Cecily “HA?!” Tinakpan ko ang boses ni Ingrid dahil sa naging reaksyon niya. Nasa isang coffee shop kami at sa hindi kalayuan ay nakatayo roon ang mga tauhan ni Ruslan. “Ang ingay mo naman!” Huminga ako nang malalim. “Nakakagulat naman kasi. Pakiulit nga ng sinabi mo, baka mali ako ng pagkakarinig.” I gather the courage para sabihin ulit kay Ingrid ang mga dapat kong sabihin. “Ang sabi ko, may nararamdaman ako para kay Dmitry.” Sobrang hina ng boses ko na pakiramdam ko nga ay hindi niya ako naririnig. Kinuha ni Ingrid ang kanyang inumin at lumagok doon. Napamura siya nang mapagtanto na kape nga pala ang iniinom niya. “Nagkape pa ako, lalo akong kakabahan niyan sa sinabi mo.” Huminga nang malalim si Ingrid. Halatang hindi alam kung paano pakakalmahin ang sarili. “Okay, understandab