Kabanata 8

1443 Words
Kabanata 8 “CATHERINE! Nako bata ka, tuwing ala-sais ng gabi ka na lang laging natutulog. Napagod ka ba sa klase mo.” Narinig ko pang sambit ng tiyahin ko kaya mabilis akong napabalikwas ulit nang bangon. “Nako bata ka, mag-ayos ka na para makapaghapunan na tayo, bilin ni tiyang at umuna nang lumabas ng kuwarto ko. Hinawi ko ulit ang kubre kama ko, ganoon din ang nangyari kahapon. Puno ng mga talulot ng mga bulaklak. Mabilis ko itong nilinis agad at nag-ayos na ng aking sarili. Gaya nang nakagawian simula nang dumating ako rito. Lagi kong kasabay si Ginang Zoldic, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang buong pangalan nito, maliban na lang sa apilyedo nito. Nakapagtataka din na kumakain ng normal na pagkain si Ginang Zoldic, gayong sa pagkakaalam ko hindi naman siya tao. Itatanong ko na lang bukas kay Mocha ang iba pang impormasiyon. Nang matapos ang salo-salo sa hapag ay agad ko nang tinungo ang aking kuwarto. Naupo ako sa isang antigong upuan at humarap sa antigong salamin. Wala akong mahihita kung mananatili lamang akong magtatatanong kay Mocha. Gusto ring kumilos nang naayon sa maari kong matuklasan sa pamamalagi ko rito. Ang lalaking 'yon, na nasa panaginip ko. 'Di ko lubos na maunawaan ay kung bakit ganoon na lang ang epekto nito sa akin. Siya ang palagiang pumupukaw sa akin sa tuwing nasa kawalan ako. Masarap sa pakiramdam ang pagsambit niya sa pangalan kong iyon. Ngunit, hindi ko man lang maaninag ang mukha nito. Ngayong nagpakita na ito mismo sa harapan ko ay hindi ko lubos na maitatanggi ang matinding pagkabahala. Gusto niyang manatili ako sa tabi niya at para bang may kusa itong kaloob-looban ko ang magpatianod sa nais nito. Napahawak ako sa ibaba kong labi. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang malamig na pagdampi ng labi nito sa akin. Alam kong kahangalan ito pero gusto ko siyang masilayan muli. Ang dami kong gusto itanong dito. Siya ba talaga ang nasa panaginip kong iyon? Ngunit nakakagimbal ang tagpong iyon. Isang tagpong gusto kong takbuhan at huwag na sanang masilayan pa sa reyalidad. Napabuga ako ng hangin at tumayo na. Marahan kong inilapat ang katawan ko sa malambot kong kama at nakipaghilaan ng antok. PABALING-BALING ako nang higa dahil sa bigla akong naalimpungatan. Pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at laking gulat ko ng may nakatayong lalaki sa may paanan ko. Naaaninag ko ang bulto ng katawan nito sa pamamagitan ng liwanag ng buwan. Mabilis akong napabalikwas nang bangon at binuksan ang ilaw sa gilid ko. Sa muling pagpihit ko paharap ay ganoon na lamang ang pagtataka kong wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Napahilot ako sa sentido ko at napahimas sa batok ko. Guni-guni ko lamang siguro iyon. Dala lang siguro iyon ng mga nangyayari sa paligid ko. Muli akong nahiga at 'di na inabala pang patayin ang ilaw. Muli akong nakipaghilaan ng antok. MAGAAN ang pakiramdam ko nang magmulat ako. Hindi ko rin napanaginipan ang tagpong iyon at kong maari ay ayaw ko nang maisip iyon. Marahan akong lumapit sa beranda at nilanghap ang simoy ng hangin. Kay ganda nang pagsibol ng bukang-liwayway at hindi mainit sa balat ko ang pagdampi nito. Malamig pa rin ang aking paligid at mukhang makakasanayan ko na ang ganitong klima sa lugar na ito. Agad kong inabala ang sarili ko sa pag-aayos para sa pagpasok sa iskuwela. Wala namang pinagkaiba ang pagtuturo ng guro namin dito, ang pinagkaiba lang ay siya lahat ang nagtuturo ng leksiyon. Siguro ay sa haba rin ng inilagi nila sa mundong ito ay ganoon na lang siguro ang dami ng kaalaman nito. Gaya nga ng gusto ko, naaangkop pa rin naman ang kursong gusto ko, ang History. Mas lalo ka pa itong nagustuhan dahil gusto ko ring malaman ang tungkol sa mga bampira at mga teyorya nito. Marahan ko lang na sinuklay ang buhok ko at hinayaang nakalugay ito. Ginamit ko rin ang pabangong magkukubli sa katauhan ko. Limang bote sa isang araw ang dala ko at dalawang bote ang nauubos ko hindi pa man natatapos ang araw. Hindi ko rin hinahayaan na pagpawisan ako dahil matinding problema iyon kapag nagkataon. Nang makuntento ako sa ayos ko ay agad na akong lumabas ng kuwarto ko pero napabalik ako ulit nang pasok at marahang idinikit sa pinto ang tainga ko. Nag-uusap ng masinsinan ang tiyang ko at si Ginang Zoldic. “May alam ba siya tungkol sa katauhan namin?” Narinig kong pang-uusisa nito sa tiyahin ko. “Wala ho Señora. Gaya ho ng bilin niyo at mukha wala naman hong nababanggit ang pamangkin ko patungkol sa inyo.” pagtatakip ni tiyang sa akin. Napalunok ako. “Mabuti kung ganoon, ayaw ko siyang mapahamak. Ako ang mananagot kapag may nangyaring masama sa kanya. Alam mo iyan Nely, mas mahalaga ang buhay ni Catherine sa kanya Nely, kahit noon paman,” may pag-aalala sa tono nitong bilin. Narinig ko pa ang mga yabag nito palayo. Sino ba ang tinutukoy nila? Importante ako, kanino? At noon pa? Napapikit ako nang mariin. Napakarami pa pala ng tanong na kailangan kong hanapan ng sagot. “Catherine, mag-aagahan na tayo,” tawag ni tiyang sa akin mula sa labas ng kuwarto ko. Inayos ko ang sarili ko at binuksan ang pinto. “Magandang umaga ho,” masiglang bati ko ngunit taliwas sa sigla ng aking mga mata. “Maayos ba ang tulog mo?” tanong nito. Marahan akong napatango. “Oh siya, tara na sa hapag, gayak nito sa akin. Mataman lang akong nakasunod. Umupo ako agad sa tabi ni Ginang Zoldic. “Catherine, ayos lang ba kung ipapasundo na lamang kita kay Nely mamaya pagkauwi mo. May lalakarin lang ako at gagamitin ko ang sasakyan,” saad pa nito. Napatango-tango ako. “Ayos lang ho sa akin, sanay naman ho ako sa lakaran,” sagot ko. Tipid itong nangiti at kumain ng muli. Mariin akong napakagat-labi. Iniisip ko kung saan kaya ito paroroon. Pinalis ko na lamang ito sa aking isipan. Tinapos ko na lamang ang pagkain ko at agad nang nagpaalam sa kanila. Pagkadating ko sa unibersidad, tahimik ang buong paligid. “Bakit ang aga mo?” Napasapo ako sa aking dibdib dahil sa gulat. “May pasok kaya maaga,” sagot ko at napairap sa kanya. “Patawad, nagulat talaga kita, ano?” sagot nito. Marahan lang akong napatango at mabilis na dumistansya sa kanya. “Catherine...” tawag nito sa akin pero hindi na ako lumingon pa. Bakit niya ba ako kinakausap? Napalinga ako ulit sa likuran ko pero laking gulat ko ng lumitaw ito sa harapan ko. Napasinghap ako sa sobrang pagkabigla. “Pakiusap, huwag ka sanang matakot sa akin. Alam ko kung ano ka–” sambit nito pero napatigil agad dahil may patalim sa leeg nito. “Subukan mong saktan siya at tutuluyan kita, Zairan Jacob.” Mariing banta ni Mocha sa kanya. “Teka, magsitigil nga kayong dalawa!” awat ko. Mariing napailing si Mocha sa akin. “Sige na Mocha, hayaan mo muna siya, pakiusap,” pagsusumamo ko. Labag sa loob nito na itago ang hawak nitong patalim. “Huwag dito...” sabi pa ni Mocha. Nagpatiuna nang lakad si Zairan at nakasunod lang kaming dalawa ni Mocha. Lihim kaming nag-uusap gamit ang aming mga mata. Wala akong mahinuha kung ano ang pakay nito sa akin. Umabot kami sa tambayan namin ni Mocha kung saan malayo sa teritoryo ng iba. Marahan akong inilayo ni Mocha sa kanya dahilan para mapakunot ito ng noo. “Hindi ako gaya ng iniisip mo...” sabi pa nito. Napakapit ako sa braso ni Mocha at nagkubli sa likuran nito. Mariin lang ding napairap si Mocha sa sinabi nito. “Alam ko, masama ang inasta ko nitong nakaraang araw. Nabigla lang ako ng malaman kong may tao na naman ang nagawi sa lugar natin. Alam mo iyon Mocha,” paliwanag pa nito at pasimple akong hinapyawan ng tingin. “Alam mo naman siguro ang nangyari sa kanya Zairan. Kaya pakiusap ko lang sa 'yo, kung gusto mo talagang makatulong kay Catherine. Layuan mo siya. Tama na iyong alam mo ang totoo.” Batid ko ang galit ni Mocha sa kanya. Mabilis niya akong hinila palayo kay Zairan. Gusto kong magtanong kung bakit ganoon na lang ang sagutan nilang dalawa. Nangingibabaw din sa akin ang malaking kuryusidad kung sino ang taong iyon. Ang taong nauna sa aking makapunta rito. “Mocha...” mahina kong pagtawag rito. “Kung may balak kang magtanong sa akin, pakiusap huwag muna ngayon Catherine,” saad pa nito at nagpatiuna na nang lakad. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD