Kabanata 18

1128 Words
Kabanata 18 NAPATIGIL ako sa pag-inom nang makarinig ako ng mga yabag. Agad kong isinilid ang natirang tinapay sa supot. Pumaling pa ako kay Mocha at tila wala itong pakialam sa narinig. Napaisip ako. Wala nga ba itong pakialam o baka naman ay ako lang ang nakarinig ng yabag na iyon. Napatayo ako pero hinawakan naman ni Mocha ang aking kamay. Nilingon ko siya at tila ay nagtatanong ang mga mata nito kung saan ako pupunta. “Hahanap lang ako nang babasahin.” Pagdadahilan ko. Bumitiw naman ito at nagpatuloy na sa pagbabasa. Humakbang na ako para hanapin ang mga yabag na naririnig ko. Panay ang silip ko sa bawat pagitan ng lagayan ng mga libro ngunit wala akong nakitang kakaiba. Humakbang pa akong muli habang pinadaan ang mga kamay ko sa mga lamesa. May kaunting alikabok na ang silid-aralan na ito. Wala rin naman kasing nagagawi dito, maliban na lang kay Mocha. Humakbang pa akong muli hanggang sa mahinto ako sa pinakahuling parte ng silid. Sa isang sulok kung saan masiyadong madilim dahil ang parteng bahagi na ito ay hindi nasisikatan ng araw. Napahinto ako nang marinig kong muli ang mga yabag ngunit natigilan ako dahil nasa likod ito ng pader nagmumula ang ingay. Humakbang akong muli at idinikit ang aking mga kamay sa pader. Pati na ang aking ulo ay inihilig ko rito upang marinig ko kung ano man ang nasa likod ng pader. Nagsalubong ang aking kilay dahil wala na akong naririnig na mga yabag. Itinukod kong mabuti ang mga palad ko sa pader pero laking gulat ko nang bumaliktad ito at pati na ako. Bumagsak ako sa malambot na kama. “Ahh!” tili ko sa sobrang takot. “Catherine...” Napabangon ako at laking tuwa ko nang makita ko si Steffano sa may paanan ko. Agad akong napabangon at napatalon sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din naman ito sa akin. “Alam mo ba, sabik na sabik akong masilayan kang muli,” masaya kong wika habang isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. Ramdam ko ang paghaplos nito sa likod ko at gumapang sa baywang ko. “Hindi ko gusto ang ginawa mong paghawak sa kanya.” Natigilan ako at humarap rito. Kulay pula na naman ang mga mata nito at bahagyang tumaas ang mga kuko nito. Nag-igting din ang panga nito. Mariin akong napakagat ng labi ko. Galit ito at ramdam na ramdam ko iyon. Nakita niya ang nangyari kanina sa aming dalawa ni Zairan. “Natakot lang ako kanina nang makita ko ang dalawang lalaki na nakalaban mo kahapon, depensa ko. Kumalma ang mga mata nito at naging kulay dilaw. Dinampian nito ng halik ang aking labi at masuyong hinaplos ang aking pisngi. “Ikaw ang pinakaimportanteng bahagi ng buhay ko, Catherine,” anito. Napangiti ako at nahilig sa balikat nito. Pansin kong napakadilim ng paligid at tanging lampara lamang na nasa tabi ng kama ang nagsisilbing ilaw naming dalawa. “Mahal na mahal kita, Steffano,” bulong ko rito. “Catherine!” Napasinghap ako at napahugot ng malalim na hininga sa pagmulat ko. “Nakatulog ka, wika ni Mocha sa akin. Napalingon ako sa paligid ko. Nakaupo lang ako sa isang sulok at may hawak na libro. “Seryoso?” kunot-noo kong tanong. Napatango naman ito. Tumayo ako at lumapit sa pader na pinasukan ko kanina. Kinapa ko pa ito at tinulak para lang bumaliktad. “Bakit ganoon?” naibulong ko sa kawalan. “Catherine, anong problema?” tanong ni Mocha sa akin. “Nabubuksan 'to, e! Imposible talagang panaginip iyon,” sabi ko pa. Hinawakan naman ni Mocha ang braso ko. “Catherine...” Nilingon ko rin naman ito. “Ano ba ang nangyayari?” taka nitong tanong sa akin. Napabuntong-hininga ako. “Wala ito Mocha. Namalikmata lamang siguro ako,” paliwanag ko. Ngumiti ito at napatango. “Tara na Catherine,” yaya nito sa akin at umuna na sa paglakad. Pasumandali pa akong napasulyap muli sa pader. Wala akong maalala na lumabas ako mula sa pader na iyan. Ang pagkakatanda ko ay kayakap ko si Steffano. Nagtatampo pa nga ito sa akin dahil sa tagpong nangyari kanina sa amin ni Zairan. Napapilig ako ng aking ulo. Kakaibang nilalang nga siya sa lahat. Sumunod na lamang ako kay Mocha at tila'y napapaisip pa rin ako sa nangyari sa akin. “Catherine, malapit na ang piyesta sa bayan. Gusto mo bang dumalo?” ani Mocha habang naglalakad kami sa pasilyo. “Talaga? Unang beses akong makakapunta sa bayan niyo,” masiglang tugon ko. “Mabuti naman kung gano'n. Masaya 'yon Catherine, nakingiti rin namang sagot nito. Tahimik kaming bumalik sa silid-aralan namin. “Catherine ginagamit mo pa ba ang iyong pabango?” tanong nito nang makaupo na kami. “Oo naman. Bakit Mocha? Wala na bang epekto?” sagot ko na may halong kaba sa aking dibdib. Napailing ito ng kunti. “Kakaiba lang ang iyong amoy, halimuyak ng rosas ang naaamoy ko sa 'yo,” paliwanag naman nito. Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko ay amoy ulam pa rin ako. “Baka dahil sa pabango,” sabi ko pa. “Siguro nga,” aniya. Muli na nitong ipinagpatuloy ang pagbabasa. Napatungo ako sa mesa. Nagtataka ako kung bakit wala talaga akong maalala. Nagtataka rin ako kung paano napunta si Steffano doon. Hindi ko rin mapagtanto kung bakit may lihim na kuwarto sa silid-aklatan. Para na akong mababaliw sa kakaisip kung paano nagagawa ni Steffano ang mga ganoong bagay. “Ika-dalawang yugto ng pasulit. Maghanda para rito.” Napaangat ako nang tingin at nagulat sa narinig ko mula sa aming guro. “Mocha ano 'to!?” kinakabahan kong baling rito. “Kung may ikalawa pa, ibig sabihin hanggang lima ang pasulit na ito,” tila gulat din nitong sambit. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Nagbibiro ka lang, 'di ba!?” Ibig kong lumubog sa kinauupuan ko. Ang akala ko ay 'yon na ang una at huli. Ngayon ay may pangalawang pasulit pa na maaring umabot hanggang lima. “Kung tama ang hinala ko. Maaring may nakakaalam na ng katauhan mo Catherine,” ani Zairan habang nakatayo sa likuran namin. Natigilan ako sa narinig ko. “Imposible!” hindi mapigilang sambit ni Mocha, dahilan para mapagawi sa amin ang atensyon ng aming mga kaklase. “May problema ba?” tanong ng aming guro. Napalunok ako sa sobrang kaba. Kumalma ang mukha ni Mocha at sinalubong nang tingin ang aming guro. “Masiyado lamang matindi ang aking pagnanasang malaman ang ika-dalawang pagsusulit,” ani Mocha. Patigasan sila nang pagtitig sa isa't isa at hindi ko na gusto ang nangyayari. Pasimpleng ngumiti ang aming guro. “Leron-Leron Sinta sa ilalim ng kabilugan ng buwan ang ika-dalawang pagsusulit,” sagot nito at bumalik na sa unahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD