Cecily
HINDI KO namalayan na sa pag-iyak ko ay nakatulog ako. Mabigat ang aking mga mata nang imulat ko ang mga ito. Nakakaramdam na ako ng gutom.
What time is it?
I looked at the clock mounted on my wall. It says 2:00 pm
Nagdadalawang-isip man, lumabas ako ng kuwarto ko. Kailangan kong kumain. Ayokong magkasakit naman dahil sa pagpapalipas ko ng gutom.
“Mrs. Ivanov?”
Napatigil ako sa paglalakad ko nang may marinig akong boses. Nilingon ko siya at nakita ko ang isang babae. Nahihiya siyang lumapit sa akin.
May dala-dala siyang tray at nang makita ko ang mga pagkain na naroroon ay agad kumulam ang sikmura ko at naramdaman ang gutom.
“Papunta na po sana ako sa kuwarto ninyo para alamin kung kakain na kayo.” Ipinakita niya ulit ang tray ng pagkain sa akin. “Saan ninyo po gustong kumain? Sa kuwarto ninyo o sa dining area?”
Dahil naisip ko na bababa pa kami ng hagdanan kung sa dining area ako kakain, sinabi ko na lamang sa kuwarto, tutal ay naririto na naman kaming dalawa.
Iniayos ng babae na ang pangalan ay Mimi ang table ko kung saan ako kakain.
“Kanina pa po kami nagpapabalik-balik dito para tawagin kayo sa pagkain pero inisip namin na baka natutulog kayo since walang nasagot. Iniutos ni Sir Dmitry na huwag muna kayong gambalain at i-check na lang from time-to-time kung gising na kayo.”
I snorted when I heard his name again. Naalala ko na siya ang nag-trigger sa akin ng mga hindi kagandang alaala.
“Thank you,” sabi ko nang maihanda niya ang pagkain ko.
“Pinapasabi po ni Sir Dmitry na mawawala lang siya ng ilang sandali at babalik din mamaya. Pwede ninyo raw pong gawin ang kahit anong gusto ninyong gawin. Kung may kailangan po kayo, pwede ninyo po akong tawagin.”
Ngumiti ako sa kanya. Mukha siyang mabait at hindi masungit, hindi kagaya ng iba na akala mo ay hindi marurunong ngumiti.
“Let me guess,” sabi ko. “Hindi ka Russian?”
Nagulat sa tanong ko si Mimi. Mukha siyang mas bata sa ibang kasambahay pero mas matanda pa rin siguro ng ilang taon sa akin.
“Hindi po.” Inilagay niya ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga na tila ba nahihiya. “Paano ninyo po nasabi?”
Sumubo ako ng pagkain bago magsalita. “Bukod sa wala kang accent kagaya ng karamihan sa tao rito, ikaw lang ata ang narinig kong tumawag sa akin ng Mrs. Ivanov at hindi Ivanova.”
Ang alam ko kasi, since isang taon na rin kaming kasal ni Ruslan, dinadagdagan ng letter A ang apelyido ng babae. Kagaya na lamang ng Ivanov, magiging Ivanova. Napansin ko na hindi ganoon ang itinawag ni Mimi sa akin kaya’t naisip ko na baka hindi nga siya Russian.
“Hindi po ako Russian. Dito na po ako lumaki sa Pilipinas. Isa po ako sa iniligtas ni Sir Dmitry sa ilegal na gawain nang marinig niya ang grupo ng mga sindikato na nag-uusap sa casino nila. Nang malaman niya na wala akong mapuntahan, kinupkop nila ako at nagtrabaho na po ako rito. Ilang taon na rin po.”
Isn’t he part of a syndicate, too? Oh, well.
“Si Sir Dmitry po ang isa sa mga pinakamabait na nakilala ko, lalo na sa kanilang pamilya.”
Hindi ko mapigilang mapangiwi sa sinabi niya. Nabilaukan pa nga ako.
“Kung mabait siya, wala nang mabait sa mundo.”
Uminom ako ng tubig para mawala ang epekto ng nangyari sa akin kanina.
Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa pagkain.
“Siguro nga po hindi ganoong kabait…” Pilit siyang tumawa. “Pero mas okay naman po ang ugali ni Sir Dmitry kumpara sa ama niya at kay Sir Ruslan—ay sorry po.”
Tumingin ako kay Mimi. Nakatikom na ang bibig nito dahil siguro naalala niya bigla na asawa ako ni Ruslan. Nagpanggap na lang ako na walang narinig.
Tama naman siya dahil masahol talaga ang ugali ni Ruslan.
Naggala ako sa bahay. Thanks to Mimi, kahit papaano ay nalilibang ako dahil may pagkamadaldal siya.
“Nasaan ang picture ng nanay nina Dmitry?”
Curious lang ako dahil halos lahat ay nakita ko na sa picture na naririto at ipinakilala na sila sa akin ni Mimi except sa Mama ni Dmitry. Kahit nga ang unang asawa ni Ruslan ay may picture rito.
“Hindi ko po alam. Dumating po ako rito ay hindi ko na iyon nakikilala. Ang alam ko po, bawal po siyang pag-usapan dito. Nagagalit daw po ang mga Ivanov.”
Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Mimi nang marinig namin ang pagbukas ng pinto.
Nakita ko na pumasok si Dmitry. Sa kanan niya ay may isa pang lalaki na ngayon ko lang nakita. They are both tall and well-built. Pakiramdam ko kung lalapit ako kay Dmitry at sa lalaking kasama niya ngayon ay manliliit ako, literally.
“Good evening, Sir Dmitry and Sir Anton,” magalang na pagbati ni Mimi sa kanila.
Nanatili akong nakatayo lamang doon at tahimik. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang batiin. Nang maalala ko ang mga sinabi ni Dmitry kanina, nawalan lalo ako ng gana na batiin siya.
Alam ko naman, una pa lamang na hindi talaga kami magkakasundo. Alam ko rin na kagaya ng iba, iniisip niya na pera ang habol ko kay Ruslan. Kung hindi anak ko ang pinag-uusapan dito, wala akong pakealam kung mayaman si Ruslan, hindi niya ako mapipilit na pakasalan siya. But that wasn’t the case now.
Tumikhim ako lalo na nang mapagtanto na masyado na kaming nagkakatitigan ni Dmitry. Tumingin ako kay Mimi at pilit na ngumiti.
“Sa kuwarto ko na lang ako kakain ng dinner, Mimi. Thank you.”
Umalis ako pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko binati sina Dmitry at dumiretso lamang sa kuwarto ko.
Sinabi ni Ruslan sa akin na huwag akong gagawa ng bagay na maaaring ikaphiya niya, hindi naman siguro kasama roon na pakisamahan ko ang pamangkin niya.
Tapos na akong kumain ng dinner. Naalala ko pang tinatanong ni Mimi sa akin kung bakit daw rito ako sa kuwarto kakain. Nang tinanong ko kung may problema ba roon, sinabi niya sa akin na tinatanong daw ni Dmitry.
Why does he care now?
Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko papansinin si Dmitry nang sa ganoon ay maging payapa ang pananatili ko rito. Ayokong sa susunod na pag-uusap namin ay bastusin niya na naman ako.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ng kaibigan ko. Nang magpakasal ako kay Ruslan at nanirahan sa Manila ay nagawa kong makita ulit ang kaibigan ko. Gulat na gulat siya nang malaman ang nangyari sa akin pero inintindi niya ako. Hindi niya sinabing mali ang desisyon ko at sinabi sa akin na susuportahan niya ako sa mga ginagawa ko.
“Ingrid!” bati ko sa kanya.
“Cecy! Gaga ka, hindi ka man lang nagpaalam sa akin na pupunta ka ulit sa Puerto Rivas!” sabi niya sa akin.
“Sorry. Nag-text naman ako, hindi ba? Biglaan din kasi kaya hindi ko na nasabi sa ‘yo agad.”
“Ay nako! You owe me a drink! Tara at mag-club! Nasa Puerto Rivas din ako.”
Nagulat ako sa balita ni Ingrid na naririto rin siya sa Puerto Rivas. Excited akong napatayo sa kinauupuan ko.
“Sure! Magbibihis lang ako. Saan tayo?”
“May club ako na gustong i-try ngayon. Makakapagpaalam ka ba sa asawa mo?” May pait sa boses niya sa tuwing sinasabi ang huling salita. Tipid akong ngumiti.
“Wala si Ruslan dito. Makakaalis ako ng bahay.”
Nag-ayos na ako matapos naming makapag-usap ni Ingrid. I wasn’t an outgoing person, hanggang ngayon naman. Nang makapagkita lang ulit kami ni Ingrid, doon lang ako natuto na magpunta sa mga bar, pero syempre parati akong may bantay at kapag may nakarating kay Ruslan na hindi maganda, mananagot ako. Kaya kahit gumigimik, nag-iingat pa rin ako.
May mga oras naman na mabilis kausap si Ruslan, lalo na kung good mood siya. Mahirap lang siyang kausap kapag may hindi magandang nangyayari.
Nang makapag-ayos ako ay lumabas na ako ng kuwarto. Noong una ay iniisip ko kung magpapaalam pa ba ako kay Dmitry, but I remember that he’s not my guardian. Nasa legal na edad na rin. naman ako para makapagdesisyon sa sarili ko. It’s not like I am going to club to cheat on my husband. Wala man akong nararamdaman kay Ruslan other than spiting his name and wanting to strangle him to death sometimes, hindi ako ganoong klase ng babae. May respeto ako sa kasal namin.
Papalabas na ako ng pinto nang may marinig akong boses.
“Where are you going at this time of the night?”
Nilingon ko siya at nakita ko nga si Dmitry. Kasama niya pa rin iyong lalaki na Anton ang pangalan.
“Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko.”
Iiwasan ko na sana siya ng tingin nang makita ko na tiningnan niya ang suot ko. Hindi naman revealing ang damit ko, humahapit nga lang ito ng husto sa katawan ko.
“Wearing that?”
Tumaas ang isang kilay ni Dmitry sa akin at sa tono pa lamang ng kanyang boses, alam ko na kaagad ang pumapasok sa isipan niya.
“Oo, anong masama sa suot ko? Desente naman ang damit ko. Kilala rin ni Ruslan si Ingrid.” Kumunot ang noo ko. Bakit ba hindi ko mapigilan ang maging mataray pagdating sa lalaking ito? Hindi ko rin alam. “At kung ano mang gawin ko, it’s none of your business, Dmitry.”
Pinihit ko ang pinto at lumabas ng bahay. Napangisi ako nang makita ko ang pag-igting ng panga niya kanina matapos niyang marinig ang mga sinabi ko.
Nag-taxi na lang ako. Wala si Ruslan ngayon at kasama niya ang mga tauhan niya. Iyon nga ang rason bakit niya ako iniwan sa pamangkin niya.
Nakarating ako sa lugar na napagkasunduan namin ni Ingrid. Nakita ko naman agad siya and we both hugged each other.
“I missed you! Akala ko ayaw lang ako papasukin ng mg kasamabahay ninyo sa Manila, iyon pala ay talagang umalis kayo. Mabuti na lang at pupunta rin ako rito. Hanggang kailan kayo sa Puerto Rivas?”
Nagsimula na kaming maglakad. Sa isang side kasi ng Puerto Rivas ay kabi-kabila rin ang mga clubs and bars. Ikaw na lang ang mananawa. Marami kasing turista ang pumupunta rito dahil bukod sa naandito ang mga malalaking hotels at restaurants ay malapit sa beach.
“Hindi ko pa alam. Umalis si Ruslan at pumunta sa Russia. Hindi ako sigurado kung kailan siya babalik. Ikaw?”
“Isang linggo lang. May klase na ako next week. Sinamahan ko lang ang kapatid ko rito kasi may aasikasuhin.”
Unlike me, Ingrid is studying. Nawalan kasi ako ng means sa buhay ko nang mawala ang anak ko. Bukod pa roon, may mga nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon kaya’t hindi ako nakapagtuloy sa pag-aaral. Nang magpakasal ako kay Ruslan, sinabi niya naman sa akin na hindi ko na kailangan pang mag-aral. Hindi niya ako suportado roon.
Tumigil kami sa isang club na pinagkakaguluhan dito. Ang daming tao at turista.
Inferno. Iyan ang pangalan ng club.
“Ingrid, baka hindi tayo papasukin,” sabi ko sa kanya.
Bukod sa high-end ang club ay mukhang limitado lamang ang pinapapasok nila unless may reservation ka.
“Makakapasok tayo. Trust me!”
Hinila ako ni Ingrid papunta sa may unahan. Nakipaggitgitan talaga kami hanggang makarating sa may entrance kung saan ay nakaharang ang dalawang bouncers.
Noong una ay tiningnan lang kami ng dalawa at hindi binigyan ng atensyon.
“Hello, nasa loob na kasi ang mga friends namin. Baka pwede kaming pumasok—”
“Pangalan ng kaibigan ninyo at couch number.”
Laglag ang aking panga. May ganoon pa pala.
Halatang nag-isip si Ingrid pero mukhang sa huli ay napagtanto niya na hindi rin naman siya magtatagumpay.
“Bawal ba ang walk-in—”
“Fully booked na ang Inferno. Bawal nang magpapasok.”
“Sige na naman, Kuya! Dalawa lang kami—”
“Bawal!”
Habang pinipilit ni Ingrid ang mga bouncer, may nahagilap ang gilid ng aking mata.
Kumunot ang noo ko nang akala ko ay makita ko si Dmitry na pumasok sa kabilang entrance ng club. Pero baka namamalikmata lang ako.
“Ingrid, tara na. Sa ibang club na lang tayo—”
Bago ko pa mahila ang kaibigan ko na halos makipag-away na sa bouncer na mas malaki naman sa kanya, may isa pang bouncer ang lumapit sa dalawa at may sinabi rito.
Tumingin sa amin ang dalawang bouncer at nagtataka man ay sinabi nila ang mensahe na ipinadala ng kasamahan nila sa kanya.
“Papasukin daw ang dalawang babaeng iyan,” sabi ng isa.
Nagulat ako roon dahil kanina pa nila kami pinagbabawalan. Anong nagpabago ng isip nila?
“Sabi sa ‘yo at makakapasok tayo!” On the other hand, my friend doesn’t seem to care about the reason.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang iniisip nang pumasok na sa loob.
Sinamahan kami ng isang bouncer sa isang bakanteng couch. Nagpasalamat kaming dalawa at naupo ni Ingrid doon.
Tiningnan namin ang in-offer nilang mga drinks at halos lumuwa ang aking mga mata sa presyo. Hindi pa rin talaga ako masasanay sa kung paano gastusin ng mayayaman ang pera nila. Siguro kung hindi ko naranasan ang maghirap, balewala sa akin ang mga ganito. Ngunit simula nang matamasa ko ang kahirapan, nag-iba ang mga pananaw ko sa buhay.
“Ang mahal,” bulong ko kay Ingrid.
“Okay lang. Minsan lang naman.”
Habang abala siya sa pagtingin sa mga alak na gusto niyang order-in, ako naman ay pinagmasdan lang ang mga tao na naririto.
Maraming tao pero hindi iyong tipong hindi ka na makakahinga o makagalaw. Siguro limitado lang talaga para hindi overcrowded at in order pa rin ang lahat.
“Parang ang sarap nito—ito rin! Hindi ako makapili!”
Napailing ako sa kaibigan ko. Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko ang isang waiter na papalapit sa amin. Inilagay niya ang dala niyang mga drinks sa table namin.
“Wala pa kaming order.” Tumingin ako sa waiter pero nginitian niya lamang ako.
“Looks great!” sabi ni Ingrid at agad na ininom ang binigay ng waiter sa amin.
“Ingrid, huwag mong inumin. Hindi mo nga alam kung saan galing iyan.” Pero huli na ang lahat dahil nainom niya na at mukhang nagustuhan niya.
Hindi ko ginalaw ang isang baso na mukhang para sa akin. Natatakot ako na baka may kung ano sa inumin namin. At least, naandito ako para mabantayan si Ingrid.
“How about you, madam? Hindi mo ba iinumin ang iyo?”
Umiling ako sa waiter sabay sabing, “I don’t drink.”
That’s a lie. Nag-iinom naman ako pero alam ko rin ang number one rule sa clubbing: don’t accept drinks from strangers.
Tumango lamang ang waiter at iniwan na kami. Kinuha ni Ingrid ang baso na para sa akin.
“Ayaw mo? Masarap!”
Umiling ako sa kanya. Nagkibit-balikat si Ingrid bago inumin iyon. Ngumiti pa siya sa akin dahil mukhang nagustuhan niya ang lasa ng cocktail.
Ilang sandali pa ang lumipas, bumalik ang waiter at may dala na namang baso ng cocktail at…juice.
Tumingin ako sa waiter. Nagtataka na ako dahil wala pa talaga kaming in-o-order pero dala siya nang dala ng drinks.
“You can try our special raspberry drink, no alcohol, madam. And for your friend, piña colada.”
“Yey!” sabi ni Ingrid at kinuha ang piña colada niya.
“Kanino nanggagaling ang lahat ng ito? We haven’t order anything yet.”
The waiter smiled at me. “The owner of the club wants to welcome you to Inferno, madam.”
Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Sinubukan ko siyang habulin para matanong ang tungkol sa owner pero tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
“Sasabihin ko sana na baka bet ka ng owner ng club pero may asawa ka na kaya siguro baka ako na lang.”
Tumawa si Ingrid. Halatang medyo may tama na siya ng alak dahil namumula na siya at iba na rin ang pagsasalita niya.
Tumayo si Ingrid. “Sayaw tayo!”
“You’re drunk!” suway ko sa kaibigan.
“Hindi, ah. Sasayaw ako!” Umalis siya at pumunta ng dance floor. Napailing ako sa kaibigan ko. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya.
Nang maupo ako sa couch, napansin ko may naglakad sa dance floor na pamilyar sa akin. Noong una, iniisip ko na naman na namamalikmata lang ako.
“The waiter told me you want to meet me. Well, I am here to personally welcome you, Cecily Ivanova.”
Bago ko pa malingon ang lalaking nagsalita sa likod ko ay naglakad na siya papunta sa harapan ko at naupo sa couch sa tapat ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ito.
Dmitry Ivanov!
“Anong ginagawa mo rito?!” Gulat na gulat ako nang makita ko siya. Sinasabi ko na nga ba at nakita ko talaga siya kanina.
Tumaas ang noo niya na para bang nabigla sa tanong ko.
“What? I am the owner of the club. It’s common knowledge, right? Lalo na at parte ka na rin ng pamilya namin. The Ivanovs own most high-end clubs and bars here in Puerto Rivas.”
Lalong nanlaki ang aking mga mata. s**t! Nakalimutan ko!
“Meeting a friend in a club while your husband is away. What a bold move, Auntie. Now, you finally caught my interest.”
And he smiled at me, deviously.
I wasn’t informed and aware of how lethal it can get once you caught Dmitry Ivanov’s interest.