Kabanata 25
“SAYAW tayo...” yaya kong muli.
Hindi ito umimik at malagkit lang na nakatitig sa 'kin. Napatigil ako sa pag-giling nang hapitin nito akong muli sa aking baywang.
“Nagugutom ako... anito na ikinabigla ko rin naman.
Napatango ako at kinuha ko ang kanyang kamay. Walang pag-aatubili kong sinugatan ang aking dibdib gamit ang matulis nitong kuko. Napapikit pa ako ng mariin dahil sa sobrang hapdi. Nang tuluyan ko nang masugatan ang dibdib ko'y umagos ang malapot kong dugo. Bahagya pa akong napakapit nang mariin sa braso nito dahil sa nararamdaman kong kirot at hapdi. Ramdam ko na ang bigat ng paghinga nito at ang mga mata rin nito ay nag-iba na ng kulay. Walang ano pa at iniangat nito ako. Naisandal pa ako nito sa puno ng biglaan kaya napaungol ako ng kunti. Ramdam ko ang panggigigil nito sa akin. Pinunit nito ang aking suot na bestida at tuluyang tumambad sa kanya ang malaking sugat sa aking dibdib. Malakas ang pag-agos ng dugo ko at aminado akong masakit talaga ito. Napaigtad ako ng maramdaman ko ang malamig nitong dila sa dibdib ko. Sinisimulan na niyang dinilaan at sinipsip ang dugo na nagmumula sa sugat ko.
“...aah!” hiyaw ko nang dumiin sa magkabilang tagiliran ko ang matutulis niyang kuko.
Para akong taong grasa sa suot kong bestida na nagkapunit-punit. Nanghihina ang mga kamay kong napakapit sa ulo niya habang napapaliyad. Biglaang sumagi sa isip ko na ako'y isang alay lamang. Ngunit hindi ako papayag na maialay ang aking sarili sa ibang tao. Si Steffano lang ang gusto kong pag-alayan ng aking buhay. Siya lamang at wala ng iba pa.
Tumigil naman ito saglit at nag-angat nang tingin sa akin. Nagkalat ang dugo ko sa labi niya. Bahagya ko pang pinunasan ito gamit ang aking mga daliri. Namungay ang mga mata nito at hindi pa rin nagbabago ang kulay ng kanyang mga mata. Ipinulupot nito sa akin ang kanyang mga bisig at sa isang kurap lang ay pareho na kaming dalawa na nakalublob sa ilog.
“May gagawin tayo...” usal nito.
Napatango ako at hindi na nagtanong pa. Tinanggal na nitong tuluyan ang natitirang punit kong saplot sa katawan. Pati ito ay nagtanggal na rin ng damit. Pagniniig ba ang ibig niyang sabihin na gagawin namin!
Siniil nito ako bigla ng halik dahilan para masugatan ang aking labi. Nalasahan ko ang sarili kong dugo. Masuyo nito akong hinalikang muli ngunit pinipigilan na nito ang maging mapusok.
Lumakbay ang nag-aalab nitong mga halik mula sa leeg ko, hanggang umabot sa matatayog kong hinaharap. Wala itong pinalagpas na bawat detalye. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi nang maramdaman ko ang pagpapala nito sa aking hinaharap. Para itong batang paslit na uhaw na uhaw sa akin.
“...ahh!” hiyaw ko nang malakas nang maramdaman ko ang biglaang pagpasok nito sa kaibuturan ko. Ramdam ko rin ang sakit sa aking likod dahil dumiin pang lalo ang mga kuko nito sa 'kin.
“....ahh!” hiyaw ko sa bawat pagbayo nito nito sa akin.
“Da mihi...amorem tuum anima cor...tuum in fortitudine mea in saeculum saeculi...ut amor...sicut...” Sambit nito.
Hindi ko maintindihan ang sinasambit niya pero pakiramdam ko ay ang laki ng epekto nito sa akin.
“...aah!” ungol ko. Pakiramdam ko ay para akong kinukumbulsyon.
“Da mihi...” Napakapit ako sa batok nito ng mahigpit. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin. Parang gusto kong sumabog.
“...amorem tuum anima cor...” sambit nitong muli kasabay ng pagbayo niya.
Nakakabingi sa aking pandinig ang mga salitang sinasambit nito. Masakit sa katawan. Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko na alam kung saan ko pa ibabaling ang ulo ko.
“...tuum in fortitudine mea in saeculum saeculi...ut amor...sicut...” muling usal nito kasabay ng paglabas ng likido sa akin.
Kasabay niyon ay ang biglaang paghawak nito sa batok ko at ang biglaang pagkagat nito sa leeg ko. Nanghihina ako at hindi ko magawang magprotesta sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero tila'y nawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko ay isa akong lantang gulay. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng aking dugo na dumadaloy sa leeg ko. Tumigil ito pagsisip ng aking dugo at isinandal ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib. Hindi man ako makakilos ngunit kitang-kita ko ang maraming dugong kumalat sa bibig niya.
“Mahal na mahal kita...” usal nito.
Napapaawang lang ang aking bibig. Hindi ako makapagsalita sa 'di malamang kadahilanan. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at tuluyan na akong nawalan ng pandama.
Kinabukasan...
Nagising ako sa mga haplos na dumadampi sa pisngi ko. Nang mag-angat ako ng aking paningin, ang mukha ni Steffano ang nakita ko. Nakayakap ito sa akin habang nakaupo ito sa sahig, sa ibaba ng aking kama. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Suot ko ang tsaketa niya at alam kong wala akong suot na panloob. Napamasid ako sa paligid namin. Ang mga kurtina ng aking bintana ay nakasarado pa kahit sumisilip na ang sikat ng araw sa nakaawang na parte ng kurtina.
“Magandang umaga... bati ko pa sa kanya.
Hinaplos nito ang aking pisngi. Inayos ko ang suot kong tsaketa at paakmang tatayo dahil nakakandong ako sa kanya paharap ngunit kinabig lang nito ako palapit sa kanya ng husto.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” aniya.
“Mabuti naman...” matapat kong sagot dahil totoo namang maganda talaga ang pakiramdam ko.
Hinawi nito ang aking buhok upang malantad sa kanya ang aking leeg.
“Wala kang maalala?” Pakiramdam ko'y nag-init ang aking magkabilang pisngi sa tanong niya. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang nakakamangha naming pagniniig. Kunti akong napailing.
“May dapat ba akong maalala? May nangyari ba kagabi bukod sa bagay na iyon?” tanong ko pa.
Hindi ito kumibo, bagkus ay ginawaran nito ng halik ang aking leeg. Tila gumapang ang ilang libong boltahe ng kuryente sa buo kong katawan. Naarawan naman ang braso nito nang matamaan ng sikat ng araw. Agad akong napatayo at inabot ang aking makapal na kumot. Itinakip ko ito sa bintana upang hindi pumasok ang sikat ng araw. Sa pagpaling ko rito ay nawala na lamang ito bigla. Napabuga ako ng hangin at napangiti na lamang. Nakakamangha talaga siyang nilalang.
Lumapit ako sa inupuan niya kanina. Napangiti ako lalo sa nakita ko. Pinulot ko ang itim na rosas na iniwan niya. Inamoy ko pa ito bago ko inilagay sa plorera. Napakunot ako ng aking noo at sinipat ng mabuti ang mga rosas sa plorera. Nakapagtatakang hindi ito nalanta gayong matagal na itong nasa akin. Hindi ko pa rin naman ito napapalitan ng tubig pero alam ko kung ilang araw lamang ang itinatagal ng mga rosas bago tuluyang malanta. Nakakamangha! Kumikit-balikat na lamang ako at pumasok na sa aking banyo.