CHAPTER 7

4275 Words
My knees became weak, as I felt some butterflies rumbling inside my stomach.   Tumikhim si Seifer, "How about me, man?" Nakangisi nitong bulong. Humarap rito panandalian si Hyde, ngunit ibinalik 'rin kaagad ang tingin sa Prime Minister.   "You're no exception," Sagot pa 'rin nito. Seifer acted like he's hurting. He placed his hand in his chest like he's catching his breath and grimaces.   "Aw, that hurts, man!" Ngunit hindi ito pinansin ni Hyde—King Hide.   Tumikhim ang Prime Minister. "Be sure to take care of her then, King Zuirius." Ani nito tsaka ito tumalikod. Sumunod ang ibang lalaki rito habang si Seifer naman ay lumapit sa amin ng may ngisi sa kanyang labi.   "Damn, man! That was cool!" Tinapik nito ang balikat ni Hyde—King Hyde, tsaka bumaling sa akin at kumindat. "Hey there, miss beautiful." He was about to get my hand when Hyde took a step forward, causing him to block Seifer's way into mine.   Hindi sinasadyang nabaling ang paningin namin sa lalaking natutulos sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin kay King Hyde. Mula sa aking gilid, kita ko ang paninitig ng hari sa akin na dahilan upang mas lalo akong huwag tumingin rito. Nang mapansin niyang hindi ako sa kanya nakatingin ay sinundan niya ang aking tinitignan, na dahilan upang mas mawalan ng kulay ang mukha ng lalaki kanina.   "What shall we do to him, master?" Parang robot na bulong ni Cornelia—walang emosyong nagsalita na animo'y kahit yata sabihin ni Hyde na magpakamatay ito ay kanyang gagawin—ngunit syempre'y di niya iyon iuutos.   "Leave him." Sagot ni King Hyde at bumaling ito sa akin. Nahigit ko ang aking hininga nang magtama ang aming mga mata. It was like, I'm being consumed by the storm inside his eyes that caused me to catch my breath even I don't even do a single thing, just... stare at him.   Sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin na dahilan upang mapalunok ako. I've never been this close into someone—just him. Rinig na rinig ang kabog ng aking dibdib na para bang nakikipagkarera ito sa napakaraming kabayo at ramdam ko ang nagwawalang kulisap sa aking tiyan.   "Are you okay?" Bulong nito sa akin. Napalunok ako, at dahan dahang tumango.   "Y-Yeah..." Tila ay kay hirap noong bigkasin. Napayuko ako dahil hindi ko yata kayang sabayan ang kanyang titig sa akin.   "Let's go," Bulong nito at tsaka bumaling sa aming mga kasama. Para bang nakuha ng mga ito ang kanyang pinapahiwatig sa pamamagitan lamang ng pagtingin niya sa mga ito.   Mabilis na nagsikilos ang mga ito— iyon bang umarte sila na wala mismong nangyari o naganap kanina at nagsimulang maglakad papunta sa pinakamalapit na lamesa na may upuan sa gilid, katabi ng napakalaking hagdan na papunta sa second floor, at sa itaas noon, ay isang napakalaking chandelier na sa unang tingin, alam mo na kaagad kung saan ito gawa, at bilyon-bilyon ang halaga sa mundo ng mga tao.   Kumikinang sa ginto ang aming kapaligiran. Ang simentong kulay puti na akala mo'y kumikintab, at ang mga bulaklak lamang ang sadyang naiibang kulay sa lahat.   Cornelia led us again. Wilhelmina's just walking silently like she's on her own world while Carmela and Dalia's now talking about I don't know, I can't hear it properly. What I am hearing is just my heartbeats—fast and loud. I felt Clyde's stare at mine as I gripped my hand with his.   I am intimidated by the presence of their King.   Napayuko ako at nagpahila na lamang kay King Hyde. Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ibinabato sa akin mula sa mga taong... bampirang nandirito ngayon. Ang iba'y nagtataka kung bakit ako nandirito na para bang hindi ako nababagay rito, ngunit karamihan ay galit... na hindi ko alam kung para saan.   "Don't mind them," Ramdam ko ang pagtatayuan ng aking balahibo sa aking leeg ng maramdaman ko ang bulong ng hari sa aking tenga. Nakayuko, dahan dahan akong tumango. I can't bear to look at him... with his intimidating aura.   I admit, he looks more gorgeous than ever with his white tuxedo that reallu suits his looks. He became more spectacular with his silver storm eyes catches many attention, even he isn't looking at you.   Hawak ko pa 'rin ang kamay ni Clyde sa aking kaliwa na para bang ayaw ko iyong binatawan dahil sa totoo lang, doon ako kumukuha ng lakas.   Mula sa pagkakayuko, ibinaling ko ang tingin kay Clyde na nakatingin pa 'rin sa akin. Sinubukan kong ngumiti... at sana'y nagawa ko iyon ng maayos.   Hanggang ngayo'y hindi ko pa 'rin alam ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko sa sinabi ni King Hyde na date niya ako o baka sinabi niya lang iyon para maligtas ako kanina. Who knows, right?   Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng kung sinong nakahawak sa aking baywang, kasabay ng paghinto nito kaya ako'y napahinto 'rin. Nagtataka akong humarap sa kanya at halos mahigit ko ang aking hininga ng makita itong madilim ang mukha na nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng takot.   Ano nanaman bang ginawa ko? s**t, Zane!   Umigting ang panga nito ng makita ang takot sa aking mukha. Iniwas nito ang paningin sa akin at huminga ng malalim.   "King..." Nangibabaw ang boses ni Clyde sa aking gilid, bakas ang pag-aalala nito, at may kaunting takot? Hindi ko alam.   Ngunit hindi ito pinansin ni King Hyde. Patuloy lamang siya sa pagpapakalma sa kanyang sarili at ng humarap ito sa akin, wala na muling ekspresyon ang mukha nito. Nanlamig ako.   "You are my f*****g date," Sinabi niya ito gamit ang malamig na boses tsaka inilibot ang paningin sa buong kapaligiran. Narinig ko itong nagmura ng mahina. "Fcking nosy creatures who want their heads being rip from their body." Bulong nito na umabot sa aking paningin dahil sadyang napakalapit lang namin sa isa't isa.   Humarap ito sa akin— mali... kay Clyde na aking nasa gilid. "We'll feast, later." Bulong nito na nakapagpataas ng balahibo sa aking katawan ng hindi ko alam kung bakit.   Nakaramdam ako ng takot. Lalo na nang ngumisi si Clyde. "Yes, King." Isang nakakapangilabot na ngisi ang inilabas ng batang kasama namin, na para bang may mangyayaring madugong pangyayari mamaya na... hindi ko maimagine.   Ang kamay kong pinapatungan ng gloves na puti ay nanlamig. Humigpit ang hawak ko kay Clyde at ang libreng kamay ko ay napahawak sa gilid ng tux ni King Hyde, ngunit mabilis ko namang nabawi iyon sa pag-aakalang iyo'y magugusot.   Doon ko lamang napansin na nag-iba ang tensyon sa buong kapaligiran. Ako lang ba... ngunit nangunguna ang takot sa buong kapaligiran? Ramdam na ramdam iyon kahit na ang iba'y walang ipinapakitang ekspresyon sa mukha. Napalitan ng takot ang kaninang puno ng panghuhusgang kapaligiran.   Napalunok ako. Ako'y natatakot 'rin ngunit mas nangingibabaw ang kuryusidad sa aking katawan. "W-What's... feast?" Mahina at kinakabahan kong tanong.   Muli ay nasa akin ang atensyon ni King Hyde, ngunit hindi niya ako sinagot, at sadyang nakipagtitigan lang sa akin.   Mabilis akong napaiwas ng narinig ko ang mahinang halakhak na pambata ni Clyde. Isang nakakakilabot na halakhak para sa isang batang katulad niya. "Feast... showers of blood, Zane."   Napayuko ako. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong napabitaw sa pagkakahawak sa kanya. I was consumed by petrified feeling. I... I don't want to witness that... again. I don't... want it to happen... again.   That I am the reason... for it to... happen.   Hindi ko kinaya. Ramdam ko ang panggigilid ng aking luha sa takot. I was about to run to the table where the others are when King Hyde suddenly gripped my right arm to stop me from running. Away. From him.   I heard him cussed when I tried to remove his hand on my arm. Instead, he pulled me to him that caused me to come close at his chest, until I felt his hands on my back.   "I'm sorry, Zane... I won't." Bulong nito at ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. I'm afraid... that he could hear my heart beating fast... because of hi—petrified. Yes, because of petrified.   "Master?" Bulong ni Clyde at tulad ng kanina, hindi ito pinansin ng lalaki. Ramdam ko amg pagtataas-baba ng dibdib nito na dahilan upang mapahawak ako sa tux nito at medyo nagusot iyon.   "I won't do it... if you don't want it to... damn."   Nakarinig ako ng palaklak mula sa isang gawi na dahilan upang mapabitiw ako rito.   "Very well," Isang tinig mula sa malaanghel na babae ang siyang nasa aming harapan at humahalakhak ngayon.   She's wearing a red dress, no. Crimson dress that suits her sexy body. Her black wavy hair, same as mine, is falling freely behind her back. She's an angel... with an evil stare. Napalunok ako.   Naramdaman ko ang pagkapit ni Clyde sa aking kamay na dahilan upang mabawi ko ang paningin ko sa magandang babaeng aming nasa harapan. I saw Clyde glaring at the girl in front of us. Again, naramdaman ko ang braso ni King Hyde sa aking likod.   Tumingin ang babae sa aming tatlo, isang mapanuring tingin, lalo na sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan habang nakataas ang kanyang kilay, tsaka ito tumawa ng may halong pang-uuyam.   "You look like a family, huh?" Puna nito sa amin. Tsaka ko lamang naalala na pare-pareho kaming nakasuot ng puti. Muli ay tumawa ito at tumitig sa akin... sa aking mga mata. Napahakbang ako paatras sa takot ngunit hindi ako pinigilan ni King Hyde.   Kumunot ang noo ng babae. "Why I can't..." Muli ay sinubukan nito. Napakunot noo na 'rin ako dahil pakiramdam ko'y nay puwersang gustong pumasok sa aking utak ngunit may pumipigil rito. Maya maya ay bigla itong nawala, ngunit ang babae ay napangiwi at napahawak sa kanyang ulo.   "My lady Viviane, are you alright?" Boses mula sa kasaman itong lalaki. Tumango ang babae at pilit ngumisi, kahit halata ang sakit sa kanyang mukha.   "So she's your date, my love." Humarap ito kay King Hyde, ngunit wala manlang itong ekspresyon sa mukha habang nakatingin sa babae.   "Yeah. If you excuse us, Princess Viviane." Malamig ang pagkakabanggit ni King Hyde sa mga katagang iyon. Muli, ay nang-uuyam na tumawa ang babae na animo'y nababaliw.   "I know you're still not over with me, my love." Humakbang ito papalapit kay King Hyde at medyo itinulak ako na dahilan upang muntikan na akong mawalan ng balanse. Mabuti na lamang at nakatayo ako ng maayos.   Pinasadahan niya ng kanyang kamay ang tuxedo—dibdib ng aming hari bago malanding ngumisi rito. b***h!   "We can start a new—" Hindi na nito naituloy ang kanyang sinasabi dahil sa isang iglap, nasa mesa na ako, kung nasaan sila Cornelia, habang siya'y naiwan sa gitna.   Thanks to Clyde, by the way.   Bumitaw ako kay Clyde at tsaka naupo sa upuan, kinuha ang basong may alak—o wine mula sa isang lalaking may bitbit na sa tingin ko'y waiter at tsaka nilunok iyom ng isang inuman lamang.   Muli ay ibinalik ko ang atensyon ko sa gitna at nakita kong nakakunot ang noo ni King Hyde habang nakatingin sa aming pwesto. Inirapan ko siya, at humarap sa aking katabi—kung saan nakaupo si Seifer.   "Seifer," Bulong ko rito. Medyo nagulat ako sa lamig ng aking boses. Nakangisi itong humarap sa akin at medyo inilapit ang kanyang pwesto sa akin.   "Yes, Miss Beautiful?" His flirty smirk... ugh!   "Whose party it is?"   "Oh," ngumisi ito at medyo lumapit muli sa akin, tsaka humarap sa pwesto kung saan nakatayo pa 'rin si King Hyde, sa gitna kung nasaan ang babaeng malaanghel ang mukha ngunit demonyo naman ang ugali.   "This party is organized by the debut of Princess Viviane, and..." Hindi nito itinuloy ang kanyang sinasabi at ngumisi na lang. Oh, mas matanda pa pala ako sa kanya, pero hindi siya marunong gumalang. Napairap ako sa aking naisip. Umayos ka, Zane. Mas mataas sayo iyang pinag-iisipan mo ng masama.   Tumango nalamg ako sa sinabi ni Seifer at hindi na nagsalita. Hindi ko alam kung sadyang matalas lamang ang aking taynga, o sinasadyang iparinig ng iba sa akin kung gaano kabagay ang dalawang nilalang na nasa gitna ngayon. Muli ay napairap ako.   Bagay nga sila, parehong hayop. Nagbibiro lang ako, okay?   Naramdaman kong umalis sila Cornelia para sa... hindi ko alam. Tumingin si Dalia sa akin na animo'y nanghihingi ng pahintulot sa pag alis, dahil naghihintay sa kanya ang iba. Tumango na lamang ako. Naiwan sa aming pwesto si Clyde dahil umalis 'rin si Seifer papunta sa... who knows.   Dumukdok ako. Ayos na 'rin 'to, dahil wala na sa akin ang atensyon ng iba kundi sa dalawang taong nag-uusap sa harapan.   Narinig ko ang pagtunog ng upuan sa aking gilid, kung saan ang kaninang pwesto ni Seifer. "Ang bilis mo naman—" Napahinto ako dahil pagtunghay ko, ibang lalaki ang nakaupo ngayon sa dati nitong pwesto.   He has chiseled jaw, but his innocent blue eyes caught my attention. But I think, he's no longer innocent. But his face... is somehow familiar.   Napanguso ako. "You know it's rude—" Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi ng may maalala.   Wait... he's... Kasama siya ng Prime Minister kanina?   Napahalakhak ito ng makita ang aking ekspresyon. Maybe, he saw familiarity in my eyes. "Yes, my lady. I am one of the guys behind Prime Minister earlier." Muli ay nanlaki ang mga mata ko. Nababasa niya ang aking nasa isip?   Then he laughed again. "I am Vander, call me Van." Napatitig ako sa mga mata nito. Ocean blue eyes... baby blue eyes.   "Van," Kusang lumabas sa aking bibig, kasabay noon ay ang pagtunog muli ng upuan sa aming harapan at bumungad sa amin ang madilim na anyo ni King Hyde, at ang walang pakialam na mukha ni Clyde dahil busy ito sa kanyang kinakain.   "Vander," Mariing bulong ng lalaking aming nasa harapan. Lihim akong napairap, kasabay noon ay ang pagbaling ng madilim nitong tingin sa akin. Kung kanina'y natatakot ako, ngayon, inis ako.   Magsama sila ng b***h niyang si Viviane!   "Zuirius," Humalakhak si Van na para bang may nakakatawa itong sinabi. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.   Zuirius? Kanina ko pa 'yon naririnig, ah?   "Prince Vander,"   Mabilis na nabaling ang aking atensyon sa mga taong kadarating lamang—kila Wilhelmina na ngayo'y nakayuko dahil sa taong nakaupo sa aking tabi. Nanlaki ang mata ko sa pangalang kanilang binanggit, mali, sa pagbibigay nila ng galang sa lalaking nasa harapan.   Narinig ko ang halakhak nito. "Drop the formality," Bumaling ito sa akin. "So, Zane Morgan?" Kumunot muli ang noo ko.   I haven't introduced my name to him, right?   Then he laughed. "Chill, gorgeous. You were the talk of the town." Talk of the town? You mean, earlier? Oh.   Napairap ako. Yeah, whatever. Hindi lang pala sa mundo ng mga mortal ang may mga chismosa, pati 'rin pala rito. Ops. Hindi naman nila nababasa ang isip ko, 'diba?   "Fierce, I like it." Nabaling muli ang atensyon ko sa kanya ng bumulong ito ngunit hindi ko naintindihan. Sobrang hina kasi, para bang sinadyang sa sarili lang niya ibinulong—o tanging matatalas ang pandinig tulad lang nila ang dapat makarinig. At kaya ako bumaling sa kanya ay para ipaulit ang sinabi nito.   "I'm sorry, but pardon?" Nakakunot noo kong sabi. Umiling ito, there's still his amused expression before he focus his stare at the man in front of us.   Nakita kong nagsi-upuan sila Wilhelmina sa table na katabi namin na siyang ikinanuot ng noo ko. Pwede naman silang umupo rito, hindi ba? Isa pa, sila ang nauna sa table na 'to at... ugh! Basta dito dapat sila!   "Cousin, what's up?" Ngumisi ito ng may pang-asar. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig.   "Cousin?" That was supposed to me but I guess, I voiced it out. Sabay sabay na nabaling ang atensyon nila sa akin. Kung kila Wilhelmina ay sanay na ako, dito sa lalaki sa aking harapan at hindi.   He chuckled. "Yeah, we're cousin. Vander Alexander De'Leuther is my full name." Tumingin itong muli sa akin at ngumiti habang nakakunot parin ang noo ko. How... wait.   Hindi ko pa alam ang buong pangalan ni King Hyde.   Humarap ako 'rito ng puno ng kuryusidad sa mukha—kay King Hyde. Mabilis itong napaiwas ng tingin na hindi ko alam kung bakit. Narinig kong muli ang halakhak ng aking nasa tabi ngunit hindi ko inalis ang aking paningin kay King Hyde.   "I guess she doesn't know your full name, cous? Poor you." Pang asar na sabi ng nasa tabi ko. Kitang kita ko kung paano umigting ang panga ni King Hyde sa galit, ngunit malayo pa 'rin ang tingin niya.   "Draven Zuirius Hyde De'Leuther Von Blood." Ani ng katabi ko na hindi ko masyadong nasundan dahil sa bilis noon.   Humarap ako sa kanya. "Huh?" I didn't get it, really.   Umiling ito at tsaka tumayo. "I guess, he should be the one saying his real name." Nginuso nito si King Hyde. Tumingin ako kay King Hyde ng nakanguso, of course, I'm curious about his full name!   Nanlaki ang mata ko ng may maramdaman akong labi sa aking pisngi. Napakabilis ng kanyang galaw kaya hindi ako nakaiwas. Bumilis ang t***k ko dahil sa gulat at napalayo agad rito ngunit tumawa lamang ito at mas lumapit sa akin. "See you later, babe." Bulong nito gamit ang malalim, at mapang-akit nitong boses.   As a cue, King Hyde is now in front of him, holding his collar. "Bastard," Mariin nitong sabi bago binitawan ang collar nito na tinawanan lang ng pinsan niya.   "Just a piece of advice, bro." Tumingin si Vander sa akin at ngumisi, bago ibinalik ang atensyon sa pinsan niyang kaharap niya. "Don't let her disappear in your sight." Kasabay noon ay ang pagkawala nito. Nakahinga ako ng malalim dahil wala na ang tensyon.   Pero mabilis na dumagundong ang kaba sa aking dibdib ng maglakad papalapit sa akin si King Hyde at lumuhod. May idinukot siyang kung ano sa kanyang tux—isang puting panyo, at ipinunas iyon sa aking pisngi kung saan hinalikan ni Vander.   Hindi pa ito nakuntento, "Wilhelmina, bring me a disinfectant."   "Yes master," Sagot ni Wilhelmina.   Nanlaki ang mata ko. "Wait! Don't tell me, ibubuhos mo iyon sa mukha ko?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya ngunit tinitigan nya lamang ako, na para bang sa pagtitig niya na iyon ay may makukuha akong sagot at tama siya, dahil sa pagtitig na iyon ay nakita ko kung gaano siya kaseryoso.   I groaned. "Wala namang germs—"   "It has," Mariin nitong sabi, "Vander's virus." At seryoso. Napatingin ako rito na animo'y tinubuan siya ng dalawang ulo.   Seryoso ba siya? Oo, seryoso ang mukha niya pero... what the...   "I am serious," Bulong nito sa aking isip. I groaned again but a thought comes in my mind. I giggle.   "Yes, you are Zuirius," Sagot ko sa kanya mula sa aking ulo. Nakita kong kumunot ang noo nito, ngunit hindi nakalagpas sa akin ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi.   "Here, master." Napatingin ako kay Wilhelmina na aming nasa gilid at nanlaki ang mata ko ng may dala na itong alcohol!   "Wait," tumawa ako ng ninenerbyos. "Ako nalang maglalagay niyan sa mukha ko." Mabilis ko iyong inagaw kay Wilhelmina at tumayo. Tiningala ako ni King Hyde ng nakakunot ang kanyang noo. Alanganin akong ngumiti. "Cr lang ako,"   Pero ang totoo, itatago ko lang 'tong alcohol.   Nandilim ang mukha ni King Hyde, "No," There's a finality in his voice that caused me to pout.   "But—" Naputol ang aking sinasabi ng may kasabay akong nagsalita.   "Ladies and gentlemen, the debutant is requesting Mr. Hyde Von Blood to be her first dance," And blah blah blah.   Napatingin ako sa itaas at nakitang naglalakad pababa ang MC habang inaalalayan nito ang babaeng may mala-anghel na mukha ngunit malademonyong ugali. Ngumiwi ako.   Nakarinig ako ng halakhak sa aking tabi kaya napatingala ako, syempre, mas matangkad siya sa akin, at nakita kong nakatingin ito sa akin ng may bakas pa ng ngisi sa kanyang labi. Napairap ako.   "I'll be back. Don't dance until I'm not around." Sabi nito sa akin bago bumaling sa mga babaeng nasa kabilang table na animo'y nagbabanta o may inuutos?   Isang kurap ko lamang ay nasa paligid ko na ang mga ito. "Yes Master," Sabay sabay nitong sabi.   Humarap si King Hyde sa akin na para bang binabalaan ako na sundin ang kanyang inuutos. Napayuko ako. Feeling ko'y umurong ang buntot ko at ang tanging magagawa ko lamang ay sundin siya.   Kahit na sa babae pa niya siya pupunta at makikipagsayaw. Tsk!   Narinig kong muli ang halakhak nito. Mahina, ngunit siyang nakapagpataas ng aking balahibo. Yumuko ito sa akin. Napaatras ako, kasabay noon ay ang pagtunog ng isang kantang hindi pamilyar sa akin.   "This will be quick. I'll be back and be your first and last dance." Bulong nito at sa isang iglap, wala na ito sa aking harapan.   Bumaling ako sa gitna kung saan ay kitang kita ko ang bawat nilalang—este tao dahil mukha naman silang tao ngayon—na may kanya kanyang mga kapareha upang sumayaw. Huminga ako ng malalim at napagpasyahan na lamang umupo.   Inangat ko ang aking paningin sa aking mga kasama. Ang kaninang mga nakatayo ay dahan dahan ng nagsisipag-upuan.   Si Carmela ay hindi ko alam kung nasaan. Basta, nandito siya kanina malapit sa amin, ngunit ng mabaling ang paningin ko sa harapan ay napangiti ako. She's dancing with someone... I don't know. Nakasimangot ito na siyang madalang ko lang makita dahil lagi itong nakangisi kapag nakikita ko.   Si Dalia ay naupo sa aking kanan, sa pwesto kanina ni Seifer at ni Vander at medyo inilapit sa akin ang upuan. Pustahan, nagkukwento ito mamaya. Ngunit mali ako dahil bigla itong nawala sa aking gilid at nagulat ako ng makita ko ito sa harapan habang hawak ni Seifer ang baywang niya. Woah, ang bilis!   Ibinaling ko ang paningin ko kay Clyde na kumakain pa 'rin ngayon. Nanlaki ang mata ko ng makitang may malaki nanamang plato sa kanyang gilid na punong puno.   "Clyde?" Pagtatawag ko ng atensyon nito.   Tumunghay ito mula sa pagkakakagat sa buto ng manok. "Hmm?" Madungis ang kanyang mukha na siyang ikinangiti ko. He's really a cutie!   Inilabas ko ang panyo ni King Hyde na pinangpunas sa akin kanina at tsaka ito pinangpunas kay Clyde. Hinayaan niya naman ako sa aking ginagawa habang patuloy sa pagkain ngunit hindi niya itinataboy ang kamay ko.   "Sure ka bang mauubos mo 'yan?" Tanong ko habang pinupunasan ang baba nito. Tumango ito, tsaka inilahad sa akin ang binti ng manok na kakakagat niya pa lamang.   "You want?" Umiling ako. Mabilis naman nitong sinubo ang kanyang pagkain at nagpatuloy sa pagnguya. Natawa ako. He's really adorable!   Si Cornelia ay naupo sa aking harapan habang sumisimsim ng inumin sa kanyang kopita, habang si Wilhelmina ay naupo sa tabi nito habang inililibot ang paningin. Hanggang ngayon ay pala-isipan pa 'rin sa akin ang narinig ko kanina.   Princess Cornelia. So it means, Wilhelmina is a Princess, too. I was about to ask some question when suddenly, a young girl comes into our view. She's crying, her makeup is a mess. But still, she looks so beautiful. Her pink gown suits her snow white skin as her black semi-straight and semi-curly hair falls into her back. Her hair is straight at top but curly at the end, and I think, it's natural.   "Ate Lia and ate Mina! Uwaaah!" Umiiyak itong naglalakad papalapit sa amin habang kinukusot kusot ang kanyang mga mata. She's adorable, yeah. Mabuti na lamang at malakas ang kanta, o sadyang hindi lamang ito pinapansin ng iba.   Nang marinig ni Cornelia at Wilhelmina ang boses nito ay mabilis itong humarap sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata nito na siyang ikinalaki 'rin ng aking mga mata. Mabilis itong nagsitayuan at lumapit sa bata.   The prim and proper Cornelia and Wilhelmina? What's happening?   "Arabella? What are you doing here?" Sabi ni Cornelia, gamit ang matigas at malamig nitong boses bago umupo sa kanyang upuan at napahawak sa kanyang sentido na para bang may nakapagfrustrated rito. Inalalayan naman ni Wilhelmina 'yung bata na umupo sa isang bakanteng upuan at tsaka siya naupo sa tabi nito.   "Come back home!" Umiiyak na sabi ng bata. Humarap si Wilhelmina sa akin na animo'y nanghihingi ng pasensya sa ingay na dala nito mgunit umiling lang ako.   Pansin ko pagkakahawig nitong tatlo, na dahilan upang mapakunot ang noo ko. Wait. She's... their sister?   "You know we can't, Bell." Malamyos na sagot ni Wilhelmina rito. Mas lumakas ang iyak nito na dahilan upang unti unti ng magtinginan sa amin ang tao.   Napansin iyon ni Cornelia kaya mas kumunot ang noo nito sa inis. "Don't cry!" Marahas nitong sabi. Mukhang natakot ang bata at balak pa yatang ilakas ang kanyang iyak kaya tumayo na ako. Nakuha ko ang atensyon ni Cornelia at Wilhelmina. Nagtatakang tumingin sila sa akin habang ako naman ay naglakad papalapit sa bata.   Nang makalapit ako ay mabilis akong lumuhod upang kami'y magpantay. "Shh, don't cry." Pag-aalo ko rito. Nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap at umiyak sa aking balikat.   "C-Convince my sisters to go b-back in our house, p-please? Please? A-Arabella m-miss them. Please p-please?" Humihikbi nitong sabi. Napatingin ako sa dalawa.   There's a longing and concern held in their eyes as they stare at their little sister who's pouring her hearts out while hugging me. Hinaplos ko ang likod ng ulo ng bata upang mapagaan ang loob nito.   "Hush. Yes, baby. I will convince your sisters,"   "Are you nuts?" Biglang sabi ni Cornelia sa akin habang nakakunot ang noo. Umiling ako at ngumiti rito.   "Of course, you need to visit her sometimes." There's nothing wrong with it, right?   "No, I won't ever go back to that house again." Mariin ang pagkakasabi nito na animo'y iyon talaga ang kanyang gagawin. Mas lumakas ang iyak ng batang nakayakap sa akin kaya muli ko itong inalo.   "Why don't you just let her visit in King Hyde's house? With her butler?" Tumingin ako sa lalaking may kalayuan sa amin, ngunit sigurado akong binabantayan nito ang batang aking yakap. Sumama ang mukha ni Cornelia at hindi na nagkumento pa, buti na lang at si Wilhelmina ang sumagot.   "King won't allow it; after all, it's restricted for others to go in his house without his permission." Oh, that's why, eh?   "Then, I will convince him!" Nakuha ko ang atensyon nilang dalawa.   "How?" May pagkamangha sa boses ni Wilhelmina, o baka naman ay namali lang ako ng rinig? Kita ko 'rin ang malamig na tingin ni Cornelia. Nahihiya akong napangiti.   "Uhm, let's see?" Ngumiti ako ng alanganin. Napairap si Cornelia ngunit hindi nakalagpas sa akin ang paglabas ng ngisi sa kanyang labi. Si Wilhelmina naman ay napangisi lamang.   "Right, do your best, Zane." Sabi ni Wilhelmina. Napangiti ako ng totoo   Alright, I will. -- A/N: Hi! May alam ba kayong sweet song? Pang sayaw ganon, slow dance. Hihihi. Comment pls. I need your helppppp!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD