Natigilan ang lahat. Lahat ay napako sa kanilang kinatatayuan maliban sa babaeng nakaupo sa aking kama at ngiting ngiti sa bagong dating. Maski ako'y napako sa aking pwesto. Hindi ako makagalaw, mistulang may panibagong takot ang dumating sa aking katawan. At kung bibigyan ito ng level ay sa tingin ko'y nasa level 9 na ito, maximum at 10. Chills are running into my spine that makes my whole body feels cold. Another cold feeling that I can't even explains how my body reacts with this.
Mukhang hindi lamang ako ang nag iisang nakaramdam n'on. Ang mga bantay at ang mga head masters ay nakatingin sa isang bahagi, sa daanan papunta rito sa dungeon at animo'y ineexpect na doon magpapakita, o nandoon ang nagsalitang iyon. Pati ang mga nagtatakbuhan kanina ay natigil sa pagtakbo, nasa gilid na ngayon, at walang salitang lumalabas sa mga bibig at punong puno ng takot ang makikita sa kanilang mga mata.
Tanging tunog lamang ng paglagapak ng sapatos sa simento ang maririnig sa buong paligid. Mali, pati rin ang mga huni ng insekto at ibon sa labas, ang pagtulo ng tubig mula sa butas na bubong sa bawat gilid, at doon ko lamang namalayang umuulan pala.
That's why kakaiba ang lamig ngayon. Nasabi ko sa aking isip ngunit pati ako ay nagdadalawang isip rito. Dahil na iyon sa panahon... o sa bagong dating?
"Ang hirap nilang kausap." The woman— Wilhelmina answered with a shrug. Muling nagbalik ang emotionless nitong ekspresyon at tumingin ng deretso sa mga head masters na kumpol kumpol na sa isang tabi.
This time, kitang kita ang takot ng mga ito na hindi na nila pinag aksayahan pang itago. Kumunot ang noo ko sa kuryusidad kahit natatakot rin ako.
Sino ba itong lalaki? At bakit parang takot na takot ang lahat sa kanya? Bakit pati ako na hindi sya kilala ay takot na takot rin?
Habang umeecho ang tunog na papalapit na yapak sa amin ay siyang pag atras at pagbibigay ng daan ng mga tao— mapabantay, head master, o alipin man.
Napatingin ako kay Wilhelmina— kung papayagan niya ba akong tawagin siya sa kanyang pangalan, at nakitang tinitignan nito ang kanyang mga kuko na bumalik na ulit sa dati, ngunit may bakas pa 'rin ng mga dugo rito. Bigla itong tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay, na siyang nagbigay kilabot sa akin kaya napaiwas kaagad ako ng tingin.
Muli ay ibinalik ko ang tingin sa harapan ngunit wrong move siguro.
My breathe ceased when I saw a dangerously gorgeous man stepped into my view— he's walking with grace and there's an authority aura around him that makes us want to kneel and bow our head— even kiss his shoes or foot whenever he's walking or in front of us.
He's so powerful. I could feel it. Everyone could feel it.
Unang tingin pa lang ay alam mo ng hindi siya mapagkakatiwalaan. He looks so evil, wicked, vicious, fierce, especially noxious— harmful in living things, harmful to me due to the fact that my heart can't stop beating fast since I saw him because of nervousness, terrified. Gusto ko nalang magtago sa isang tabi at hayaang kainin ng lupa.
Then he stopped in front of my so-called cage, look at the head masters who are shaking in fear, and his surroundings until...
Our eyes met, his stormy silver eyes, and it's like the longest seconds in my entire life— for me at least. Who is he? And why do the others are so scared of him? Why am I so scared of him, too?
He tore his stare away from me and looks at Wilhelmina, and he asked, "Already done?" Which he received was just a shook of head as an answer.
Napalunok ako ng muling tumama ang kanyang paningin sa akin. His stares are like daggers digging through my soul. Muli kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. This time, mas mabilis, mas malakas, at nakakatakot dahil baka naririnig ito ng iba, baka naririnig niya.
Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan, mula sa maikling short na dahilan para makita ang mga pasa at sugat sa aking binti at paa, ang marungis at punong puno ng dugo na malaking tshirt pataas sa aking ulo na may malalim na sugat, at tumigil sa aking mukha na may kalat na buhok, natuyong dugo at sa tingin ko'y kita ang pagkaputla.
I saw his jaw clenched. Dumilim ang mukha nito at sa tingin ko'y hindi niya nagustuhan ang kanyang nakita.
"You didn't keep what you've promised." I shivered again at his voice. I think I couldn't get used to it. It sounds so deep, dangerous, and intimidating. But the authority was still there. The authority that all you want to do is to follow what he said, and that made the head masters wants to hide— based on their expressions.
"W-We d-did," One of the head masters said, shaking in fear from who's in front me them― of us.
Nalipat rito ang atensyon ng lalaki at tinitigan ito ng malalim, it's like he's glaring to the man but no, kitang kita ang pagiging kalmado nito. Siguro natural na ganon lang ito tumingin. Pero nakakatakot talaga. Kaya nga ako natakot kanina noong tumitingin sya sa akin.
"Then how could you explain her bruises?" Tanong nito na nagpatahimik sa lahat.
Napayuko ako dahil nakita ko ang pasimpleng pagsama ng tingin sa akin ng ibang head masters, pati na rin ng ibang nagbabantay lalo na ng mga babae. Parang gusto nilang magsalita ako at pagtakpan sila sa mga ginawa nila sa akin dahil kung hindi, mas lalo nila akong pahihirapan.
Sigurado ako, mas pahihirapan nga nila ako kapag umalis ang dalawang ito.
"Uhm..." I tried to get his— their attention at nagtagumpay naman ako ngunit... parang ayaw bumukas ng bibig ko upang magsalita dahil nanunuot ang titig niya sa akin. Parang may hinahanap sa aking kaluluwa. "Uhm..." again.
Lumunok ako at medyo iniyuko ang ulo dahil mas lalong sumama ang tingin sa akin ng ibang babae— ng lahat ng nandito maliban sa dalawang taong bagong dating. Nakaramdam ako ng takot dahil panigurado, mas matinding sakit nanaman ang aking aabutin.
Umayos ka, Zane. Or else... Pumikit ako ng mariin, ayoko ng dagdagan ang iniisip ko. I don't want to be tormented.
"I... ano," Isip Zane! "N-Natapilok lang a-ako sa hagdan kanina." Napakagat ako sa aking labi sa sobrang kapalpakan. Still, I'm wishing na sana maniwala kahit halatang hindi naman iyon nakapaniwala.
But my wished fade away when Wilhelmina— err... laughed. Then she looks at me and that time, I know she knew that I am lying because she mouthed 'Try harder'. Yumuko ako sa kahihiyan.
"Wilhelmina." Napaayos ako ng upo nang marinig muli ang boses ng lalaki ngunit pinanatili kong nakayuko ang aking ulo. Kahit hindi ako ang kanyang tinawag ay feeling ko ako iyon. Kinagat ko ang aking labi upang mapigilang iangat ang aking mukha upang siya'y makita. "Arrange the car; I want it in front of this f*****g house once we step out."
Muli ay narinig ko ang pagtunog ng pagtama ng kanyang sapatos sa sahig—patunay na naglalakad ito papalapit sa akin dahil palakas ito ng palakas sa aking pandinig. Napalunok muli ako at kinuyom ang aking kanang kamay para maiwasan ang panginginig nito sa takot. And yes, my treacherous heart is still beating erratically— due to his terrifying aura.
But no, he didn't stop in front of me. Instead, he stopped in front of the paper—the contract-agreement paper that is him, buying me.
Yumuko siya ng kaunti at tsaka ito pinulot sa ibaba bago bumaling sa mga head masters na nasa isang gilid at nagkukumpulan. I saw some of them gulped, while the others looked away from his intense stare. Sa tingin ko'y maski sila'y hindi kayang salubungin ang titig nito.
"Do we still need this?" Inangat niya ang kontrata na kanyang hawak. Mabilis pa sa alas singkong nagsiilingan ang mga head masters.
Pero ang totoo, kailangan talaga iyon. Maaari siyang kasuhan ng nga head masters dahil alam kong gagawin ang lahat ng mga ito magkaroon lamang ng pera, lalo na't wala siyang maipapakitang ebidensya na nabili na siya ng lalaking ito.
Knowing the head masters, they will blackmail the man, sasabihing ibigay lahat ng pera sa mga ito, at kapag ginawa iyon, kakasuhan pa 'rin sila, at kukunin muli ang babae rito upang muling ibenta.
My attention goes to the handsome man again when I saw him smirked, and he looks so dangerous yet his gorgeousness is still there. Dahan dahan itong naglakad papalapit sa mga head quarters, hawak ang kapirasong papel na sobrang mahalaga sa lahat, na may ngisi sa kanyang mga labi.
"I want you to sign it." He handed it to the nearest head master—sa tingin ko ay ang pinakahead nito.
It's an old man in his late 60s. May mahabang puting balbas, panot, pandak, payat na payat at namumula ang mga mata kakahithit ng droga, kulubot ang balat, at panget. Nanginginig ito sa takot lalo na ng inabot ito ng lalaki ang kontrata rito.
Nanginginig na kinuha ito ng matanda at humarap sa mga nasa likod na natameme. Inilahad nito ang nanginginig na kamay sa mga ito na parang noon lamang natauhan. Nanginginig na kinapkapan nila ang kanilang sarili para maghanap ng ballpen. Kapirasong ballpen. Kung wala kami sa sitwasyong ito ay baka kanina pa ako tumatawa. Ngunit sobrang akward kung ika'y tatawa ngayon, kung saan ang lahat kay nanginginig sa takot.
Nakahanap ang isang head masters ng ballpen, mabilis itong hinablot ng lalaking pinakahead master at nanginginig ang kamay na pinirmahan ang kontrata bago muling inabot sa lalaking inip na inip naghihintay rito.
Kalmado itong kinuha ng lalaki at sinuri ang pirma. Maya maya ay muli itong binalik. "This is not your signature."
How could he know? He doesn't even know who he's talking right?
Mas nanginig sa takot ang matanda. "I-It is..." Sabi nito at napaiwas kaagad ng tingin ngunit mabilis na nanlaki ang mata ng may mabilis na bagay na dumaan sa harap nito na muntikan ng masugatan ang kulubot nitong mukha.
"Rule number 1: Whoever shall lie in front of our king shall be killed."
Napatingin ako sa kanan, sa pinakadulo ng dungeon kung saan umecho ang boses nito ngunit pader lamang ang nakita ko. Napakalayo sa amin ngunit rinig na rinig ang nakakatakot na malalim at malamig nitong boses dahil sa katahimikan.
Dahan dahang naglalakad ang lalaki papalapit sa bagay na mabilis dumaan sa mukha ng matanda na sa tingin ko'y malalim ang pagkakabaon sa pader dahil sa mabilis na pagdaan nito sa mukha ng matandang head master. Dumaan ito sa likod ng tinatawag nilang Hari, at dahan dahang naglakad hanggang mawala ito sa aking paningin.
"Ayan kasi, gustong tumakas. Tsk tsk tsk. Hinding hindi kayo makakatakas rito dahil hahabulin kayo ng kamatayan," Nakarinig ako ng matamis na boses, kabaligtaran ng nakakatakot na kanyang sinabi. Hindi ko siya makita ngunit alam kong nandirito siya, malapit sa amin.
At kung iisipin na marami pa sila ay kinikilabutan na ako.
"In fact, death is already in front of you." Dagdag nito na nagpakilabot sa aking katawan.
Sa parehong banda ay may nakita akong batang lalaki—na sa tingin ko'y nasa six to eight years old ito. Nilundag nito ang papel na hawak ng lalaki bago tinignan, at ngumuso.
He's a cutie. But I think, I should judge a book by its cover.
"Clyde, take care of that paper." Sabi ng kanilang Hari at ginulo ang buhok ng bata bago tumalikod, humarap sa amin... mali, sa akin.
Muli ay napako ako sa aking kinauupuan sa sobrang kabiglaan. Pati na rin sa takot at kaguluhan. Bakit siya papunta sa akin?
"Yes Master," I overheard the cute kid said but my whole attention focuses on the King, walking closer at me.
Ay hindi, mali. Baka may bagay lang na malapit sa akin. Mabilis kong pinutol ang pagtingin rito at iniikot ang paningin sa aking paligid, ngunit walang malapit na bagay sa akin bukod sa kama. Aanhin niya ang kama? Hindi ba?
From my peripheral vision, I saw him kneel in front of me para magkapantay ang aming katawan dahil nakaupo ako. Nanginig ang katawan ko sa takot na pilit kong hindi pinapahalata sa kanya. Pasimple akong lumunok at nagkunwaring may hinahanap, na hindi ko siya napansin which is impossible dahil talagang kapansin pansin ang aura nito.
"What are you looking?" He asked softly that sent shivers into my spine. How could he be calm and soft at the same time evil and dangerous?
"My... uhm," Anong hinahanap mo Zane? Wala 'diba? "My necklace?" Dahan dahan at pasimple kong itinabing ang buhok kong gulo gulo sa aking dibdib upang matakpan ang ebidensya na suot ko ito. Muli ay nagpanggap akong may hinahanap.
Then I heard him chuckled... so low and quite that you'll actually think you're just hallucinating. But the smile— smirk on his face is an evident that he really chuckled.
"It's on your neck," Nanlamig ako. Not of what he said but because of his hand that is on my neck, gently brushing my hair away until he found the chains of my necklace. "See?" At siya na mismo ang naglabas nito sa aking dibdib... sa pamamagitan ng pagpasadahan nito ng daliri sa chains nito hanggang sa aking dibdib, kung nasaan ang pendant nito.
Naiangat ko ang aking paningin ng hindi sinasadya... sa sobrang pagkataranta. I came face to face to his dangerously handsome face and yet my eyes traveled in his eyes; his stormy silver eyes that could make you tremble in his stares.
His eyes are just like storms, so mysterious, and so... disastrous.
"Master, sorry for interruption but what should we do to them?" Another girl's voice— colder than Wilhelmina's voice― echoed in my ears.
Punutol ko ang panigin sa kanya at tumingin sa likod niya, medyo umusog ng kaunti upang ito'y matignan and there I found another girl, wearing an all black outfit— leather jacket, leather pants, and leather boots, and his wavy black hair is in one ponytail. Her fierce— intense face due to her eyebrows that perfectly shaped just like Wilhelmina— nalipat ang paningin ko sa Hari na nakaupo pa rin sa aking harapan na may maayos 'ring kilay— and to the girl again. Her pitch black eyes are staring straight into mine that makes me feel uncomfortable.
"Master! See, I already made them signed it! We will go to Amusiénta, right Master?" Then a cute kiddo jump out of from nowhere. Pinapakita nito ang hawak na contract sa Hari na may masayang ekspresyon. Napangiti ako. He just so cute that I want to adopt him.
Ngunit mabilis na nabura ang ngiti sa aking labi ng maalala ang aming sitwasyon. This isn't the kind of situation to smile for.
Their king sighed, and stood up. Nalipat ang aking paningin sa bata na may kulay silver—parang puti na buhok at pulang bilugang pulang mata na nakatitig sa akin ng puno ng kuryusidad.
"I want you to kill every single person in here. . . And burn their body before someone sees it." He dangerously said with authority that made the others— even I— shivers in terrible feeling that I don't know why.
Tumalikod ito mula sa akin at nagsimulang maglakad, ngunit huminto 'rin kaagad. Maya maya ay nagsalita ito.
"Can you walk?" He asked me― I think. He tilts his head to look at me in his shoulder which confirmed my thoughts. Umiling ako. Hindi ko muling mahanap ang aking boses sa aking lalamunan. It seems like its hiding because it's scared, of the gorgeous man in front of me.
Sa kadahilanang makakaalis na ako rito ay nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan at pag asa―pag asa na magkaroon ng panibago at maayos na buhay. Kahit na isang taon pa lamang ako rito sa bahay ay sobra na ang hirap na aking diranas, kaya gayon na lamang ang saya ko ng makakawa ako rito.
Ngunit ang maayos na buhay na aking tinutukoy ay mukhang mahirap at malabong mangyari. Sa aking nasasaksihan ngayon, hindi pangkaraniwang tao ang bibili sa akin. At basehan sa aking mga naririnig. Hari ito. Hari ng anong nilalang? Hindi ko alam, ngunit ang alam ko lamang ay isa itong nasa mataas na rangko, ang kinakatakutan.
Hindi na bago sa akin ang mga ganitong nilalang dahil minsan ay naririnig ko ito sa aking mga kapwa alipin. Natatakot naman akong magtanong dahil alam kong hindi nila ako sasagutin at iiwasan na nga nila ako, makakaranas pa sila ng matinding hirap tulad ng aking dinaranas― ng palihim.
May iba't ibang klase ng nilalang akong alam.
Mga demonyo― sila ang nakasama ko sa loob ng isang taon kaya't alam ko na ito. The made me felt the feeling of being in hell. Pinapahirapan ng walang kalaban laban.
Mga tao― sila yung malayang nakakagalaw, nakakapagtrabaho, at ang tanging problema lamang ay ang pagkain at pera. Ngunit kaylangan nilang mag ingat dahil maaari silang maging ganito sa amin, lalo na ang mga babae.
Taong lobo― mula sa aking narinig na kwentuhan ay sila raw yung mga taong nagiging lobo kapag gabi, o kapag kabilugan ng buwan. Hindi kapani paniwala, ngunit may oras na nagising ako ng hating gabi, at naglalakad lakad, hanggang sa narinig ko ang usapan ng mga head masters― kailangan nila ng wolf's bane― na hindi ko alam kung ano― basta panlaban iyon sa mga ito.
At nang marinig ko ang salitang iyon ay bigla akong nanlamig.
Mga bampira― ang mga nilalang na walang awang pumapatay para lamang makainom ng dugo. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw akong palabasin ng mga magulang ko noong ako'y bata, at isa rin ito sa dahilan kung kaya't napunta ako sa kulungang ito.
Malalim ang gabi, naglalakad ako mula sa paaralan pauwi sa aking bahay kung saan ako'y mag isa na lamang― dahil namatay ang pamilya ko isang linggo na ang nakakalipas. Hindi ko pa man ito tuluyang natatanggap ay kailangan kong mag aral ng mabuti dahil isa lamang akong iskolar. At kaya ako ginabi ngayon ay dahil sa dami ng natambak noong isang linggo akong hindi pumasok dahil sa sobrang kalungkutan.
Naglalakad ako ng mag isa, nang may nakita akong lalaking gegewang gewang― mukha itong lasing. At sa kadahilangang iyon ay balak kong magtago, at hintayin itong makaraan ngunit bago pa man ako makaalis sa aking kinatatayuan ay nag angat ito ng mukha― at mula roon, kitang kita ko ang itim na itim nitong mata-buong mata na walang puti― sa ilalim ng sinag ng buwan.
Doon ko lamang rin napansin puro dugo ang damit nito, pati na ang ilalim ng bibig nito na may mahahabang pangil. At nang ngumiti ito ng nakakakilabot ay hindi ako nag aksaya ng panahon para tumakbo.
Hindi ko alam kung saan ako tumatakbo, o kung saan ako papunta― malayo ito sa aking bahay―kaya ng may makita akong pintuan na nakabukas― kahit na mukha itong hunted house―ay mabilis ako roong pumasok sa pag aakalang ligtas ako ngunit iyon ang simula ng lahat, ang aking paghihirap.
Sinabi nilang papatuluyin muna nila ako roon sa kapalit ng isang kondisyon, pumayag ako kahit hindi ito nalalaman dala ng takot. Tinago nga nila ako, pinainom ng kape ngunit huli na ng malaman kong may pampatulog iyon.
At nang magising ako, iyon na ang simula ng aking paghihirap.
Muling nabalik sa realidad ang aking atensyon ng may maliit at malamig na kamay na humawak sa aking pisngi. Napakislot ako sa pagkagulat, ngunit ng bumungad sa akin ang inosenteng mukha ng batang lalaki at nakaramdam ako ng ginhawa dahil mukha itong hindi nananakit.
Ngunit gayon na lamang ang takot ko ng magsalita ito.
"Don't let this innocent face deceive you." He whispered, before he smiled― dangerously.
Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot, lalo na't nasa harapan ko siya. Nanginig ang aking kalamnan, nanlamig ang aking katawan at sa tingin ko'y mas lalong namutla ang aking mukha sa kanyang sinabi.
Ngunit may naglayo sa kanya mula sa akin― isang babae na may kulay brown na buhok na kulot sa ibaba, at itim na itim ang nga mata. Sa tingin ko'y mas matino ito, ngunit nandoon pa rin ang takot sa aking katawan, na nanunuot sa aking dibdib. She smiled at me― atleast medyo gumaan ang pakiramdam ko― before talking.
"Don't mind him, he won't kill you. Atleast not now." Binabawi ko na. Muling bumalik ang kilabot sa aking katawan, lalo na ng lumapit ito sa akin, kinuha ang aking braso gamit ang duguan niyang mga kamay.
Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang aking puso sa takot. Why am I in this situation by the way? It is because of my necklace? I don't think so.
"Are you excited? Well, you're going to be with the most powerful King in the Vampire Realm." She said nonchalantly, but still made me shivers.
Muling naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. It's beating back and forth, too fast that seems so strange― strangely kind of scared na ngayon ko lamang naramdaman sa buong buhay ko.
Vampire... King.
"Don't worry, he's kind. Well, a maybe 0.1% or a little less." She smiled dangerously. She indirectly told me that he's not kind, right? Tell me I'm wrong.
"Wilhelmina will be mad if you keep on scaring her," The kiddo said. Doon ko lamang napansin na kasama namin siya. But what catches my attention is the one he's licking.
A beating heart which is full of blood.
Muli akong nangilabot dahil sa nakita. Halos hindi ko maihakbang ang aking paa na napansin ng umaalalay sa aking babae. Nang makitang nakatingin ako sa bata ay humalakhak ito-sobrang lakas na nakakatakot.
"You're the one who's scaring her, Clyde." She said, before laughing again. Clyde― on the other side― look innocently at me, while still licking the fresh beating heart.
"Do I scare you?" He asked as if it's something. "Do I? Do I?" Ulit nito ng hindi ako sumagot dahil mas lalo akong natakot.
Because he unconsciously tightens his hold on the beating heart― causing the blood to flow from the heart itself to his bloody hand. Which he's licking again.
Mabilis akong umiling sa takot which caused him to smile― na nakita ko ang bunganga niyang punong puno ng dugo at ang matulis niyang pangil na nagbigay kilabot sa akin― bago bumaling sa babae.
"See Carmela? She's not scared of me." Na siyang tinawanan lang ng babae― err... ni Carmela bago muling tinulungan sa paglakad.
Papunta na sila ngayon sa harapan ng kanyang kulungan kung saan nagkakagulo― nagtatakbuhan ang mga head at nagbabantay ngunit ang mga alipin ay nakaupo sa isang tabi at nakayuko habang umiiyak, na siyang ipinagtaka niya kung bakit hindi ito ginagalaw.
"Master's order― don't touch the innocents, just kill the mastermind and his servants." Then she looks at one side.
Sinundan ko ang kanyang tingin at mula roon sa isang gilid sa sulok, ang matandang lalaki na kinorner yata ng kanilang hari dahil nanginginig ng takot ang matanda, ngunit ang hari ay kalmado lamang.
"He's still kind at this state. Well, too bad, medyo ginalit si Boss eh." Then she looks meaningful at me, before she laughed again. "They're experiencing hell now. Akala ko palalagpasin niya eh."
She's right, they're experiencing hell. Punong puno na ng dugo ang sahig, purong putol na ulo, kamay, o maski anong parte ng katawan― lalo na ang puso.
Nakita ko ang isang lalaki, yung naghagis ng dagger kanina, na may pinugutan ng ulo gamit ang dagger nito kaya nagtalsikan ang dugo sa mukha nito, pati sa damit nitong puti na naliligo na sa dugo-mula sa ibang tao. Nahigit ko ang hininga ko lalo na ng tumingin ito sa banda naming― sa akin at dinilaan ang bibig nitong may dugo habang nakangisi ng malademonyo. Napaiwas ako ng tingin at tumama ito sa babaeng naka-all black outfit.
Just like Wilhelmina, she's not using anything except her long and pointed nails. She sliced it in someone's chest and extracts his heart, and then she just threw it somewhere. Then she look at her back, clawing one's face and tear its eyes out. Creepy.
Take note: Dalawa lamang iyang mga pumapatay ngunit bakit ang bilis?
Inilibot ko ang paningin sa buong lugar. Napakaraming bangkay.
Ipinikit ko ang mga mata ko. This nightmare will haunt me for nights, I'm sure. Ramdam ko pa 'rin ang panginginig ng aking buong katawan sa takot. It's so new to me. Ang makakita ng ganito. Well yes, nakakakita ako ng pinapahirapan, nilalatigo, ngunit 'yun lang. Iba 'to. Ibang iba.
Dineretso ko ang paningin ko at nahigit ko ang hininga ko ng may narealize kung saan kami daraan-that means na madaraanan namin ang Hari ng bampira bago kami tumuloy sa hagdanan paakyat nitong dungeon.
"So you're scared at Master? Hmm," Carmela said with a playfully smirk on her face. Mabilis akong umiling.
Being scared is an understatement; it's more like I'm terrified of him.
We continued walking to their way. Papalapit kami ng papalapit hanggang malapit na kami sa kanila, ngunit hindi pa 'rin marinig ang usapan dahil sa ingay mula sa sigaw ng nasa loob.
Ngunit natigilan ako ng marinig ko ang malakas na boses ng matanda, feeling ko pinaparinig sa amin.
"She will be your weak―" Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng sumuka siya ng dugo. Hindi ko alam kung sinasadya bang huminto ni Carmela dahil huminto talaga ito, mas malapit sa pangyayaring iyon at mula sa peripheral vision ko ay nakita ko itong nakangiti ng malawak.
Dahan dahang nagbaba ng tingin ag matanda sa kanyang katawan, kitang kita ko ito at kung paano nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kamay ng lalaki sa kanyang katawan, nasa loob ng kanyang puso, ngunit mas lalong nanlaki ang mga mata nito ng hugutin nito ang kamay, at mula roon, hawak nito ang puso na tumitibok t***k pa, kasabay noon ang pagsuka ng matanda ng dugo at ang pagkahulog ng walang buhay nitong katawan sa sahig.
"The show is done," I heard Clyde spoke. Kasabay nito ang pagharap ng Hari sa kanila― stormy eyes are still there but there's a flicker of crimson red in its middle― kasabay nitong unti unti nitong pagdila sa duguan nitong kamay ng hindi inaalis ang titig sa akin― ng walang kaekspre-ekspresyon sa mukha.
Napalunok ako. Bumilis muli ang t***k ng puso ko, lalo na ng maglakad ito papalapit sa amin. Chills are running into my spine again.
Nakita ko itong dahan dahang dinilaan ang may dugo nitong labi dulot ng duguan nitong kamay, bago humarap kay Carmela na bahagyang yumukod, kasabay ng pagsasalita ng malamig na boses mula sa likod.
"It's done, King Hyde."
Hyde... Napalunok ako. Even his name sounds so... hot. I thought its Hades, the god of Underworld, but no, it's Hyde, minus the 'S', and I think, he's the King of Underworld... King of Hell... King of Vampires.
"Clean them, and we'll leave." Even his cold voice sound so hot... and dangerous.
He looks at me, and I swear, I was captivated by his eyes― stormy golden eye with crimson red in its middle. My breath hitched, but before he saw it, mabilis itong tumalikod at naunang naglakad.
Hindi ko namalayan kung paano ako napunta sa sasakyan, o kung paano ako nakasakay rito. Lutang ako, ang tanging naaalala ko lamang ay ang kanyang mga mata. Kung hindi pa 'ko kinalabit ni Clyde na nakakandong rito, hindi pa 'ko magigising.
Doon ko lamang narealize na katabi ko itong nakaupo. His eyes are close and his head are resting on the chair of his limousine. Paikot itong upuan kaya nasa harapan ko ngayon sila Carmela― na walang pakialam, may hawak itong cellphone, ang lalaki― which I heard his name is Seifer ― na binanggit ni Clyde, nanghihingi ng pagkain― and Cornelia― who's glaring at me for a reason that I do not know. Wilhelmina is the one who's driving the limousine.
"By the way, Zane." Sabi ni Carmela ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang pagtawag niya ng pangalan ko. Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? O baka, lahat sila alam ang pangalan ko?
"You will be his slave," Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. What?!
"You owe your life to him. He saved you from hell, so do him a favor. Be King Hyde's Slave." Cornelia said nonchalantly, before she rolled her eyes to me.
Mukhang mainit ang dugo niya sa akin pero... wala akong oras para mag isip dyan.
I'm still a slave... of a Vampire King.