KUNG KANINA ay si Rachel ang humahalakhak nang malakas dahil natutuwa siya sa pagmumukha ni Serene na parang basang sisiw sa kan'yang paningin, ngayon naman ay nakakunot na ang kan'yang noo habang nakatitig sa dalagita. Bigla kasing nag-iba ang itsura nito... maging ang aura nito. Tumigil na ito sa pag-iyak. Nakatingin na lang ito sa kan'ya sa isang emosyon na hindi niya mabasa habang nakataas ang isang sulok ng labi nito, tila ay hinahamak ang buong pagkatao niya. "Gusto mong malaman kung bakit dito kita dinala sa loob ng room na 'to kung saan ay walang makakakita sa atin, hindi ba?" Malamig ang boses ni Serene. Mapayapa ngunit mapanganib. Maihahalintulad niya ito sa isang rosas na maganda kung titingnan, ngunit mapanganib kung hahawakan dahil sa mga tinik nito. Hindi siya nakapagsal