CHAPTER 6

4273 Words
Kanina pa ako nagmumuni-muni sa kawalan. Maybe, I should just go with the flow and live my new—   Nakarinig ako ng katok na siyang nagpatingin sa akin sa pintuan. I was about to get up when it suddenly opened.   "Get your ass up and change." Cornelia coldly said as she placed a dress in my side table. She looks at me with crossed arms and eyebrow up, like she's telling me to move now, or die later.   I sighed. "Bakit—" Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi ng biglaan niya akong pinutol sa pagsasalita.   "Just do what I've told you." Pagkatapos noon ay bigla itong tumalikod. Muli ay huminga ako ng malalim at kinuha ang damit bago naglakad papunta sa banyo.   Living my life with these vampires is really dangerous, I know that. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging kampante dahil hindi pa sila gumagawa ng hakbang para sa akin o kabahan dahil doon.   What I mean is, me, as a human, should be their slave—like what I am back in hell mansion. But still, I'm thankful for them for not doing those what was happened to me back then.   Pinasadahan ko ng tingin ang aking damit. It is a simple white off shoulder dress. Napangiti ako. Ito ang klaseng damit na aking gusto—simple at walang arte.   Inilugay ko ang kulay itim kong buhok na hanggang baywang at tsaka ito pinasadahan ng suklay. Nagpulbos lang ako ng kaunti at humarap sa salamin, kasabay noon ay ang bukas ng pinto kaya napatingin ako rito.   Nakita kong natigilan si Wilhelmina ng makita ako sa harap ng salamin. Ako 'rin naman ay natigilan. Nakasuot siya ng itim na dress na longsleeve. Ang sleeve nito ay gawa sa lace at sa ilalim noon ay may kumikinang na hindi ko alam ang tawag na gan'on sa akin. Bagay na bagay sa kanya lalo na sa kulay itim nitong buhok na naka-bun sa likuran. Mukha siyang dyosa. I tried to smile, but she just nodded at me.   "Let's go," Mahina nitong sabi tsaka tumalikod. Bumuntong hininga ako. Tutal, si Wilhelmina naman na ang nasa harapan ko, sa kanya na lang ako magtatanong.   "Uhm..." Napahinto ito sa harap ng hagdan at animo'y hinihintay ang aking sasabihin. "Saan tayo pupunta at bakit—" Naputol agad ang aking sinasabi ng magsalita ito.   "We're going to a party," Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Nagpatuloy ito sa pagbaba ngunit hindi ko inaasahang may idadagdag pa pala ito.   "Party at the Underworld, so take care of yourself." Dahil sa kanyang sinabi ay nanlamig ang aking katawan sa takot. ***   "Relax," Bulong sa akin ni Carmela tsaka humalakhak. Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili.   Pero sino bang niloko ko? Una sa lahat, sinong tao ang magiging kalmado lalo na't kahit hindi mo alam kung saan kayo pupunta, ay sumisigaw na ang instinct mo ng panganib? Pangalawa...   "Uhm, Carmela?" Tumingin sa akin si Carmela ng nakataas ang kilay ngunit may ngisi sa kanyang labi. Sa totoo lang, isa si Carmela sa kinatatakutan ko sa kanila. Alam mo 'yung kahit nakangiti siya ng matamis sayo, pakiramdam mo'y pinag iisipan ka pa 'rin niya ng kabrutalan kung paano ka papatayin?   "Yes, my dearest Zane?" Malambing nitong sabi na siyang ikinalunok ko. Mukhang nasiyahan ito sa takot na nakabakas sa aking mukha na dahilan upang mas lumaki ang ngisi niya.   Isa pa itong dahilang ito. Hindi ko talaga makuha ang ugali niya, kung mabait ba siyang talaga o ano. Dahil sa pagkakaalala ko, ang dapat mo 'raw na katakutan ay 'yung mga nagpapakiga sayo ng kabaitan, dahil hindi mo alam ang kanilang maaaring gawin sa iyo.   "Anong... anong klaseng salo-salo ang pupuntahan natin?" Dahil sa aking sinabi ay ang siyang ikinahalakhak niya.   Pinatahimik siya ni Clyde na nasa aking harapan at bugnot na bugnot ang mukha habang hinihila ang collar ng tuxedo nitong kulay puti na animo'y ayaw na ayaw niyang suotin.   "You're going to a party unaware of what kind of party it is? Unbelievable!" Tsaka ito muling humalakhak. Napayuko ako sa kahihiyan. Tama siya, pupunta ako sa salo-salong walang kaalam alam, o maski ano.   "Shut up, Carmela." Pagpapatahimik ni Wilhelmina rito, wala pa 'ring ekspresyon sa mukha. Mabilis na tumahimik si Carmela ngunit may ngisi pa 'rin sa labi habang nakatingin sa akin.   Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit ako tumabi sa kanya, ngunit mas nagsisisi ako dahil pumayag akong sumama sa salo-salong ito.   "It is a party of noble, of high ranking people in our world. So you better watch your back or see yourself begging for your life." Mariing sabi ni Cornelia habang nakatingin pa 'rin sa labas, na animo'y hindi ako kayang tignan o ano.   Napalunok ako sa kanyang sinabi at mabilis na kumabog ang aking dibdib. Dapat talaga, hindi na ako sumama. Paano kung may magawa akong mali? Edi, katapusan ko na pala kung gan'on?   Muli ay inilibot ko ang aking paningin. Nakasuot si Cornelia ng pulang dress na longsleeve 'rin, ngunit V neck ang style nito. Si Carmela naman ay kulay maroon na off shoulder ngunit hindi tulad ng akin na paalon alon ang nasa itaas ay deretso lamang ito. Si Dalia naman ay nakasuot ng simpleng dress na kulay asul na medyo malalim ang pagkakahati sa dibdib ngunit bagay na bagay pa 'rin sa kanya.   Pansin kong lahat sila'y nakaipit ang buhok, ngunit sa akin ay sinadyang inilugay ni Dalia noong ako'y inayusan niya.   She just put a light make up on my face because that's what I want. Sumasalungat sa make up nilang makakapal ngunit siyang nagpalakas ng kanilang dating. Then she curls my natural curly hair and made some change—it became more beautiful than ever.   "Don't mind her, Zane. We're here, we will protect you." Mula sa aking harapan, sa tabi ni Clyde ay hinawakan ni Dalia ang aking kamay at nginitian ako ng matamis.   Sa kanilang lahat ay kay Dalia lang ako kumportable, siguro'y dahil una pa lang ay alam kong totoo ang pinapakita nitong kabaitan sa akin.   Ang nag iisang lalaking kasama namin ngayon ay bugnot na bugnot ang mukha habang nakanguso at nakatingin sa labas—hawak pa 'rin ang collar nitong paulit ulit hinihila. Dumukwang ako sa kanya at tsaka tinanggal ang kamay nitong nakahawak 'roon. Napatingin siya sa akin at mas kumunot ang noo.   Nginitian ko siya, at medyp niluwagan ang pagkakalagay ng ribbon doon at inayos ang kanyang puting tuxedo. "Don't remove it, you look cute, Clyde." Nakangiti kong sabi. Nakita kong namula ito at mapaiwas ng tingin.   "Don't look at me and I am not f*****g cute!" Nakatingin sa labas nitong sabi at nakanguso, namumula pa 'rin ang pisngi. Napatawa ako ng mahina.   "Alright, you look handsome, boy." Mas namula ito ngunit hindi na nagkumento pa.   Naging tahimik ang aming byahe, habang ako'y nakatingin sa three inches heels ko na kulay silver na parang may mga glitters na siyang kumikintab.   Sa totoo lang ay kinakabahan pa 'rin ako. Ang sabi ni Cornelia ay salo-salo 'raw iyon ng mga matataas na rangko sa kanilang mundo, ibig sabihin, lahat sila ay bampira, tama?   Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nanlamig ang aking katawan sa takot. Ibig sabihin pala, napakaraming bampira ang aking makakasalamuha at ibig sabihin 'non, isang maling galaw ko nga lang ay katapusan na.   Ngayon tuloy ay nagtataka ako kung bakit sinama pa nila ako. Hindi ba't maaari naman nilang iwan nalang ako ng kusa sa mansion? Sanay naman akong mag isa. At kung papililiin ako sa ganitong sitwasyon, mas pipiliin ko na lang na mamalagi sa bahay kahit nag iisa at walang kasama, kaysa naman sumama sa isang salo-salo na siyang tatapos 'rin sa buhay ko.   Pero sandali, bakit kailangan ko pang sumama?   Inangat ko ang paningin ko at tumingin ako kay Dalia, dahil alam kong siya lamang ang sasagot sa aking tanong. "Dalia?"   Mula sa pagtingin sa labas ay nakuha ko ang atensyon nito. Ngumiti ito sa akin na siyang dahilan upang matigilan ako ng kaunti. Maganda si Dalia, hindi mapagkakaila iyon, pati na 'rin ang inosente nitong mukha.   "Uhm... bakit wala sila King Hyde? Hindi ko sila nakita kanina." Mahina kong bulong na hindi ko alam kung narinig ba ng iba naming kasama at pinagsawalang bahala lang iyong tanong ko o hindi.   Ang huling kita ko sa kanya ay n'ong pinuntahan niya ako sa aking kuwarto ngunit umalis 'rin kaagad. Bakit wala siya? Siguro'y... galit pa 'rin dahil nabasa ang isipan ko? Hindi ko alam kung galit nga ba siya o ano. Pero iyon lamang ang dahilan para hindi siya magpakita pa, hindi ba?   Isa pa si Seifer, wala 'rin siya sa mansion. Siguro'y kasama ito ni King Hyde? Ay mali, sigurado na 'yon. Pero ang tanong, nasaan sila?   "King Hyde's already there. Umuwi lang siya saglit 'rito kanina na hindi namin alam kahit na kailangang kailangan siya 'don ngunit bumalik 'rin kaagad." Napatango ako sa kanyang sinabi. So ibig sabihin, kanina pa nagsisimula ang party o may kinailangan lang siyang gawin 'don? Ah, ewan.   "As if Seifer... being a prince, he needs to stay with his family." Ah, oo nga pala, prinsipe nga pala si Seifer. Pero nakakapagtaka pa 'rin at nandito siya kasama nila Wilhelmina, at hindi ko alam. Nautusan na ba ni King Hyde si Seifer? O ito mismo ang gumagawa ng tungkulin kahit hindi inuutusan? Ah, ewan ko ba!   Pero hanggang ngayo'y hindi pa 'rin ako makapaniwala. Ang maloko—este medyo malokong si Seifer ay isa pa lang prinsipe. Nakakagulat.   "Bakit... ayaw humiwalay ni Seifer kay King Hyde? I mean, bakit ayaw niyang sumama na sa pamilya niya at pamunuan ang kanilang kaharian?" Prinsipe nga, hindi ba?   May multong ngiti akong nakita sa mukha ni Dalia bago ito nagsalita. "I think, I shouldn't be the one you're asking that questions." Doon ay tuluyan ng lumabas ang ngiti niya na siyang ikinanuot ng noo ko. Magtatanong na sana ako ng naramdaman kong huminto ang sasakyan, kasabay noon ay ang malamig na boses ni Wilhelmina.   "We're here."   Kasabay noon ay ang pagbilis ng t***k ng aking puso sa aking dibdib. Napakagat ako ng labi, na mabilis namang sinuway ni Carmela habang tumatawa tawa pa, nasisiyahan siguro sa kinakabahan kong mukha.   Nakita kong binuksan nito ang kanyang bag, at may kinuhang tissue at isang lipstick. "Tsk, tsk. Hindi mo dapat kinagat ang labi mo, nasira tuloy itong lipstick mo." Napalayo ang mukha ko ng ipinahid niya ang tissue sa aking labi upang burahin ang natitirang lipstick ngunit mas lalo lamang niya iyong ikinangisi.   "Come on, don't be such a baby. Your lipstick is smudge." Sabi nito ng may ngisi pa 'rin sa labi. Hinayaan ko na siya sa kanyang balak gawin.   Pinahiran niya ng tissue ang labi ko upang mabura ang natitira pang lipstick. Nang sa tingin ko'y wala na ay binuksan niya ang takip ng kanyang lipstick at mula roon, ay nakita ko ang kulay pulang lipstick—na siyang kasingkulay ng dugo, at ang kulay na pare-pareho nilang gamit, kahit si Dalia.   Nilagyan niya ang aking labi ng lipstick na iyon, pinunasan ang ibang lumagpas, at nang makuntento ay tumitig ito sa akin—deretso sa mga mata.   "There, you look like a lady." Nakangiti nitong sabi—ngiting animo'y may lihim na itinatago, bago ito lumapit sa aking tenga at bumulong. "I'm excited to see how they will be crazily crawling at you, Queen." Muli ay humalakhak ito sa aking taynga na siyang ikinataas ng aking balahibo sa aking leeg.   Lumayo ito, at tsaka marahang hinaplos ang aking pisngi gamit ang kanang kamay nitong may gloves, ngunit ngayo'y seryoso na ang kanyang mga mukha. "You really are beautiful, Queen Valkyrie." Bulong niya na siyang ikinanuot ng aking noo, bago siya tuluyang lumabas sa aming sinasakyan na muling bumalik ang dati nitong ekspresyon.   Napansin kong ako na lamang ang natitira sa loob kaya napagpasiyahan kong lumabas mula sa sasakyan. Pagkalabas ko'y mabilis na umandar paalis ang aming sinakyan kanina at pinalitan ng ibang sasakyang aming nasa likuran upang bumaba ang nakasakay doon.   Mabilis naman akong inalalayan ni Dalia pagkalabas ko pa lamang ng pintuan. Napatingin ako sa itaas at halos matulos sa aking kinatatayuan kung gaano kalaki at kalawak, at kung gaano kaganda ang malaking kahariang aking nasa harapan.   Hindi ako nababagay rito. ++++ "Halika na, Zane?" Tumingin ako kay Dalia na nakaalalay sa akin. I nodded hesitant.   Nanliliit ako sa napakalaking palasyong nasa aking harapan. Oo, palasyo. Hindi ko ito napansin kanina dahil habang malayo'y purong gubat lamang ang aking nakikita pero nung huminto, nagulat na lang ako't biglaang gan'on na lang, na nasa harapan na kami ng malaking palasyong ito.   "Don't be surprised, the surroundings under this mansion is under illusion, to hide it from uninvited creatures." Bulong sa akin ni Dalia, siguro'y nabasa niya sa ekspresyon ng aking mukha ang pagkagulat. Dahan dahan akong tumango.   When I said palace, it really is. Mas malaki ito sa mansion ni King Hyde kung saan kami nanunuluyan. Actually, feeling ko nga'y nanliliit ako habang tinitingala ito.   "Ito ay ang pinakamaliit na palasyo sa aming kaharian. Dito talaga idinaraos ang mga salo-salo, dahil mapanganib kung sa talagang palasyo ginaganap ang mga iyon. This palace owned by the late King, which was executed because of his bad deeds and the monarchy—which is known as authority in human world—took care of this palace."   Mouth slightly hanged open, hindi makapaniwalang tumingin ako kay Dalia na ngayo'y nakangiti sa akin na para bang ineexpect nito na gan'on ang aking magiging ekspresyon. Tumango ito nang nand'on pa 'rin ang pagmamalaki sa kanyang boses, na para bang sobrang proud ito sa kanyang mundo.   Napalunok ako at muling tumingala. Isang may kahabaang hagdan na gawa sa ginto ang aming lalakarin paakyat sa malaking pinto kung saan nagmumula ang liwanag. Ang tanging nagbibigay ilaw lamang sa labas ay ang mga maliliit ns bagay na lumilipad, ngunit bilog ang mga ito, bilog na kasing laki yata ng aming palad, o mas maliit ng unti.   "Those are orbs, the ones giving light of our surroundings." Bulong ni Dalia na siyang sa tingin ko'y magsisilbing tour guide ko—na para bang batang ngayon lang nakapunta sa amusent park.   The orbs giving light to our surroundings with its different colors. Para itong mga ilaw sa kamera kapag tinutok mo ito sa araw at kinuhanan ito ng imahe. So beautiful, so vibrant.   "Halika na," Bulong sa akin ni Dalia na siyang nakapagpabalik ng paningin ko sa harapan, at mula doon, nakita ko sila Wilhelmina na halos malapit na sa dulo ng hagdan.   Medyo binilisan ko ang aking pag akyat sa hagdan na siyang medyo nagpahirap sa akin dahil sa heels na aking suot. Its just a three inches heels but I am not used if wearing any kind of it. Mabuti na lang at maikli ang palda ko—   Natigilan ako ng makarating ako sa itaas—sa pinakadulo ng hagdan. Mula rito'y kitang kita ko ang nasa loob. Ginto ang makikita sa buong kapaligiran, tulad ng ilaw, mga nakasabit na desenyo, at iba pa. Ang tanging naiibang kulay lamang ay ang mga suot ng nandito, pati na 'rin ng mga bulaklak na siyang nagbibigay buhay sa lahat.   Lumapit kami kung saan naghihintay sila Wilhelmina sa amin. Bakas ang iritasyon sa mukha ni Cornelia na dahilan upang mapayuko ako habang papalapit sa kanila.   "Why were you so slow—"   "Nandito na nga kami, 'diba?" Pagputol ni Dalia rito. Hindi makapaniwalanh tumingin rito si Cornelia.   "And now you're talking back to me?" Bakas ang iritasyon sa mukha nito bago humarap sa akin, na para bang ako ang sinisisi niya sa lahat, bago tumalikod ng padabog. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Wilhelmina sa inasal ng kapatid.   "Sorry for what my sister said. She's on bad mood." Pag-e-explain nito at paghihingi ng patawad na kahit ang totoo'y ako dapat ang humingi ng patawad doon.   Tumango ako at tumuko, pinaglaruan ang aking mga kamay. "I must be the one saying sorry. I'm sorry, Wilhelmina." Nauutal kong sabi. Napayakap ako sa aking katawan ng biglaang humangin.   Mabilis na napaangat ang aking paningjn ng maramdaman ko ang kamay nito sa aking balikat—mali, sa aking buhok at inayos ito sa balikat na animo'y may tinatakpang parte ng aking katawan.   "It's okay. Let's go?" Bulong nito. Tumango ako at nakayukong naglakad.   "Don't mind Cornelia, she's just jealous that you're more beautiful than her." Nangilabot ako ng marinig ko ang nakakakilabot na tawa ni Carmela. Napalayo ako rito ng kaunti at balak sanang kagatin ang aking labi ng maalala ko ang nangyari kanina. Baka'y pahiran nanaman ako nito ng panibagonh kulay ng lipstick kapag nagkataon. Baka sa susunod ay itim na.   Nang inangat ko ang aking paningin ng makalapit kami ay nakita ko si Cornelia na nasa gilid, at nakatingin sa amin ng may iritasyon. Muli ay napayuko ako, at nang makalapit kami sa kanya'y inangat ko ang akong ulo at tumingin sa kanyang mukha kahit ako'y kinakabahan at mabilis akong nagsalita.   "I'm sorry... Cornelia." Mahina ngunit punong puno ng sinseridad kong sabi. Nakita ko itong umirap.   "Whatever, Zane." Tsaka ito tumalikod sa amin. Narinig ko ulit ang tawa ni Carmela, at bigla kong naramdaman ang mabango nitong hininga sa aking leeg.   "Don't mind her, you're forgiven." Tsaka ito naunang maglakad sa amin. Kinakabahan, sumunod na lang ako sa kanila habang nakayuko ngunit...   "Don't bow your head. You're King Hyde's date. Head's up." Wilhelmina said, still emotionless, as she took a step ahead from me. Naiwan akong natutulos sa aking kinatatayuan, ngunit mabilis na namangha dahil sa aking nakita.   "Wow," Bulong ko sa aking sarili.   Si Cornelia ang pinakaunang pumasok sa loob. Kitang kita ng dalawa kong mga mata ang paghaba ng pulang dress nito sa bandang ilalim hanggang sa sumayad ito sa lupa ngunit nanatili itong maganda pagpasok niya sa loob. Para bang isa itong maharlika dahil sa kanyang tikas. Deretsong deretso ang pagpasok at ang mukha'y punong puno ng confidence.   Sumunod si Carmela. Ang maroon na dress nito'y humaba 'rin, ngunit kitang kita ang mataas na hati sa gilid nito na siyang nagpapakita ng hita nito.   "Let's go, Zane. Hold my hand if you're scared." Napatingin ako sa aking kaliwa at doon ay nakita ko si Clyde na siyang nagsalita habang nakalahad ang kanyang kamay sa akin.   Ngumiti ako, at hinawakan ang kanyang kamay bago tumingin sa harapan at huminga ng malalim.   Sumunod na pumasok ay si Wilhelmina. Ang kulay itim nitong damit at humaba 'rin at kumintab na siyang aking ikinamangha. Kinabahan ako dahil kami na ang susunod.   "Let's go, Zane." Bulong ni Dalia at naunang pumasok sa amin.   Ang maroon nitong damit ay humaba, at nagkaroon ng style sa dulo na parang kulot kulot at ang bandang harapan nito'y nagkadisenyo. Napakaganda 'rin.   Hinatak ni Clyde ang aking paningin upang makuha ang aking atensyon. Ngumiti siya ng matamis sa akin, na para bang sinasabing nandito lang siya sa aking tabi.   Ang silver nitong buhok ay bahagyang nakataas dahilan upang maipakita ang kanyang noo at nakasuot ito ng supel na simpleng itim lamang, upang mapigilan ang buhok nito sa pagbagsak sa kanyang mukha. Ang kulay puting tuxero rin nito'y nababagay sa kanyang itsura. Mas lalo siyang gumwapo.   Huminga ako ng malalim, at inihakbang ang aking paa papasok sa loob.   Pagtapak ko pa lamang ay naramdaman ko na kaagad ang pagbabago ng aking kasuotan.   Ang manggas ng aking damit ay humaba ngunit nanatili itong transparent ngunit kumikintab. Simple pa 'rin ang aking nasa harapan ngunit sa bandang ibaba ay humaba, at nagkaroon ng parang kulot kulot sa ilalim, at kumintab ng ganon kay Wilhelmina.   Simple lamang iyon, ngunit hindi ko alam feeling ko... may nagbago?   "You look beautiful, no. Gorgeous." Nakangiting sabi ni Clyde ng makita ang pagbabago ng aking damit. Napangiti ako at pinisil panandalian ang pisngi niya na siyang ikinangisi nito.   "Let's go." Mabilis akong napatingin kay Wilhelmina na aking nasa gilid pala ng nagsalita ito. Tumango ako, at handa na sanang maglakad ngunit sa isang iglap ay may lalaking nakatayo sa aming harapan. At base sa itsurs nito, sumisigaw ito ng panganib.   "What a beautiful lady. Can I take your hand for a —" Hindi nito natapos ang kanyang sinasabi ng pumagitna sa amin si Cornelia, na para bang hinaharangan ako sa lalaking ito. Narinig kong galit na umungol si Clyde sa aking gilid at ang paghigpit ng hawak nito sa aking kamay.   "Not her, Prince Vermion. Find someone else," Malamig, mas malamig sa boses na ginagamit sa akin ni Cornelia ang pananalita niya ngayon. Doon ko lang napansin na pinalibutan ako ngayon ng aking mga kasama.   Si Dalia ay nasa kaliwa kung nasaan si Clyde, si Wilhelmina ay nasa kanan, masama ang tingin sa lalaking nasa harapan, si Carmela ay nasa likuran at ramdam ko ang pagbabago ng ekspresyon nito. Ang kaninang medyo maloko ay nauwi sa sobrang seryoso, at si Cornelia na animo'y papatay—at handang patayin ang nasa harapan namin.   Napansin kong nakakakuha kami ng ibang atensyon dahil nasa amin na ang paningin ng iba. Napalunok ako at ramdam ko ang panginginig ng aking binti sa takot, lalo na sa uri ng paninitig nila sa akin.   Narinig kong humalakhak ang lalaking aming nasa harapan, isang uri ng halakhak na siyang nakakatakot para sa akin.   "Why being protective, Princess Cornelia?" Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Princess?! "Ops, my bad." Muli itong humalakhak ng nakakatakot. Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Wilhelmina sa aking harapan na animo'y handa na 'ring sumugod.   Mukhang doon lang napansin—o pekeng napansin ng lalaking aking nasa harapan ang ayos ng aking mga kasama. Muli itong napahalakhak. "I just want to dance with our goddess for tonight." Mapang-akit nitong sabi, ngunit sa aking pandinig ay halos gusto kong isuka. Sana'y hindi nila naririnig ang aking iniisip.   "Dance with someone else, you devil." Mariing sabi ni Carmela na aking nasa likuran. Tumingin ng deretso ang lalaki sa akin—sa aking likuran.   "What did you call me?" Para bang hindi makapaniwala nitong sabi. Mula sa aking gilid, nakita ko ang pagngisi ni Wilhelmina.   "Devil? Oh, yes. You are." Humalakhak si Carmela, isang halakhak na siyang malambing, ngunit rinig ko roon ang pagbabanta sa kanyang boses. "As our Cornelia said, find someone else." Naglakad ito hanggang sa pumantay ito sa akin sa bandang kanan. "This girl? Is owned by our King." Ngumiti ito na siyang ikinasama ng mukha ng aming nasa harapan.   "Owned by your King, huh?" Tumawa ito, isang mapang insultong tawa. Doon pa lamang, ramdam ko na ang tingin ng halos lahat sa amin. Napayuko ako sa kahihiyan. I caused this.   "Your f*****g King who—" Natigilan ito ng sa isang iglap ay nakalapit na sa kanya si Cornelia, at ang kamay nitong may matulis na kuko sa hintuturo ay nasa leeg nito. Dahilan upang magkaroon ng singhapan sa buong paligid.   "Can you please repeat what you've said, Prince Vermion?" Malambing na sabi ni Cornelia ngunit siyang nagbigay kilabot sa aking buong katawan. Doon ko lang napansin ang mga aura ng aking nasa paligid.   These dangerous stares. The immense killing aura. These ready to kill stances.   They're willing to kill for their King.   "What's happening here?" Dumagundong ang isang napakalamig at nakakakilabot na boses mula sa kung saan.   Nakita ko ang paghawi ng daanan kung saan nakita ko ang isang matanda, na siyang nangunguna sa pitong kalalakihan. He has this intimidating aura that badly wants you to kneel until he said enough. My instinct saying he's dangerous, at the same time, safe.   "Prime Minister Voixtres," Sabay sabay na pagbati ng aking mga kasama kasabay ng pagtuko ng mga ito kaya nakiyuko na 'rin ako, nakatukod ang kaliwang tuhod sa simento habang ang kanan ay nakatayo, at doon nakapatong ang kanilang kanang kamay, pati ang lalaking nasa harapan namin ay gan'on rin ang ginawa... hindi, lahat ng nakapaligid sa amin maliban sa pitong kalalakihan.   "Stand up." Ang makapangyarihang boses nito na siyang nakapagpatayo sa aming lahad. Taas noong sinalubong ng aking mga kasama ang matandang aming nasa harapan, tanging ako lamang ang bahagyang yumuko dahil nanliliit ako sa aurang nakapalibot rito.   Yumuko ako dahil hindi ko makayanang makipagtitigan sa mga ito. Tumingin na lamang ako sa aking tuhod at hinanapan ito ng dumi dala ng pagyuko ngunit wala, kahit na puting puti itong suot ko.   "What was happening here?" May kung anong autoridad sa boses nito na dahilan upang mapatingin ako sa mga ito. Nakita ko ang matanda na nakatingin sa lalaking aming nasa harapan na tinawag nilang Prince Vermion, at kay Cornelia na walang takot na mababakas sa kanyang mukha.   Ngunit ang siyang nakakuha ng aking atensyon ay ang lalaking nakatitig ng mariin sa akin, na siyang nagpakabog ng aking puso. Mabilis kong iniwas ang paningin rito at tumama sa isang lalaking may ngisi sa kanyang labi. He mouthed something, like 'Lagot ka,' bago nagpatay malisya ng humarap sa kanyang ang katabi nitong iniiwasan ko ng paningin.   "I was just asking that girl in white dress for a dance, but they stopped me." Buo ang boses na sabi ng lalaki ngunit mababakas ang takot. Bumaling ang prime minister kay Cornelia ngunit wala manlang nababakas na maski anong takot rito.   "Forgive me, Prime Minister, but this girl is precious." Nakita ko ang pagkunot ng noo ng lahat dahil sa sinabi ni Cornelia. Pakiramdam ko'y may humaplos na mainit na kamay sa aking puso dala ng kanyang sinabi.   Nabaling ang atensyon sa akin ng prime minister. Nanunuot ang titig nito na para bang pinag-aaralan ako. Nakaramdam ako ng kaba, lalo na sa sinabi nito.   "And who told you to bring a mortal in our palace?" Nakarinig kami ng singhapan sa paligid. Nakagat ko ang aking labi at tuluyang isinantabi muna ang sinabi ni Carmela. Nabaling ang paningin ko sa lalaking aming nasa harapan na animo'y nakangisi, na akala mo'y nasa kanya ang pagkapanalo.   Nakarinig ako ng sobrang hinang halakhak, na dahilan upang mapatingin ako kay Wilhelmina, at nakita itong nakatingin sa lalaking nagfefeeling na panalo na siya. Bumaling ang lalaki rito, nakakunot ang noo at kitang kita ang katanungan sa kanyang noo.   Nagulat na lamang ako ng biglang may brasong pumalibot sa aking maliit na baywang, at biglang naramdaman ang init ng kanyang presensya mula sa malamig nitong katawan. Hindi ko maipaliwanag kung paano iyon ipaliwanag ngunit sigurado akong siya iyon. Ang pamilyar na tikas at amoy na siyang hinahanap hanap ko kanina. Biglang kumabog ng mabilis ang aking puso sa pinaghalong kaba... at... hindi ko alam.   "Forgive me, Prime Minister. But this girl is my date. She's mine, and I commanded my servants to not let any man touch her, except Clyde." What he said made my knees became jelly. Oh my god!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD