Kabanata 28

1217 Words

ILANG ORAS na ang nakalipas mula nang madala si Serene sa pinakamalapit na ospital dito sa baryo kung nasaan ang kanilang eskuwelahan. Mapayapa itong nakahiga sa kama, habang aligaga naman si Angelo sa paghihintay na magising siya. Napalitan na ng patient dress ang damit ni Serene at naturukan na rin ito ng gamot, pero hindi nawawala ang kaba ng binatilyo dahil hindi pa rin ito nagpapakita ng kahit kaunting senyales man lang na ayos na ito. Ang sabi naman ng doktor sa kan'ya ay pahinga lang ang kailangan ni Serene sa ngayon pero hindi siya mapapanatag hangga't hindi nito idinidilat ang kan'yang mga mata. Halos matawag na ni Angelo ang lahat ng santo habang nakaupo siya sa tabi ni Serene. Nagugutom na siya kanina pa pero hindi niya makayang lumabas at bumili ng pagkain. Gusto niyang siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD