It's been three days since that incident happened at simula noon, lumalayo ako sa kanya. I mean, hindi ko hinahayaang magkrus ang landas namin na siyang madali naman dahil nasa kuwarto lamang ito, minsan ay may ginagawa o ano.
Tuwing magkakasalubong kami sa mansion―which is madalang lang―ay lumiliko na kaagad ako ng daan, o kaya'y magpapanggap na may ginagawa o tinitignan.
To be honest, masakit eh. Parang nareject ka sa kadahilanang hindi mo alam o ano. Not that I have a romantic feelings on him already pero kasi, yung pagpapaalis niya sa akin ay parang way na gusto niyang mawala ako sa buhay niya, o sadyang OA lang ako? I don't know, ang tanging malinaw lang sa akin ay ayaw ko muna siyang makita.
Nag inat ako at dahan dahang tumayo sa malambot kong kama. Mula sa side table na nandirito ay nakita kong alas sais pa lang ng umaga. Bumuntong hininga ako sa kawalan ng gagawin ngunit biglang pumasok sa aking isip na simulan na ang 'Oplan: Make over' nitong mansion.
Sa tatlong araw ko rito ay doon ko lamang napagmasdan ng maayos itong mansion. It's a three-storey building na may malalaking kuwarto―tulad ng tinutulugan ko ngayon. Bawat kuwarto ay malalaki talaga, halatang hindi pang ordinaryong kwarto at ang bahay na ito ay may labing dalawang kuwarto―anim sa first floor, lima sa second floor, at ang master's bedroom which is occupying the whole third floor.
Sa tatlong araw na pamamalagi ko roon, doon ko napansin na halos laging wala ang apat, laging may ginagawa kaya alis ng alis, at si Clyde naman ay minsang sumasama rito pero kadalasan ay nasa kuwarto lamang ito, hindi lumalabas-hindi ko alam ang ginagawa pero sa tingin ko'y puro tulog.
Ang limang katulong rito ay hindi ko makausap na siyang aking ikinataka. Actually, hindi ko sila nakitang kinakausap ng mga nandirito―kumbaga nandito sila, pero parang mga hindi naman nag eexist na siyang ikinatataka ko.
Tsaka ko lamang rin nalaman na mga kuwarto lamang ang kanilang linilinis at hindi ko alam ang dahilan nito. Gusto kong itanong ngunit nakakatakot, para silang taong patay, promise. Naglalakad, gumalaw, pero bakante ang mga mata.
Napagpasyahan kong tumayo at mag ayos na. Naglakad ako papunta sa banyo at binuksan ito. Hindi ko pa ring maiwasang mamangha dahil may bathtub, tapos napakalinis pa ng loob, parang hindi pinapabayaan. Well, ang bahay lang mismo ang pinabayaan.
Naligo ako at nagbihis. This time, sinuot ko ay sando at short short lang, as in four to five inches lang ang haba. Nakakapagtaka at bakit gumagawa pa sila ng ganito kaikling damit. Kulang ba sa tela, o ano?
Lumabas ako sa pinto. Okay, to be clear. Maayos naman ang pinto hanggang sa loob ng kuwarto. It's just that, pagdating sa sahig, pababa sa sala, napakarumi na. And to be honest, pati couch sa sala marumi. Hindi ko alam kung immune ba sa ganon sila Carmela at nagawa nilang humilata't umupo roon, o ano. Pero hindi naman tulad ng mga hagdan rito na punong puno ng sapot ng gagamba, mas maayos ng kaunti yung couches.
At tulad ng sinabi kong puro sapot nga-binuksan ko ang pinto ng aking kwarto ng may takip sa mukha, iyong panyo na malaki, ginawa ko itong ganon sa ninja. Para naman hindi ako mabahing.
Dahil ang Oplan: Make Over ay magsisimula na.
These things aren't new to me. Of course, pinahirapan na ako, hindi ba? Mas matindi pa nga ang naranasan ko dahil iyon, may kasamang sakit samantalang ito'y halos ituring pa nila akong prinsesa-ng walang kinakausap at nagsisilbi syempre.
Pero talagang nakapagtataka kung bakit laging wala sila Carmela. Pero ang talagang nakakapagtaka ay kung bakit hindi lumalabas ang Hari sa kuwarto niya.
Yumuko ako at pinasadahan ng tingin ang sahig. Kailangan nitong walisin. I wonder kung ilang dustpan ang magagamit? O kaya kung ilang balik ko iyong itatapon sa labas? Kasi, sobrang dumi talaga.
Tumingin ako sa hagdan na hindi ko pa nahahawakan kahit nung dumating ako. Halatang halata kasing hindi ito ginagalaw o hinahawakan. Basta, kapag sinalat mo, talagang babakat yung kamay mo. Muntik na ngang maging sobrang puti sa sobrang kapal eh.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid. Ang mga bintana sa kuwarto ay lahat nakasarado, at kitang kita ang naglalakihang sapot ng gagamba mula rito.
Nang maisip ko pa lamang na didikit ako sa gagamba ay kinikilabutan na ako.
Noong nasa mansion ako―yung punong puno ng slaves―talagang umiiwas ako sa gagamba ng hindi nagpapahalata sa kanila. Dahil once na malaman nila na takot ako sa gagamba, syempre iyon ang gagawin nilang daan sa akin para mas magmukha akong kawawa. Iyon ang weakness ko eh. Kaya ang ginawa ko, umiwas ako sa matalino at maayos na paraan.
Alam mo yung feeling na kahit hindi ka na nagsasalita, may nahahanap pa 'rin silang maipupuna sa iyo? Yung tipong nananahimik ka nalang, lumalayo, para hindi lumaki ang away, o para hindi ka mas masaktan.
Iyan ang ginawa ko noon, at mabuti nalang umepektib dahil nagawa ko iyon ng maayos, hindi nila nalaman ang weakness ko.
Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang buong mansion na ito.
Sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako sa kahahantungan ng lahat. Hindi ko alam kung magtatagal ba ako rito o ano. Hindi ko rin alam kung anong klaseng pagpapahiram ang gagawin nila―niya.
At ang walang pinapagawang ganito ay ang siyang kinakatakot ko. Paano kung patikim lang pala ito sa sarap ng buhay? At habang tumatagal ay mas lalo akong pahirapan? Huwag naman sana.
Muli ay napatingin ako sa mga sapot ng gagamba kaya napangiwi ako.
In this mansion, I have to face my fears. Kasi sa totoo lang, may pakiramdam ako na malalaman nila lahat nh kahinaan ko-hahanap sila ng butas para ako'y mas mapahirapan. At ayoko sa iniisip kong iyon.
Sa totoo lang, natatakot ako sa kabaitang pinapakita nila. Paano kung maskara lang pala? Paano kung kinukuha nila ang tiwala ko? Paano kung... mas malala pa pala sila?
Umiling ako upang mabura ang aking iniisip ngunit may bagay-taong nakakuha ng atensyon ko.
Nakita ko siyang nakaupo sa couch―nagbabasa ng... hindi ko makita mula rito sa distansya ko. Pero kitang kita kong gumagalaw ang labi nito na tipo'y binibigkas niya iyon―hindi ko kasi marinig dahil malayo ako. At kitang kita ko ang frustration sa mukha nito sa tuwing mapapakamot siya sa kanyang buhok na kulay silver.
Napangiti ako sa kanyang ka-cute-an ngunit mabilis iyong nabura sa aking labi ng maalala ko ang kanyang sinabi noon.
"Don't let this innocent face deceive you."
Mukhang naramdaman niya ang aking presensya dahil napatingin siya sa itaas―kung nasaan ako. Clyde's frowning, tsaka muling ibinalik ang atensyon sa kanyang binabasa.
Hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwala dahil ang bata niya pa ngunit may ganon na siyang nalalaman. Pero paanong hindi ako makakapaniwala, nakita ko na nga siyang may dinidilaang puso, duguan ang kanyang kamay na parang kagagaling lang niya itong kuhanin―na parang siya mismo ang kumuha ng bagay iyon mula sa loob ng katawan.
Umiling ako upang mabura ang aking iniisip at napagpasyahang bumaba na lang. He is Clyde, even he's still young, kaya niya iyong gawin dahil isa siyang bampira.
Vampires are born heartless. Kaya matakot ka na kung nagpapakita sila ng kabaitan sa iyo dahil panigurado, may kapalit iyon.
Huminga ako ng malalim at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan. Napatingin ako sa aking kaliwa-sa hagdang papunta sa third floor at mabilis na umiling.
I shouldn't meddle to his business―as far as I remember, pinaalis niya ako―dahil ayaw niya sa presensya ko.
Hindi makapaniwalang umiling muli ako dahil sa aking sarili. I tasted the bitterness of my thoughts―which I don't know why. Siguro dahil ngayon ko lang sinubukang pumasok sa buhay ng iba―kung pumasok nga ba iyon―tapos itinaboy pa ako.
"You look like idiot Zane."
Nabalik ang atensyon ko sa realidad ng magsalita si Clyde. He's still focused on what he's reading and it seems like he's endorsed of what he is doing. Nalipat ang atensyon ko sa libro at nabasa dahil halos kaharap ko na siya.
Book of Alphabets. Basa ko sa pangalan ng libro.
Nalipat ko ang paningin kay Clyde na mukhang frustrated na frustrated―nakakunot ang noo, mas namumula ang mga nata at nakalabas ang pangil, pati ang mga kuko nito na dahilan upang parang mapunit ang ibang pahina ng libro sa diin ng pagkakahawak niya rito.
"Ay, Bi, Si, Di, Eh... f**k this." Bahagyang nanlaki ang mata ko pagkarinig ng kanyang pagmumura. Ghad, he's still a kid for freaking's sake!
Nag aalinlangan akong lumalit sa kanya dahil baka kung ano ang magawa niya sa akin dahil halata ang galit nito ngunit napagpasyahan ko ring lapitan ito dahil sa tingin ko'y kailangan niya ng tulong ko. For the first and maybe the last time.
Naglakad ako papalapit sa kanya habang ito'y tutok na tutok sa kanyang binabasa. Hindi ko alam kung naramdaman niya akong umupo sa likod niya o pinagsawalang bahala niya lang talaga dahil hindi manlang ito humarap.
"Ay, bi, si, di, ih, ep, gi, eyds, ay... wait, ay, and ay?"
"This is not Ay, Clyde." Tinuro ko ang 'A' alphabet. "It's Ey."
"But it's written―oh," mukhang nakita nitong mali ang pagkakabasa niya dahil nakita kong namula ang tenga nito at mas yumuko.
Oh, he's shy?
"Come here, tuturuan kita." Alok ko rito dahil halata namang kailangan niya ng tulong ng iba.
Ngunit mabilis itong umiling at humarap sa akin-gamit ang namumula pa 'rin nitong mga mata at ang mahaba ngunit maliit nitong pangil. "I. don't. need. your. help." Tsaka muling tumalikod, napanganga ako at nakaramdam ng takot ngunit nanatili pa rin ako sa likod niya.
Bakit may mga taong napakatataas ng pride? Alam na ngang kailangan nila ng tulong pero hindi pa 'rin makahingi ng tulong? Ni tumanggap hindi?
But still, nung humarap si Clyde ay namumula pa rin ang mukha nito. So cute.
"Ey, bi, si, di, ih, ep, gi, eyds, ay, zey... Fuck." Muli ay ginulo niya ang silver niyang buhok. Huminga ako ng malalim. He really needs someone pero sa ngayon, ako lang ang nandito.
"Clyde," Hinintay ko itong magsalita ngunit hindi ito nagsalita―parang binibigyan niya ako ng dahilan para makapagpatuloy kaya inabuso ko iyon. "Right now, you need someone, I can see it. And it's not eyds, its eyjs." pagtukoy ko sa 'H'.
Unti unting itong humarap sa akin-medyo nakayuko ang ulo―bago dahan dahang inabot sa akin ang libro. Naguguluhang sinalubong ko ito sa kanya ng nakakunot ang noo. Mas lalong yumuko ang noo niya.
Then, he said the cutest line in the world-from the cute kiddo itself.
"T-Teach me, then." Napakahina ng pagkakasabi niya―muntik ng makalagpas sa aking tenga ngunit napangiti rin ako at umayos ng upo. Hindi ko na pinaulit pa kung ano iyon dahil narinig ko naman na at baka kapag pinaulit ko pa, baka mas mainis lamang ito.
"Listen carefully, okay?" Sabi ko rito na nakakuha naman ako ng tango bilang sagot. Lumapit ako ng kaunti sa kanya na nakapagpaangat ng tingin nito sa akin. I smiled―my sweetest smile at binuklat muli ang libro mula sa pinakauna.
Bumungad sa akin ang sunod sunod na letters. So ang pagsusulat pala ang pinag aaralan rito kaya hindi niya alam kung paano bigkasin. Here's written a big and small letters of every alphabet-simple and cursive one.
Muli ay napatingin ako kay Clyde na nakatingin sa librong aking hawak. Kahit hindi sabihin, he's willing to learn.
But how come, he did pronounce the words perfectly? The one he told me three days ago?
"Master mindlinked me those words," Seems he read my mind. Vampire sucks.
"Yeah, we suck." He added. Muli ay kumunot ang noo ko.
"Tama naman ang pagkakabigkas mo ah?" The way he talked to me is like; he's so familiars with pronunciation.
Namula ito, yumuko muli bago sumagot. "I could talk to someone, but I couldn't pronounce those f*****g words independently." Oh I finally got it.
"So you mean, you only heard those words you're saying?" He nods. I almost said wow in amazement.
He has an awesome brain! An awesome memory!
"Oh okay, come here Clyde." I patted the extra space beside me; want him to come closer so I could teach him properly. Mukhang nag alangan pa ito ngunit maya maya ay lumapit rin.
Itinuro ko sakanya ang lahat ng alphabet mula A to Z kung paano ito bigkasin, and being Clyde, napakadali nitong natuto, halos tatlong beses ko lang inulit sa kanya ngunit nakabisado niya kaagad iyon. Even numbers! How is that?
Muli ay napatingin ako kay Clyde na nagsusulat ngayon―he's the one who got the papers from... I don't know. Basta pagkasabi ko pa lang na kailangan namin ng papel at lapis o ballpen, may hawak na kaagad.
His family is lucky to have him. Speaking of family, hindi ko pa ito nakikitang dumalaw rito o maski ay banggitin nila. And it's like, dito mismo nakatira si Clyde sa mansion na ito.
"Uhm... Clyde?" Medyo iginilid niya lang ang kanyang ulo―ipinapahiwatig na makikinig siya sa aking sasabihin. Nagdadalawang isip pa rin ako ngunit napagpasyahan ko na itong itanong. Nanalo ang kuryusidad ko.
"Where's your family?"
Which is wrong move, I think. Napahinto ito sa pagsusulat at dumiin ang hawak sa lapis. Nahigit ko ang hininga ko nang bigla itong maputol dulot lamang ng pagkakahawak niya, kasabay nito ang mariin niyang pagbibigkas ng mga salita na may halong galit.
"I don't have family."
+++++
Hanggang ngayo'y hindi pa 'rin mawala sa isip ko ang pag uusap namin ni Clyde kanina. Poor kiddo, he doesn't have a family he said. Pero ano... paano? Gusto kong malaman pero natatakot akong magtanong.
Tumingin ako sa damong hawak hawak ko at buong lakas na binunot ito. It's frustrating me, big time. Ang kawalan ng idea, at punong puno ng tanong ngunit sino ba ako upang maghangad ng sagot? I am no important person, that's what I know.
Pagkatapos sabihin iyon ni Clyde ay hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang aking sasabihin.
Si Clyde? Walang pamilya? Nakapagtataka, sa totoo lang. He's a cutie with silver white hair and red eyes, really. And oh, who's heartless enough to left a kid like him? I think, they have a reason.
Yeah, reason.
"How?" Nanaig ang kuryusidad sa akin, na imbis na tumahimik na lang ako ay tanong pa ako ng tanong. Hindi mo ako masisisi, kung ako ang pamilya ni Clyde, panigurado, hinding hindi ko iiwan 'to.
Unti unti itong kumalma. Nawala ang pangil nitong nakalabas at medyo umayos ang hininga. Ibinaba nito ang hawak nitong putol na lapis at isinara ang librong binabasa.
"I think they despite me the most, that's why they left me in the middle of forest, and luckily, king found me." Nahigit ko ang hininga ko. Hindi ako makapaniwala. Sa gitna ng kagubatan? Dmn, paano kung hindi siya nakita kaagad ni Hyde—este King? Baka walang Clyde sa mundo ngayon dahil maaaring pagpyestahan ito ng mga hayop!
"You could fight them..." Seriously Zane?
He chuckled without humor. "I'm still an infant that time, so how could I fight them?" What he said made me staring at him with disbelief, before I bow my head to think.
At a very young age... Clyde experienced that? How cruel the fate indeed!
Tumayo ito na dahilan upang maiangat ko ang paningin ko sa kanya, na sa tingin ko'y dapat nanatili na lang akong nakayuko at nagpapakalunod sa aking iniisip. Dahil sa ngayo'y feeling ko, ibang Clyde ang aking nasa harapan.
"You know what, Zane?" He smiles wickedly, that caused me almost jump into my sit. Gahd, he's... scary!
"Once I found them, I will be the one to kill them. And I'll torture them to death. Watch me." He said before he disappeared in my sight while I, left alone, mouth almost hanged open, wide eyes still staring at where he is standing while saying that.
Revenge isn't really good.
Pagkatapos ng pag uusap namin ay napagpasyahan kong sa labas na lang magsimula, sa garden. Feeling masusuffocate ako kapag sa loob ako nagsimula at bawat bagay sa sofa, magpapaalala sa akin ng pag uusap namin ni Clyde, at kapag mapapaharap ako sa third floor, sa kuwarto ni Hyde, at muling magbabalik ang alaala noong pinalabas niya ako.
Napahawak ako sa aking ulo at tsaka ito sinabunutan. Hindi ko na inalintana ang karumihan noon dulot ng mga damo na aking binubunot. Gahd, Zane! Magfocus ka nga sa ginagawa mo!
"Zane, you look like an idiot." Said by a voice.
Mabilis aking napabitaw sa aking buhok at napaderetdo bago dahan dahang humarap sa salita. Amusement is visible to his face and there's also an annoying smirk plastered on it. Ngumiti ako ng dahan dahan. Dmn, maybe Seifer now think I am crazy. Nakakahiya!
Pinadaanan niya ng tingin ang aking paligid na siyang ikinanuot ng noo niya. "There's a thing called turf cutter, as well as scissors, Zane." Wala na 'rin ang ngisi doon dahil nakita ko itong sumimangot ng makitang wala akong dala dala maski ano.
Napakamot ako sa aking noo. "A-Ah... gusto ko kasing bunutin 'to gamit ang aking mga kamay." Iminuwestra ko ang mga kamay ko rito ngunit mabilis 'ring binawi agad ng kumunot ang noo nito ng makita ang aking palad.
Ang tanga, Zane! Hindi ka manlang gumamit ng gloves para sana'y hindi nasugatan ang kamay mo! Tignan mo ang kamay mo ngayon, puro sugat?
He sighed deeply as if he's carrying both heaven and hell. "Malalagot kami nito." Bulong nito na hindi ko narinig dahil napakahina ng boses nito.
Ngumiti ako ng pilit—na sa tingin ko'y nagmukhang ngiwi dahil sa kapahiyaan. What am I going to do now?
Umupo ito sa aking harapan, kapantay ko at halos ilapit niya ang mukha niya sa akin na dahilan upang mapaatras ako. I wasn't wrong, Seifer is really a womanizer. Just kidding.
Kinuha nito ang aking kanang kamay at tinitigan. Ang assuming mo talaga, Zane! Namamalasakit lang 'yung tao! Tumingin ito sa akin at ngumiti, bago nagsalita.
"It's okay if I lick it? So it will heal—"
Naputol ang sasabihin nito ng may sumulpot sa harapan naming multo—este isang babae na nakasuot ng maid uniform na puro itim, mahaba ang buhok na parang hindi sinusuklay, napakaputo at walang kabuhay-buhay ang mga mata. Sa tingin ko'y papasa na ito sa pagiging si Sadako.
Humarap ito sa akin at pinanlisikan ako ng mata na siyang nakapagpaatras sa akin. Naimagine ko bigla ang mukha ni Sadako habang nakatingin sa akin at unti unting ngumanganga, kung saan may lalabas na kulay itim na likido—okay, tama na. Tinatakot mo lang ang sarili mo.
Pagkatapos akong panlisikan ng mata nito—na sa tingin ko'y nabasa niya ang nasa utak ko—ay ibinalik nito kaagad ang atensyon kay Seifer na nakaupo pa 'rin sa aking harapan—ang isang tuhod ay nakasayad sa damuhan habang ang isa'y nakaderetso na siyang pinagpapatungan ng siko nito.
"Master Seifer," Pagbibigay nito ng galang at bahagyang yumukod. "Our King wants to talk to you in his study room." Humarap ito sa akin at pinanlisikan ako ng mata bago biglang nawala sa aming harapan, at nakita ko na lang ang pagsarado ng pinto sa Hunted Mansion... este sa mansion ni Hyde mismo.
Tumayo si Seifer, na siyang dahilan upang mabalik muli ang atensyon ko sa kanya. He placed his hands on his pant's pocket that I think, his mannerism.
"I shall go, hindi dapat pinaghihintay ang kamahalan." I don't know but I found that as a joke that made me chuckled slightly. Tumawa 'rin ito ng mahina bago tumalikod. "Your equipments are here, don't injure yourself." Iminuwestra nito ang bagay sa gilid at halos mapanganga ako ng makita kung ano iyon. Turf cutter! Mapapadali amg trabaho ko!
Humarap ako sa kanya upang sana'y magpasalamat ngunit wala na ito sa aking harapan, at sa tingin ko'y nasa loob na ito.
May ngiti sa labing humarap ako sa turf cutter dahil sa wakas, gagamitin ko ito. Sa labas kasi ng mansion—kung saan kami ay mga bihag, at may nakita akong gumagamit nito at dahil siguro sa pagkabagot, naging araw araw ko iyong tanawin hanggang sa gusto ko nalang iyong gamitin.
Ganoon naman talaga, 'diba? Dati'y tinitignan tignan mo lang, tapos ngayo'y gusto mo ng makamit.
Ngunit nabura ang ngiti sa aking labi ng hindi sinasadyang napaangat ang aking mata sa bahay, at mula roon, may nakita akong anino ng lalaki na mabilis nagtago, kasabay ng pagtakip ng bintana sa isang kuwarto na nakapagpakunot ng noo ko, at ramdam ko ang kilabot na kumalat sa buong katawan ko.
Who's that?
Pimagsawalang bahala ko na lang kahit mahirap, at muling nagtuon sa paglilinis na aking ginagawa. It's been a long tiring day. Mabuti na lang at makulimlim ang labas.
***
"Hooh!" Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking noo at naghabol ng hininga. Hindi pala iyon kasing dali ng inaakala ko dahil bukod sa mabigat ang turf cutter, at napakalaki 'rin nitong hardin na aking nililinis. Hindi ko nga alam kung nakaka-kalahati na ako ngunit sa tingin ko'y hindi pa.
Isa pa, napakarami ko pang dapat tanggalin, ang mga rosas at iba pang bulaklak na bulok, pagkatapos ay kukuskusin ko pa ang fountain hanggang sa mawala ang mga lamot 'rito na sa tingin ko'y aabutan ako ng napakaraming araw.
Huminga ako ng malalim, kasabay noon ay ang pag ihip ng malamig na hangin dulot ng makulimlim na kapaligiran. Nanginig ang katawan ko sa lamig dahil punong puno ng pawis ang aking damit.
Feeling ko nga'y bakat na ang bra ko sa sobrang basa nitong suot ko dala ng dami ng pawis na inilabas ng aking katawan. Kung mataba lang ako ay matutuwa ako dahil syempre, iisipin kong papayat na ako, ngunit dahil halos buto buto na ako ay 'wag na lang.
Payat na nga, mas lalo pang papayat.
Muli ay ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Oo, kahit naglalakad lang ako ay napagod ako. Jusmiyo, ikaw ba naman ang magpabalik balik, maglakad nga lang papunta sa paaralan, nakakapagod na. Paano pa kaya kung—
Napaangat ang tingin ko sa langit ng maramdaman kong may tumulo sa aking basa. Napakakulimlim talaga ng langit at feeling ko'y may darating na bagyo dahil sa dilim nito. Huminga ako ng malalim at napagpasyahang ipinagpatuloy ang paglilinis. Ambon lang naman 'to, 'diba? Hindi nakakamatay.
Hindi pa man ako nakakahakbang ay biglang bumuhos ang ulan na noong una'y akala ko ay ambon lamang. Napatili ako sa inis. I'm soaked in this middle of garden. Iniangat ko ang turf cutter upang sana'y buhatin para makatakbo ako ngunit nakalimutan kong sobrang bigat nga pala nito. Muli ay napatili ako sa inis.
Ang malas!
Sinubukan ko ulit itong buhatin at baka may himalang dumating at bigla ko itong mabuhat ngunit wala talaga. Sighing in defeat, binitawan ko ito at tsaka umupo sa damuhan at niyakap ang aking sarili.
Hindi ko alam ngunit biglang tumulo ang luha ko sa pinaghalong frustration at confusion. Hindi ko mapagkakailang takit 'rin ako. Takot sa aking buhay at hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa akin.
Am I that unlucky? That thought trigger some memories. My family met an accident and I'm blaming myself for that. Kung hindi ko sila pinilit na umattend sa family's day sa aming paaralan ay baka magkakasama pa 'rin kami ngayon. The house that they left for me, the only thing that has memories of my family was taken by the authority. Kung hindi siguro ako naglakad noong gabing iyon, baka ako pa 'rin ang may-ari ng bahay na iyon. The mansion—hell mansion met their end and that's because of me again. I wonder, why am I unlucky?
I was left with plethora of questions that forever be left unanswered.
"Stand up if you don't want to be carried." I heard a terrifying cold voice that caused my body to shiver in coldness—not at the temperature outside but because of his voice... and presence.
Maybe my mind was just playing tricks on me that I heard his voice, his cold yet gentle voice.
Ngunit napapiksi ako ng makaramdam ako ng init sa aking kanang braso, at nagulat ako ng malaman kung ano iyon.
His body heat next to mine.
I felt his breathe on my right cheek. His chest is in my right arm, and his left hand is at my back while the other is at my tummy. It seems like he's hugging me. And it's so comfortable.
"You might get sick if you continue to soak in the rain." He whispered, tsaka lamang ako naging aware sa aming sitwasyon.
We're in the middle of pouring rain.
Nang matauhan ako'y mabilis ko itong naitulak. "s**t, umuulan!" Ngunit halos hindi manlang ito natinag. Napahawak ako sa likuran nito at ramdam ko ang tigas... Oh my gahd! Syet! Umuulan nga Zane!
I felt his chest vibrated for a short period of time, as well as I heard his chuckled. "You just noticed it?" Holeh fak! He chuckled! But no, baka magkasakit siya!
"Hindi!" Muli ay itinulak ko ito, this time ay humiwalay na ito sa akin. Pagkalayo nito ay kasabay ng pag ihip ng hangin na dahilan upang mapayakap ako sa aking sarili ng makaramdam ako ng biglaang lamig. "M-Magkakasakit ka..." Nanginginig kong sabi.
Napailing ito. "It's you who will get sick, with that body—" Pinasadahan nito ng paningin ang aking buong katawan. "—of yours." Tsaka ko lamang naalala na nakasando lamang ako. Syet, ang bra ko! Mabilis kong naiharang ang aking mga braso sa aking dibdib upang hindi niya makita.
I'll blame Dalia for this. She left me with no choice but to use red lingerie. After all, it's the only decent in there. Lahat iyon ay halos wala ng matakpan, at jusko lang, wala ng iba kundi puro ganoon!
He smirked when he saw my expression. Ghad, he smirked! "You don't have to hide that thing because seriously, what I saw is a flat board." Holeh mother of cow, I am not flat!
If Seifer is a jerk, then he is a king of jerk! Bagay na bagay!
He laughed, and I think the whole world stopped for a while. He looks more handsome while... laughing. "Let's go back to our house." Wika nito bago naglakad papalapit sa akin. Papalapit sa akin! What should I—
Ngunit nilagpasan niya ako at nagtuloy sa turf cutter na nasa likuran, at ng lingunin ko ito'y walang kahirap hirap niya itong binuhat at tsaka nagsimulang maglakad. Confirmed! Assuming ka lang talaga, Zane.
"You'll start walking by yourself or do you want me drag you?" Opo, kamahalan. Susunod na po.