Cecily NANG MAGISING ako ay sobrang sakit ng katawan ko. Halos hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay nabugbog ako. Roon ko lang naalala ang mga nangyari. We had s*x last night! Halos buong araw. Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit daig ko pa ang nag-workout sa sobrang bigat ng katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Naabutan ko pa si Dmitry sa tabi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Despite the slight conscience, masaya naman ako. Napatingin ako sa katawan naming nakabalot sa kumot. May damit na ako at hindi na malagkit ang pakiramdam ko. Dmitry cleaned me last night, I guess. Mukha ring malinis na ang bedsheet. Kung paano niya ito nagawa lahat nang hindi ako nagigising ay hindi ko alam. “You’re staring at me so early in the morning. Gusto mo bang isipin ko na may gusto ka ulit