Kabanata 24

1187 Words
Kabanata 24 Bukang liwayway... Pabaling-baling ako nang higa sa kama ko. Napaungol ako at napadilat ang mga mata. Tumambad sa akin ang magandang sikat ng araw. Matapos ang nangyari kagabi ay napagpasyahan kong huwag na munang pumasok ngayong araw. Nagpaalam naman na ako kay Mocha na liliban ako sa klase at sumang-ayon naman ito. Gusto ko rin naman kasing makapagpahinga at mag-ipon ng lakas para sa darating na ika-tatlong pagsusulit. Bumaba ako ng kama ko at tinungo na ang banyo para makapaglinis ng sarili. Matapos ang ilang minuto na pag-aayos ay naisipan kong pumunta ng kusina. “Kay aga mo naman...” salubong ni tiyang sa akin. “Magandang umaga ho tiyang, ang Mama?” ani ko. “Nasa taas pa at namamahinga.” Napatango-tango ako. “Tiyang, magpapaturo ho sana ako gumawa ng tinapay. Nakakahiya na ho kasi kina Mocha,” pabulong ko pang sabi na ikinalutong nang pagtawa nito. Napanguso ako dahil sa pagkahiya. “O siya, ihanda mo ang mga sangkap. May listahan diyan sa libro na puwede mong pag-aralan, anito. Sinunod ko ang sinabi ni tiyang ngunit iba ang pumukaw sa akin ng mabuksan ko ang tukador na lalagyan ng mga sangkap. “Radyo?” Mangha ko pang sambit. “Nako Catherine, napaglumaan ko na iyan pero mukhang gagana pa naman. Iyon nga lang at isang bala lang ang nariyan,” sagot nito. “Akin na lang ho ito tiyang, wika ko. “Oo naman Catherine. May mga baterya sa kabilang tukador.” Walang patumpik kong kinuha ang baterya sa kabilang tokador at isinaksak sa lumang radyo. “Mamaya ko na lang ito gagamitin tiyang,” sabi ko pa't itinabi ang radyong dala ko. Tumango lang ito at inihanda na ang mga sangkap. Habang abala kaming dalawa ni tiyang ay hindi talaga maiwasan na mag-asaran kaming dalawa. Sinabuyan ako nito ng kunting harina at daig ko pa ang nasobrahan sa polbo. “Tiyang naman e!” angal ko ngunit hindi nakasimangot ang aking mukha. Natutuwa pa nga ako dahil ngayon lang kami ulit nagkaroon ng oras para magkasalirinan. Simula kasi nang dumating kami dito ay masiyado ng mailap si tiyang sa akin. Wari'y may iniiwasan itong diskusiyon na maari kong maungkat. Ilang oras din ang ginugol bago maperpekto ang tinapay na ginawa namin. Pareho kaming madungis ni tiyang dahil sinabayan nito ang kukulitan ko. “Nakakaistorbo ba ako?” biglaang singit ng Mama. Nailing ako. “Hindi po. Tikman niyo ang ginawa kong tinapay, Mama, nakangiting alok ko. Dumukot ito ng kaunti at kinain. Ngumiti ito ng kay lawak. “Masarap Catherine,” anito at ikinatuwa ko rin naman. “Mauna na ho ako sa itaas,” paalam ko pa at kinuha na iyong lumang radyo. Tinungo ko agad ang aking kuwarto at mabilis na ipinuwesto ang aking dalang lumang radyo. Pinatugtog ko na ito at naghintay nang ilang saglit. Napasimangot ako ng wala pa ring musika ang lumalabas sa lumang radyo. Pinukpok ko ito at doon pa lang ito umandar. Gaya nga ng inaasahan ko ay mga lumang kanta nga ang narito sa balang isinaksak ko. Napatalon ako sa sobrang tuwa at agad na kinuha ang aking balabal. Masarap magpiknik ngayong araw at gusto ko ring maligo sa ilog. Dinampot ko na rin ang lumang radyo at tinungo ang kusina. Gusto ko rin naman kasing magbaon ng pagkain nang hindi ako magutom. Kumuha ako ng buslo at isinilid doon lahat nang dala ko. Nang masiguro kong maayos na lahat ng kailangan ko'y pasimple akong lumabas ng bahay. Ingat na ingat ako sa mga kilos ko, baka kasi may makakita pa sa akin. “Catherine...” Nabitawan ko ang hawak kong buslo sa tindi nang pagkagulat ko. “Tiyang...” gulat na gulat ko pang sambit. “Sshh... Lumakad ka na at baka makita ka pa niya,” anito na ikinagulat ko rin naman. “Alam niyo po?” kunot-noo kong tanong. “Oo naman ngunit ipinagbabawal ang magtungo sa lugar na iyan. Nakapagtataka nga kung paano mo nalaman ang lugar na iyon pero saka na lamang kita tatanungin. Lumakad ka na,” sagot nito habang panay ang paglinga sa paligid namin. Mahigpit akong napayakap kay tiyang at dinampot ang aking dalang buslo. Agaran din naman itong umalis at pahapyaw pa akong ngitian nang lingonin nito akong muli. Matamis ding ngiti ang aking itinugon sa aking tiyahin at lumakad na. Ang akala ko talaga ay pagagalitan niya ako. Nagkamali ako ng akala. Kumikit-balikat na lamang ako at lumakad na. Nang makarating ako sa tagong hardin ay agaran ko rin namang inilatag ang balabal na dala ko at nahiga dito. Nagpagulong-gulong pa ako. Kay lamig kasi nang hinihigaan ko at hindi pa masakit sa likod. Naisipan ko namang ilabas ang lumang radyo at ipinatugtog ito. Sakto naman na ang tugtog ay fantasy ni Mariah Carey, may kalumaan na itong kantang ito pero maganda pa rin ito sa pandinig ko. Nakakadala ang saliw ng musika kaya hindi ko na mapigilan pa ang mapasayaw. Ang tagal ko rin namang hindi na nakakaranig ng mga ganito simula nang tumira kami sa islang ito. Wala pang kuryente sa islang ito ngunit kaya nilang mamuhay sa dilim at hindi maikakailang isa iyon sa mga katangian nila. Idinaan ko na lamang sa pagsasayaw upang makalimutan ko man lang ng panandalian ang mga iniisip ko. Sa pag-indak ko ay bigla na lamang akong bumangga sa isang matigas na bagay. Nang mag-angat ako ng aking paningin ay napasinghap ako. “Steffano...” mahinang usal ko. Hinapit nito ang baywang ko at isinukbit sa likod ng tainga ko ang mga hibla ng aking buhok. Napangiti ako at bahagyang napaatras. “Sayaw tayo...” paanyaya ko pa. Hindi ito kumibo bagkus ay lumayo sa 'kin at nagkubli sa mga puno. Papalubog na kasi ang araw at saktong nakasentro sa 'kin ang sinag nito. Lumakad ako papalapit sa kanya. Puna kong may sugat ito sa kamay dahil sa sikat ng araw na tumama sa kanya kanina. Pati ang gilid ng pisngi nito ay bahagyang nalapnos. Mariin akong napakagat ng aking labi. “Masakit ba?” tanong ko pa. “Kunti... anito. Niyapos naman nito ako at wari'y isinasayaw ako ngunit sa isang mahinang pag-galaw lang. Kumapit ako sa batok nito. “Nasugatan ka tuloy, hindi ko alam na maaga ka palang lalabas,” pag-aalala ko pa. Hinalikan nito ang aking noo. “Gagaling din ito…” aniya. Isinandig ko ang aking ulo sa matipuno nitong dibdib. “Salamat kahapon at dumating ka, ang akala ko talaga ay pinabayaan mo na ako.” Hinapit nito ako ng husto sa aking baywang at hinawakan ang aking mukha gamit ang kanan nitong kamay. Magaling na ang sugat nito sa pisngi. “Hindi ko hahayaang mawala ka sa 'kin...” Napangiti ako. Kay tamis nang binibitawan nitong mga salita. Nang mapuna kong tuluyan ng nakatago ang araw ay hinila ko siya sa gitna. Ewan ko ba ngunit umaandar ang pagiging malandi ko ngayong gabi. Wala sa sarili ko pa itong sinasayawan habang umiikot sa kanya. Sa bawat pag-giling at pag-indak ko ay sinasabayan niya ito ng malalagkit na tingin. Lihim akong napangiti at hindi ko maiwasang mapabungisngis ng mahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD