Kabanata 23

1104 Words
Kabanata 23 Sa isang kurap lang ay tuluyan na akong nahulog sa bangin dahil sa pagkalaho ng tulay. Dito na nga ba matatapos ang buhay ko? Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaan ang aking katawan na magpadala sa pagkahulog ko. Ngunit napadilat akong muli nang maramdaman ko ang mga bisig na nakapulupot sa akin. Pakiramdam ko ay kay bagal na naman ng aking pagbagsak. Tila ba'y tumigil ang oras nang masilayan ko ang mukha nito. “Steffano... bigkas ko sa pangalan nito kasabay nang pagkapit ko sa batok niya. “Mali yata ang hula mo... anito at walang kahirap-hirap na iniikot ang sarili upang maging aking pananggalan. Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha, hindi dahil ay takot ako, kung 'di sa sobrang galak na ito'y muling dumating upang iligtas ako. “Hindi ko hahayaang masaktan ka nila Catherine... anito na ikinangiti ko. Nagbago ang kulay ng mga mata nito. Naging maalab na kulay pula. Naistatwa pa ako nang halikan nito ako ng mariin at ramdam ko ang malakas na pagbaksak namin sa lupa. Dilat ang aking mga mata at kitang-kita ko ang pagdiin ng katawan nito sa lupa. Taranta akong napahaplos sa mukha nito dahil hindi na siya gumagalaw. “Steffano gumising ka! Huwag mo akong iwan!” humihikbi kong ani. Mas lalo pa akong napaiyak dahil napapaligiran kami agad ng mga taong-lobo. Walang patlang na naglabasan ang mga ito mula sa yungib. Nakakagimbal ang mga anyo ng mga ito. Wari'y sabik na sabik sa pagkaing nasa harapan nila dahil sa mga naglalaway nitong mga bibig. Sabay-sabay itong umalolong at nakakabingi iyon sa tainga. Muli kong tinapik ang mukha ni Steffano. “Pakiusap gumising ka mahal ko, pakiusap!” Masuyo ko siyang kinantilan ng halik sa labi niya. Napapalibutan na kami ng mga taong-lobo na halang ang mga kaluluwa. Bigla na lamang akong kinabig ni Steffano at ipinagpapasalamat ko iyon sa poong maykapal na maayos siya. “Ipikit mo ang mga mata mo, Catherine...” utos nito na agad ko rin namang sinunod ang nais niya. Mariin akong napapikit ngunit dinig ko pa rin ang mga nangyayari. Mga nagbabagsakan sa lupa, pagsagitsit ng mga bato at ang pag-iyak ng mga lobo. Nanginginig ako habang nakatayo at nakikiramdam sa paligid ko. Puna kong natahimik naman ang aking paligid at tanging haplos nito sa dibdib ko, na gumapang sa leeg ko, hanggang umabot sa pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kamay nito. Idinilat ko na ang mga mata ko. Bulagta lahat ang mga lobo. Hindi ko alam kung ilan sila ngunit marami rin ang napabagsak niya. Mas lalo tuloy akong naiyak. “Pinatay mo sila?” tanong ko pa habang napapahikbi. Umiling ito at ngumiti ng kay tamis na ikinagulat ko rin naman. “Pinatulog ko lang...” Nayakap ko siya sa sobrang galak. Natutuwa ako at hindi niya pinaslang ang mga nilalang na iyon, may kasama pang matamis na ngiti na ikituwa ko pa ng husto. “Hinahanap ka na nila... aniya at pinakapit ako sa batok nito. Walang anu-ano pa'y mabilis niyang tinakbo ang matarik na bangin habang karga ako. Inihilig ko na lamang ang aking ulo sa leeg nito. Nang makarating kami sa itaas ay ibinaba na nito ako sa lilim ng puno at sinandal rito. Muli nitong inangkin ang aking labi ng ilang segundo bago ito humiwalay at nawala na naman na parang bula nang magdilat ako. “Catherine! Nasaan ka!” Napasilip ako. Si Mocha, na tila balisa at hinahanap ako. Lumakad na ako palapit sa kanya. “Mocha?” pukaw ko rito. Nilingon nito ako at niyakap. “Ligtas ka! Ang akala ko'y may nangyari ng masama sa 'yo.” Hinagod ko ang likuran nito. “Maayos ako Mocha, sobrang maayos, ani ko na napapangiti pa. Kumalas ito nang yakap sa 'kin. “Tayo na at nang makapagpahinga tayo, ani Mocha at inalalayan pa ako sa paglakad. Nang makasakay kami sa tren, lahat ay tahimik lang. Si Mocha naman ay nagbabasa lang ng kanyang liro. Si Zairan naman ay nakapikit lang ngunit alam kong hindi natutulog ang mga bampira. At ako? Nakatanaw lamang sa labas habang inaalala ang mga naganap na pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Steffano. Ang mga ngiti nitong nakakahalina na hindi mawala sa aking isipan. Kay gandang lalaki talaga nito at hindi ko maitatanggi sa sarili ko ang napakatindi kong paghanga sa kanya. Araw-araw na sa pamamalagi ko sa mundo niya ay mas lalong pumapailalim ang pagmamahal ko para rito. Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi. Kabaliwan at kahangalan na nga itong naiisip ko ngunit gusto ko siyang mahagkan muli. “Sino siya Catherine,” pukaw ni Zairan sa akin. Nagitla ako sa sinabi nito. “Ano ang ibig mong sabihin?” taka ko pang tanong. “Sino siya Catherine!?” pagtataas ng boses nito. “Huminahon ka Zairan! Kung umasta ka ay parang pag-aari mo si Catherine. Kung sino man ang nakita mo, malamang ito ay ang kanyang nobyo. Nakalimutan mo na bang nakatira siya sa pamilya ng mga Zoldic!” ani Mocha na ikinagulantang ko rin. Nakita nila si Steffano? Natigalan naman si Zairan at napakuyom na lamang ng kamao. “Nakita niyo kami?” baling ko kay Mocha. Napatango ito. “Sa lilim ng puno na pinagbabaan niya sa 'yo. Hindi ko man nakita ang mukha niya ngunit masaya ako dahil nailigtas ka niya, Catherine. Walang bahid din nang paghihinampo sa akin sapagka't buhay mo iyan Catherine at alam kong gusto mo rin ng pribadong buhay,” sagot niya habang napapangiti. Napayakap ako sa kanya. “Salamat sa pang-unawa, Mocha, wika ko. “Huwag mo na lamang pansinin si Zairan. Mukhang nagseselos ito dahil iba na ang iyong napupusohan, ani Mocha at napatawa pa ng kunti. Napatango-tango ako at kumalas nang yakap sa kanya. Napasulyap ako kay Zairan. Malungkot ang mga mata nito at halata sa kanya ang matinding hinanakit sa akin. “Zairan...” tawag ko rito. Pumaling ito sa akin ngunit agaran din namang nag-iwas ng kanyang tingin. “Nobyo ko siya at patawad kung hindi ko matanggap ang alok mo kahit kaibigan lamang. Sana'y nauunawaan mo ako.” Hindi ito umimik, bagkus ay lumipat pa ng upuan. “Hayaan mo lang siya Catherine. Lilipas din ang kahibangan niya, aniya. Tango lang ang naitugon ko. Sinulyapan kong muli si Zairan sa nilipatan nitong upuan. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagiging iba ko sa kanila ay natutunan niya kaagad akong pag-ukolan ng pag-ibig. Ngunit sadyang mapili ang aking tadhana dahil kay Steffano ako umibig ng husto. Patawad Zairan, kailanman ay hindi natuturuan ang puso na piliting ibigin ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD