KABANATA 4

1746 Words
Cecily WHEN I entered the house, Ruslan saw me. He immediately acted like a doting husband who was worried about his wife’s safety as he embraced me. I stilled in my position. Hindi ko sinuklian ang pagyakap niya sa akin, while his family is eyeing us. Hindi ko pa rin ala kung sino ang tanggap ako sa pamilyang ito o hindi. Does it matter? No. “I know someone might tail you and Fedor the moment you left! Good thing, mabilis kumilos si Dmitry!” Hinawakan ako ni Ruslan sa aking braso at hindi man napansin ng iba, napapitlag ako. Hindi na siguro mawawala sa akin ang ganoong reaksyon minsan kay Ruslan. May pagkakataon na iniisip ko na sasaktan niya ako kaya awtomatikong nagre-react ang katawan ko sa pagtaas niya ng kamay o paghawak-hawak sa akin. “Dmitry has the best men! Kaya nang malaman ko na may sumusunod sa inyo at maaari kang ma-target, I asked Dmitry to do me a favor.” Tumagos sa akin ang titig ni Ruslan at tumingin sa lalaking nasa likod ko. “Bal’shoye spasiba za pomashch.” I don’t understand it, but I guess he’s thanking him. Hindi ko alam kung anong naging gesture ni Dmitry roon. Hindi ko naman kasi ito narinig na nagsalita. “We have a lot of enemies. I hope you understand. Since you’re Ruslan’s wife and part of this family, you might be a target, too.” Tumingin ako kay Mikhail nang magsalita ito. Tumango lang ako sa kanya upang iparating na naiintindihan ko siya. When everything went back to normal like some people didn’t attack me, lumapit sa akin si Darya. Kinumusta niya ako at sinabi ko naman sa kanya na okay lang ako. “Ruslan, to my office. You, too, Dima.” Napatigil kaming dalawa ni Darya sa pag-uusap nang marinig namin ang boses ng head of the family ng Ivanov na si Mikhail. Despite his old age, malakas pa rin si Mikhail ngunit halatang malapit nang bumaba bilang namumuno sa kanyang pamilya. “Dmitry will be the next head of the family since he’s Mikhail’s eldest son. But Dima has no interest in the family’s illegitimate businesses. Mas gusto niyang asikasuhinng legitimate front ng family. Ayaw rin nina Kirill at Nikolai na siyang mga kapatid ni Dmitry dahil sa mga rason nila. That’s why, my father will surely get the position.” Napatingin ako kay Darya dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako tungkol sa kung paano umikot at tumakbo ang pamilya nila. Tumango ako dahil kahit papaano naman ay naiintindihan ko ang mga sinabi niya. “Why do you call him Dima? I mean, Dmitry?” Tipid na ngumiti si Darya sa akin. Mukha man siyang suplada, maayos naman kahit papaano ang pakikitungo niya sa akin. Hindi nga lang niya ako ganoong kinakausap noon. “Have you ever heard my father and brother call me Dasha?” Tumango ako. Madalas ko iyong marinig kina Ruslan at Akim sa tuwing tinatawag nila si Darya. Iniisip ko na baka nickname niya iyon or some sort. “Russian names have diminutive forms…like a nickname. Darya’s diminutive is Dasha. Dmitry is Dima. Kirill is Kirya, but we sometimes call him Kira, though Kirill doesn’t really appreciate anyone outside the family calling him Kira, even if you’re close to him. That’s a girl’s name.” Tumango-tango ako. Iyon pala ‘yon. Parang shortened form ng mga pangalan nila. Pero sabi ni Darya, madalas ay kung close or binigyan ka lang ng permiso ng isang tao tsaka mo sila pwedeng tawagin sa diminutive form ng pangalan nila. Nagkaroon ng kanya-kanyang diskusyon ang mga naririto. Ako ay nakatingin pa rin sa silid kung saan pumasok sina Ruslan. Hindi pa rin sila lumalabas doon. “Cecily, right?” Napatingin ako sa nagsalita. Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. If socialization is a subject, I would failed miserably. “I’m Yulia. Ruslan and Mikhail’s cousin. Nice meeting you.” “Nice meeting you, too.” May kung ano sa ngiti niya na hindi ko gustong intindihin. Hindi ko malaman kung normal ba na ganito siya ngumiti o pinaplastik niya lang ako. Tumingin siya sa pinto kung saan pumasok sina Ruslan. “I would like to apologize for not attending your wedding with Ruslan. We were all in Russia. Actually, hindi kami madalas umuwi rito ng Pilipinas. Pamilya lang talaga nina Ruslan at Mikhail ang piniling mag-settle rito.” Hinawi niya ang long-blonde hair niya. “Even Mikhail and his family didn’t attend the wedding, right?” Tumango ako. “Yes, they were busy that time. They send their greetings, though.” Wala naman talagang masyadong bisita ng kasal namin ni Ruslan. It’s not even a church wedding. Naalala kong si Tita Rasha at ilang kakilala ni Ruslan lamang ang dumalo bilang witness. “When I heard that Ruslan got married, again, hindi ko inaasahan na mas bata pa sa panganay niya. How old are you again?” Huminga ako nang malalim. Hindi ko na gusto kung saan papunta ang usapang ito. “21 years old.” Her smile faltered pero nagawa niya pa rin namang ngumiti kahit na papunta na iyon sa pagngiwi. “Right…” Napansin ko na may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya na lang itinuloy. Nagpaalam na rin naman siya. Bumalik siya sa mga kasama niya kanina at nagkwentuhan sila sa lenguwaheng hindi ko maiintindihan. Hindi ko na kailangan pang maintindihan ang mga sinasabi nila para malamang ako ang pinag-uusapan nila. Nang magpakasal ako kay Ruslan, marami naman din akong natanggap na mga salitang hindi kanais-nais. May nagsabi na pera lamang ang habol ko, pokpok daw ako, malaki raw ang pangangailangan ko kaya ko pinakasalan si Ruslan despite him being too old for me, and some words along those lines. Hindi ko hinayaan na masaktan ako, dahil maaaring tama sila. Pinakasalan ko si Ruslan dahil kailangan ko siya, ngunit hindi sa rason na iniisip nila. Bumukas ang pinto at nag-angat ulit ako ng tingin doon. Nakita ko si Ruslan pero hindi sa kanya pumirmi ang mga mata ko—kung hindi sa isang lalaki na hindi ko alam kung bakit ko tinititigan ngayon. Nag-uusap pa rin sila pero wala akong maintindihan. “Cecily!” Nang makita ako ni Ruslan ay agad niya akong tinawag. Naglakad ako papalapit sa kanila nang senyasan ako nito. Simula nang mapansin ako ni Dmitry, hindi na nawala ang tingin niya sa akin at sinikap ko na titigan si Ruslan kahit hindi ko gusto na nakikita ko siya. “I have something to tell you…” Ngunit bago pa matuloy ni Ruslan ang sasabihin sa akin ay nagsalita na si Mikhail na huling lumabas ng silid. “I already talked to the Pakhan, Ruslan. He keeps insisting that Dmitry should succeed the position, as the Ivanov’s head of the family and his obshchak.” Tumingin si Mikhail. “You know that Vladimir Vasiliev, the Pakhan, is close with my son. And he trust him with his life. Hindi natin basta mapapalitan sa kanya iyon lalo na’t pinangako kong si Dmitry ang papalit sa akin. But he also told me he will make considerations. The Pakhan wants to personally meet you.” Nakita ko kung gaano lumiwanag ang mukha ni Ruslan sa sinabi ng kapatid niya. “Is that okay with you?” pahabol na tanong ni Mikhail. “Of course!” si Ruslan, halata ang saya at galak sa kanyang boses. Mikhail nodded his head sternly. “I will make arrangements, then. You’re coming to Russia with me. And Dmitry—” Bago pa makapagsalita ang kanyang ama, agad na inunahan ni Dmitry ito. “I will be staying here for a while. I’ll be managing the bars, clubs, and casinos here, Papa. I would also like to visit our businesses in Manila.” Mikhail’s jaw worked. Halatang hindi niya gusto ang sinasabi ng kanyang anak pero hindi niya kinalaban ang sinabi nito. Ganoon man, kita mo ang talim sa mga mata nito. Imbis na may masabi pa, tumingin na lamang si Mikhail sa kanyang kapatid. “I will book us a flight tomorrow. Is that fine with you, Ruslan?” Lalong lumawak ang ngiti niya. “Perfect, Mikhail.” Nang umalis si Mikhail para pumasok sa loob ng silid niya, iniharap naman ako ni Ruslan sa kanya. “Listen to me, Cecily. I’ll be gone for a couple of days, I don’t know. And while I am away, I want you to stay here in Puerto Rivas. Dmitry…” Humarap si Ruslan kay Dmitry. “I will be entrusting my wife to you. Bukod sa iilang tauhan ko, I don’t trust anyone with my wife. Pinagkakatiwalaan kita dahil halos ako na ang nagpalaki sa ‘yo at tinuturing kitang anak ko.” Bumuntong-hininga si Ruslan at umiling na para bang dismayado siya sa iba. “Can you do that for me, Dmitry?” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Ruslan. Is he seriously leaving me under this man’s care? “Ruslan, I can take care of myself—” “Not a single word, Cecily.” Itinaas niya ang kanyang kamay upang patigilin ako sa pagsasalita. Itinikom ko ang aking bibig. Tumingin ako kay Dmitry at naabutan ko siyang nakatingin na sa akin na akala mo ay hinihintay niya talagang balingan ko siya ng atensyon. And there, I saw it again! The devious and dangerous smile of his. “Absolutely, Uncle. You can trust me with that. I will take care of your wife.” May tila bumaliktad sa sikmura ko. My gut tells me to run away from him, but my feet are deeply rooted in my position. You shouldn’t be trusting me with that man, Ruslan. Because it’s not other people or your enemies you should be wary about when it comes to me. It should be Dmitry. “Don’t worry, I will protect you, Cecily Ivanova.” Hindi ko alam kung ako lang ba, pero may kung ano sa boses niya at sa tono ng pananalita niya na nagpapataas talaga ng buhok ko, lalo na kapag binabanggit niya ang pangalan ko. Dmitry Ivanov is still an enigma to me. An entity that I can’t seem to understand. He’s something you can’t easily categorize whether a friend or a foe. One thing I know is that this man is dangerous and should never be trusted because you’ll never know when he’s out to destroy you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD