Cecily
HALOS TATLONG TAON ang nakalipas simula nang huling beses kong masilayan ang aking anak. Tatlong taon simula nang kunin siya sa akin ng mga hindi kilalang tao at ilayo sa akin. Tatlong taong pagdurusa at pangungulila.
Maraming nangyari sa loob ng mahabang panahon. Nang kunin ang aking anak sa akin, bumalik ako kay Tita para humingi ng tulong. Nagmakaawa ako kahit alam ko na hindi ako pakikinggan. Dumating pa sa punto na inakusahan ko silang dalawa ni Ruslan na kumuha ng anak ko. Nagdasal ako at humiling na may dumating na tulong pero sa huli ay pag-iyak ko lamang ang narinig ko. Walang dumating na kahit anong tulong para sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko na gustong alalahanin pa ang mga nangyari lalo na matapos mawala ng anak ko, at ngayon nga ay sumuko na ako. Kumapit ako sa patalim.
Umalis ako ng bahay at dumiretso sa bayan para makabili ng bulaklak. Dadalhin ko ito mamaya.
“Suki, bila na kayo ng mga bulaklak! Bagong dating—Cecily?” Tiningnan ako nang mabuti ng tindera. “Jusko, si Cecily nga!”
Ngumiti ako sa kanya. Nakakatuwa na nakilala niya pa rin ako kahit matagal-tagal akong nawala.
“Isang taon ka ring nawala, hija. Nabalitaan ko na matapos mong magpakasal ay dinala ka na ng asawa mo sa Maynila.”
Tumango ako at tumingin sa mga bulaklak.
“Si Sir Ruslan nga ba ang napangasawa mo?” tanong nito sa akin. Napatigil ako ngunit hindi tumingin sa tindera. “Maraming usap-usapan na nagpakasal ka raw dahil sa pera. Hindi ako naniniwala. Sabi ko nga sa kanila ay mabuti kang bata at hindi pera ang dahilan.”
Nagtaas ako ng tingin sa tindera. Mapait akong ngumiti sa kanya.
“May Iris flower po kayo?”
Nang mapansin ng tindera na wala akong balak sagutin ang mga tanong niya, nanahimik naman siya.
“Ay oo! Kakarating lang kanina.”
Kumuha siya at sinabi ko kung ilan ang bibilhin ko. Nang babayaran ko na, may biglang humablot ng aking pitaka.
“Hoy!” Tinangka kong habulin ang nanghablot sa akin ngunit masyado itong mabilis tumakbo.
Sa daraanan ng magnanakaw, may naglalakad na isang lalaki. Humarang ito sa daraanan ng magnanakaw at tumama ang katawan nila sa isa’t isa. Bumagsak ang magnanakaw sa sahig.
“Watch where you’re going,” malamig na saad ng lalaki.
Bago ko pa maisigaw na magnanakaw ang lalaki, nakatakbo na ito ulit.
Umawang ang labi ko pero naisip na wala na rin akong magagawa upang mahabol iyon.
Napansin ko na papalapit sa direksyon ko ang lalaki. Tumingin siya sa akin at ang malalamig niyang mga mata ang bumati sa akin.
May kinuha siya sa pocket ng kanyang suit at iniabot sa ‘kin.
“I believe this is yours.”
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang wallet ko. Nakuha niya iyon sa magnanakaw kanina! How?!
“Thank you…” Namamangha pa rin ako na hindi ko magawang makapagpasalamat nang maayos sa lalaki.
Tipid na ngumiti sa akin ang lalaki. I was mesmerized. He’s…beautiful. Bakit pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon? Hindi ko lang maalala.
“You’re welcome.”
Hindi ko maiiwas sa kanya ang aking mga mata. Para bang kasalanan ang hindi siya titigan.
Paalis na ang lalaki nang mapadaan sa bilihan ng mga bulaklak. Kumuha siya ng isang red rose. Binayaran niya iyon at may sinabi sa tindera. Agad na binigyan ng tindera ang lalaki ng pangtanggal ng tinik ng rosas. Tinanggal nito ang tinik na mayroon ang mga rosas.
Lumapit ako roon dahil babayaran ko na rin ang mga bulaklak na binili ko.
“Cecily, ito na ang mga bulaklak na binili mo. Inayos ko na,” sabi naman ng tindera nang makita ako.
“A beautiful woman deserves such beautiful flower.” Ibinigay sa akin ng lalaki ang rosas. Itinuro ko pa ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwala na para sa akin iyon.
Ngumiti ang lalaki kaya’t tinanggap ko. Muli akong nagpasalamat.
“See you around, Cecily.”
Hindi ko na nagawang itanong pa ang pangalan niya dahil nakaalis na ito. Tiningnan ko ang rosas na ngayon ay malinis at wala nang tinik. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti. I can’t believe that happened.
Napagalitan ako nang bumalik ako sa bahay. Sinabihan ako ng aking asawa na hindi raw dapat ako umaalis nang walang kasamang guards lalo na ang hindi magpaalam sa kanya. Humingi na lang ako nang paumanhin at sinabi na hindi na mauulit.
“Maaari ko bang dalawin ang anak ko?” Nilingon ko si Ruslan.
Nasa loob kami ng sasakyan at papunta kami ngayon sa bahay ng kapatid niya rito sa Puerto Rivas.
Isang taon na simula nang magpakasal ako kay Ruslan kasama ang pangakong hahanapin niya ang anak ko para sa akin. Kumalat man ang balita tungkol sa amin, ayokong sinasagot ang mga tanong ng ibang tao.
“That, again?” Mataman akong tiningnan ni Ruslan. “Hindi ka ba nagsasawang puntahan ang lugar kung saan nawala ang anak mo?”
Napayuko ako. Gusto kong sumagot at lumaban pero alam ko kung anong susunod na mangyayari sa akin. Alam ko kung saan ako mapupunta kung lalabanan ko siya.
One year ago, and two years after my baby was taken away from me, sinabi ni Tita na kung pakakasalan ko si Ruslan, mahahanap ko ang baby ko. I was desperate. Gustong-gusto kong mahanap ang anak kahit ilang taon na ang nakakalipas simula nang mawala siya sa akin. Naisip ko na tama si Tita Rasha. Makapangyarihan at mayaman ang pamilya nina Ruslan. Maaari ngang matulungan niya ako. And I took the bait.
Sinabi ni Ruslan na hinahanap nito ang anak ko subalit mahirap dahil walang pagkakakilanlan, which is totoo naman. Ilang araw pa lamang sa akin ang anak nang mawala. Maging ako, baka hindi ko makita ito kung sakaling iharap. Isang bagay lamang ang katibayan na ang isang bata ay ang aking anak.
When I was a kid, my father gave me a gold medallion. Ang sabi niya ay bigay pa raw iyon sa kanya ng ama niya. Ibinigay niya iyon sa akin ilang araw bago siya patayin at inilagay ko iyon sa damit ng anak ko. Sana lang ay hawak pa rin ito ng aking anak.
Naging kaugalian ko ring dalawin ang lugar kung saan ko huling nakasama ang anak ko sa tuwing kaarawan nito. Nang lumipat kami sa Maynila matapos kong magpakasal kay Ruslan, naputol ang ginagawa kong tradisyon dahil nasa Puerto Rivas ang lugar. Kaya ngayong nakabalik na ako rito, balak kong bumawi.
“Pagbibigyan kita,” sabi ni Ruslan. “Kung ipapangako mo na hindi mo ako ipapahiya sa pamilya ko.”
Napangiti ako at tumango kay Ruslan. Nagpasalamat na rin ako dahil natutuwa siya kapag nakakarinig siya ng ganoon, feeding his already big ego.
Nakarating kami sa isang malaking bahay sa Puerto Rivas. It’s near the cliff, overlooking the ocean. Ang ganda ng pwesto ng bahay dahil kitang-kita mo ang kagandahan ng dagat ng Puerto Rivas. Akala mo ay pagmamay-ari ng pamilya nila ang isang parte ng beach ng lugar.
“Добро пожаловать!”
Welcome back, they said.
Kinuha ng mga kasambahay ang aming mga gamit at iginaya kami papasok ng malaking bahay.
Isang taong pakikisama kay Ruslan, kahit papaano ay marunong akong makaintindi ng basic Russian.
Bago pa kami makarating sa front door, may dalawang tao na ang lumabas mula roon. Napatigil ako at tumingin sa kanila.
“Akim and Darya,” sabi ni Ruslan at nilapitan ang dalawang anak niya.
Tumingin sila sa akin at tipid akong tinanguan bago ibaling ang atensyon sa kanilang ama.
Ruslan has two children—Akim and Darya. Si Darya ay ang panganay at mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Si Akim naman ay bunso at mas bata sa akin ng isang taon.
Binati ni Ruslan ang dalawang anak. Ngumiti lang naman ako sa mga ito.
Hindi pangit ang pakikisama sa akin ng dalawang anak ni Ruslan. They are civil to me, I guess.
“They are waiting inside. Let’s go.”
Tahimik akong sumunod sa tatlo. I have this uneasiness in my chest. Hindi ko alam kung bakit ko ito biglang naramdaman.
Ito ang unang pagkakataon na makikilala ko ang pamilya ni Ruslan. I don’t know what kind of people they are. All I know is that they are part of the Bratva or the Russian Mafia. Dangerous people, indeed.
Ang alam ko ay nagtigil ang mga ito sa Russia. Kaya ngayon lang siguro ako magkakaroon ng pagkakataon na makilala sila.
Nang malapit na kami sa dining hall, hinawakan ako ni Ruslan sa braso. I flinched, expecting him to hit me.
“Be good, Cecily. Huwag na huwag mo akong ipapahiya o hinding-hindi ka makakapunta sa lugar na gusto mong puntahan mamaya. Baka magbago rin ang isip ko na tulungan ka pang hanapin ang anak mo. This meeting is important.”
Tumango na lamang ako kay Ruslan. Binitawan niya ako and he plastered that plastic smile of his.
Madalas kasi ay sumasagot ako sa kanya kahit sa harap nang maraming tao kapag hindi ko gusto ang sinasabi niya, at saan ako napupunta pagkatapos ko siyang mapahiya? Sinasaktan niya ako.
May pagkakataon na gusto ko na lang iwanan si Ruslan, pero sa kanya lang din ako umaasa na mahahanap ang anak ko. Handa akong magtiis kung ang kapalit nito ay muli naming pagkikita ng anak ko.
Pumasok kami sa engrandeng dining hall. Marami ang naroroon. Hindi ko akalain na malaki pala ang pamilya nina Ruslan.
Kinakabahan ako, lalo na nang mapansin ako ng isang babae. Tumaas ang isang kilay nito at tinanong si Darya.
“кто это?”
Who is that? She asked.
“That’s Papa’s new wife.”
Namilog ang bibig ng babae bago tumango kay Darya.
“Everyone! Welcome to our home! It’s been a while since we have his kind of gathering. Come and have a seat.”
Everyone settled in their seats. Ako naman ay naupo sa tabi ni Ruslan.
Marami akong hindi kilala. Nanatili lamang akong nakayuko dahil pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao.
Panay ang pag-uusap nila hanggang sa i-serve na ang mga pagkain.
Sabi ko nga ay nakakaintindi ako ng basic Russian, pero kapag ganitong mabilis na ang kanilang pag-uusap ay hindi ko na masundan.
“Where’s Dima?” Narinig kong tanong ni Ruslan habang umiinom ng kanyang vodka. “I was expecting he’ll be here.”
“Well, Dmitry is Dmitry. Malamang ay nauna na iyong puntahan ang mga kaibigan bago—”
Nakarinig kami ng yabag ng paa kaya’t hindi naituloy ng kapatid ni Ruslan na si Mikhail ang pagsasalita.
“Speaking of the devil,” sabi ni Kirill, ang isa sa mga anak ni Mikhail at pamangkin ni Ruslan.
Nakita ko ang pagngiti ni Ruslan at sinalubong kung sino ang dumating.
“Dmitry!”
Binati ni Ruslan ang bagong dating na lalaki. Nakaharang siya kaya’t hindi ko nakita ang mukha ng lalaki. Kinuha ko ang champagne at ininom iyon. Akim gave me a disgusting look. Nginitian ko lang siya.
“Kanina pa kita hinihintay. How’s my favorite nephew? Ilag taon din kayong nanatili sa Russia at hindi ako makapunta roon upang makadalaw. Good thing you’re back!”
“Yes, Uncle.”
Hindi ko alam kung bakit nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ng lalaki.
May ilan pa silang pinag-usapan na hindi ko na naintindihan dahil nag-switch na sila into Russian language.
“By the way, Dmitry. I want to introduce to you, my wife.”
Nakuha ni Ruslan ang atensyon ko pero hindi agad ako nakagalaw. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang lalaking kausap ni Ruslan.
“Yes, Uncle. I heard you married someone young enough to be your daughter.”
Malakas na humalakhak si Ruslan.
“Cecily, come here.”
Tumayo ako at lumapit kung nasaan si Ruslan. Gulat na gulat pa rin akong makita ang lalaki rito. Siguro ay hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha ko ngayon.
“This is Cecily, my wife.”
Napalagok ako nang sabihin iyon ni Ruslan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga gusto ang mga salitang iyon.
“Cecily, meet my favorite nephew. No offense to my other nephews.” Humalakhak si Ruslan at tumingin sa iba niyang pamangkin. “This is Dmitry Ivanov.”
Huminga ako nang malalim at nagtaas ng tingin sa lalaki. He’s really tall na kinailangan ko pang tumingala para lamang makita siya nang maayos.
Halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang makumpirma ang iniisip ko kanina.
“Hello, Cecily. Nice meeting you…or should I call you auntie?”
Sarkastikong ngumiti ang lalaki sa akin. Ganoon pa man, wala kang makikita ni bahid ng saya sa kanyang mukha. Madilim ang kanyang ekspresyon na siyang muling nagpakilabot sa akin.
Ang lalaking nagbigay ng rosas sa akin kanina ay pamangkin ni Ruslan, which means he’s my nephew-in-law!