Kabanata 26

1259 Words
Kabanata 26 SIGURADONG panibagong pagsubok na naman ang kahaharapin ko ngayong araw. Sana naman ay madaling pasulit ang ibigay sa amin. Nang matapos akong mag-ayos ng aking sarili ay agad ko rin namang tinungo ang kusina. Abala ang aking tiyahin sa paghahanda ng aming almusal. “Tiyang...” untag ko rito. Pumaling ito sa akin ng kunti. “Maupo ka na sa hapag at tayo'y kakain na,” aniya. “Tiyang, magbabaon na lamang ho ako. Masiyado na ho akong huli sa klase,” sabi ko pa. “Oh siya, baonin mo na lamang ito,” anito at agad na ibinigay sa akin ang supot na may lamang pagkain. Mabilis ko na lamang itong niyakap habang nakatalikod sa akin si tiyang at nagmadali nang umalis. Pagkasakay ko sa sasakyan ay agad ko rin namang kinain ang baon ko. Kailangan kong kumain dahil baka mahimatay na naman ako sa maaring gagawin namin kung meron man. Habang nasa biyahe kami ay panay ang pagsulyap sa akin ng taga pagmaneho ng Mama. “Bakit ho?” tanong ko rito matapos kong lunukin ang pagkaing nasa bibig ko. “Nagbago po ng kulay ang ibang hibla ng inyong buhok.” Napakunot ako ng aking noo. Ni minsan ay hindi ako nagpakulay ng aking buhok. Bago pa man ako makaimik ay tumigil na ang sasakyan. Mabilis akong lumabas at nanalamin sa aking sarili gamit ang bintana ng sasakyan. Natigalan ako sa nakita ko. May parte sa ilalim ng aking buhok ang naging kulay gintong mapusyaw. “Ayos lang po kayo?” untag sa akin ng tsuper ni Mama. Napatango-tango ako at mabilis na lumakad papasok sa unibersidad. Pilit kong iniayos ang aking buhok upang maikubli ang naiibang parte ng kulay nito. Bakit ganoon ang nangyayari sa buhok ko. Wala ako sa sarili ko habang malalim na nag-iisip dahilan para ako'y mabangga at tumilapon. Sa lakas nang pagkatilapon ko'y halos hindi ako agad nakatayo. Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit ng likod ko. “Akesha!” Narinig ko pang sigaw ni Zairan at hinawakan sa magkabilang braso iyong babae. Kitang-kita ko naman kung paano dumulog agad si Mocha sa akin. “May nabali ba sa 'yo Catherine!?” Umiling ako. “Masakit lang itong likod ko,” sagot ko rin naman. “Bitawan mo ako Zairan! Papatayin ko ang babae 'yan!” pagwawala nito at pilit na kumakawala kay Zairan. Malakas si Zairan kumpara sa kanya kaya hindi niya magawang makawala. “Kabaliwan iyang sinasabi mo Akesha!” mariing sita ni Zairan sa kanya. Tinulungan naman ako ni Mocha na makatayo. “Bitawan mo ako Zairan! Papatayin ko siya! Ang kapal ng mukha mo Ren para bumalik dito! Inagaw mo si Cedrick sa akin!” himutok nito. Kunot-noo akong napabaling kay Mocha. Wala itong imik at base sa ikinikilos nila, pati na ang mga pananalita nila ay mukhang matagal na silang magkakilala. Mabilis na lumitaw sa harapan ni Akesha si Mocha at malutong itong binigyan ng malakas na sampal. Pakiramdam ko'y parang nakakatanggal ng ulo ang malakas na sampal na iyon pero tila baliwala ito kay Akesha. “Hindi siya si Ren, Akesha! Siya si Catherine! Kung magbintang ka ay parang pag-aari mo si Cedrick! Hindi kailanman naging sa iyo ang pinsan ko!” ani Mocha. Kinalas nito ang pagkakahawak ni Zairan sa kanya. “Mga wala kayong kuwenta!” ani Akesha at mabilis na nawala sa harapan namin. Bumaling naman si Mocha sa akin na para bang nakukonsensiya ito. Napailing-iling ako at mabilis na lumayo sa kanila. Bakit hindi man lang nito sinabing kamag-anak niya ang mga Zoldic. Iyak ako nang iyak habang tinatahak ang daan pauwi. Gusto kong mapag-isa! Masakit para sa akin iyong pinaglilihiman ako gayong lubos ko naman iyong mauunawaan kung sakali mang nagtapat si Mocha sa akin. Kaibigan ko nga ba talaga siyang maituturing? Isa ring bagay ang bumabagabag sa aking isipan. Bakit hindi alam ni Mocha kung nasaan si Ren gayong kamag-anak naman niya ang mga Zoldic. Ang daming tumatakbong katanungan sa utak ko ngayon. Sino si Akesha? Si Cedrick, sino nga ba talaga? Bakit niya ako tinawag bilang si Ren? Pakiramdam ko'y sasabog na ang utak ko. Napahugot ako ng malalim na hininga at nagpatuloy lamang sa paglalakad pauwi. Nang makarating ako sa bahay ay diretso ako agad sa aking kuwarto. Nahiga ako sa aking kama at tumitig lamang sa kisame. Sino si Cedrick? Bakit pakiramdam ko ay parang kilala ko ang lalaking iyon. Nang banggitin ng babaeng iyon ang pangalang Cedrick kanina ay parang gumaan ang aking pakiramdam. Kinumutan ko na lang ang aking sarili at umidlip muna. Kailangan ko ring itulog ito ng sa gano'n ay gumaan ang aking pakiramdam. Napaungol ako nang may dumamping malamig na bagay sa aking pisngi. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kaakit-akit nitong labi. Nang tuluyan akong tumihaya ay kitang-kita ko na ang mukha nito. “Steffano.., wika ko. Ngumiti ito ng kay tamis na siya ring pagkagat ko ng aking labi. Nakakatunaw ang mga ngiti nito at para bang panandaliang nawala ang seryoso at walang emosyong si Steffano. Pansin kong nakasarado ang aking bintana pati na ang kurtina. Pahapyaw ko rin namang sinilip ang orasan sa likuran nito. Ala-singko pa ng hapon at kay haba nang naitulog ko. “Nagising kita... anito at hinaplos ang aking buhok. Bahagya pa itong natigilan nang mahawakan nito ang parte ng hibla ng aking buhok na nag-iba na ng kulay. Inalis ko ang kamay niya at napayuko. “Hindi ko alam kung bakit nag-iba iyan ng kulay,” ani ko. Nagitla ako nang halikan nito ang aking buhok. Pakiramdam ko'y gumapang ang halik nito sa leeg ko. “Hindi ako normal...” nakanguso ko pang wika. “Ispesyal ka para sa akin, Catherine,” anito na ikinakilig ko rin naman. Napangiti ako at bahagyang lumapit sa kanya ng husto. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg nito at walang pag-aalinlangan kong dinampian siya nang halik sa labi niya. Tinugon naman niya ito ng puno ng pananabik. Humiwalay ako matapos ang ilang segundong halikan namin. “May nangyari sa akin kanina. Gusto akong paslangin ni Akesha nang pumasok ako sa iskuwelahan,” kuwento ko pa. Nagbago ang kulay ng mga mata nito. Tila galit na galit ang nakikita ko sa mga mata niyang kulay pula. “Bakit? Kilala mo siya?” tanong ko. Naigting ang panga nito at agad na nawala sa harapan ko. Napatayo ako at lumapit sa aking bintana. Kitang-kita ko ang mabilis na paglipat nito sa iba't ibang puwesto. Daglian kong kinuha ang tsaketa nito. Gusto ko siyang sundan dahil hindi ako kampanti sa mga ikinikilos niya. Pagkalabas ko ng bahay ay agad ko siyang sinundan. Tinatahak niya ang daan papunta sa tagong hardin. Halos madapa na ako sa ginagawa kong paglakad at takbong ginagawa kong pagsunod sa kanya. Nang umabot ako sa tagpuan namin ay natigilan ako. Sa kabilang dako ng ilog ay wasak ang mga puno. Nagmadali akong lumusong sa kabilang dako. “Steffano...” usal ko nang ako'y umahon. Mabagal ang aking paghakbang dahil baka lumayo na naman ito sa akin. Lumapit pa ako ng kunti at nasilayan ko ang bulto ng katawan nito. Nakaupo ito sa lupa habang nakasandal ang likod nito sa punong kahoy. Maingat ang aking paglapit sa kanya upang hindi ito magwalang muli. Nang makalapit ako mismo sa harapan niya ay lumuhod ako upang magpantay kami. Nakayuko lang ito at parang hindi niya ako napapansin. Hinawakan ko ang mukha nito upang mai-angat. Nahabag ako sa aking nakita. Umiiyak ito at hindi ko alam ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD