MALALIM NA ang gabi at malamig na rin ang simoy ng hangin kahit na nasa loob ang dalawang bata sa loob ng kuwarto ni Angelo. Makapal man ang kanilang kumot ay ramdam pa rin nila sa kanilang katawan ang lamig, pero ganoon pa man, masarap pa rin ang tulog ng dalagita dahil bukod sa malambot ang memory foam na hinihigaan nito ay mabango pa ang kumot na kan’yang gamit. Hindi kagaya roon sa kanilang bahay. Kapag natutulog kasi siya roon ay ang amoy ng dagat ang naaamoy niya, tapos ay sa kahoy pa siya natutulog. Kahit saan naman ay nakakatulog si Serene dahil sinanay na niya ang kan’yang sarili, pero iba pa rin talaga kapag nakahiga siya sa malambot na kama. “Yum… ice cream…” At katulad ng hinihigaan niya, ganoon din ang panaginip siya. Sa panaginip ni Serene ay kumakain ito ng napakaraming i