Namuno ang katahimikan sa buong byahe. I can't move even I wanted to because Clyde's sleeping in my lap and beside me is the sleeping Vampire King that seems so tired. Mukhang marami itong ginawa ngunit bakit nagpunta pa 'rin ito doon? Upang sunduin ako? Ano ba, Zane Morgan! Huwag kang assuming!
Ang mga nasa harapan ko ay mga tulog na 'rin maliban kay Wilhelmina na siyang dinadrive ang sasakyan namin ngayon.
I didn't had a chance to decided because I have no other choice but to obey what they want― what he wants. It's true, that he― they saved me from hell. Dahil kung hindi sila pumunta roon kanina, siguro kung ano na ang nangyari sa akin. Siguro ay mas pinapahirapan nila ako ngayon, at sa tingin ko'y hindi ko na iyon makakayanan dahil bibigay na ang katawan ko.
Napatingin ako sa aking damit― ito pa rin ang aking suot magmula kanina-punong puno pa rin ito ng rumo at dugo ngunit may nakapatong ritong jacket na bigay ni Seifer kanina. Still, parang gusto kong bumaba dahil napakalinis nitong sasakyan at ng mga kasama ko... ako lang talaga ang basura.
Bigla akong nakaramdam ng antok. Sa totoo lang kanina pa ako pagod na pagod, siguro marahil sa kawalan ng dugo sa aking katawan. Ngunit kahit gayon ay nakakamangha. Bampira sila hindi ba? Sa sitwasyon ko ngayon, napakadali lamang sa kanilang patayin ako at ubusin ang dugo ko ngunit hindi nila ginawa. Parang wala nga itong mga pakialam kahit duguan ako roon, parang hindi nakakaramdam ng gutom.
Tumingin ako sa labas ng bintana nitong limousine. Masaya ako dahil ngayon ko lamang ulit nakita ang labas, ang karangyaan dahil palagi akong nakakulong sa loob ng selda, o nasa loob ng mansyon at pinaglilinis rito― kadalasan ay pinapahirapan.
Biglang pumasok sa aking isip ang maaaring mangyari sa akin sa loob ng mansyon kasama sila. Ay mali― hindi ko alam kung kasama sila dahil ang tanging alam ko, ang Hari lamang ang pagsisilbihan ko sa kanilang lahat, ngunit kung nasa iisang bahay lamang ang mga ito, ayos lamang sa akin.
Utang na loob ko sa kanila ang aking buhay. Ngunit ano nga ba ang magiging buhay ko sa kanila? Kahirapan 'rin ba? O mas malala?
And to think that they aren't ordinary people terrifies me. Tatagal ba ako sa kanila? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para pagsilbihan sila. Aalayan ko ba sila ng dugo mula sa akin? O ako mismo kukuha ng dugo mula sa bayan para may mainom sila?
Napatingin ako sa Hari na ngayo'y natutulog. Bakit kahit tulog ito'y napakagwapo nito? Makinis ang mukha nito, walang maski maliit na pores o balbas manlang. Tapos yung ilong nito, napakatangos. Yung kilay na nakakurba at maayos, yung pilikmata nitong mahahaba, at ang mga mata nito sa likod niyon.
Bumaba ang paningin ko sa kanyang mapupulang labi na medyo nakabukas. Parang ilang beses itong hinalikan. Ano kayang feeling ng mahalikan ni―
Napatigil ako sa pag iisip at mabilis ngunit nag iingat na umiling. Gusto kong sampalin ang mukha ko para gisingin ang diwa ko. How dare me?! Pinagnanasaan ko ba ang Hari? Hindi! No! Hindi!
Muli ay tumingin ako sa labas at dahan dahang tinalikod ang katawan rito. Hindi ko alam kung paano ko siyang pagsisilbihan. Ang alam ko lamang ay may pinirmahan itong kontrata na sa tingin ko'y hindi na maaaring gamitin o invalid na dahil wala naman na ang mga head masters. Hindi ko alam ang nangyari sa mga aliping kagaya ko, ngunit ang tangin alam ko lang ay nakaligtas ang mga ito dahil hindi ito pinagalaw ng Hari.
Huminga ako ng malalim. Ipagkakalat kaya nila 'yung nangyari?
Sa kakaisip, hindi ko namalayang unti unting pumikit ang mata ko at bago ko pa malabanan, nakatulog na ako.
***
"Zane! Gising! Zane!"
Nakakapanibago, bakit hindi ako sinisipa o binubuhusan ng tubig? Bakit ang lamig lamig pa rito at ang nakakapagtaka, bakit malambot ang sinasandalan ko? Kailan pa naging malambot ang pader sa kwarto ko? Ay teka, yung kama rin. Ang alam ko papag lang 'yon, yung gawa sa kawayan. Bakit nagkakutson? Pinadalhan na ba kami ng ba―
"ZANE!"
"Ay palakang lumilipad!"
Mabilis akong napabangon mula sa pagkakasandal at halos mahiya ako ng makitang lahat nakatitig sa akin― sila Carmela na nasa harapan na nakatanga sa akin, mukhang hindi makapaniwala sa aking sinabi, si Clyde na siyang tawa ng tawa dahil siya ang gumising sa akin. Ngunit ang mas nakakahiya ay ang lalaking nasa tabi ko na nakatingin sa akin gamit ang natural niyang ekspresyon― emotionless― at nakataas ang kilay.
"Zane, ang palaka ay tumatalon, hindi lumilipad." Rinig kong sabi ni Seifer na nasa harapan ko.
Parang gusto kong lamunin nalang ako ng lupa, o ng upuan ngayon sa kahihiyan. Gusto kong buksan ang pintuan dito sa gilid ko at tumalon ngunit nanghihinayang rin ako sa buhay na aking sasayangin kung ganon. Kaya ang ginawa ko ay kinagat ko nalang ang labi ko at tsaka yumuko.
Sobrang nakakahiya!
"The car's already stopped. We're already here," Cornelia said at lumabas na. Doon ko lamang napansin na nakatigil na nga ang sasakyan. Paninagong kahihiyan, Zane.
"Let her rest, she needs it. Call Dalia." Nagulat ako sa biglang nagsalita. Did he just save me again?
"Don't get me wrong, you'll start to work tomorrow. And you'll clean the whole house." Dugtong kaagad nito. Tumango ako. Okay, assuming ka lang talaga Zane.
Nauna silang lumabas at nagpaiwan ako. Nakakahiya naman kung lalabas kaagad ako eh ako na nga itong alipin, hindi ba? Ngunit ng mabalakan kong lumabas ay yumuko pa lang ako ay nakaramdam kaagad ako ng sakit sa aking likod, sa bandang bewang ko. Napangiwi ako.
Mabuti nalang at nakita ako ni Wilhelmina dahil sumilip ito kaya lumapit ito sa akin―her face is still emotionless― and helped me to go out of limousine.
And I was in amazement when I saw the whole house they are talking about.
It's a mansion, not a house! Sobrang laki nito, mas malaki pa nga yata ito sa mansion na tinuluyan naming mga alipin. Tapos ito... jusmiyo marimar with polgoso!
Kung ano ang kinalaki nitong mansion, 'yon naman ang kinapangit― este... I mean uhm. Basta iyon!
Akala nyo maganda 'no? Well, malaki nga! At sobrang nakakamangha iyon!
But to be honest, kinilabutan ako nung nakita ko yung mansion. It made me remember the hunted house I watched when I'm still young― maybe 14 years old? Natrauma yata ako sa isa kong napanood, The Conjuring yata yung title! Basta, napakaganda ng mansyon pero punong puno ng kababalaghan.
And this mansion reminds me of it. I mean yes magkaiba sila ng desenyo o ano, pero kasi. Sobrang luma nito. Ang mga nakapaligid sa amin ay walang mga bahay na halaman, as in tuyong tuyo! Wala akong nakikitang maski anong halamang buhay pa. Well, may puno nga, pero malapit ng mamatay!
But come to think of it... Ito yung lilinisan ko? Ito yung aayusin ko? Kaya pala ako pinagpapahinga!
"Lakad na," Natauhan ako ng narinig kong magsalita si Wilhelmina. Tinaasan niya ako ng kilay― wala pa 'ring emosyon ang mukha― tsaka ako kinaladkad, este basta ayon!
Akala ko'y bibitawan niya kaagad ako pagkalabas ko kaya ganon na lamang ang gulat ko ng tulungan niya pa ako para makapaglakad ako ng maayos paakyat sa hagdan.
Muli ay sinulyapan ko ang mansion na nasa harapan namin. Siguro dito nila ako papatayin para walang makahanap ng bangkay ko?
Bigla akong nanlamig sa aking naisip. Hindi iyon imposible lalo na't walang ibang bahay rito. As in wala akong ibang nakikita kundi puro puno na malapit ng mamatay. Ang creepy lang.
Nauuna ng naglalakad ang iba papasok sa loob nito, as in nasa pintuan na sila habang kami'y paakyat pa lamang ng hagdan. Napatingin ako sa hagdan na aming aakyatin at feeling ko, mapapagod muli ako. Pero Zane, huwag kang maarte, huwag na huwag.
Ngunit bago pa man kami makahakbang ay may humahangos na babaeng may itim na wavy na buhok at nakasuot ng parang uniporme― galing sa paaralang hindi ko alam― ang bumungad sa amin sa harapan na medyo sumigaw pa ng―"Oh my god!"―ng makita ang aking kalagayan at dali dali itong tumakbo pababa sa amin.
This time, it's real. I'm staring at her in amusement especially in her head.
Is that a cat ears? "Are they real?" Itinuro ko ang nasa itaas ng kanyang ulo. Nanlaki ang mata ko ng bigla itong gumalaw.
Then she laughed. "Yes it is," Tsaka niya kinuha ang kabila kong kamay at timulungan si Wilhelmina sa pagbubuhat sa akin.
Kumunot kaagad ang noo ko kakaisip kung anong klaseng nilalang siya. I mean, bampira sila 'diba? Eh siya, ano?
"I'm a vampire cat."
Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Vampire cat? Ano yon?
Then she opened her mouth. Nanlaki ang mata ko dahil nakita ko ang mga pangil niya. Then her black hair turned into white and her eyes― crimson red. "Can I taste your blood?" She whispered using her low voice that sent shivers into my spine.
Just like the others― nakakatakot rin siya.
Ngunit bago pa siya makalapit, Wilhelmina grabbed her ears― yung nasa itaas ng ulo niya―tsaka hinila. "Stop playing with her."
"Mina-chan! Ishtapit!" Then she laughed, yung parang nakikiliti. Unti unting bumalik sa dating itim ang kanyang mahabang buhok, pati ang mata nito na bumalik sa pagiging brown, but her cheeks are still pinkish, dala ng pagkaliti ni Wilhelmina rito.
She's too cute! I mean, mas cute pa 'rin si Clyde sa kanya dahil bata ito, well, mukhang nasa 10 years old pa lang siya kasi medyo maliit siya tapos yung mukha niya na medyo bilugan at ang kanyang gintong mga mata na mukha talagang pusa.
Ngunit ang kanyang sinabi ay nagpagunaw ng mundo ko.
"Actually, I'm already eighteen."
Napanganga ako, pagkatapos ay napatingin kay Wilhelmina at nahuli ko kung paano niya irapan si... teka, sino ba siya?
"Don't you dare to believe her, she's just seventeen."
"No! Birthday ko kahapon kaya I'm already eighteen!"
"Ah kahapon ba 'yon?"
"Yes yes! So I'm already eighteen! Legal na 'ko!"
Nang hindi sumagot si Wilhelmina ay nagkaroon ako ng pagkakataon upang magtanong, este tanungin siya.
"Wilhelmi―"
"Who told you to call me by my name?" Pagputol niya ng aking sasabihin. She raised a brow while looking at me and I think, gusto rin niyang magcrossarms ngunit dahil nga inaalalayan niya ako ay hindi niya magawa. Nakaramdam ako ng pagkahiya. Yuyuko na sana ako ng marinig ko itong magsalita.
"Kidding." Dagdag niya at tulad ng kanina, sinabi niya ito gamit any malamig na boses at walang ekspresyon sa mukha. Namangha nanaman ako. Hindi nyo ko masisisi dahil ang alam kong nagbibiro ay may nakakagagong mukha pero siya... serious mode.
Ngunit bago pa ako makapagsalita ay nakarinig ako ng tawa mula sa katabi ko, kasabay ng paghampas nito sa aking braso na dahilan upang ako'y mapangiwi na huling huli ni Wilhelmina kaya bigla itong pinalo gamit ang pamaypay na hindi ko alam kung kanina pa ba niyang hawak iyon at hindi ko lang napansin agad o ano.
"Aray naman Mina-chan!" Nakasimangot nitong sabi habang hinihimas ang natamaang ulo-kung saan pinalo ng pamaypay ni Wilhelmina.
"Don't you see that she's injured?" Wilhelmina asked, colder than usual.
"I do." The girl pouted.
"Then why did you hit her?"
"Nawala sa isip 'ko."
But what caught my attention is because Wilhelmina spoke in Tagalog, for the second time―I think.
"Tanga ka talaga, Dalia." Umiiling nitong sabi na dahilan para magreklamo si Dalia.
But still, she's so cute. At kung tignan ang dalawang ito, para lamang silang magkapatid.
Nalungkot ako sa aking naisip. Dati ko pa gustong magkapatid, yung may aalagaan ka, aayusan, magpapakahirap para sa iyong kapatid, ngunit nang mapunta ako sa mansion na iyon ay nagbago ang lahat dahil minsan ay aking naisip. Kung nagkaroon ako ng kapatid, siguro ay mag isa sya ngayon sa bahay at walang makain, o kaya'y naghihintay ng aking pagbalik kahit imposible.
Or worst, baka pati siya ay mapunta sa bahay na iyon kahit hindi pa siya walong taong gulang-tulad ko na napunta roon ay seventeen years old.
Well, I already had my debut, matinding sakit ng katawan nga lang ang aking inabot.
Kaya ang aking hinihiling na gusto kong magkapatid ay malabo, sobrang labo kung mangyayari.
"Tara na nga sa loob! Baka kanina pa sila naghihintay sa atin." Dalia said and then she carried my arms again. This time, may halo ng pag iingat. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at ngumiti na siyang sinuklian ko rin.
Pagpasok namin sa loob ay medyo namangha ako dahil... okay, mas maayos rito kaysa sa labas. At rito kasi, malinis. Hindi tulad sa labas na kalat kalat ang mga tuyong dahon, maraming kalat at iba pa.
Tsaka ko lamang napansin na may mga katulong rito. Lima. Kumunot ang noo sa aking naisip.
May mga katulong naman pala, pero bakit hindi nila malinis ang labas?
Ngunit pinagsawalang bahala ko ito. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang kanilang mga mata― tulad ng mata ng mga nagbabantay― blangko at walang emosyon. Muling nagbalik ang aking alaala mula sa mga taong nagpapahirap sa akin kani-kanina lang. Nanumbalik ang takot sa aking puso.
"Accompany her to her room, Dalia." Nalipat ang atensyon ko sa nagsalita. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako kapag naririnig ko ang malamig at malalim nitong boses.
"Yes Master," Dalia bowed her head. Nakakapagtaka, pag kaharap ang mga ito ay ang gagalang nila, well, kahit naman nakatalikod ito. Kitang kita ang kanilang respeto sa kanilang hari.
Hinanap ko siya kung nasaan ngunit wala ito sa sofa. Kumunot muli ang noo ko sa kaguluhan. Dito ko kasi narinig ang boses niya.
Tsaka ko narinig ang pagbukas ng pinto mula sa itaas, third floor. Malakas ang pagkakatunog 'non, parang kahoy na napakatagal ng binuksan kaya gayon na lamang ang tunog. Mabilis akong pumihit paharap rito sa pag aakalang siya ito at hindi naman ako nagkamali, nakita ko siyang pumasok sa isang kwarto at mabilis na isinara ang pintuan niyo.
Tsaka ako nakarinig ng sunod sunod na buntong hininga mula rito sa kasama ko.
"Wooh! Akala ko pati tayo'y papagalitan! Si Wilhelmina kasi eh!" Pabagsak na naupo si Carmela sa couch at itinaas ang paa rito. Tinakpan niya ang kanyang mata gamit ang kanyang braso at huminga ng malalim.
Maingat akong pinaupo ni Wilhelmina sa isang upuan bago sinipa si Carmela sa tuhod. Napaaray ang dalaga. "Magreklamo ka kung may ginawa ka," Tsaka ito inirapan.
First time ko silang makita na ganito. Bakit kung wala ang hari tsaka lamang sila ganito? Are they scared of King?
Mabilis na inalis ni Carmela ang kanyang kamay sa braso at tumayo―na parang naghahanap ng away at lumapit kay Wilhelmina. "Ako ang may ginawa! Eh ikaw, muntik ka ng pumalpak!"
"Anong muntik? Sakto lang ang dating ko. Baka ikaw ang nalate?" Tsaka ito ngumisi―ang ngisi na nakita ko kanina noong nasa kulungan pa ako.
Sandali, ano ba ang pinag aawayan nila? I mean, bakit sila nag aaway?
Maya maya ay lumapit sa akin si Dalia at bumulong.
"'Wag kang mag alala, ganyan talaga 'yung dalawang 'yan kapag wala na si Boss. Mortal enemies 'yan. Tara sa kuwarto mo? Para makapagpahinga ka na." Gusto ko sanang tumanggi para pigilan sila Wilhelmina ngunit ng mapagawi ang tingin ko kay Cornelia at masama ang tingin nito sa akin na parang sinasabi na― Sumunod ka nalang ―kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod rito.
***
"Hubad."
Umiling ako at niyakap ng mas mahigpit ang roba na nakatakip sa aking katawan. Umirap si Wilhelmina, bago naglakad papalapit sa akin habang ako naman ay umatras ng umatras.
"Kaya ko naman na kasi―"
"Abot mo ba 'yung buong likod mo?" Umiling lamang ako bilang sagot. "Edi hindi mo nga kaya,"
"Kaya ko―"
"Mananahimik ka at susunod sa utos ko o tatahiin ko 'yung bunganga mo at itatali kita rito sa kama? Lapit rito."
Mabilis kong itinikom ang aking bibig at maglakad papalapit rito. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay biglang nahawi ang roba sa aking katawan kasabay ng paglabas ni Dalia sa aking likod hawak hawak ito ng may malaking ngiti sa kanyang labi.
"Huli ka! Sexy!" Tumabi ito kay Wilhelmina na nakahawak sa baba na nakapa-tsek ang thumb at index finger na tipong pinag aaralan ang katawan ko habang tumatango tango. Samantalang ako'y hindi magkanda ugaga kung saan ilalagay ang dalawa kong kamay para matakpan ang maseselang bahagi ng aking katawan.
"Her bruises and injuries are the only problem." Wilhelmina said without taking her eyes off of my body. Pinag aaralan.
"Right Mina-chan! Pero kaya ko naman siyang gamutin."
"Ikaw na ang bahala, huwag kang papalpak."
"Of course naman!"
So you readit right. Papagalingin raw nila ang mga sugat ko pati na yung mga pasa ko, tapos tatanggalin ang peklat na matagal na sa aking katawan. Hindi ko alam kung paano ang kanilang gagawin pero basta, natatakot ako kasi feeling ko, masakit iyon.
Gusto ko sanang kumontra―na hindi lamang mga sugat at pasa ang problema ko kundi pati ang likod king tinitiis ko lamang ang sakit. Ngunit nagulat ako ng biglang ngumiti ng malademonyo si Wilhelmina.
"I think I will able to use my massaging skills." Oh oh, I think I am in danger.
"T-Teka! Bakit nyo ba 'ko kailangang gamutin muna?" Maghihilom naman kasi itong mga sugat kapag nagtagal tapos ang mga peklat ay wala lang sa akin―dahil napakarami ko 'non sa buong katawan ngunit parang walang narinig ang mga ito.
Dalia clapped her hands twice then a green light appears in it. Gusto ko sanang mamangha, ngunit nasa bingit na ako ng kamatayan. "Come here Zaney-baby!" At siya na mismo ang lumapit sa akin.
Napaatras ako, walang pantago ng katawan dahil nakay Dalia ito. Paatras ako ng paatras―papunta sa pinto dahil nandon sila sa tapat ng cr. Wala akong kawala ngunit natatakot ako sa klase ng mga ngiti nila.
"Teka wait. Pwedeng time first?" Please, time first muna! Hindi pa 'ko ready! Kinakabahan pa 'ko!
"Nope!" Dalia said, popping the 'p', "Come here!"
Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kanila―sa tingin ko'y lugi ang mukha ko dahil una, wala akong kawala. Pangalawa? Talo ko sa kanila. At pangatlo, they're extraordinary.
"Good girl." And from there, nagsimula na silang gamutin ako. All I did is to shout.
And to tell you, that was hell.
***
Nakadapa ako sa kama, nanlalambot pa rin ang aking katawan. Dalia's healing magic was so hot! I mean, tuwing na tatama ito sa sugat o pasa ko, bigla itong kikirot tapos iinit hanggang sa mawala iyon. Masakit! Tapos yung masahe ni Wilhelmina, grabe, sobrang sakit ng bewang ko dahil talagang dinidiin nito kung saan ako unaaray, para 'raw mawala ang sakit ng aking katawan at umayos 'raw ang mga buto ko. Kumbaga, imbis na gumaling ka, feeling mo mas lalo ka pang mapipilay. Iyan ang naiisip at nararamdaman ko nung minamasahe niya ako.
"Zane, dinner time." Rinig kong sigaw mula sa ibaba. Yes it's already dinner.
Pagkarinig ko pa lang ng dinner ay mabilis na kumulo ang tiyan ko. Tsaka ko lamang naalala yung gutom pero nakakahiya, baka marami akong makain, at tsaka, I'm the slave, right?
Pero speaking of slave, bakit feeling ko, ako yung bisita rito? Imbis na pahirapan, kabaligtaran ang kanilang ginagawa. O sa una lamang ito, patikim ganon? Siguro nga, kailangan kong maghanda.
Dahan dahan akong tumayo dahil medyo masakit pa ang aking likod at kumuha ng damit sa walk in closet na puning puno ng damit, hindi ko alam kung saan kumuha ng mga ito sila Wilhelmina.
Pero ang akward lang, kung hindi short short at sando, puro dress naman.
Napili kong isuot ang isang kulay light pink lacy turtle neck above the knee dress tsaka ko kinuha ang isang tsinelas pambahay na rabbit na kulay pink―bigay ni Dalia dahil siya lang pala ang mahilig rito.
Dahan dahan akong naglakad sa dining room ngunit hindi pa 'ko nakakalapit ay amoy na amoy na ang ulam. Tumunog ang tiyan ko sa gutom na dahilan upang mahiya kaagad ako dahil baka narinig nila.
Ang mga bampira ay may matalas na pandinig―kaya kung narinig man nila 'yon, hindi na ko tutuloy ay bukas na ko kakain.
Pero sino bang niloko ko? Sa ngayon, hindi ko alam kung makakapagpigil pa ba aking hindi kumain.
I didn't eat regularly for one year na nakabihag ako sa kanila. I already told you the reason that they didn't go into my cage because I still don't know why. Na hindi ko naman na maitanong dahil...
Patay na sila.
Nang makarating ako sa dining table ay nagsisimula na silang kumain―ngunit may kulang, wala ang mahal na hari.
"Kain ka na Zane!" Dalia happily said at siya na mismo nagsandok ng kinakain ko. Tumingin ako sa kanila, ang iba'y nginitian ko na ibinalik ko rin ang pagngiti, ang iba naman ay tinanguan ako―tulad ni Cornelia―pero still, mabuti at pinansin niya ako ng hindi iniirapan o sinusungitan.
Pero mukhang narinig niya ang aking naisip dahil bigla itong tumingin sa akin at sinamaan ako ng tingin. Nahihiyang ngumiti ako at nagpeace sign rito ngunit nakatanggap lang ako ng irap. Napanguso ako.
"Zane, pagkatapos mong kumain, can you go to Master's room to bring his food? It's on the third floor. Only room." Tsaka ko napansin ang isang lalagyan sa gilid, nakatakip ang mga ito gamit ang mamahaling lalagyan-kasabay nito ang sunod sunod na pagtunog ng upuang inusog kaya napatingin ako sa kanila. Carmela smiles shyly.
"We still have something to do kasi. So that's why." Ah, that's why.
"Sige ako ng bahala." Ngumiti ako.
This is my job as his slave, right?
"Gusto pa sana naming makipagkwentuhan sayo pero may gagawin kami, so baka bukas na lang." Dugtong ni Carmela. Ngumiti ako at tumango. I understand them.
"Thanks Zane." Sabay sabay na sabi ng mga ito maliban kay Wilhelmina at Cornelia, at nagsimulang magsi-alisan. Doon ko lamang napansin na tapos na talaga sila, as in walang tira, at naiwan ako sa malaking lamesa na ito.
Hindi na ito bago sa akin. Sanay na kasi akong mag isa, kumain man o magtrabaho mag isa.
Minadali ko ang pagkain para hindi uminit ang pagkain ng Hari. Kinuha ko ito at mabilis na umakyat ng may halong pag iingat.
I wonder why he didn't go out to eat? Or maybe, sa kuwarto siya lagi kumakain? I don't know.
Habang naglalakad, hindi ko mapigilang igala ang aking paningin sa kapaligiran. It's like an old mansion talaga, kailangang i-make over. Kahit ang stairs ay punong puno ng alikabok. Ang mga maid kanina ay nagsiwalaan, hindi ko alam kung nasaan. I'm planning to do the makeover kahit ako lang mag isa. Kakayanin this!
Nang makarating ako sa third floor ay tama nga sila, iisa lang ang kwarto at sobrang laki pa. Nasa gitna ang double door na kinakalawang at punong puno rin ng sapot at alikabok. Muntik na akong bumahing, mabuti na lamang at napigilan ko kung hindi, baka matapon itong dala ko.
Kumatok ako ng tatlong beses sa double door at umatras ng isang beses para sana hintayin siyang buksan ito ng kusa itong bumukas ng walang nagbubukas. Creepy, pero namangha ako.
Pumasok ako sa loob, at talagang nakakamangha ang nasa loob.
May malaking tv, as in sobrang laking tv sa gilid, sa kabilang dulo ay ang kama, at dahil sa gitna ako―dahil nandon ang pinto―nasa harapan ko ang napakalaking glass wall na kitang kita ang mga bituwin sa langit, at ang ilaw sa siyudad na doon ko lamang napansing nasa itaas pala kami ng bundok. Tapos sa isang gilid, may isang table na may lamp at maraming papel na nakakalat, at nang igala ko ulit ang paningin ko ay nakita ko ang book selves na punong puno ng mga libro.
"Why it's you brought it? Where are the others?" Muli ay nahigit ko ang aking hininga ng marinig ko itong nagsalita.
His cold baritone voice echoed at the whole room. This sent chills all over my body. Napakalalim ng boses nito, intriguing, ngunit... napakasarap pakinggan.
I choose not to look at him at ibaba muna ang mga pagkain niya sa maliit na lamesa sa gitna ng couches dahil baka ang pagkain pa mismo ang mahulog.
Pagkababa ko nito ay tsaka lamang ako nagpasyang humarap sa kanya ngunit natigilan ako ng sobrang lapit niya sa akin. His face is just inches of mine, nakapikit ang mata nito at parang may inaamoy. Maya maya ay kumunot ang noo nito.
"Did you use smitten?" Napa―huh ako. Anong smitten? Is that a perfume? As far as I know, wala akong nakitang perfume sa kuwartong binigay sa akin kaya wala akong gagamitin. Kung mayroon man, hindi ko rin gagamitin dahil allergic ako roon.
Maya maya ay lumayo ito at idinilat ang mga mata, nanginig ang binti ng magtama ang aming paningin.
I really love his eyes. When I'm staring at it, it's like I am staring at a stormy weather and I don't know but...
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinapit papalapit sa kanya. His right hand is on my left cheek, caressing it until he pull me closer to him again-more closer than before, then he placed his face on my neck―na natatakpan ng tela dahil turtle neck ang suot kong dress.
"You smell so nice... so damn addictive..."
Doon ko napansing ang kamay nyang nasa pisngi ko kanina ay hinahaplos pababa at pataas ang balikat kong nakalantad dahil sleeveless iyon, pagkatapos ay naramdaman ko ang isa niyang kamay sa aking likod... unti unting binababa ang zipper ng aking dress ng matigilan ito.
Medyo dumiin ang pagkakahawak niya sa aking balikat-hindi gaanong masakit-hanggang sa marinig ko ang bulong niya.
His first command which I need to obey.
"Order from your Master," May klaseng paghihirap ang boses nito na hindi ko maipaliwanag kung ano.
"Get out of this f*****g room, now."