ang mga lalaki ay nagkukwentuhan naman. "Ano ba yan! Hindi naman ako kita e." Reklamo ni Zeine. "Kalahati lang ng muka ko ang kita!" Dagdag pa nito. "Bakit ba? Eh ayaw tanggapin ng IPhone ko ang muka mo e. Buti nga kahit half lang ay meron ka." Birada naman agad ni Donita dito. "Hay nako Donita, tigilan mo na nga ang pangaaway kay Zeine. Bahala ka kapag iyan ay lumayo sayo, baka hanap hanapin mo." Natatawang sabi na lang niya sa mga ito at nagapir pa silang dalawa ni Zeine. Mabilis na nagkasundo ang dalawa kahit pa kanina lang sila lubos