Kabanata 13

1190 Words
Kabanata 13 Sa pagmulat ko ng aking mga mata. Isang itim na rosas ang aking nasilayan sa kama. Napangiti ako at napabangon. Kinuha ko ito at inamoy. Kasing bango niya ang itim na rosas na ito. Bumaba ako ng aking kama at inilagay sa plorera ang rosas na hawak ko. Itinabi ko ito upang hindi makita ni tiyang o kahit na ang Mama. Nag-ayos na ako ng aking sarili at masiglang lumabas ng aking silid. Diretso ako agad sa kusina. “Magandang umaga, Catherine,” bati sa akin ni Mama. “Sa inyo rin ho,” tugon ko. Umupo na ako sa tabi ng Mama. “Masigla ka yata Catherine,” puna sa akin ni tiyang. “Wala lang po, naisagot ko. Ibig kong makunsensya dahil sa paglilihim ko sa aking tiyahin ngunit mas makakabuti na iyong wala siyang alam. Nagsimula na kaming mag-agahan nang biglang may kumalabog ng malakas sa ika-apat na palapag. Natigilan ako at napabaling nang tingin sa hagdan. Nasa ika-dalawang palapag ang kuwarto ko, kay tiyang din. Ang kusina at malaking sala ay nasa unang palapag. Ang ikatlo ay ang balwarte ng Mama. Ang ikaapat ay wala pa rin akong alam kung ano o kung sino ang nandoon. Pinisil ni Mama ang aking kaliwang kamay. “Kumain ka na Catherine, baka mahuli ka pa sa klase,” anito. Napatango ako. Bumaling naman ito kay tiyang. “Tingnan mo nga Nely,” utos nito. Sinunod naman ni tiyang ang utos nito. Ibig kong sundan ito ngunit nasa harapan ako ng Mama. Masiyado na talagang matindi ang aking kuryosidad na malaman kung sino ang naroon sa itaas. Lalo na rin ang mga nangyayari sa akin nitong nakaraang araw. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong sagot patungkol sa agarang pag galing ng mga pasa ko sa katawan. “Mauna na ho ako,” paalam ko kay Mama. Ngumiti ito at tumango. KINUHA ko ang aking baon at agad nang umalis ng bahay. Lulan pa rin ako ng sasakyan nang madaanan namin sa kalsada ang mga nagkukumpolang mga bampira. Sumilip ako at inusisa kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Dalawang asong lobo ang nakita ko. Napasinghap ako. Kung ganoon ay ngayon lamang nakita ang dalawang iyon na muntik nang makapatay sa akin. Nagtataka kaya sila kung bakit o kung paano iyon namatay? Puno ng agam-agam ang aking utak nang makarating kami ng unibersidad. Sa pagbaba ko ng sasakyan, agad na sumalubong sa akin si Mocha. “Magandang umaga,” masigla kong bati kahit na medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. “Iyong pabango mo?” anito imbes na batiin ako pabalik. “Nandito sa bulsa ko,” sagot ko at ipinakita sa kanya. Kinuha niya ito at ginamit sa akin. Halos ubos na ito ng ibalik niya sa akin. “Para walang aberya. Tara na, gayak nito sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako at umingkis sa braso nito. “Sino kaya ang pumatay sa dalawang iyon?” Narinig kong ani ng isang estudyante nang madaanan namin ito. “Mocha? Ano iyong pinagkakaguluhan nila sa labas?” kunwari'y tanong ko nang paakyat na kami sa ikalimang palapag. “May pinatay na dalawang taong lobo sa masukal na parte ng gubat noong isang gabi. Sa datos na nakuha ko. Isang bampira ang nakasagupa ng dalawang iyon. Pero ang ikinababahala ng marami, walang bakas na ito'y hinawakan man lang o nakipaglaban ang mga ito. Imposible ring si maestro Keanno ang may gawa no'n dahil hindi naman ito umuwi. Mukhang iba ang may gawa niyon,” mahabang paliwanag nito. Si Steffano ang may gawa noon pero hindi siya mamamatay. Iniligtas niya lamang ako sa mga iyon. Napalunok ako. “Taong lobo? Ang akala ko ba ay bampira lang ang nandito sa lugar na ito, gulat kong tanong. “Hindi lang naman kami ang nandito Catherine. Mula pa man noon ay kakambal na ng mga bampira ang mga taong lobo. Hindi rin naman kasi sa lahat ng panahon ay mamumuhay kami ng mapayapa. Kaya mag-iingat ka sana lagi,” aniya. Napatango na lamang ako. Ang dami ko nga pala talagang walang alam sa mundo. Naupo na kami ni Mocha at nagbuklat na ng libro. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Iniisip ko rin si Steffano. “Mocha 'di ba ang sabi mo, iba ang may gawa no'n. Ano bang klaseng bampira si Keanno?” pang-uusisa ko. “Sila iyong may mga dugong bughaw. Nabibilang sila sa Class S. Sila iyong mga mas makapangyarihan sa lahat. Ngunit isa rin silang malaking banta sa lahat,” biglang sumeryoso ang mukha nito. Napalunok ako. Hindi naman ganoon kapanganib si Steffano. Sa katunayan pa nga ay mas iniingatan nito ako. Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy na sa pagbabasa. Kakaiba rin ang paaralang ito. Walang pasulit sa araw-araw ngunit kay haba naman ng eksam. Mahaba rin ang mga babasahin ko. Napatungo ako sa aking mesa. Hinahanap-hanap ko na naman siya. Namutawi na naman sa aking kaisipan ang eksenang nangyari kagabi. Walang pagsidlan ang aking tuwa ng mga oras na iyon. “Catherine!” Napaangat ako ng paningin. “Bakit?” taka kong tanong. “Nasa kawalan ka na naman. May biglaan tayong pasulit.” paliwanag nito. Napanguso ako at napalumbaba. “Ano namang pasulit iyon?” Napangiti ito ng malapad. “Taguan sa kabilugan ng buwan.” Napangiwi ako sa isinagot nito. “Ano naman iyon?” pang-uusisa ko. “Iyan ang mga paborito kong pasulit dito. Mamayang hapon magsisimula ang laro. Taguan lang naman ang gagawin natin at may taga-hanap din naman.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Hindi ako puwede diyan Mocha, natatakot kong wika. Nababaliw na ba sila! Hindi ito isang simpleng taguan. Makikipagtaguan ako sa mga bampira! Diyos ko naman Catherine! “Nandito naman ako Catherine kaya magiging ligtas ka.” paniniguro pa nito. Napalunok ako. “Gagabihin tayo sa paglalaro niyan?” Napatango ito na para bang 'di niya alintana na isa akong tao. Diyos ko! Napatampal ako sa aking noo. Sana naman ay hindi ako mapahamak sa pasulit na ito. Kakaiba nga ang eskwelahang ito. “Madami ba ang taga-hanap?” muling tanong ko. “Buong Class-B kaya madami-dami rin ang mahuhuli ngayon at makaka-eksam. Mabuti na iyong ganito dahil mapapaliban tayo sa mahabang pagsusulit,” ani Mocha. Napalunok akong muli. Panay na yata ang paglunok kong ito. “Magpahuli na lang kaya ako, nakanguso kong saad. Napahampas ito sa mesa, dahilan para buong kaklase namin ay mapatingin kay Mocha. Nataranta ako sa inasal niyang iyon. Nairap lang ito sa aming mga kaklase at humarap sa akin. “Kapag nahuli ka, dalawang pasulit ang ipapagawa sa mga talunan. Una ay ang mahabang pasulit na nakatala sa papel. Pangalawa ay ang paghahanap ng makakain sa pusod ng kagubatan. Maraming taong-lobo ang nakapaligid sa lugar na iyon. Kaya mamili ka, magtatago ka o magpapakamatay ka, walang gatol nitong wika. Limang beses akong napalunok sa sinabi niyang iyon. “Ano na ang disesyon mo?” tila kampante pa ito habang tinatanong ako. Napahilamos ako ng aking mukha. Napabuga ako ng hangin. “Magtatago na lang ako,” tila nga't wala akong pagpipilian. “Mabuti naman,” sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD