MATAPOS ANG matagal na panggigising ni Serene kay Angelo ay nagtungo na sila sa kusina. Nakangiti si Serene at patalon-talon pa habang naglalakad papunta roon, habang si Angelo naman ay tila walang enerhiya dahil hindi naman talaga ganitong oras ang gising niya. Nakapagtataka nga ang ikinikilos ni Serene sa ngayon para kay Angelo. Parang kagabi lang ay halos ilabas na nito ang mga mata niya kakaiyak, tapos ngayon kulang na lang ay isipin niyang nanalo ito sa lotto dahil sa pagkakangiti nito. “Serene, alam mo naman na tulog pa ako ng mga ganitong oras, hindi ba? Lalo na at walang pasok,” ani Angelo nang umupo ito roon sa upuan katapat ng lamesa. Alas-siyete pa lang kasi ng umaga, eh ang gising niya talaga kapag weekend ay nasa alas-diyes o mga alas-onse. Doon lang kasi siya nakakabawi ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books