Kabanata 15

1097 Words
Kabanata 15 BIGLA na lamang nito akong sinakal ngunit hindi ako natinag kahit aminado akong 'di makahinga ng maayos. Kay tulis ng mga kuko nito. Nangagalit din ang mga ngipin nito, lalo na ang pangil nito. Ang mga mata nitong kay pula, na para bang may halimaw na nakakubli rito. Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. Bahagyang lumuwag ang kamay nitong nakasakal sa akin at pinagdikit ang aming mga noo. Damang-dama ko ang paghihirap nitong pigilin ang ninanais nitong mainom ang aking dugo. Bahagya na itong kumalma dahil sa normal na ang paghinga nito. Ginagap nito ang kamay ko at masuyo na naman nitong isinubo ang aking mga daliri. Iniingatan niyang huwag masugatan ito. Pero sa 'di inaasahan ay wala sa loob na inialis ko ang aking kamay at sumagi ito sa pangil niya, dahilan upang masugatan ito at magdurugo. Nagtagis ang mga bagang nito. “Hindi ko sinasadya...” kinakabahan kong paliwanag. Napaangil ito at agad na lumayo sa akin. Pero bago paman ito makalayo ay lakas loob ko siyang kinabig sa batok nito at hinalikan nang mariin. Mahal ko siya! Katangahan man ito kung maituturing ngunit wala na akong pakialam pa. Buong puso ko siyang ginawaran nang mapupusok na halik. Gumaganti na rin ito sa akin ng buong pag-iingat. Gumapang ang mga halik nito sa leeg ko. Napunit rin niya ang aking suot na uniporme ng wala man lang kay hirap. “...aah...” daing ko nang gumapang ang malalamig nitong labi sa dibdib ko. Puno ng pananabik nitong pinagpala ang aking hinaharap at hindi ko maiwasang mapaliyad ng matindi. Nararamdaman ko na rin ang hapdi sa aking tagiliran. Dumidiin ang mga kuko nito sa akin. Bawat galaw nito ay kinapananabikan ko. “...aah...” ungol ko sa tindi ng sensasyong ipinalalasap nito sa akin. Halos buong lakas na akong napapakapit sa batok nito para kumuha ng matinding suporta. Sa isang iglap ay ramdam ko na ito sa kaibuturan ko. Napahiyaw ako sa pagkabigla. Halos mariin na akong napapapikit ng aking mga mata. Patuloy lang ito sa kanyang pagbayo at parang kay sarap sa pakiramdam nito. Puno ng ungol at paghiyaw ang tanging namutawi sa aming pagniniig hanggang sa tuluyan naming narating ang sukdulan nito. Napahilig ako sa matipuno nitong dibdib. Puno ng pasa ang aking katawan at kay bigat din ng aking pakiramdam. Ngunit masaya ako sa nangyari sa aming dalawa ngayon. Lalo lamang nitong pinagtibay ang aking pagmamahal para rito. Ramdam ko ang pag-angat nito sa akin sa ere at maingat na ipinasuot sa akin ang kanyang tsaketa. Binabagtas na namin ang daan pauwi habang karga niya ako sa kanyang mga bisig. Mahigpit akong napakapit sa batok nito. Wala itong imik ngunit kalmado naman ang anyo nito. “Steffano...” mahinang usal ko. Napalunok pa ako dahil natuyuan yata ang aking lalamunan. Bahagya itong pumaling sa akin. Hinalikan nito ako sa noo at nawalan na naman ako ng ulirat. “IHA nariyan ka ba?” Napadilat at napabangon ako sa narinig ko. Suot ko pa rin ang tsaketa ni Steffano nang mag-mulat ako. “Catherine...” muling pagtawag sa akin ni Mama. Hinubad ko agad ang tsaketang suot ko at kinumutan ang kahubadan ko. “Pasok ho...” sagot ko. Bumukas naman ang pinto at agad itong naupo sa kama ko. “Hinahanap ka sa ng isa sa mga kaklase mo,” anito. “Sino raw ho?” kunot-noo kong tanong. “Si Mocha.” Napatayo ito. “Sasabihin ko sa kanya na ikaw ay papanaog na.” Bahagya pa itong ngumiti at lumabas na ng aking kuwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Bumaba ako ng kama ko at laking gulat ko dahil wala na ang mga pasang natamo ko kanina. Pati na rin ang malaking sugat sa aking hita ay tila nawala na parang bula. Napasapo ako sa aking dibdib. Ano ba ang nangyayari sa akin? Napailing ako. Malalaman ko rin ang totoong nangyayari sa akin. Tinungo ko na agad ang banyo upang makapagbanlaw at nagbihis. Sinipat ko pa ang aking kuwarto at baka'y dinala rin ni Steffano ang aking unipormeng nagkapunit-punit na. Ngunit wala naman akong nakita. Dinampot ko ang tsaketa at hindi ko maiwasang mapangiti. Niyakap ko ito at masuyong inalala ang bawat sandaling magkasama kami kanina. Itinago ko na ito sa ilalim ng kama kung saan may maliit akong kahon. Sinipat ko pang saglit ang aking anyo sa salamin bago tuluyang lumabas. Nang marating ko ang sala ay agad akong napayakap kay Mocha. “Ang Ang akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo.” Mangiyak-ngiyak pa ako habang nakayakap dito. “Maayos ako Catherine. Ikaw ang inaalala ko. Nawala ka bigla sa pasulit natin. Mabuti na lamang at natapos iyon agad.” Tila nag-aalala rin ito para sa akin. Sinipat din nito ang aking katawan. Wari'y tinitingnan nito kung may galos ba akong natamo. “Natakot ako ng sobra kaya napagpasyahan ko na lang ang umuwi rito ng palihim,” pagsisinungaling ko. “Mabuti na lamang at maagang natapos ang pasulit natin,” anito. “Pasado ba tayo?” nangangamba ko pang tanong dito. Napatango ito at nakahinga ako ng maluwag. “Aalis na ako Catherine. Hindi ko nanaising magtagal dito at alam mo iyon. Ikaw lang naman ang sadya ko rito,” seryoso nitong saad. Napatango ako at iginiya na siya palabas ng bahay. Nakukunsensya ako dahil sa napilitan pa itong pumarito dahil sa akin gayong napakabigat nang dinaramdam nito sa pamilya ng mga Zoldic. “Magkita na lamang tayo bukas Catherine,” paalam nito. Kumaway lang ako bilang pag tugon. Napaangat ako nang tingin sa kisame dahil sa narinig kong kalabog sa itaas. Agad akong napatakbo sa ikalawang palapag. Ngunit wala naman akong napansin na kakaiba. Nakinig akong muli at pinalawak pa ng maigi ang aking pandinig. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang tunog ng kadena. Umaalingaw-ngaw ang tunog nito mula sa hagdan ng ika-tatlong palapag. Pigil hininga kong inakyat ang ikatlong palapag. Napapakapit pa ako sa hawakan ng hagdanan dahil sa sobrang nerbiyos at takot. Nang umabot ako ay ganoon na lamang ang pagtataka ko. Walang bakas na may kadena rito. Narito ang kuwarto ni Mama. Napuna ko rin na may malaking espasyo sa lugar na ito. Ngayon ko lamang naikot ang aking paningin rito. Ang itsura nito ay parang darausan ng mahahalagang okasyon. Mabibigat ang aking hakbang at nahinto sa gitna. Maganda ang mga muwebles na nakapalibot sa malaking espayong ito. Sa pagpaling ko, bumukas na lang bigla ang bintana at nililipad ng malakas na hangin ang kurtina nito. Napalapit ako rito at hinawi ang kurtina ng bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD