Kabanata 7

1116 Words
Kabanata 7 Kinabukasan ay maaga pa sa alas-quatro akong nagising. Maaga rin akong pumasok sa unibersidad. Pakiramdam ko, parang mas nanabik ako at para bang wala lang sa akin ang nasa paligid ko. Dahil sa maaga pa at walang halos estudyante pa ang pumapasok ay naupo ako sa lilim ng puno, sa lugar na kung saan ako huling dinala ni Mocha. “Magandang umaga!” “Ah!” tili ko at napahawak sa aking dibdib. “Kung makatili parang nakakita ka ng halimaw, nakanguso nitong ani. “Mawalang galang na pero halimaw ka talaga,” sagot ko. Napahagalpak naman ito nang tawa at sumeryoso ulit ang mukha nito. “Tama ka nga naman pero hindi kami halimaw na pangit ang itsura. Bampira lang, depensa nito. Tumabi ito ng todo sa akin. “Anong nakain mo at masigla ka yata ngayon? Kahapon lang ay takot na takot ka sa akin,” pang-uusisa pa nito. “Hindi ko alam, wala rin naman akong pagpipilian kung tatakas ako sa islang ito. Ipinaliwanag din sa akin ng tiyahin ko iyon,” sagot ko. Ayaw kong aminin sa kanya ang totoong rason ko. Gusto kong manatili dito para malaman ang sagot sa mga panaginip ko. Pati na ang nangyari sa akin kahapon, ang boses na lagi kong naririnig sa kawalan. “Talaga lang, huh? Kung ganoon, gamitin mo na lagi ang pabango mo bago ka pa malapa ng iba dito. Karamihan sa amin dito, halang sa dugo ng tao. Dahil ni isa samin ang wala pang nakatitikim ng dugo na sa mismong biktima namin iinomin.” Napalunok ako sa sinabi niya at dali-daling nagwisik ng pabango sa katawan ko. “Magkasing amoy na tayo, nakangiting ani nito. “Tara na Catherine, gayak ni Mocha sa akin. Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko at sumunod na sa kanya. Pagkarating sa ika-limang palapag. Bigla naman siyang humarap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. “Huwag na huwag kang lalapit kay Jacob. Malakas pa ang tama niya sa 'yo. Nagdududa siya sa katauhan mo, bilin niya pa sa akin. Napatango-tango ako at nagwisik ng pabango ulit. Sa bulsa ko na ito inilagay para madaling mahugot kapag gagamitin ko na. Pareho na kaming pumasok sa loob at naupo na sa mesa namin. Nakakatakot ang mga tinging ipinupukol nila sa akin. Kinakabahan man ako pero kailangan kong maging matatag. HABANG may tinatalakay kami ay bigla na lang may kung anong umihip sa may tainga ko. “Catherine...” tawag nito muli sa akin kaya napaangat ako nang tingin. Abala ang mga kaklase ko sa mga hawak nilang libro, kahit na si Mocha ay abala rin. Nagkibit-balikat na lang ako itinuon na ang aking atensiyon sa hawak kong libro. “Magandang umaga.” Narinig kong may bumati sa likuran namin. Pareho kaming napaangat ni Mocha ng ulo pero hindi ko binigyan nang pansin kung sino man ang bumati sa amin, bagkus ay itinuon ko muli ang pagbabasa. “Ano ang kailangan mo Zairan Jacob?” maangas pang tanong ni Mocha. Bahagya akong natigilan at napahawak nang mahigpit sa libro ko. Nangingig din ang mga tuhod ko. Sa sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko, para na akong mabibingi. Pakiramdam ko ay tagaktak na ang pawis ko. Namamawis ba ang mga bampira? Sa pagkakaalam ko, hindi! “Gusto ko lang na humingi ng tawad sa kanya,” ani Jacob. Napahawak ako sa isang kamay ni Mocha dahilan para mapalingon ito sa akin. “Saka na!” mabilis na sabi nito at hinila na ako patayo. Dire-diretso lang kami palabas at wari ba ay walang pakialam ang guro namin. Dinala niya ako sa isang tahimik na pasilyo. May kinuha rin siya sa supot na dala nito. Nanlaki ang mga mata ko. Isang pakete ng dugo ang iniabot niya sa akin. “Inomin mo na o mahuhuli ka niya. Nasa likuran lang siya, bulong nito. Napalunok ako nanginginig ang mga kamay kong kinuha ito at sinimulan nang buksan ang takip nito. Diyos ko po! Gusto ko na yatang maiyak at masuka sa ginagawa ko. “Bilis na, aburido nitong utos sa akin. Pikit-mata ko itong sinipsip at bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napabaling kay Mocha na todo naman kong makangiti. “Masarap ba?” aniya. Napatango-tango ako at nahimasmasan. Hindi naman pala talaga dugo ang laman nito, kung 'di isang malamig na inomin. Kakulay lang nito ang dugo at medyo malapot-lapot pa. Talagang aakalain mong dugo ito. “Umalis na siya.” sabi nito. “Paano mo alam?” taka kong tanong. “Presensya, Class C si Jacob kaya mabilis ko siyang nasagap. Nag-insayo akong mabuti e,” sagot nito. Napatango-tango ako. Sa pagsasalita nila, mukhang gayang-gaya nga nila ang ugali ng isang tao sa pagsasalita. “Anong inomin 'to?” usisa ko pa. “Ubas at berry jam, nakangisi niya pang sagot. Walang ano't ano pa ay mabilis ko siyang niyakap. “Kung wala ka, siguradong matagal na akong patay ngayon, naiiyak kong saad. Tinapik niya ang balikat ko at ginulo ang buhok ko. “Syempre, unang beses kong magkaroon ng kaibigang gaya mo. At saka, mas matanda ako sa 'yo, napabungisngis pa ito. Napaisip ako saglit. “Ilang taon ka na ba?” “Dalawampu!” agarang sagot nito. Napataas ako ng kilay. “Walong daan at tatlumpu't pitong taon..” taas noo nitong sagot. Halos malaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Napatawa naman ito sa reaksyon ko at hinila na ako pabalik sa klase. PAGKAUWI ko sa bahay ng mga Zoldic, diretso ako agad sa tagong hardin ng walang nakakaalam. Manghang-mangha talaga ako sa ganda ng lugar. Ni hindi ko na inalintana na ang hardin na ito ay siyang nasa panaginip ko. Marahan akong nahiga sa mga malalagong damuhan. Sa kalahating oras na pagliliwaliw ko ay bigla na lang nagpulasan ang mga ibon. Napabangon ako at napalinga sa paligid ko. “Mapanganib ang mag-isa...” Napasinghap ako at nagulat sa nakita ko. Isang lalaking nakasuot ng tsaketang itim at maong na kupas na kulay itim din. Nakaupo ito sa ibabaw ng sanga ng malaking puno at hindi ko makita ang mukha nito dahil sa suot nitong sumbrero ng tsaketa. Napaatras ako sa sobrang takot. “Catherine...” sambit nito. Bahagya akong natigilan. Ang boses niya ay yaong tinig din ang palagiang tumatawag sa akin. “Ikaw!?” nanginginig kong sambit at panay ang pag-atras ko. “Simula sa araw na 'to Catherine. Mananatili ka sa tabi ko.” Sambit nito habang papalapit sa akin. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang akong nawalan ng ulirat. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat, naramdaman ko pa ang malamig nitong labi na marahang dumampi sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD