CHAPTER 1

4842 Words
Humugot ako ng malalim na hininga upang mapigilan ang sakit na nanunuot sa aking likod na tumama sa pader. Kagat-kagat ng mariin ang pang ibabang labi upang hindi gaanong maramdaman ang sakit sa aking likuran. Kung maaari lang maging manhid, matagal ko ng ginawa. Napatingin ako sa mga taong aking nasa harapan ngunit para itong mga robot, blanko ang mga mata at walang awang pinagmamalupitan ang mga katulad kong walang kalaban laban. Rinig na rinig ang sigaw ng paghihinagpis sa buong mansion. Pumikit ako ng mariin. Matagal na akong nandirito ngunit bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ako masanay sanay? Bakit nga ba ako napunta 'rito? Hindi ko alam. Hindi ako makapag isip ng maayos sa sakit mula sa aking buong katawan. Blanko ang aking isipan. Ngunit isa lamang ang sigurado ako. Pare-pareho lamang kaming lahat na nandito. Pinagmamalupitan. "Anong tinatanga tanga mo dyan? Kumilos ka! Walang kwenta!" Impit akong napasigaw ng may humila sa aking buhok. Ang sakit, napakasakit. Kasabay ng paghila nito ay ang pwersahang pag bitaw nito sa akin na naging dahilan upang tumama ang ulo ko sa malamig simento. Napangiwi ako sa sakit, lalo na ng may mainit at malapot na likidong nagsimulang tumulo mula rito hanggang sa aking mukha. Inilagay ko ang aking palad sa noo at napangiwi ng maramdaman ang sakit dahil sa sugat roon. Isang panibagong sugat, tsaka ako napatingin sa aking kamay na nakatapat sa aking mukha ngayon. Napakapulang kulay ng dugo. 'Sing pula ng rosas sa hardin na kinaaakitan ng lahat. Kasabay nito ang tunog ng paglagapak ng palad sa pisngi. Nagkaroon ng katahimikan. Ang mga tunog ng latigong humahampas sa katawan ay nawala, pati ang tunog ng hinagpis mula sa katulad ko, ngunit ang mahihina at pigil nilang hikbi ay rinig pa 'rin dahil sa katahimikan. Inangat ko ang aking paningin at tinignan ang babaeng kaninang humila sa aking buhok at nakitang nakatagilid ang mukha nito, namumula ang kanang pisngi at nasa harap nito ang isa sa mga head masters na siyang galit na galit, isa sa namumuno dito sa malaking bahay na ito. Malaking bahay na puno ng basura, puno ng sakit at pagpapahirap. Na napalilibutan ng mga demonyong nagkatawang tao. "What did I tell you? Don't you f-ucking hurt this b***h! This is for..." Napapikit ako at hindi na nasundan ang kanilang sinasabi dulot ng sobrang pagkahilo. Ilang araw na akong walang kain, siguro dahil na 'rin hindi ako dinadalhan ng mga ito. Pati na rin siguro ang palihim na pagbugbog ng mga ito. Ngunit syempre, hindi nila ito pinapaalam sa mga head masters dahil parusa ang kahahantungan nila. Head masters, sila ang tumatanggap ng mga bayad, at sila rin ang magdedesisyon kung sino ang ibebenta. Sila ang kinatatakutan dahil sila ang punong pinagmulan nitong impyernong mansyon na ito. At sa loob ng bahay na ito, bagay— walang kwentang bagay ang turing sa amin. Nanlalabo ang aking paningin at namamanhid ang aking katawan. Lambot na lambot ako, may gusto ring lumabas mula sa aking bibig na siyang aking pinipigilan. Sobrang bigat ng aking ulo ngunit pakiramdam ko'y lumulutang ang aking katawan. Muntikan na akong matumba, mabuti na lamang at may mga kamay na humawak sa aking magkabilang braso. Napapiksi ako ng mahawakan nito ang pasang aking tinatago sa kanang braso ko, ngunit hindi nalang ako kumontra, hindi nagpakita ng sakit dahil ako lang rin naman ang kawawa. Is this a good thing? I think not. Purong ganito ang nangyayari sa akin, araw araw, simula ng ako'y maglabingwalong taong gulang. Pahihirapan, gagamutin, tsaka muling paglalaruan. Nakakapagod. Minsa'y hinihiling ko na sana'y patayin nalang nila ako. Ngunit sino ba ang niloko ko? Ang iba nga'y hindi nila mapagbigyan, ako pa kaya? Para sa kanila, masayang panuorin ang makita kaming pinapahirapan. Para na rin nila kaming pinapatay, dahil sa kanilang ginagawa, pakiramdam ko'y malapit na akong bumigay. Habang buhat nila ako ay dahan dahan kong ibinukas ang nanlalabo kong mga mata.  This... is worst than hell. Ang buong bahay na sobrang laki ngunit lahat ng mga babaeng katulad ko ay naghihirap— pinapahirapan. Sa gilid ay may mga nagbubuhat ng mabibigat na bagay na pilit nilalatigo ng ibang nagbabantay, at ang iba naman ay pilit pinupunasan ang mga dugo sa lapag na sa kanila rin mismo nang gagaling. At this mansion, girls are weak. Mayroon rin namang mga babaeng nagbabantay at nagpapahirap ngunit mas lamang ang mga lalaki. Ang mga lalaking walang awang lumalatigo sa mga babae. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang mga babaeng nagbabantay na nakatingin sa akin ng masama. Ano ba ang ginawa ko sa kanila? Wala, wala akong maalala dahil wala talaga. Sila mismo ang nagpapahirap sa akin ayon sa kanilang kagustuhan. This is our lives, as slaves. Mahirap, sobrang hirap. Kung matatawag ba itong bahay ng mga demonyo ay sasang ayon ako, ngunit hindi. Dahil mas malupit pa sila sa demonyo. Mga wala silang awa, lahat sunud sunuran dahil sa pera, at kapangyarihan. Kami ay ibinebenta para sa perang kanilang gusto, kanilang inaasam-asam. May mga tanong pa rin sa aking isipan na hindi nasasagot.  Bakit pa nila kami pinapahirapan? Hindi ba dapat ay mas pagtuunan nila ang kaanyuan namin? Hindi kami bibilhin kung puro sugat, peklat at pasa kami. Hindi sinasadyang napatingin ako sa salamin sa aking gilid na siyang aming nadaanan. Magulong buhok, mukhang namumutla ngunit naliligo sa dugo, mata na may napakalaking eyebags, at labi na namumula dahil sa sugat. Kitang kita rin ang laki ng pinayat ko. Halos manghina ako ng makita ang aking sinapit. Hindi ako ito. Malayong malayo sa buhok kong laging nakaayos na may kurba sa ilalim, ang mukha kong maputi ngunit hindi namumutla, ang malalim kong mata na walang eyebags at higit sa lahat, ang labi kong manipis at namumula na walang sugat. "Umayos ka babae! Huwag kang magpabigat! Ptng*na." Pasinghal na sabi ng lalaking nakahawak sa aking kanang braso. Ngumiwi ako ng maramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakahawak rito at inayos ako ng tayo sa marahas na paraan. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanilang kagustuhan. Malapit ng mawala ang aking malay, alam ko iyon sa aking sarili. Nararamdaman kong unti na lang, mahihimatay na ako ngunit patuloy pa rin ako sa paghakbang. At bawat hakbang, palayo ng palayo ang ingay na mula sa aming pinanggalingan, ang ingay na mula sa mga babaeng naghihirap at pinagmamalupitan. Pababa ang hagdanan na siyang mas nagpahirap sa akin sa paglalakad lalo na't gustong gusto ng pumikit ng aking mga mata sa pagod at hirap. Ramdam na ramdam ko rin ang kirot mula sa sugat sa aking noo na walang tigil sa pagdurugo. Ang aking hininga ay mabilis na rin at mahihirapan. Naninikip ang aking dibdib. Hindi ko na kaya. "P*t*ngn*, huwag kang aarte arte!" Nakaramdam ako ng sakit sa aking kaliwang pisngi, dulot ng pagsampal sa akin ng isang lalaki. Masakit, napakasakit. Lalo na't napakabigat ng kanyang kamay na tumama sa aking pisngi pati sa labi. Muli ay naramdaman ko ang panibagong kirot sa kaliwang bahagi ng aking labi. May sugat nanaman. Nakakasawa na. Pilit kong pinatatag ang nanginginig kong mga binti. Ang nanlalabo kong maya ay unti unti kong idinilat.  "T*ng in* naman, ang bigat nito!" Sabi ng isang lalaking nakahawak sa akin na hindi ko pinaniwalaan. Paano ako bibigat? Ni hindi na nga ako kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Sa totoo lang, mas maswerte pa ang mga asong pakalat kalat dahil ang mga iyon mismo ang nakakakain ng aking mga pagkain. Iaabot ito sa akin, at nang kukunin ko na ay bigla nila itong bibitawan, at sasabihing nabitawan, o sinadyang bitawan dahil kukupad kupad raw ako. Minsan ay hindi ko napigilan, kinain ko ang mga pagkaing nasa lapag na siyang marumi, ngunit wala akong magagawa. Gutom na gutom ako, at gutom na gutom pa 'rin ako. Hindi nagtagal ay huminto kami sa isang selda, marahas akong binitawan ng dalawang lalaki, dala ng paglalambot at panginginig ng aking mga tuhod, ako'y bumagsak sa sahig na dahilan upang ako'y makaramdam muli ng sakit mula sa aking likod.  My breath is unstable, my body's weak, I'm hungry, and I want to die, right now. Hindi ko na kayang lumaban pa. Marahas na tunog ang dumaan sa aking tenga, tunog ng pagbukas ng bakal na luma na. Kasabay nito ay naramdaman ko ang pagsipa sa akin muka sa isang lalaki na dahilan upang ako'y makaramdam ng panibagong sakit. Hindi pa ba tapos? Hindi ko na kaya. "Ano, babae? Tatanga ka lang ba dyan?" Muli'y ako'y sinipa. Umiling ako bilang sagot. Kahit gustuhin ko mang tumayo at maglakad papasok ay hindi ko kaya. Hindi ko na kayang tumayo. Gusto ko ng mamatay. "Baka gustong magpabuhat, pare. Halika, buhatin na 'tin." Nakarinig ako ng malademonyong tawa na siyang nakapagpaangat ng aking tingin sa mga ito at nakitang ang isang lalaki ay nakatingin sa akin ng may pagnanasa sa mata habang ang isa'y tumingin sa magkabilang bahagi upang tignan kung may ibang tao ba habang binubuksan ang kanyang pantalon. Nanlaki ang mata ko at nanlamig ang aking katawan. Bigla akong nakaramdam ng takot. Mas matinding takot. Kahit na pahirapan nila ako, saktan nila ako at sugatan hangga't magsawa sila, mas pipiliin ko iyon kaysa ang... ang naiisip kong gagawin nila sa akin ngayon! Mabilis akong umiling at pagapang na pumasok sa selda. Halos magdugo ang aking mga kuko sa pagkalmot sa simento para lamang makapasok. Takot at kaba ang namumuo sa aking katauhan. Gusto kong sumigaw, ngunit walang boses ang lumalabas sa aking bibig na tipong pati aking lalamunan ay pagod na sa dami ng palahaw na aking inilabas. Huwag po! Parang awa nyo na! Nakaramdam ako ng marahas na pagkapunit ng manggas na aking suot na puting t shirt na siyang naliligo na sa dugo sa biglaang paghila sa akin ng isang kawal. Nagmamadaling ipinasok niya ako sa loob sa pamamagitan ng pagbuhat habang ang isa'y nagmamadaling pumasok para hindi mahuli at isinara ang pintuan. Marahas akong binitawan na dahilan upang tumama ang aking likod sa matigas na simento na nagpasakit nito. It hurts, a lot. Naramdaman ko ang pagkamanhid ng aking buong katawan, dala ng sakit, pagod at takot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagpapanic na ako, lalo na ng humarap ang mga ito sa akin at ngumisi ng malademonyo. Naiiyak ako sa takot, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Nakita kong nagsimula na ang mga ito sa pagtanggal ng kanilang damit. Ibinuka ko ang bibig ko upang magsalita ng kahit anong protesta ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig dala ng takot. Humalakhak ang mga ito habang nakatingin sa akin na parang gusto nila akong kainin ng buhay. "Bakit nga ba hindi natin ito naisip kaagad, pare? Ang sarap ni Miss, oh. Ang seksi!" Nakangising sabi ng lalaki at nagsimulang tanggalin ang sintron nito. Haumalakhak ang kanyang kasama. "Sobrang protektado kasi ang mga head masters rito. Ano bang mayroon sa babaeng ito? Pero pare, mukhang masarap." Ibinaba nito ang zipper ng kanyang pantalon. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil ayoko itong makita.  Alam kong wala akong kalaban laban sa mga ito. Napakalalaki ng kanilang katawan na tipong kayang kaya akong pisakin. Alam na alam rin nitong makipagbasagan ng bungo habang ako'y walang kaalam alam. They are well-trained, malakas ang pangangatawan, samantalang ako'y walang nanginginig ang katawan at hindi na makagalaw pa. Sumusuko na ako. Hahayaan ko nalang silang pagpyestahan ang aking katawan. Dahil kapag lumaban pa ako, mas lalo lamang akong sasaktan. Nakapikit lang ako, hinihintay ang kanilang paglapit ngunit biglang nawala ang malademonyo nilang tawa. Nagkaroon ng katanungan sa aking isipan. Anong nangyari? Bakit bigla silang natahimik? Nagkaroon ng panandaliang katahimikan hanggang sa may likidong tumama sa aking mukha, mainit, at malapot. Kasabay nito ang pagbagsak ng mabigat na bagay sa sahig, at muli'y namuno ang katahimikan. Hanggang sa may narinig akong nagsalita, nakakakilabot sa lamig na nagmula sa boses ng isang babae. "Our King won't tolerate this." Mabilis pa sa hanging iminulat ko ang aking mga mata. Nung una'y nanlalabo pa ito dahil sa pagpikit at paghihina ng aking katawan ngunit ng makita ko ito ng maayos ay nakaramdam ako ng takot. Staring coldly at me, is a woman with a maid costume, with black long silky hair. Napakaganda niya. Ngunit mapako ang aking mga mata sa kanyang mga kamay, ang mga kamay na punong puno ng dugo, lalo na sa bagay na hawak nito na patuloy sa pag galaw. Ang mga puso. Binitawan nito ang mga puso at hinayaan itong tumalbog sa sahig na dahilan ng muling pagkalat ng dugo. Pinagmasdan ko ito hanggang sa tumigil ito sa pagtibok. Napalunok ako. Nakakatakot. Sobrang nakakatakot. "What kind of house it is? Full of animals." Umiiling na sabi nito-na sa tingin ko'y para lamang sa kanyang sarili habang nililibot ang paningin sa buong kuwarto. Gusto ko sanang magsalita na hindi ito bahay, kundi nasa underground kami, sa dungeon, ngunit pinili kong manahimik, dahil nanunuot pa rin sa akin ang takot. "Dungeon, I see." Mabilis na tumama sa akin ang kanyang paningin na dahilan upang matigilan ako sa paghinga. Napaatras ako sa takot. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko na naging dahilan upang gusto kong itago sa kanya ang mga sugat at pasa. mula sa paa, binti na puro pasa, hanggang sa mukha na puro sugat. Nagtigil ito sa aking noo na may malalim na sugat bago umiling. "The King won't like this, he'll get furious." Umiiling nitong sabi at nagsimulang magkalad ngunit napaatras ako, at dahil sa aking pag atras, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sakit sa aking likod na tipong gusto kong sumigaw, ngunit pinigilan ko ito sa pamamagitan ng pagkagat ng aking labi. Ngunit hindi ito natinag at nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa akin. Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko sa aking dibdib.  Papatayin niya rin ba ako? Kukunin rin ba niya ang puso ko tulad ng ginawa niya sa dalawang kawal? Hindi ko napigilang mapasulyap sa dalawang kawal na nakadapa sa aking kaharap, at kitang kita ang butas sa kanilang likod kung saan nakapwesto ang puso. "I won't kill you. Before I do it, he will kill me first." Seryoso at malamig nitong sabi habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng malalim ng sinabi niyang hindi nya ako papatayin ngunit hindi ako dapat maging kampante. Nakapatay na siya, at hindi ko sya nakitahan ng pagsisisi ng pinatay niya ang dalawang kawal sa aking harapan. Kaya natatakot ako dahil alam kong hindi siya magdadalawang isip na patayin ako. Nang makalapit siya sa akin at mas lalo akong natakot dahil wala na akong aatrasan. Mas lalo akong natakot ng makita ko ang duguan niyang kamay na humaplos sa aking labi na may sugat, pababa sa aking dibdib na siyang nakapagpatigil sa aking paghinga. Mamamatay na ba ako?  Ngunit ako'y nagkamali dahil ang hinawakan niya ay ang aking kwintas, muli ay inangat nito ang kanyang paningin sa akin at nagsalita gamit muli ang malamig at nakakatakot nitong boses. "It's really you. Come with me." "A-Anong sinasabi m-mo? S-Sino ka b-ba?" Napaatras muli ako sa takot ngunit malamig na pader lamang ang aking naramdaman sa aking likod. I'm trapped, and I'm scared. Scared for my life. Kung tutuusin, kayang kaya niya akong patayin kaagad dahil wala akong kalaban laban, lalo na't sobra akong mahina. Kahit pala malakas ako ay wala akong kalaban-laban sa kanya.. sa kanyang uri. Nanunuot ang lamig sa aking likod na puro sugat at pasa na natatakpan lamang ng manipis na damit, at ang nanginginig kong katawan dahil sa sobrang takot. Mabilis ang kabog ng aking dibdib na animo'y gustong kumawala ng aking puso. I heard her sighed, that caused me to look at her. Ang nakapikit na mga mata nito dala ng marahas na paghinga ng malalim ay mabilis na tumama sa akin ng mabilis nya itong binuksan na siyang nagpalamig ng tiyan ko sa takot. "How many times do I have to tell you that I won't kill you?" May pagkaasar na mahahalata sa kanyang boses. Nang hindi ako sumagot ay umiling ito at tumalikod. She's murmuring something that my ears didn't catch. Is she planned to kill me now? "No, but if you keep that importunate idea of yours, well, maybe I should obey what you desired for?" She said like it's just a matter of fact, starting at me with her emotionless and cold voice. Nanlamig ako. I opened my mouth to protest that it's not what I wish but nothing comes out, it was like, natatakot rin itong maglabas ng salita at baka siya ang mabuntungan ng galit. But, did I say that out loud? Maybe yes. Napayuko ako sa takot. Ramdam ko ang muling pamamasa ng aking mga mata. "Kidding," Mabilis pa sa alas singko akong napatunghay ng marinig ko ang kanyang sinabi. Still, she's looking at me using her emotionless and― wait, did she said that word using that face? Straight face? Hindi ko maiwasang mamangha― which is how stupid of me. Being amused in this kind of situation? Who would do that? Only me. Ipinaikot niya ang kanyang mga mata, "Such a kid," At tsaka tumalikod. Napayuko ako. Hindi nya ako masisisi. Tsaka ko lang narealize na wala na 'yung takot na kinikimkim ko. I mean, how fast is that? Earlier, I'm shaking and begging to spare my life, and now, I feel that I am safe. I am safe with the killer of my agony. But it's not the end, or it is? "Can you walk?" Her cold voice echoed, I quickly shook my head. I was still in terrible agony for what happened in my head, and body. I think, I will become a psycho in no time due to my experiences in this hell house. Not that they successfully raped me but my body's still numb from pain I felt earlier. Then she sighed again. "Wait for me then," Magsasalita sana ako ngunit mabilis nitong binuksan ang bakal na pintuan rito sa kulungan― at medyo napangiwi sa tunog ng bakal dahil masakit sa tenga, nakikita ko kasi siya rito, side view nga lang― bago mabilis na lumabas. She disappeared in my sight and I feel so alone.. again. Pero ano pa nga 'bang bago? I'm always alone. No one wants to come closer to me due at the fact that the other servant would hurt them. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa akin ng mga servant na nandirito. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Nananahimik lang ako sa isang gilid. Gan'on ba talaga? Kahit wala kang ginagawa, may magiging dahilan pa rin sila para saktan ka, o magalit sayo? And that woman― teka, hindi ko alam ang pangalan niya.  Muli ay napatingin ako sa kanyang dinaanan kanina. She's mysterious. She killed those guards without mercy, and― Wait, how did she come here? And how did she know that I am here? Because based on what she told, it's me, right? Ako 'yung hinahanap niya. Ngunit bakit? At para saan? Ano yung kailangan niya sa akin? Itong kwintas? Hindi ko namalayang hawak ko na pala ito at mariin ang pagkakahawak ko rito. Muli ay iniangat ko ito mula sa aking dibdib at sinuri ang aking suot. It's a hexagonal shaped flower with a triangular curve that's full of diamonds which my mother gave to me before she died. This is the only thing I have in order to remember my family that's why I treasure it and if ever this is what they needed― I won't give it to them, whatever will happen. Muli ay pinakatitigan ko ito. My favorite part of this necklace is the triangular ruby in its middle. Gustong gusto ko kasi ang kulay na ito― crimson red. Mabilis ko itong itinago sa ilalim ng damit ko at umayos ng upo ngunit napangiwi rin dahil sa sakit ng ibang parte ng aking katawan kasabay ng paglitaw ng larawan ng babaeng nakamaid na damit at ng head master kasama ang apat na kawal na nasa likuran. Pansin na pansin ang malaking ngisi sa labi ng head master na pumasok na taliwas sa walang ekspresyon at sobrang lamig na mata ng babaeng pumatay ng dalawang kawal. Inangat ng head master ang kanyang tingin at tumama ito sa akin. Unti unting nawala ang malaking ngisi nito dahil sa nakitang ayos ko― halatang pinagmamalupitan. "You didn't take care of her like what you promised." Umiiling na sabi ng babaeng nakamaid costume na parang nanunuya. Mabilis na kumontra naman ang head master. "We did!" "Oh yeah? Look at her again. And I assume, there are hidden injuries inside that thin shirt she's wearing and how could you explain those two assholes who've tried to rape her?" Ngumisi ito― isang nakakakilabot na ngisi. "I wonder what will happen to this lair of yours. Will he order us to burn it with all of you inside? Or maybe, he'll clean it first." Wika nito habang inililibot amg paningin sa paligid ma dahilan ng pagkataranta ng ibang head masters, bakas iyon sa kanilang mukha. Ang pinaghalong takot at taranta na ngayon ko lamang nakita sa kanila. "What―" Natigilan ang head master, maya maya ay bigla itong ngumisi, yung ngisi na parang nakaisip ng idea. Parang may alas siya. "Baka nakakalimutan mong nasa akin pa 'rin ang desisyon, kung ipagbibili ko ba siya sa inyo o hindi." Ipagbibili? Napatingin siya muli sa babaeng nakamaid costume. Now I understand why she said it's me. Bibilhin niya ako. Muli kong naalala ang purpose ko kaya nandito ako sa bahay na ito. Lahat ng nandirito ay mga slaves kung tawagin. Lahat kami ay alila, at lahat kami at may masters o magkakaroon ng master― iyon ay kung sino ang bibili sa amin.  Marami na akong nakitang mga binibili, mga babaeng dati kong kasama na sinusundo ng mga lalaking nakatuxedo na may mga dalang naglalakihang itim na lalagyan na sa tingin ko ay punong puno ng mga pera. Minsan pa nga'y nakikita ko ang iba't ibang head masters na tuwang tuwang binibilang ang mga ito, parang naliligo sa pera sa sobrang saya. Ano nga bang nagagawa ng pera para sa kanila? Marami, sobrang dami. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa dalawang nag uusap sa aking harapan ngunit hindi ko manlang nakitaan ng takot o maski anong ekspresyon ang babae. Parang ineexpect na niyang ito ang sasabihin ng head master. She sighed and based on her expression, she's bored. "I knew this will happen." Pinanuod ko kung paano niya ilabas mula sa kanyang bulsa ang nakatuping papel at ipinakita ito sa head master na siyang nanlaki ang mga mata. "Where did you get it?" The head master asked, eyes are wide as staring at the paper in front of her. The woman smirked― a playful yet dangerously smirk. "I know this will happen so I already planned my moves before I stepped into your disgusting lair." She said and then her face goes back at her signature expression― I think. Emotionless. The head master stepped back, matigas ang mga mukha nito― no, pinipilit patigasin ang mukha kahit una pa lang, halatang halata ng takot ito. "Still, hinding hindi mo ako mapapapirma dyan." Then she smirked, which is kinda... uhm. Bakas kasi ang takot sa mukha nito na pilit tinatago ngisi kaya nagmukha itong ngiwi. "Oh really? Let's see." Then the woman pouted. She pouted! But still, her eyes are cold and her face is emotionless. "I wonder if he'll punish me if I kill all of you?" At nalipat ang tingin nito sa dalawang lalaki na nakahandusay at punong puno ng dugo sa lapag. Unti unti ay lumitaw ang malademonyong ngisi sa kanyang labi. Nakaramdam ako ng kaba sa klase ng ngisi nito. It's creepy. Parang may naisip o naiimagine ito habang nakatingin sa dalawang lalaki na nakahandusay at walang kabuhay buhay. Sinundan ng head master ang tingin ng babae na siyang nakapagpaatras rito. "What in world―" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa takot― takot para sa kanyang sarili. Nakita ng head master ang nakakasukang sinapit ng dalawa niyang kawal na nasa isang gilid. At sa tingin ko'y doon niya lamang ito napansin. Hindi mapagkaraniwang takot ang mababakas sa dibdib nito. Nailagay niya ang dalawang kamay sa bibig at napaartas ngunit muntik na itong matumba-mabuti na lamang at masalo ito ng mga kawal niyang nakabantay sa kanyang likod. Muli ay naging alerto ang mga ito. Nakatutok ang mga sandata sa babae na hindi manlang mabakasan ng takot sa kanyang mukha. She's just standing there― hand outstretched like she's giving the paper to the head master. "Sign it, or you'll be like them." Pasimple nitong sinulyapan ang mga kawal na malamig ang bangkay at walang kabuhay buhay, pinapahiwatig na ito ang tinutukoy niya. "G-Guards!" Dumagundong ang malakas na boses ng head master sa bawat sulok nitong dungeon. Ang mga guards na nasa likod ay nagsipag alertuhan, at mula rito, rinig ko ang mga papalapit na yapak na papunta rito sa aming gawi. "Arrest her!" Sigaw ng head master sabay turo sa babae. Ngunit ang babae ay nakatayo lamang at parang bored na bored na nakatingin rito. Maya maya ay bigla itong umayos. "You'll regret what you're trying to do." She said like she's sure of herself-of what she said. "Hinding hindi ko ibibigay ang babaeng iyan!" Sinulyapan ako ng head master gamit ang mata niyang punong puno ng puot ngunit may kung anong kasama roon. Napaatras muli ako ngunit tulad ng kanina, wala akong maaatrasan. Muling nanuot ang takot sa aking katawan. "Siya lang ang magbibigay ng maluwag na buhay sa amin! Ibibigay namin siya sakanya, at hindi sa inyo! Akala nyo kayo lang ang pinangakuan kong pagbibigyan niya ha!" Tsaka ito tumawa ng malademonyo. Kasabay noon ang pagdatingan ng napakaraming kawal, mga nasa sampo sila pataas, lahat may hawak na baston at baril na lahat ay nakatutok sa babae. Ako ang natatakot para sa babae. I know she's doing it for me pero sa lagay na ito- napakaraming sundalo ang nasa kanyang harapan ay sa tingin ko'y hindi niya ito makakaya. Humahanap lamang siya ng dahilan upang siya'y mamatay o ang mas malala ay baka gawin rin siyang tulad ko― isang alila na hindi malabo dahil may maganda naman itong mukha at pangangatawan. Naglakad paharap ang isang lalaking may napakalaking katawan, may hawak itong malaking baril na nakatutok sa babae, sa tingin ko ay ito ang pinuno ng mga kawal. "Sumuko ka nalang kung ayaw mong masaktan." Sabi nito. Ngunit hindi ko inaasahan ang gagawin ng babae. Tumawa ito, na parang may nakakatawang sinabi ang lalaki, at parang hindi ito takot sa malaking baril na hawak nito. Ako na mismo ang natatakot para sa kanya. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay susuko nalang kaagad ako. Ngunit ang mas nakakagulat ay ang sinabi nito. "You think I'm scared of dying?" Natatawa nitong sabi. Ngunit ang mga sumunod na salitang kanyang binitawan ay mas nagpagulo sa aking isipan. "I'm more scared of him." And in a span of time, nawala ito sa aming harapan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nasaksihan. Paano siyang nawala ng ganon ganon lamang? Ngunit ang mas nagpagulat sa akin ay dahil sa mabilis na sigaw ng isang kawal mula sa likod, at ng mapatingin ako sa katawan nitong natatakpan ng armadong uniporme ay nanlaki ang mata ko at napasigaw. Punong puno ito ng dugo at ang tapat ng puso nito'y butas... katulad ng nangyari sa kanina. Kasabay nito ang muling pagsigaw ng isang kawal na nasasaktan, at ang pagkabali ng mga buto. Napatingin ako sa harapan― sa tabi ng head master ay natumpa ang lalaking bali ang leeg, dahil ang mukha nito ay nasa likuran. Nangilabot ako sa nasaksihan. She's really... dangerous. "Isa lamang ang gusto ko," A sweet voice echoed in the four walls of this cell. Napatingin ako sa aking kanan; sa aking kama at napausog patagilid palayo rito sa takot dahil nakita ko siya― may mahahabang mga kuko at namumula ang mga mata, katulad ng kulay sa aking kwintas. Hindi ko namalayang naitaas ang aking mga kamay sa aking kwintas na nakatago sa aking damit at hinawakan ng mariin. "You'll sign that contact and she'll be ours," Tumingin sa akin ang pulang pula nitong mga mata. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot. Muli ay ibinalik nito ang tingin sa mga taong nasa harapan. "― in exchange of your lives. You choose."  Nanginginig sa takot at galit ang head master na nagsalita. "G-Get the c-contact." Utos nito sa kawal na nasa kanyang harapan. Nagdadalawang isip pa ito sa takot dahil nasa lapag ang papel, malapit sa pwesto kung nasaan ang babae na nakaupo at dahan dahang dinidilaan ang duguan niyang kamay. "B-But―" "Get it!" Sigaw ng head master na siyang nagpagulat sa aming lahat-maliban sa babaeng nakaupo lamang sa aking kama na busy sa ginagawa. Dahan dahang lumapit ang lalaking kawal sa papel― nanginginig ito at bakas ang takot sa kanyang mukha. Sino nga ba naman ang hindi matatakot? May halimaw kaming kasama rito sa buong kuwarto. Kahit ako'y nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot para sa aming lahat. Kaya pala hindi siya takot sa baril, kaya pala kahit gaano karami ang mga kawal ay wala itong takot na naramdaman, kaya pala kahit babae ito ay alam niyang kaya niya itong labanan, dahil iba siya. Ngunit bago pa man makalapit ang kawal sa papel ay nagkaroon ng panibagong sigawan. Lahat ng mga nasa itaas ay nagtatakbuhan rito pababa, mapaalila man o nagbabantay. Bakas na bakas ang mga takot nito na napahinto dahil sa mga patay na nakakalat, ngunit ang iba'y nagdere deretso lamang papunta sa pinakadulo, o sa mga kuwartong mas malayo sa akin, sa amin. "He's here." Napatingin ako sa babae na nakaupo sa kama at may malademonyong ngiti sa kanyang mukha-na bagay na bagay sa kanyang kaanyuan ngayon. Itim at mahabang deretsong buhok, pulang mga mata, mahabang mga kuko at pangil.  Ngunit gayon na lamang ang pagtibok ng puso ko ng humarap ito sa akin at mas lumaki ang ngisi. "Our King is here." Kasabay nito ang boses na nagbigay ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa aking katawan. Dumagundong ang mabilis na t***k ng aking puso sa silid. "You took a while, Wilhelmina." I shiver because of unfamiliar baritone voice that echoed inside the whole room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD