Kinabukasan, pagkagising ko ay ramdam ko ang pananakit ng aking katawan. Feeling ko'y tumakbo ako ng ilang milya dahil sa pananakit ng mga muscles ko sa buong katawan, at ang ulo ko'y napakabigat na animo'y may batong nakalagay sa loob.
Umungol ako ng sinubukan kong tumayo ngunit mas sumakit lamang ang aking katawan. Ano bang ginawa ko kagabi? Naligo lang naman kami sa ulan ni Hyde—
Napadilat ako at napatingin sa kisame. This isn't my room.
Tinignan ko ang aking damit ngunit nanlaki ang mata ko ng isang malaking t-shirt na lang ang nakasuot sa akin, at kitang kita ang legs ko dahil sa ikli nito. Tsaka ko lamang pinakiramdaman ang paligid.
Sa aking harapan ay may malaking TV na animo'y parang sa sine, sa gilid ay kung saan may study table at sa gitna ay may mga sofa na animo'y doon ang tanggapan ng bisita. Nang mapatingin ako sa gilid ay nakita kong ang malaki at mahabang glass wall ay natatakpan ng makapal na kurtina na dahilan upang hindi pumasok ang sinag ng araw sa loob.
Pinakiramdaman ko ang kutsong aking hinihigaan. Malambot, at masarap sa pakiramdam, at pamilyar ang amoy na nasa buong kapaligiran. Kaamoy ni Hyde—
Nanlaki ang mata ko. Walang damit maliban sa malaking tshirt, masakit ang katawan, at nasa ibang kwarto.
Mabilis akong napaupo sa kama, bago ko pa man maramdaman ang biglaang pagkahilo at ang pagsakit ng buong katawan ko ngunit nilabanan ko iyon.
Syeeeeet! May nangyari ba? Bakit wala akong matandaan? Ang natatandaan ko lang ay naglalakad kami ni Hyde papunta sa mansion tapos wala na! Hindi ko na matandaan ang susunod! Naisuko ko na ba ang pagkabirhen ko? Oh no! Paano iyon mabawi? Help!
At 'diba, sabi nila. Kapag may nangyari 'raw sainyo, dapat masakit yung ano mo? Yung ano. Basta!
Pinakiramdaman ko ang aking sarili, lalo na sa pagitan ng aking hita ngunit wala akong maramdamang sakit doon, tanging ang mga muscles lang talaga. Pero bakit nakahubad ako, 'diba? Imposible namang—
"Don't think about naughty things, you need to eat."
Mabilis akong napalingon sa malaking pintuan ng marinig ko ang taong nagsalita mula roon ngunit hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi dahil sa lalim ng aking iniisip. At mula doon, pumasok si Hyde na topless, nakalandakan ang matipuno nitong katawan na sadyang nakakaakit, at medyo nakababa ang pantalon na dahilan upang makita ko ang V line nito.
Mabilis akong napaiwas ng tingin. Ano ba, Zane! Harap harapang pagnasaan ba?
Ngunit mabilis na bumalik ang tingin ko sa kanya ng maalala ko ang hawak nitong tray. At tama nga ako, pagkain at gatas na may prutas. Sosyal! Kakain na yata siya, dapat na 'kong umalis. Nakitulog na nga ako, ang kapal ko naman kung makikikain pa ako.
Sinubukan kong tumayo ngunit nakaramdam ako ng matinding hilo na siyang nakapagpahinto sa aking ginagawa at napapikit. Ramdam ko 'rin ang pananakit ng likod ko na parang nirarayuma ngunit hindi! Bata pa ako!
"Don't move," Doon ko lang namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. Tumingin ako sa dala nito, sa pag aakalang magugutom ako dahil hindi pa ako kumakain simula kahapon ngunit kabaligtaran, feeling ko talaga nasusuka ako.
Syet, nasusuka ako? Bakit?!
"Come on, eat this." Inilapag ni Hyde—este King Hyde ang mga pagkain sa aking hita tsaka umupo sa tabi ko. Doon ko napansin na mushroom soup pala iyon, ang paborito ko, ngunit wala akong maramdamang kahit anong gutom. Feeling ko kahit inumin ang gatas ay isusuka ko.
Nagmamakaawang tumingin ako rito. "Hindi ako gutom," Tumaas ang kilay nito, bago nauwi sa pagkunot.
"You haven't eaten until yesterday." Nanlaki ang mata ko, paano niya nalaman?
"I can read your mind," Dagdag nito. Nabilaukan ako sa sarili kong laway na dahilan upang medyo matapon ang gatas at mushroom soup na nasa tray kaya inilayo niya iyon.
Pero syet, bakit nakalimutan kong nakakabasa nga pala ng isipan ang mga bampira?
"Try to block it," Napatingin ako rito at nakitang nakangisi ito sa akin. He looks—okay, I'll shut up.
"Baka naman kaya ko?" Bulong ko sa aking sarili ngunit natauhan 'rin ako kaagad ng tumawa ito.
Syet, vampire hearing. Syet talaga. Wala akong lusot.
"And no, nothing happened between us." Nakangisi nitong sabi na dahilan upang pamulahan ako ng mukha.
Syet naman! Pinaalala pa!
Pero... "Bakit masakit ang katawan ko? Sigurado ka bang wala?" Bakit... parang nanghihinayang ako? Joke! Joke lang talaga!
"Bakit..." Kinilabutan ako sa klase ng boses na kanyang ginamit. Malalim... at mapang akit. "Gusto mo bang, subukan natin?" Pagharap ko ito ay nakita ko itong nakangisi, ngunit namumungay ang kanyang mga mata sa... sa... syet!
Mabilis kong kinuha ang kutsara sa mushroom soup at biglaang sumubo na dahilan upang halos iluwa ko dahil sa init. Mabilis kong naramdaman ang pamamasa ng aking mga mata dahil sa pagkapaso.
"Be cautious," Bulong nito sabay abot sa akin ng gatas. Maligamgam lamang ang tubig noon kaya ininom ko kaagad. Sana'y yung malamig manlang ang dinala niyang gatas. Ang init! Ang sakit ng labi ko.
"Where does it hurt?" Tanong nito. Umiling ako at uminom muli sa gatas. Inangat ko ang aking tingin upang itanong sana kung ano ang nangyari kahapon ngunit nagulat ako dahil... sa... lapit niya sa akin.
His face was just an inch or two before mine, and while I was staring at his stormy eyes, I suddenly remembered how the clouds formed before it rain yesterday. It was like a storm, and you badly want to see where do it start and end.
"Does... does your eyes really like this? Even you're vampire?" Bulong ko sa kanya. Dahil nakatingin ako sa kanyang mata ay nakita ko itong bumaba, sa aking labi, bago muling ibinalik ang paningin sa akin.
"It's... gold," Mahina at malalim nitong sabi bago unting lumapit. Our nose are slightly touching. Lumayo ako ng unti dahil naduduling ako, at dahil ang awkward kapag duling.
"Can I... see?" Inosente akong tumingin rito. I think... it's time to face my fear, right?
Sa totoo lang ay takot na takot talaga ako sa mga bampira. Hindi ko pa 'rin kasi makalimutan ang nangyaring muntik na akong mamatay noon. Paano kung hindi ako napunta sa mansion na iyon? Baka siguro ay nasa langit na ako... kung sa langit ba ako mapupunta.
Isa pa, noong nakita ko ang pulang mga mata ni Dalia ay bumalik ang takot na pilit kong itinatago noon upang hindi nila mahalata. Syempre, kapag nakita nila, magtatanong sila ng magtatanong hanggang sa mapaamin ako. Pero sa tingin ko'y hindi na noon kailangan, dahil nababasa nila ang isip ko, at baka doon pa lang, alam na nila ang lahat ng sikreto ko.
"No," he brushes the hair strands to my side. Kumunot ang noo ko. No? "I won't let them read your mind." Dagdag nito. Ah, iyon pala.
Napangiti ako. "Then my secrets are still safe?" Tumingin akong muli sa kanya habang nakangiti ng matamis. Nakita ko itong natigilan, bago umubo at nag iwas ng tingin.
"Y-Yeah."
"Ahhh," Tumatango tango kong sabi, bago nabalik ang atensyon ko sa kanya. "Can I see your eyes... please? Pretty please?" I used my puppy eyes, ha! Makakaya mo bang tiisin 'yan Hyde?
I heard him cursed, "Dmn, you're stubborn when you're sick." Bulong nito sa hangin na ikinanuot ng noo ko dahil sa pagtataka. Hindi ko narinig! Ano ba 'yon?
Humarap ito sa akin, kasabay noon ay ang pagnganga ko dahil sa kulay ng kanyang mata. It's... gold! It looks like, a storm with sunlight. I mean... ugh! Paano ko ba ieexplain.
"Happy, kid?" I was mesmerized by his handsome face. Dmn, he looks so hot with his fangs!
Hinawakan ko ang labi nito gamit ang hinlalaki ko tsaka ko hinaplos. "I wanna see your fangs again." Ngumuso ako. May gayuma ba ang pangil? Bakit parang ang cute niyang tignan sa ganon? Ay mali! Ang hot niya! Hot!
"No," Pagkasabi niya noon ay biglang bumalik sa pagiging silver ang kanyang mata at nawala ang kanyang pangil. Napanguso ako. Ang kj!
"Sige na, Hyde!" Hinawakan ko ang mukha nito habang natitigilan siya at nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng matamis. "Game, game! Pakita mo ulit!" I was like a child, waiting for her gift to give.
Umiwas ito ng tingin. Mas lalo akong napanguso. Tumayo ako upang umupo sa hita niya para hindi na siya makaiwas pa ng tingin ngunit napaungol ako sa sakit ng kumirot ang baywang at hita ko. Sa totoo lang, tinitiis ko lang ang sakit sa braso ko para makita ang pangil at ginto niyang mga mata. Ang cute cute kaya!
"What did you call me?" Tanong nito gamit ang malalim... at mapang akit niyang boses.
"Uhm..." kunyari'y ako'y nag iisip. "Hyde?"
Napatili ako ng bigla ako nitong binuhat, at ipinaupo sa kanyang hita. "Hyde, huh?" He breathe into my neck, I shiver.
"Nakakakaliti!" Umiwas ako ngunit mas isiniksik nito ang kanyang mukha sa aking leeg.
"You're my slave, right?" He whispered. Ewan ko ba! Dala siguro ng boses nito kaya ako kinilabutan. Syet, ang seksi pakinggan!
"Yeah," I breathe, kinapos ako ng hininga dahil sa boses niya eh! "I am your slave, master." Mahina kong sabi sa kanya dahil ang hirap huminga, naiintimidate ako sa kanyang presensya.
"As a punishment—" Mahina nitong sabi. Este seksi. Ngunit ano? Parusa?!
"What?!" Nakita ko itong napangiwi. Ops? Vampire hearing.
Pero may ginawa ba akong mali?
"Yeah, you called me Hyde. It should be King Hyde or Master." Bulong nito, at binigyang diin ang salitang King at Master. Tumawa ako ng mahina.
"You? King of jerks." Tsaka ako muling tumawa, ngunit natigilan ako ng maramdaman ko ang malamig nitong kamay sa aking hita. Napalunok ako at nanginig dahil sa lamig ng kamay nito.
"And... you call me what?"
Syet, he's serious. "King... King..."
"King of what? Hmm?" I felt his lips on my neck, slightly kissing it. Syet! Napadiin ang kapit ko sa kanyang balikat na matigas. His... body heat next... to mine. Napalunok ako at feeling ko hindi ko na kayang tumayo dahil kahit nakaupo ako sa kanyang hita ay ramdam ko ang panginginig ng aking mga paa.
"I-I'm sorry... King Hyde." Mahina kong sabi at napayuko, bale, naisandal ko ang aking noo sa kanyang balikat.
I'm... too scared to move, or even say something. How stupid of me. I am just a slave but... I speak, think, and act like this in front of our king.
Simula n'ong kuhanin niya ako mula sa mansiong iyon ay aminado akong pagmamay-ari na niya ako. He could just easily dispatch me, or drink my blood until I'm become empty and lifeless.
Napalunok akong muli sa aking iniisip. There's a high possibility that he will dispatch me in his mansion, then I will be left nothing, walking with feet, wearing this thin tshirt, nothing. Or he can punish me until he stops.
Wait, what kind of punishment?
Pumikit ako ng mariin at inis na napaungol. Mamamatay na lang ba naman ako, iyon pa ang aking iniisip! But you can't blame me! He has this kind of body—like a Greek god from Mountain of Olympus and—
Syet, my thoughts are not pure anymore!
"Another punishment for thinking sexually about me when in the fact, I am just in front of you—"
"Sorry na King Hyde! Kasi naman, magdamit ka naman po oh! Nakakatempt! Tapos—"
"And for cutting what I am saying—"
"I'm sor—" Natigilan ako ng makita ko ang mukha nito, nakatingin ito sa akin habang nakataas ang gilid ng kanyang labi, bago muling nagseryoso.
"How many times do I have to punish you? Hmm? Did you count it?" Napakagat ako ng labi.
"F-Four," Bulong ko at napayuko. Itinaas niya ang aking mukha upang magpantay ang aming paningin.
"Four, hmm?" Yumuko ito papunta sa aking labi.
"Hyde..." I moaned when I felt his skillful tongue in my neck which caused me to—
"Ah!" My mouth hang opened when I felt two sharp things suddenly seized its way into my veins. It hurts, at the same time... pleasurable.
Napapikit ako at napahawak sa kanyang balikat ng lumabas muli ang ungol sa aking bibig sa sensayong aking nararamdaman. He's sipping my blood, and it feels like...
I don't know how long I've been moaning because of the pleasure his fangs giving me, but before I know it, I was lost in darkness, but I heard a pinch whisper said by someone.
"You're my slave; you ought to give me blood."
++++
Nang magising ako ay katahimikan ang bumungad sa akin. Masakit ang ulo, dahan dahan akong umupo sa pamilyar na kama na may pamilyar na amoy. Nang inilibot ko ay doon ko lamang napansin na nasa kwarto ako ni Hyde—King Hyde. Minsan na kasi akong nakapasok 'rito ng dalhan ko siya ng pagkain.
Napapikit ako at sentido sa aking noo ng biglaan itong sumakit. Nanlalambot ako— ang nararamdaman ko tuwing kagagaling ko lang sa sakit, at ewan ko ba, parang may mali.
Napatingin ako sa orasang nasa gilid at halos manlaki ang mata ng makita ang oras. Syet, 3:15 pm? Don't tell me, tulog ako maghapon? At bakit ako nandito sa—
Natigilan ako ng may mapansin akong dugo sa kama, at sa bandang balikat ng aking polo. I have this weird feeling na may ginawa ako kanina na hindi ko matandaan dahil, sandali. Ako lang ba ang may weird na ginagawa kapag may sakit? At hindi matatandaan na akala mo'y may hangover at amnesia?
Pero sandali, ano itong dugo? At bakit wala akong suot na underwears sa ilalim nitong polo? Isa pa, anong ginagawa ko 'rito sa kwarto ni King Hyde?
Narinig kong bumukas ang pinto. Naguguluhan, tumingin ako doon at nakita kong pumasok si Dalia na may dalang tray ng pagkain at may bimpo sa gilid. "Oh, gising ka na pala." Ngumiti ito sa akin, na hindi ko nasuklian dahil hindi ko alam ang aking mararamdaman.
Una, nasa hindi ako pamilyar na kwarto, at walang suot maliban sa napakalaking polo na hindi sa akin, dahil halatang panglalaki ito—kay King Hyde siguro.
Pangalawa, bakit may dugo, sa kama at sa balikat ko? Hindi sinasadyang nailagay ko ang aking kamay sa aking leeg at sinalat ito. Walang sugat pero feeling ko, medyo mahapdi pa 'rin. Para bang may sugat sa loob.
Pinanuod kong ilagay nito ang tray sa gilid kung saan may maliit na lamesa bago humarap sa akin. Siguro'y alam niyang may itatanong ako sa kanya. Naramdaman niya.
I once read that vampire cats have strong sense of any feeling. I mean, when you're confused, or sad, they will feel it. Hindi ko lang alam kung totoo 'yon, o gawa gawa lang.
"Anong nangyari? At bakit... bakit ako nandito?" Ang totoo'y gusto ko talagang itanong kung bakit... may dugo ang leeg ko. Ngunit sa tingin ko'y... dapat kay King Hyde ko iyon itanong.
Pero may lakas ba ako ng loob? Lalo na't... hindi ko alam kung anong pinaggagagawa ko kanina.
Nakakainis! At nakakahiya!
"Nahimatay ka kagabi at inaapoy ka ng lagnat. King wants you to be monitored that's why you're here." Ah. Eh ang damit ko, sino nagbihis?
"S-Sinong nagbihis sa akin?" Lakas-loob kong tanong. Ngumiti ito, ng may halong malisya na hindi ko alam kung para saan. Ngunit pinagwalang-bahala ko nalang iyon.
"I was the one who changed your clothes." Nakahinga ako ng malalim sa dinugtong nito. Nang tumingin ako rito'y gan'on pa 'rin. Sandali, iniisip ba nyang akala ko'y si King Hyde ang nagpalit sa aking damit?
Tanging isang tanong na lang ang natitira sa akin ngunit hindi ko alam kung kaya ko ba 'yong itanong?
I shook my head, "Thank you, Dalia." I shouldn't ask it in her. As I've said, only Hyde will answer that.
"It's frustrating me. Why can't I read your mind? I know something's bothering you. I can feel it." Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita kong parang bata itong bumuntong hininga. Then she pouted. "Tell me?"
Ngumiti ako ng tipid. "I want to, but..." Hindi ko na naituloy ang akong sinabi dahil pinamulahan ako ng pisngi ng hindi ko alam kung bakit. Napayuko ako. Okay, fine. Nahihiya ako. Paano kaya kung may ginawa ako kanina na sobrang nakakahiya?
"Ah!" Mabilis na napaangat muli ang aking paningin sa kanya ng marinig ko itong magsalita. Para bang... may naalala ito. "May sasabihin ako sayo, basta ba, sikreto lang natin, ah?" Umupo ito sa kama at hinaplos ang aking mahabang buhok na malayang nakalugay sa aking likod.
"Wala naman sila dito, eh." Kumunot ang noo ko. Sinong sila? "I mean, lahat sila."
"Teka, akala ko ba'y hindi mo nababasa ang isip ko?"
She smiles sheepishly, "Hindi nga, pero halata sa mukha mo." Oh, that's it? Am I that transparent?
Pero... "Ano 'yung sikretong sinasabi mo?" Nakakunot noo'ng tanong ko. Okay, aaminin ko. Nakukyuryus ako sa kanyang sinabi.
Ngumiti—ngumisi ito. May kung ano sa kanyang ngisi na akala mo'y may binabalak na masama ngunit wala. "Basta ba, ipangako mong sikreto lang natin 'to!"
Hindi ako nangangako lalo na't hindi ko alam kung matutupad ko ba, ngunit itong sikretong kanyang sasabihin ay pinapangako kong hindi ko ipagkakalat. After all, she said it's a secret. And every secrets need to be keep.
Isa pa, sa oras na mangako ako, gagawin at gagawin ko ang lahat upang manatili ang aking pangako.
"Oo nga, pangako." Itinaas ko ang kanan kong kamay na akala mo'y nanunumpa. Huminga ito ng malalim tsaka napahagikhik ng akala mo'y may naalalang nakakatawa.
"Kaninang umaga..." Binitin nito ang kanyang sinasabi at tumingin ng may malisya sa akin. Napasimangot ako—kahit na parang gan'on ang lagi kong ekspresyon.
"Nakita ko si King Hyde, nagmamadaling lumabas ng kwartong ito ng..." Napahinto ito na akala mo'y may iniisip. "8 am? Basta 'yon." Muli ay bumalik ang ngisi nito. Habang ako'y naiwang nakatanga.
'Yun na 'yon?
"Of course not!" Ngayon pa lang, hindi na ko naniniwalang hindi niya talaga nababasa ang isip ko.
"King Hyde is known for being obsessive-compulsive, characterized by perfectionism. He's planning everything ahead in time, as in example. May lakad kaming mga servants niya. Tatlong araw bago iyon, sasabihin na niya para maging handa kami. Ito pa ha, maaga siya kung gumising dahil nga, hindi niya ugaling i-asa sa iba ang trabaho niya." Huminto ito at napahagikhik muli.
"Pero alam mo kanina? First time!" Tumawa ito. "7 am ang usapan. And by seven, they should be on library, you know, ready to go. Kasi pupunta sila sa Jiastrixus para sa... secret!" Kumunot ang noo ko. Jiastrixus? Anong klaseng salita 'yon?
"Ah, oo nga pala. Jiastrixus is our world." Ah. Wait, may iba pang mundo maliban sa Earth?
"I'll tell you next time, pero ilalabas ko muna 'to, please!" Tsaka ito humalakhak.
Okay fine, naguguluhan na 'ko. Bakit ganito siya? Not that I'm questioning her being like this but uhh... it seems like she's making fun of their King?
"Lumabas si Master mula sa kwartong ito, nagbubutones ng damit tapos gulo gulo ang buhok, literal na natataranta na siyang hindi niya talaga ugali." Kumabog ang dibdib ko ngunit pilit ko itong itinatabi sa isang gilid. Okay, baka nalate lamang siya ng gising, hindi ba?
"So tell me, nirape mo ba siya?" Nanlaki ang mata ko at mabilis na napatingin sa kanya.
"WHAT THE F— OF COURSE NOT!" Malakas na sigaw ko sa kanya habang hindi makapaniwalang nakatingin rito. Ang may tingin nitong malisya sa akin ay nauwi sa halakhak.
"Damn! Your face was priceless! That was epic!" Then she continues to laugh.
But wait, totoo bang... lumabas si King Hyde ng gan'on? Este... baka naman kasi nalate lang siya ng gising, hindi ba?
O kaya nama'y nakalimutan niya na may usapan sila, tapos noon niya lang naalala?
Hindi nagtagal ay medyo nakaget over na 'rin ito sa katatawa habang ako'y nakatanga lang sa kanya. I mean, I don't get it. Wala naman yatang nakakatawa 'don, hindi ba?
"But you know what?" Sabi nito. Namumula mula pa 'rin ang kanyang mukha at namamasa ang mga mata dahil sa sobrang tawa. Sa totoo lang, medyo natatawa pa ito, pinipigilan lang.
"Hmm?" Napakagat labi ako.
"When Seifer asked why he's late... you know two, they are best buddies." Best buddies? Hindi 'ko alam 'yon, promise. "Seems like you didn't know. Poor you," Yeah, poor me.
"But yeah, Seifer is a prince," of jerks. I want to add but... wait. Nakita ko itong seryosong nakatingin sa akin. Unti unting nagloading ang lahat.
She's serious, and Seifer is really a prince.
"And King Hyde was a prince—until his family was murdered." Murdered?
So, kaya siya naging hari dahil walang papalit na mamumuno sa kanila?
"How?"
"Ops!" She acts like she's zipping her mouth. "Not my story to tell!" I pout. Ayon na, 'eh. "But yeah, back to topic. Do you know what King Hyde answered?"
Umiling ako. Syempre, tulog ako n'ung nangyari 'yan kaya paano ko malalaman?
But her malicious face tells everything. "'Some tempting angel put her curse into me' that's what he said," The malicious in her face confirmed it.
Syet, sigurado na ako, may ginawa nga akong hindi kanais nais!
***
Pagkalabas ni Dalia ay mabilis akong tumayo at bumalik sa kwartong nakalaan talaga para sa akin. Yakap ang aking mga binti habang nakaupo sa kama, pinipilit kong alalahanin ang mga kalokohang aking ginawa kanina dahil sa totoo lang, feeling ko wala akong mukhang ihaharap sa kanila—as in sa kanilang lahat, lalo na't hindi ko alam ang nangyari.
Kainis naman kasi! Kaya ayokong nilalagnat, eh! Sa susunod nga, pakipaalalang huwag na akong magpapaulan! Nakakahiya! Feeling ko nagkatrauma ako!
Nakarinig ako ng tatlong sunod sunod na katok sa aking pintuan na siyang halos nakapagpalundag sa akin. "Wait!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta 'doon.
Pagkapasok ko kasi kanina 'rito sa aking kuwarto ay nagtuloy ako sa CR upang maligo at makapagmuni-muni. At hanggang ngayo'y hindi ko alam ang aking gagawin.
Pagbukas ko ay halos matulos ako sa aking kinatatayuan. s**t. Alam mo 'yung feeling na nagbabalak kang layuan siya pero eto siya ngayon sa harapan mo? "K-King..." Nahihiya kong sabi.
Lumapit ito na siyang nakapagpaatras sa akin. Hindi ko alam ngunit iyon ang biglaang ginawa nf aking katawan. It was like it senses a threat but in fact, it's not a threat.
But a dangerous gift.
Napahinto ito sa aking biglaang pag atras, mukhang hindi niya 'rin 'yon inaasahan.
Nang makabawi ako'y mabilis kong niluwagan ang pintuan ng aking kwarto. "Pasok ka po,"
Umiling ito, "Drop the formality," Isinuksok nito ang kanyang mga kamay sa buksa ng kanyang pantaloon at tumayo ng tuwid. "And I'm just here to check on you." Dahil sa sinabi niya'y pinamulahan ako ng pisngi at ramdam kong muli ang pagkabog ng aking dibdib.
"I-I'm okay," Nahihiya kong sabi upang matapos na ang usapan namin kahit na gustong gusto kong itanong sa kanya ang lahat.
"But why are you so red?" Mas lalo akong namula. Syet!
Napapiksi ako sa gulat ng inangat nito ang aking mukha sa pamamagitan ng paghawak sa aking baba. Aminado akong malaki ang mata ko ngunit feeling ko'y mas lumaki yata dahil sa lapit niya.
Errr... awkward.
"Are you really okay?" Am I?
As far as I remember, kapag nilalagnat ako'y limang araw hanggang isang linggo ang itinatagal. Paano pa kaya kung naligo ako sa ulan. At sabi ni Dalia kanina, inaapoy 'raw ako ng lagnat. Napakaimposible naman kung biglaan iyong nawala, hindi ba?
"Sa totoo lang, King. Naguguluhan 'rin ako." Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito bago ako yumuko.
"Tell me," Bulong niya. Tumango ako.
"Kasi naman, po. Kapag nilalagnat ako'y matagal na araw ang lilipas bago ako gumaling, tapos sabi ni Dalia kanina'y mataas 'raw ang lagnat ko kagabi. Nakakapagtaka lang, bakit wala na kaagad? Hindi ba dapat—" Inangat ko ang aking paningin at natigilan ng makitang nakatitig ito ng mariin sa akin.
"Uhh, King Hyde?" Napakurap kurap ito, at aaminin ko, ang hot tignan.
"Ah, I'm sorry, Zane. I was just preoccupied with something." The way he said my name...
"Okay lang, King. Uhm, baka busy ka? Nakakastorbo po ba ako?" Baka naman kasi, hindi ba? Kahit na siya mismo ang nagpunta 'rito sa kwartong tinutuluyan 'ko.
Umiling ito. "I am not busy, but I'm going to clarify some things, if you don't mind?" Tumango ako. I won't mind, swear!
"Do you remember what happened... earlier?" Oh... that's it.
Pinamulahan ako habang naiisip ang mga kalokohang ginawa ko 'noong ako'y nasa kulungan. They said, I'm talking into myself. Some said, I'm dancing, singing 'til my heart out, and so. Basta puro kabaliwan.
"To be honest King, no." I want to explain that I have a habit of forgetting things I am doing when I'm sick but... naalala ko, wala nga palang may pake.
Mukha itong nakahinga ng maluwag. "Good," Then he smiles—and I was astound for almost five seconds?
"A-Ah, hehe." Ang awkward, beh!
"So, I have to go." Paalam nito sa akin. Naalala ko ang sabi ni Dalia na perfectionist ito—ops.
Nakita ko ang pagdilim saglit ng mukha nito. Sandali, akala ko ba'y hindi nila nababasa ang aking iniisip?
Humakbang ito ng isang beses na siyang ikinaatras ko ngunit hindi ko alam, nahuli niya pa 'rin ako.
Hinawakan niya ako sa baywang at inilapit sa kanya na para bang nakayakap, tsaka bumulong sa aking taynga. "I'm not included for those who can't read your mind." And with that, he left me dumbfounded.
Wait, what just happened?