Kabanata 22

1115 Words
Kabanata 22 NAPAIGTAD ako nang humito ang sinasakyan naming tren. Napasulyap ako kay Mocha. Halata sa mga mata nito ang matinding pag-aalala para sa kaligtasan ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay, indikasyon na kaya ko itong lagpasan at magiging maayos ako. Niyakap naman ako nito ng biglaan, pilit nitong pinapatatag ang aking kalooban at labis iyong ikinagaan ng loob ko. Kumalas ito nang yakap sa akin at ginayak na akong lumabas ng tren. Ngumiti lang ako rito ngunit hindi pa man kami nakakalabas ni Mocha ay bigla na lamang hinawakan ni Zairan ang kaliwang kamay ko. Napalingon ako sa kanya at takang-taka na napapatig sa kamay naming magkahawak. “Itatakas kita dito, sumama ka lamang sa akin Catherine,” pabulong nitong ani. Bago pa man ako makasagot ay malakas na hangin ang humampas sa tren. “Catherine... bulong ng hangin sa akin. Natigilan ako at agad na binawi ang aking kamay. “Kung tatakas ako ay mas lalo lamang akong mapapahamak. Alam kong mabuti ang iyong intensyon ngunit ngayon pa lamang Zairan ay supilin mo na ang iyong nararamdaman sa 'kin dahil mapapahamak ka lang, wika ko at agad na sumunod kay Mocha. Napansin siguro nitong nakahawak si Zairan sa akin kaya umuna na itong pumanaog. Nang lumapat sa lupa ang aking mga paa ay siya ring pagbulong sa akin ng hangin. “Catherine...” Pakiramdam ko ay nanghina ang aking mga tuhod sapagka't alam ko ang nais nitong ipahiwatig sa 'kin. Galit na naman ito at pilya akong napangiti ng kunti. Talagang napakaseloso nito ngunit wala siyang dapat ipangamba dahil tapat ang pag-ibig ko sa kanya. “Catherine...” pukaw sa akin ni Mocha at tila'y nag-aalala pa rin ito sa akin. Maluwag akong napangiti upang ipahiwatig sa kanya na hindi ako apektado. Malakas ang aking loob at dahil iyon kay Steffano. Hinila ako ni Mocha at ngayon ko lang nailibot ang aking mga mata sa lugar na pinagdalhan sa amin. Naglalakihang mga puno at mayayabong na damuhan. Tila'y hindi naabuso ang kagubatang ito dahil sagana pa sa mga prutas na maari lang pitasin. “Maligayang pagdating sa kagubatan ng isla bakunawa, Catherine,” masigla pang wika ni Mocha sa akin at ngiti lamang ang naitugon ko. “Natakam ka sa mga bunga na iyong nakikita?” naitanong nito. Napatango ako at kunwarian pang hinaplos ang manipis kong tiyan. Sumersoyo ang mukha nito. “Huwag kang padadala sa nakikita mo Catherine dahil ilusyon lamang ang nakikita mo. Subukan mong hawakan at makikita mo ang tunay nitong anyo,” anito. Nagsalubong naman ang aking mga kilay. “Maligayang pagdating sa mundo ng ilusyon Catherine,” anito at hinawakan ang kamay ko. NAPAKAPIT ako ng husto sa kanya. Kung ganoon ay hindi pala talaga ako dapat makampante. Maari akong maligaw sa lugar na ito kung hindi ko paiiralin ang aking matalas na pag-iisip. “Huwag na huwag kang maniniwala sa mga makikita mo mamaya sa tulay Catherine. Gagamitin nila ang iyong emosyon upang magapi ang iyong matatag na kaisipan,” babala pa nito sa akin. Tanging tango at mahigpit na pagkapit lang ang naging tugon ko. Tanging ako lang yata ang kabado dahil ang mga kaklase ko at ang iba pa ay nag-uunahan pa sa pagtakbo nang mabilis. Bigla namang huminto si Mocha at naupo. “Sakay na Catherine! Bilis!” utos nito. “Teka...” Tila natataranta pa ako. Walang pasabi nito akong isinakay sa likod niya ng walang kahirap-hirap. Kay bilis nang takbo nito at halos magulo na ang buhok ko. Parang wala lang sa kanya ang bigat ko. Bampira nga naman, bukod sa umiinom sila ng dugo ay may angking lakas at liksi rin ang mga ito. Sa isang kurap ay narating namin ang malawak na lupain. Sa dulo nito ay tanaw na ang bangin at ang mga tulay na nakakabit sa magkibilang dulo. Ibinaba naman ako ni Mocha. Nang mag-angat ako ng aking tingin sa kalangitan ay lumabas na ang buwan. Ala-sais pa lang ngunit kay liwanag at kay laki pa ng buwan ngayong gabi. “Humanda at maging matalas dahil aakyat na ang hamog,” ani ng guro namin. Gulat at napapaawang ang aking bibig sa nakita ko. Kay kapal ng hamog na bumabalot sa bangin. Lalo tuloy ako mahihirapang tukuyin ang totoong tulay dahil hindi ko na ito halos maaninag. Bahagya akong napaatras nang hakbang. Mas lalo pa akong nagimbal sa mga narinig kong alolong ng mga taong-lobo at doon iyon mismo nanggagaling sa ibaba ng bangin. “Pagpapatiwakal ang larong ito!” naisambit ko ngunit walang pakialam ang mga bampirang nasa paligid ko. Nag-unahan pa ang mga ito sa pagtakbo ngunit napatigil din ng biglaang humarang ang aming guro. Siya ang guro ng pasulit na ito. Itinaas nito ang kaliwang kamay at para bang may gusto itong ituro. Napakapit ako sa braso ni Mocha. Namamawis na ang mga palad ko at ang pagpintig ng puso ko ay nakakabingi na rin dahil sa sobrang takot. “Ikaw ang mauuna... biglang turo sa akin na ikinalunok ko rin ng matindi. “Piliin mo ang tama Catherine... ani Mocha. Nanginginig man ang aking mga tuhod ngunit pilit ko itong pinapatatag. Mabilis akong humakbang at para akong kinain ng makapal na hamog. Inikot ko pa ang aking paningin ngunit wala akong makita at ang tanging nakikita ko lamang ay ang mga tulay na tatawiran ko. Mabilis akong kumilos at pinaghahawakan ang mga lubid na nakakabit sa bawat tulay, ngunit laking pagtataka ko't makatutuhanan ang mga ito at hindi peke. “Steffano...” mahinang usal ko. Ngunit kay ilap ng hangin sa akin, kalmado lang ito. Napahugot ako ng malalim na hininga at pumili na. Sa ilang segundo kong paroon at paritong lakad ay nakapili na ako, ika-limang tulay ang pinili ko. Pahugot at pabuga pa ang aking paghinga bago ako dahan-dahan na humakbang upang makatawid. Nangingilid na rin ang aking mga luha, animo'y isang kurap lang ay babagsak na ito. Nakahawak ako sa magkabilang hawakan ng tulay. “Larong pambata lang ito Catherine. Wala lang ito sa 'yo,” pagpapalakas ko pa ng loob sa aking sarili. Nasa kalagitnaan na ako nang marinig ko ang malakas na pag-alolong ng mga taong-lobo. Tumanaw pa ako sa ibaba ko ngunit wala akong makita dahil sa kapal ng hamog. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa 'kin. Paano kong lumitaw ito dito mismo sa harapan ko? Paano na? Umagos na talaga ng tuluyan ang mga luha ko sa mata. Takot na takot ako at hindi ko alam kung anong gagawin. “Catherine... bulong ng hangin sa akin ngunit laking pagkagimbal ko nang unti-unting naglalaho ang dulo ng tulay na hahakbangan ko pa lang sana upang makatawid ng tuluyan. “Mali! Mali ang tulay na napili ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD