Cecily
HINDI AKO mapakali. I want to go.
Simula nang dumating si Dmitry Ivanov, ang pamangkin ng asawa ko, I have this uneasiness na hindi na matanggal-tanggal.
Hindi ko rin magawang itunghay ang aking ulo dahil mayroon din akong nararamdaman na tila ba tinititigan ako at pinapanood ang bawat galaw ko.
“Dima, did you consider your father’s offer?” tanong ni Ruslan.
Doon lamang ako nagtaas ng ulo ko, and it was a wrong move. Dahil pag-angat ko ng tingin ay sinalubong ako ng mga mata ni Dmitry Ivanov na nakatingin sa akin nang diretso. He smirked when he caught my eyes. I was electrified and was held captive by those green yet brown eyes.
“As the Obshchak of the Bratva? No, thanks. I am not interested.” Kinuha ni Dmitry ang kanyang baso at uminon doon, but his eyes never leave mine. He’s looking over the rim of his glass.
Umiling si Mikhail, ang ama ni Dmitry. “I don’t know why my sons have no interest in being part of the Bratva. It’s a shame.”
Mukha mang kalmado si Mikhail ay hindi nakawala sa akin ang tigas ng kanyang mga salita na tila ba may halong galit iyon. It was easy to overlook, pero sadyang aware lang ako sa mga nangyayari sa paligid ko dahil sa isang lalaking nagngangalang Dmitry kaya’t napansin ko iyon.
“Ayoko lang tanggapin ang posisyon, not because I am not interested, but I want to follow the hierarchical system of the family, Papa. Si Dima ang tunay na tagapagmana kaya dapat ay siya ang sumunod sa yapak mo. Nikolai and I will just support in the background,” sabi naman ni Kirill, ang kapatid ni Dmitry.
“That leaves the position to me, Mikhail.”
Huminga nang malalim si Mikhail nang marinig ang sinabi ni Ruslan.
“If you’re going to give me the position as the Obshchak, I am willing to fill the position. But Dmitry, remember that you’re always welcome to get your place when you decide you want it.”
Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay ni Dmitry kay Ruslan matapos ang sinabi nito. Hindi mo malaman kung sincere ba siya sa ngiti niya or he’s mocking his uncle.
Muling tumingin sa akin si Dmitry at nag-iwas ako.
Nang magkaroon ng sari-sariling mundo ang mga kasama namin sa dining, kinuha ko iyong oportunidad upang makausap si Ruslan.
“Ruslan, baka pwedeng…umalis na ako.”
Gusto ko na talagang makaalis sa lugar na ito at puntahan kung saan ko mararamdaman ang anak ko.
Tumingin sa akin si Ruslan. Noong una ay akala ko, hindi niya ako papayagan pero nang makita ko ang paggaan ng ekspresyon niya ay nakahinga ako nang maluwag.
“Since you’d been good. I will let you. Bring Fedor.”
Napangiti ako sa sinabi ni Ruslan. He’s not that bad sometimes, or maybe I am gaslighting myself now. Pero may mga oras naman talaga na maayos kausap si Ruslan.
“Thank you.”
Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Tumingin sa akin ang ilan kaya agad kong naalala na hindi lamang kami ni Ruslan ang naririto.
“Everyone, my wife needs to go somewhere. She needs to excuse herself.”
Nagawa ko namang magpaalam sa lahat. Nararamdaman ko pa rin na may nakatitig sa akin kaya’t mas minabuti ko na hindi tumingin sa direksyon niya.
Hindi ko naman siguro kailangang pakisamahan ang lahat sa pamilya ni Ruslan, hindi ba? Sapat nang pakisamahan ko siya at ang mga anak niya para matulungan niya akong hanapin ang anak ko.
Umalis ako sa bahay ng mga Ivanov kasama ang isa sa mga tauhan ni Ruslan. Pumasok ako sa loob ng kotse.
“Saan po tayo, Ma’am?”
Huminga ako nang malalim bago sabihin ang lugar kung saan ko huling nakasama ang anak ko.
Nadaanan namin ang dati kong bahay kasama ang stepmother ko.
“Stop here for a while,” sabi ko kay Fedor.
Ibang-iba na ang bahay dahil mas napaayos na ni Tita. Binigyan din kasi siya ng pera at pagkakakitaan ni Ruslan nang mapakasalan ako. Ngayon nga ay nakikita ko na may bagong pamilya na rin si Tita Rasha.
Gusto ko sana siyang bisitahin pero alam ko na hindi niya magugustuhan na makita ako.
“Umalis na tayo.”
Dumiretso na kami sa lugar na gusto kong puntahan. Lumabas ako ng kotse and let Fedor wait inside the car.
Naglakad ako sa may pinto ng lumang bahay. Simula nang mapangasawa ko si Ruslan, nagawa kong mabili ang lupaing ito kaya hindi nabago ang anyo nito simula nang magpunta kami rito ng anak ko halos tatlong taon na ang nakakaraan.
Naglagay lang ako ng iris flower. May nakapagsabi sa akin noon na ang ibig sabihin nito ay hope, courage, and faith. Naniniwala kasi ako at umaasa na makikita ko pa ang anak ko.
“I hope to see you soon, anak.”
Isa ring pinanghihinayangan ko ay hindi ko man lang nabigyan ng pangalan ang anak ko. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong itawag dito.
Nagtirik na rin ako ng kandila. Ipinikit ko ang aking mga mata at tahimik na nagdasal. Idinasal ko ang paulit-ulit na pinapanalangin ko sa mga nagdaang taon, na sana ay mahanap ko at makasama ko na ang aking anak.
Patayo na ako sa aking kinaroroonan nang biglang may humawak sa aking braso at agad akong itinulak.
“Anong—”
Bago pa ako makapagsalita ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na putok ng baril.
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat habang nakatitig sa lalaking tumulak sa akin. He’s not Fedor, na siyang mas lalong ikinagulat ko.
What is he doing here?
Dmitry easily pulls a gun from his waist holster and points it towards the enemies who are firing their bullets at us, at pinagbabaril din ang mga ito.
Masyado akong gulat at namamangha para mapansin na hindi lang pala si Dmitry ang naririto. With him are some men I don’t know, looks like his men.
Nang matapos ang barilan, may lumapit kay Dmitry and he instructed the man in Russian.
Huminga nang malalim si Dmitry at humarap sa akin. I flinched when our eyes met. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at inalalayan akong tumayo.
Napagmasdan ko siya nang mas mabuti ngayon. I saw the military dog tag necklace he’s wearing. Napalagok ako because that looked so good on him.
I mentally shake my head. Hindi ko dapat iniisip iyon!
“I want to ask you if you’re okay, but never mind, as long as you’re in one piece.”
Agad akong bumalik sa katinuan ko matapos ko siyang marinig. Tinabig ko ang kanyang kamay at mataman ko siyang tiningnan. Tinititigan niya lang naman ako.
“Why are you here? Sinusundan mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
Simula nang makilala ko si Dmitry kanina at maramdaman ko ang titig niya sa akin during lunch, alam ko na hindi niya ako gusto.
Bago pa man makasagot si Dmitry sa akin, tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito nang hindi tinatanggal ang titig sa akin. His dark green eyes that are almost turning to brown are looking directly at me.
“Uncle,” sagot niya sa kung sino man ang tumawag sa kanya. “Yes, I made it just in time.”
Tumigil sa pagsasalita si Dmitry at tumingin muli sa akin.
“Your wife? Yeah, she’s safe, unharmed.”
Hindi nakawala sa akin ang tila pang-iinsultong tono ng boses ni Dmitry nang sinabi niya ang unang salita. Bumusangot ang mukha ko. Mukhang kilala ko na rin kung sino ang tumatawag sa kanya.
“I’ll bring her back to the main house.”
Ibinaba niya na ang cellphone. Huminga ako nang malalim at naisip na bumalik na lamang sa sasakyan. I’m sure Fedor is waiting for me.
Hinawakan ako ni Dmitry sa aking braso. I made a gasping sound and looked at him.
“What—”
“You’re coming with me. We don’t know who might come for your life again, so it’s safer to come with me. I’ll bring you home.”
Magsasalita pa lamang ako nang hilahin ako ni Dmitry. May isang lalaki ang nag-aabang sa sa isang kotse at pinagbuksan kami ng pinto.
Tumingin ako kay Fedor at tinangka kong humingi ng tulong sa kanya, but he just respectfully bowed his head.
“Get in,” utos sa akin ni Dmitry.
Mula sa pagtingin ko sa direksyon ni Fedor ay tumingin ako kay Dmitry. Naintindihan ko naman ang sinabi niya pero parang hindi ko naintindihan.
Tumaas ang isang kilay niya nang hindi ako kumilos.
“Get inside the car or do you want me to force your pretty ass to get in?”
Hindi ako madalas nakikipagsagutan sa ibang tao. Hindi ko hilig ang makipagtalo o isimangot ang mukha ko. But when it comes to Dmitry, I can’t help it. He’s so vulgar and bossy. Hindi ko alam kung bakit para siyang galit sa akin.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan, pero bago ko iyon gawin ay may sinabi ako na maging sarili ko ay ikinabigla ang mga salita.
“Don’t order me around next time like I’m your employee, Dmitry. Let me remind you who you’re talking to. Asawa ako ng uncle mo. It means, show me some respect.”
Pumasok na ako sa loob ng shotgun seat. Ilang sandali rin bago isara ni Dmitry ang pinto sa side ko. Kinausap niya ang lalaki na nakaabang sa gilid at nakita kong tumango ito.
Huminga ako nang malalim at hinawakan ko ang dibdib ko. Hindi naman ako pinanganak na palaban talaga, pero ewan ko ba bakit nati-trigger ako kay Dmitry at gustong-gusto ko siyang sinasagot. Maybe someone needs to make him know his place.
Bumukas ang side ng driver’s seat. Napapitlag ako pero mabilis ko rin namang nabawi ang sarili. Hindi ko na kailangan pang tumingin sa gilid ko para malaman kung sino ang nasa tabi ko.
It’s Dmitry.
Umandar na ang sasakyan. Nang mapansin ko na unang umalis ang kotse na sinasakyan ko kanina ay agad kong nilingon si Dmitry na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. May mga kung ano-anong ideya ang bumista sa isipan ko nang maisip na baka kung saan ako dalhin ni Dmitry ganoong kami lamang ang laman ng kotse.
“Saan tayo pupunta?”
Noong una ay hindi ako pinansin ni Dmitry. Alam ko na narinig niya ako pero nagpapanggap ito na hindi.
“Dmitry—”
“Home,” malamig niyang sagot sa akin. Tiningnan niya ako gamit ang malalamig ngunit kay gagandang mata niya. “Saan pa ba kita dadalhin?”
Kinagat ko ang aking labi. Huminga ako nang maluwag at sumandal sa backrest.
Hindi ko alam kung bakit nga ba ako kinabahan nang mapagtanto ko na kami lang ni Dmitry ang nasa loob ng sasakyan, na nakalimutan kong sinabi niya kay Ruslan kanina na uuwi na kami.
“Don’t get inappropriate ideas or your husband may not like it.” Tumingin si Dmitry sa akin at tumingin din ako sa kanya. Ngumisi siya nang mapansin na nakatingin ako sa kanya. “Chill, I am not someone who likes steal other people’s toys especially of my own flesh and blood…”
Alam ko na may kasunod pa ang sasabihin ni Dmitry. Pinutol niya lamang iyon upang hagudin ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa hindi lamang dahilan ay para akong sinilaban at nag-init dahil sa pamamaraan niya ng pagtingin sa akin.
Dmitry smiled darkly. Nagtaasan na naman ang balahibo ko sa katawan.
“Or it depends whether a certain toy pique my interest.” Pumirmi ang titig ni Dmitry sa aking mga mata. Bumigat bigla ang aking paghinga na akala mo ay may dumadagan sa aking dibdib.
Bakit pakiramdam ko ay biglang sumikip ang kotse?
Natahimik kaming dalawa. Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nasusunog ako sa kakatitig ko kay Dmitry.
Nang tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight, naramdaman ko na may humaplos sa leeg ko.
Tumingin ako sa direksyon ni Dmitry at laking gulat ko nang makita siyang sobrang lapit sa akin. Ang mainit at mabango niyang hininga ang humahaplos sa aking pisngi pababa sa aking leeg at balikat.
Why is he so close?!
“A-Anong ginagawa mo?” I didn’t mean to stutter, but I couldn’t help it.
Lumawak ang nakakalokong ngisi ni Dmitry nang marinig ang panginginig sa boses ko.
“Relax. Seatbelt.” Inayos niya ang seatbelt ko. Nakalimutan ko iyon kanina dahil lumilipad ang isipan ko. “We don’t want anything bad happening to you, right, tetya?”
Nanlaki ang aking mga mata sa itinawag niya sa akin. When I told him to give me some respect, hindi ko inaasahan na tatawagin niya akong auntie!
Halos mamula ang aking pisngi sa itinawag niya sa akin while the man himself is grinning like f*****g Satan!
“And you smell so f*****g good. I might get addicted.” He winked at me, bago patakbuhin ang sasakyan.
Malakas na kumabog ang dibdib ko. Why is my body reacting to him like this? I don’t understand.