Kabanata 16

1143 Words
Kabanata 16 Hindi pa man ako nakakasilip sa labas ay narinig ko na naman ang kadenang iyon na tila hinihila ito papuntang ika-apat na palapag. Laking pagtataka ko lang ay wala naman akong nakikita. Muli ko itong sinundan at tama nga ang aking hinala. Ang tunog na iyon ay papunta sa ika-apat na palapag. Minadali ko ang aking pag-akyat. Walang muwebles ang nakalagay dito at tanging isang kuwarto lamang ang nakikita ko. “Catherine!” tawag sa akin ni Mama at paakyat na ito rito. Nagmadali akong dumaan mula sa bintana. “Catherine!” muling tawag nito sa akin. Nang makalabas ako ay mahigpit akong napakapit sa mga baging sa pader. Sa kalumaan na ng bahay ay talagang mapapaligiran na ito ng mga halamang ligaw. “Catherine!” pagtawag nitong muli sa akin. Tila galit na galit na ito. Mariin akong napakagat ng aking labi. Maari kaming mapalayas rito ni tiyang dahil sa katangahan ko. Kumapit akong muli sa baging at laking gulat ko nang mabuwal ito dahilan para mahulog ako. Parang huminto ang oras at bumagal ang takbo ng paligid ko. Isa lamang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Si Steffano, siya lang at wala ng iba. Pakiramdam ko ay katagal ng aking pagbasak sa lupa at matagal na nakalutang sa ere. Sa isang kisap ng aking mga mata ay tuluyan ko nang naramdaman ang malakas na pagdampi ng aking katawan sa lupa. Napahawak ako sa aking tiyan at puro dugo ang nakikita ko. Nag-uumapaw ito at para bang naliligo na ako sa sarili kong dugo. Unti-unting nawala ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay. Naririnig ko ang mga kalansing ng kubyertos. Mga yabag ng paa na pumaparoon at parito. Pati na ang pag-uusap at pinong pagtawa ng mga ito. Idinilat ko ang aking mga mata at napasinghap ako. Ganoon na lamang ang aking pagtataka kung bakit naririto ako sa sala. Nakaupo sa lumang silya at kaharap ang aking mga libro. Nakabuklat pa ang aking mga libro. Tila pa ay kagagaling ko pa sa aking pagbabasa. Paano ako nalagay sa ganitong posisyon gayong ang pagkakatanda ko ay nahulog ako mula sa ika-apat na palapag. Puno pa ng dugo ang aking katawan dahil sa tindi nang pagbagsak ko. “Nakatulugan mo yata ang iyong mga takdang-aralin, Catherine,” ani Mama. Hinaplos pa nito ang aking buhok at masuyong hinagod ang aking likod. “May nangyari ho bang masama sa akin?” naitanong ko. Pasumandali pa nitong sinulyapan ang aking tiyahin. Napailing pa ang tiyang at kumunot ang noo. “Mukhang masama ang panaginip mo Catherine. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na, wika nitong muli. Nagpalipat-lipat ang aking paningin sa kanilang dalawa. Blangko ang mga mukha ng mga ito at para talagang walang alam. Pinilig ko ang aking ulo. Siguro nga'y panaginip ko lang ang mga iyon. Iniligpit ko na lamang ang aking mga aklat at umakyat na papunta sa aking kuwarto. Nang maisara ko ang pinto ay buong puwersa akong napasandal rito. Habang tumatagal ay kakaiba na ang mga nangyayari sa akin. Umayos ako sa pagtayo at inilapag ang mga librong hawak ko. Lumapit ako sa bintana at sinilip ang gawing lugar na nasa panaginip ko raw. Wala man lang kakaiba, pati na ang parte kung saan ako bumagsak. Imposible talagang hindi iyon nangyari sa akin sapagka't malinaw pa sa aking isipan ang iksenang iyon. Sadyang napakailap sa akin ang katotohanan. Lumayo na ako sa bintana at kinuha ang gunting sa ibabaw ng tukador. Naupo ako sa aking kama at mataman pang pinagmasdan ang hawak ko. May malaking misteryo ang bumabalot sa katauhan ko. Ni isa sa kanila ay walang balak na tulungan ako kaya ako mismo ang maghahanap ng mga kasagutan. Hinawakan ko ng mabuti ang gunting at pikit-matang sinugatan ang aking kamay. “..aah!” daing ko nang mahiwa ko na ng tuluyan ang aking palad. Tiniis ko ang hapdi at kirot nito. Panay din ang pagtulo ng dugo ko sa sahig. Sa pagtitig ko sa aking sugat ay napasinghap ako. Bigla na lamang humangin ng malakas at sa isang iglap ay lumitaw si Steffano sa harapan ko. Napaangat ako nang tingin sa kanya. Sa pag-angat ng kamay nito ay siya ring pag-angat ng aking katawan sa ere. Natakot ako sa ginawa niya. Baka mahulog ako nito! Napatingin akong muli sa sugat ko. Patuloy sa pagpatak ang aking dugo sa sahig. Kay tagal naman yata nitong gumaling at tila galit na galit ang anyo nito habang nakatitig sa akin. “Hindi ko gusto ang ginagawa mo aking mahal,” anito. Napangiwi ako ng kunti. “Ibaba mo na ako, pangako hindi na ako uulit pa.” Puno ng kaba ang aking dibdib. Ngunit laking gulat ko nang i-angat niya pa ako ng mas mataas. Halos nakadampi na ang aking katawan sa ibabaw ng kisame. Napaiyak na ako sa sobrang takot. Hindi kay Steffano, kung 'di sa babagsakan ko. Kung mahuhulog man ako, siguradong patay ako dahil sa nakapuwesto talaga sa akin ang matulis na hugis ng orasang gawa sa kahoy. “Oo na! Ibaba mo na ako!” naiinis ko pang pakiusap rito habang panay na rin ang pagtulo ng aking luha. Sa isang kumpas ng daliri nito ay bumagsak ako sa aking malambot na kama nang nakatihaya. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang nerbiyos. Napadilat ako nang maramdaman ko ang pagdagan ni Steffano sa akin. Nakatukod ang dalawa nitong kamay sa kama at matalim akong pinagmasdan. Napahikbi ako sa sobrang pagkainis dahil sa tinakot ako nito ng matindi. “Nakakainis ka!” Aakmang papaluin ko sana ito ngunit nahawakan niya ito. Dinilaan nito ang kamay kong may sugat. Kumalat sa labi nito ang sarili kong dugo. Tila sarap na sarap ito sa pagdila ng aking kamay at bahagyang kumalma ang anyo niyo. Sa bawat pagdila nito sa aking kamay ay napapaawang ang aking bibig. Nakakamangha dahil hindi na ito humindi na inomin ang dugo ko gayong panay ito nang iwas kanina ng magtalik kami. Isinubo nito isa-isa ang aking daliri. Panay pa rin ito sa pagdila sa aking kamay pero kalaunan ay napakunot ito ng noo. Napatawa ako ng kunti. Magaling na pala ang sugat ko kaya bahagya itong nadismaya. “Parusa ko iyan sa iyo, wika ko. Napaangil ito at masuyong pinahiran ang aking basang pisngi. Gulat man ako sa naging resulta sa ginawa kong ekspirimento sa kamay ko ay hindi ko na iyon inalintana pa. Ang nasa isip ko ngayon ay kakaiba ako at bahagi na ako ng kanilang mundo. Napaayos ito nang upo sa harapan ko pero maagap akong kumapit sa batok nito kaya napakandong ako paharap rito at niyakap siya ng mahigpit. Malandi na kung malandi ngunit palagi ko hinahanap-hanap ang mga yakap nito. “Matulog ka na, Catherine,” mahinang usal nito at niyakap ako pabalik. Napahilig ako sa balikat nito at may ngiti sa labi ko nang pumikit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD