Cecily
UMUWI ako kasama sina Ruslan sa isang bahay nila rito sa Puerto Rivas. Kailangan na raw kasi niyang maghanda para bukas at aalis sila ng kapatid niya papuntang Russia.
“Maghahanda na rin kami para sa paglipad namin sa Manila, Papa.”
Umalis sina Darya at Akim at nagtungo sa kani-kanilang mga kuwarto nila.
“Ruslan, hindi ba pwedeng sumama na lang ako kina Darya sa Manila kaysa ang maiwan ako rito sa taong…hindi ko naman kilala?”
Narinig ko kasi ang naging pag-uusap niya kasama ang dalawang anak. Uuwi ng Manila ang dalawa habang ako ay maiiwan dito sa pangangalaga ni Dmitry.
“Hindi, Cecily. Those two are careless. They can’t even take care of themselves. Paano ka nila aalagaan?”
Dumiretso si Ruslan sa kanyang silid. Sumunod ako sa kanya.
Magkahiwalay kami ni Ruslan ng kuwarto kahit na mag-asawa na kami. Isa iyan sa mga nilatag kong kondisyon bago ako pumayag sa kasal na gusto niya noon—ang hiwalay kami ng kuwarto.
“Kaya ko namang alagaan ang sarili ko—”
“The answer is no, Cecily. That’s final! Maiiwan ka kina Dmitry. I trust my nephew. Kaya ka niyang protektahan sa mga kalaban ng pamilya namin habang wala ako. Wala rin akong tiwala sa ibang tao pagdating sa ‘yo. Who knows who will try to make a move on you while I am not here?!”
Hinawakan ni Ruslan ang braso ko. Napapitlag ako lalo na nang maramdaman ko ang sakit dahil sa madiin niyang paghawak sa akin.
“Susundin mo ang kung anong sinasabi ko sa ‘yo at huwag mo akong ipapahiya sa pamilya ng kapatid ko, lalo na kay Dmitry, Cecily. Naiintindihan mo ba? Kung gusto mong hanapin ko ang anak mo, makikinig ka sa akin.” Mas humigpit ang hawak ni Ruslan sa aking braso. Napapikit ako sa sakit nito. “Naiintindihan mo ba?”
Mabilis kong itinango ang aking ulo upang mabitawan niya agad ako. Marahas niya akong binitawan at napaupo pa ako sa sahig. Ngumisi si Ruslan sa akin.
“Umalis ka na sa kuwarto ko bago ko pa isipin na may gusto kang mangyari.”
Nang makita ko na ang nakakakilabot na tingin ni Ruslan sa akin, mabilis akong tumayo at umalis ng kuwarto niya.
Yakap-yakap ko ang aking sarili habang pabalik ako sa kuwarto ko. Ruslan and I have separate rooms ever since we got married. Nang magpakasal ako kay Ruslan, naglatag din naman ako ng mga kondisyon ko bago ako tuluyang pumayag sa gusto niya. Surprisingly, pumayag si Ruslan.
Una, gusto kong hiwalay kami ng kuwartong dalawa. Pangalawa, hindi niya ako pwedeng pilitin sa kung anong mga bagay ang ayokong gawin, at marami pang iba. Kaya until now, iniisip man ng ibang tao na malayang nagagawa ni Ruslan ang kahit anong gusto niya sa katawan ko dahil mag-asawa na kami, diyan sila nagkakamali. Hanggang ngayon nga ay hindi pa nahahawakan ni Ruslan ang katawan ko sa ganoong paraan. Hindi pa kami nagsisiping na dalawa.
Pero may kondisyon din si Ruslan. Susundin niya ang mga kondisyon na iyon, pero sa oras na makita niya ang anak ko, gagawin ko kung anong gusto niya. Pumayag ako. Dahil sa ngayon, wala nang ibang importante sa akin kung hindi ang makita ang anak ko.
Ilang sandali matapos kong pumasok sa kuwarto ko ay may kumatok sa pinto. Napapitlag ako at tumingin doon.
“Cecily Ivanova,” tawag sa akin ng kasambahay sa kabilang bahagi ng pinto. “Pinapasabi po ni Sir Ruslan na ihahanda na po namin ang gamit ninyo para sa paglipat ninyo sa main house ng mga Ivanov bukas. Maaari po ba kaming pumasok?”
Huminga ako nang malalim bago bigyan ng permiso ang mga kasambahay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga nangyayari ngayon: maging masaya ba dahil mahihiwalay ako kay Ruslan o matakot dahil mas nakakatakot na halimaw ang makakasama ko.
Inihatid ako ni Ruslan sa main house ng mga Ivanov dito sa Puerto Rivas. Panay ang paalala niya sa akin ng mga dapat at hindi ko dapat gawin habang nasa bubong ako ng mga kamag-anak niya.
Hindi ko magawang pakinggan ang mga sinasabi ni Ruslan sa akin dahil lumilipad ang isipan ko. Pakiramdam ko kasi ay may kung anong init akong nararamdaman sa tuwing naiisip ko si Dmitry. Hindi ko mapunto kung maganda o hindi ang indikasyon ng response ng katawan ko sa pamangkin ng asawa ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakalma ang sarili. Everything’s going to be okay. Pakikisamahan ko na lamang ang pamilyang iyon. Lahat ng ito ay ginagawa ko para makita ko ang anak ko.
Nang makarating kami sa main house, sinalubong kami ng ilang tauhan ng mga Ivanov. Tipid ko silang binati at pumasok na kami sa loob ng bahay.
“Dmitry, are you sure you’re not coming with us? I’m sure the Pakhan will be delighted to see you.”
Iyon ang naabutan naming pag-uusap ng mag-ama. Napatigil sa paglalakad si Ruslan kaya’t tumigil din ako.
“No, I’m sure Vladimir will understand. Besides, he knows I have no intention of getting the position. Mas maganda na rin na makilala ni Vladimir si Ruslan nang sa ganoon ay matanggap niya ito bilang head ng security group niya, hindi ba? Ruslan needs to gain the Pakhan’s trust. Kung sasama ako, paniguradong pipilitin lang din ako ni Vladimir. No, thanks. I’m staying.”
Napatingin ako kay Ruslan. His jaw is clenched. Halatang hindi niya gusto ang naririnig na pag-uusap ng dalawa.
“Bakit nga ba ayaw mo, Dmitry?”
Ikinabigla ko na marinig na magsalita si Ruslan. Inaasahan ko na mananatili lamang siyang tahimik.
Nakuha namin ang atensyon nina Mikhail at Dmitry. Napansin ko na sa akin agad tumama ang mga mata ni Dmitry. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“Hello, Uncle,” sabi ni Dmitry. “To answer your question, I hate huge responsibilities like that. I can’t see myself sitting around in my office, watching every move of the Bratva’s brigadiers to make sure no one will betray the family. Not a job I would enjoy, I must say.”
Matamang tiningnan ni Mikhail ang anak habang si Ruslan ay nakahinga nang maluwag.
“I see.” Ngumiti si Ruslan kay Dmitry.
Nagtaas ako ng tingin sa kanila at agad kong pinagsisihan dahil naabutan ko na naman si Dmitry na nakatitig sa akin.
Bago umalis sina Ruslan, kumain muna kami ng breakfast. Unlike kahapon na maraming tao rito, ngayon ay kaming apat na lamang. Maging ang mga kapatid ni Dmitry ay wala rito.
“Where’s Kirill and Nikolai?”
“Nikolai is in Manila since he’s studying there. Kirill have some works to do.” Tumingin sa akin si Mikhail. Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin, siguro dahil asawa ako ng kapatid niya, pero may kung anong bigat ng kalooban pa rin akong nararamdaman sa kanya.
Mabilis lamang naman niya akong tiningnan bago mag-iwas at balingan si Dmitry ng atensyon.
“Anyway, I’m sure Valentina would be upset to hear that you’re not coming with us, Dmitry.”
Napatigil ako sa pagkain at palihim na tumingin sa kanila. Who is Valentina?
Hindi nagsalita si Dmitry at patuloy lamang sa pagkain. Nang mapansin ko ang pagtaas niya ng ulo para tumingin sa direksyon ko, mabilis akong nag-iwas.
Why am I developing this habit of stealing glances at him? Hindi ko nga dapat siya tinititigan.
“Call her soon, Dmitry. We don’t want her to be upset. The deal between our family and her family is an opportunity for a great future for us. Kaya lang kita hinahayaan sa mga gusto mo ay dahil pumayag kang ipagkasundo kita kay Valentina.”
“Of course, Papa.”
Ipinagkasundo na pala siya sa ibang babae. Why am I feeling disappointed? Tumigil ka, Cecily.
“By Valentina, you mean the second daughter of Anatoly Petrov? That’s great. Makakatulong ang pamilya nila para mapalawak pa ang kapangyarihan at impluwensya ng pamilya.”
“And Valentina is Russian. I wouldn’t accept any woman for my sons other than Russian women.”
Tumango-tango si Ruslan sa sinabi ng kapatid niya. Biglang bumigat ang nararamdaman ko. Para akong hindi makalunok.
“Of course, for the younger generation, the bloodline should continue with Russian women. Kaming matatandan, hayaan ninyo na lang kaming maging masaya.” Humalakhak si Ruslan.
Asshole. Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. I have this thought of stabbing or slashing his throat using the steak knife I am holding. Para lang maging masaya siya, kinailangan pa niyang sirain ang buhay ko.
Huminga ako nang malalim. I don’t want to think about that.
Ilang sandali pa’y nagpasiya na silang umalis. Hindi raw sila maaaring ma-late sa flight nila.
“Take care, Cecily.” Hinawakan ako ni Ruslan at pinigilan ko ang umatras papalayo sa kanya. He’s acting like a loving husband in front of his brother and nephew.
Tinangka niya akong halikan pero agad kong iniwas ang mukha ko kaya dumaplis lang ang labi niya sa may pisngi ko. Humigpit ang hawak niya sa akin at alam ko na hindi magandang indikasyon iyon. He’s mad about what I did.
Pasalamat na lang ako at aalis siya. Hindi niya ako masasaktan nang dahil lang umiwas ako sa paghalik niya.
“Dmitry, take care of my wife. Make sure no man will approach him while I’m away.”
Tinapik ni Ruslan ang balikat ni Dmitry. May dumaan na kakaibang ekspresyon sa mga mata ni Dmitry na hindi ko maipaliwanag.
“Don’t worry, Uncle. I will be taking care of her, and I will make sure that no other men can approach her.”
Umalis na sina Ruslan at Mikhail. Hindi na namin sila naihatid pa sa airport at hanggang labas na lamang ng bahay. Nang maiwan kaming dalawa ni Dmitry, agad akong nakaramdam ng kakaibang kaba.
“P-Papasok na ako sa loob ng bahay.”
Mabilis kong tinalikuran si Dmitry at pumasok ako sa loob. Hinanap ko kaagad kung saan ang kuwarto ko.
“Excuse me…” Nilapitan ko ang isang kasambahay. Tumingin siya sa akin na may halong pagtataka. “Alam mo ba kung saan ang kuwarto ko?”
“Uh—”
“Why in a hurry?”
Napatayo ako nang tuwid nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko man lang naramdaman na nakasunod na pala siya sa akin.
Nilingon ko si Dmitry sandali at nang muling tingnan ang kasamabahay ay nakaalis na ito.
When I realized that it was just the two of us again, alam ko na kailangan ko na ulit kausapin ang lalaking ito.
“Gusto kong malaman kung saan ang kuwarto ko, para makapagpahinga na ako.”
Hindi naman ako pagod pero mas gugustuhin ko lang na lumayo kay Dmitry kaysa ang makasama siya. Kapag kasi magkasama kami sa iisang lugar, pakiramdam ko ay nasasakal ako.
Pinagmasdan ako ni Dmitry mula ulo hanggang paa. Was it weird to think na para bang hinuhubaran niya ako sa pamamaraan ng pagtingin niya sa akin?
“Hindi mo ba sasabihin sa akin kung nasaan ang kuwarto ko?” I need to go. I need to get out of here. It feels like invisible hands are choking me. I can’t breathe. “Never mind, hahanapin ko na lang kung saan dinala ang gamit ko.”
Tinalikuran ko si Dmitry at hahakbang na sana papalayo sa kanya nang muli itong magsalita na siyang dahilan para mapatigil ako.
“Cecily Evonne Alcazar, 21 years old. According to the information I accumulated after background checking you, you stopped attending university 3 years ago and suddenly agreed to marry my uncle after refusing to marry him. I wonder about that.”
Nilingon ko si Dmitry matapos niyang sabihin lahat ng iyon. Hanggang saan ang alam niya tungkol sa akin? Paano niya nakuha ang mga impormasyong iyon.
“You were background checking me—”
“It’s natural for me to background check everyone who is joining our family, right? Ayoko na may mangyaring hindi maganda sa pamilya namin.” Huminga siya nang malalim at malamig na tumingin sa akin. “There’s information that doesn’t make sense. Like your sudden disappearance 3 years ago, at bigla na lang ulit na nagpakita makalipas ang dalawang taon at pumayag magpakasal kay Ruslan. Aren’t you an interesting one?”
Napakuyom ako nang ipaalala niya sa akin ang nangyari noon. Mukha mang hindi niya alam ang nangyari sa akin noong mawala ako, pinaalala niya pa rin sa akin ang isa sa pinakamadilim na parte ng buhay ko.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko, even though I can feel them again—my monsters whom I keep chasing away.
“Kung ano mang nangyari sa buhay ko, don’t you think it’s none of your business? Gusto akong pakasalan ng uncle mo, pumayag ako. Again, none of your business.”
Dumilim ang tingin niya sa akin habang ako ay pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Don’t cry, Cecily. Inalo ko ang aking sarili.
Humakbang siya papalapit sa akin. Tinangka kong umatras ngunit hindi ako nagtagumpay.
Dmitry towered me, looking like a dark entity in front of me.
“Was it because of money? You’re young, and you can pull any man. So, why settle for an old man like my uncle? Do you have a hidden agenda—”
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Itinaas ko ang kamay ko at wala sa sarili kong sinampal si Dmitry.
Umigting ang panga niya dahil sa ginawa ko at nang tumingin siya sa akin ay kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata, but I am furious, too.
“Hindi dahil pina-background check mo na ako ay alam mo na ang lahat sa akin at magbitaw ng mga salita na akala mo ay kilalang-kilala mo na ang buong pagkatao ko. You only know the basic information about me, pero hindi ang tunay na mga dahilan, Dmitry. Kung ayaw mo sa akin para sa uncle mo, hindi ko ipipilit. Hindi ko ipipilit sa inyong lahat na tanggapin ako sa pamilya ninyo. All I want is some respect from you. Kung iyon man ay hindi mo kayang ibigay sa akin, mas magandang huwag mo na lang akong kausapin.”
Tinalikuran ko si Dmitry at hindi na hinintay pa ang kung ano mang maaari niyang sabihin. Whatever that is, he can keep his words to himself, hindi ko kailangan.
Wala silang alam sa kung anong pinagdaanan ko. Wala silang alam kung anong itinapon na pagsubok ng tadhana sa akin. Ang pagkawala ng anak ko ay pinto pa lamang sa mga pahirap sa buhay ko noon. Pagkatapos mawala ng anak ko, sunod-sunod na pahirap pa ang naramdaman ko.
My life was in darkness for almost three years. Ngayon ko na lamang binabangon ang sarili ko, only for people to judge me and conclude things na gusto nilang isipin. But what can I say? All I want is for this to get over at makasama ko na ulit ang anak ko. Tatanggapin ko lahat ng sasabihin nila sa akin kung ang kapalit naman ay makapiling ko ulit ang anak ko.
Nagtagumpay ako sa paghahanap ng kuwarto ko. Kinuha ko ang nag-iisang gamit na naiwan sa akin ng baby ko. Niyakap ko iyon and I did what I haven’t done for a long time now. I cried while hugging my child’s clothes habang iniisip na kasama ko na ulit siya.