KABANATA 1

2977 Words
Cecily PAANO KO sasabihin sa aking stepmother na sa edad na dyesiotso ay nagdadalang-tao na ako? Hindi pa nga ako tapos sa pag-aaral. Bakit ko nga ba ito nagawa? Ilang beses kong ginawa ang pregnancy test, umaasa ako na mababago ang resulta roon. Sabi ko sa aking sarili, hindi ako maaaring maging batang ina, lalo na ngayon na kapos kami sa buhay. Okay lang sana kung maluwag ang buhay na mayroon ako. Mabibigyan ko nang maayos na buhay ang magiging anak ko…pero sa sitwasyon na mayroon kami, pareho lang kaming maghihirap. “Cecy…” Hindi ako iniwan ng aking kaibigan. Litong-lito ako ngunit alam ko na wala na ring magagawa ang pagsisisi. Naandito na ito. Kahit anong pag-iisip ko sa nangyari sa nakaraan, hindi ko na ito mababago. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay ang kasalukuyan. “Mapapatay ako ni Tita Rasha,” bulong ko sa sarili ko. Panay ang aking pag-iyak simula nang malaman ko na buntis ako. Natatakot ako para sa kinabukasan ko at maging sa kinabukasan ng magiging anak ko. “Hindi puwedeng ikaw lang ang mamroblema riyan, Cecily. Dalawang tao ang gumawa ng bata. Hanapin natin kung sino ang ama.” Tiningnan ko si Ingrid. Ngumiti siya sa akin kahit batid ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “Hahanapin natin ang ama ng bata. Kailangan niyang malaman na kung ano mang nangyari nang gabing iyon, nagbunga. Hindi mo pwedeng sarilihin iyan, Cecily, hindi lang ikaw ang gumawa ng bata.” Suminghap ako at tumango kay Ingrid. Tama siya. Kailangan kong mahanap ang ama ng anak ko at sabihin sa kanya ang nangyari. “May problema,” sabi ko. “Hindi ko kilala ang lalaki. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa mask. Paano ko siya hahanapin?” Bigla na naman akong kinabahan. Nagkaroon ako ng pag-asa kanina dahil sa sinabi ni Ingrid sa akin pero agad ding lumagapak nang maalala ko na hindi ko kilala ang lalaki. Pareho kaming napatigil ni Ingrid. “Wala ka bang kahit na anong naalalang palatandaan sa lalaki? Kahit ano. Like a mole or something?” Inalala kong mabuti ang mga detalyeng nakita ko sa lalaki, subalit ang naalala ko lang ay ang tikas ng kanyang pangangatawan. Papailing na sana ako nang maalala ko na habang nakikipagtalik ako sa lalaki nang gabing iyon, nakita ko ang armband tattoo niya. Siguro naman ay siya lamang ang mayroong ganoon, hindi ba? “Tattoo!” sabi ko. Kumunot ang noo ni Ingrid. “Anong klaseng tattoo?” “Armband tattoo. Hindi ko ma-explain ang detalye pero plant stem with thorns and spiky leaves—basta ganoon, malalaman ko naman na siya iyon kapag nakita ko ang tattoo.” Hindi na kami pumasok sa susunod na klase namin ni Ingrid. Pumunta kami sa hotel kung saan ginanap ang party at nagtanong-tanong doon. “Hindi pwedeng ibigay ang guest list ng party. Confidential.” Iyon ang naging tugon sa amin ng staff ng hotel nang itanong namin kung maaaring makuha ang guest list ng naging party. Kahit anong pagpupumilit namin, wala kaming napala. Ginawa na namin ang lahat ni Ingrid, pero wala kaming nakuhang kahit anong impormasyon sa lalaki. Umaasa ako na makakasalubong ko na lamang siya rito sa hotel pero wala talaga. Sa huli ay umuwi kaming pagod lang at absent pa sa ilang subject. “Huwag mo munang sabihin sa stepmother mo. Iisip muna tayo ng paraan.” Huminga nang malalim si Ingrid. Mabuti na lamang nang umuwi ako sa bahay ay wala pa si Tita Rasha. Pumasok agad ako sa loob ng kuwarto. Nahiga ako sa kama at niyakap ko ang sarili. Tahimik akong umiiyak, hindi alam ang gagawin. Hindi naman sa ayokong magkaanak. Pinapangarap ko rin na magkaroon ng masayang pamilya pagtanda ko, pero hindi sa edad na eighteen! Ang bata ko pa para maging ina, pero sana rin naisip ko ito bago ko ihain sa lalaki ang sarili ko. Gusto kong isisi sa alak ang lahat ngunit alam ko rin na may kasalanan ako. Kakaiyak ko ay hinila rin ako ng antok. Litong-lito pa rin ako sa mga dapat kong gawin. Araw-araw ay lumalabas ang mga sintomas ng pagbubuntis ko. Minsan ay nahuhuli ko si Tita Rasha na nakatingin sa akin habang naniningkit ang kanyang mga mata. “Pakiramdam ko ay naghihinala na si Tita,” sabi ko kay Ingrid. “Natatakot ako sa maaari niyang gawin kapag nalaman niya.” Hinawakan ako ni Ingrid. “Iisip tayo ng paraan—” “Hello!” Napatalon ako sa gulat nang lumapit sa amin ang isang kaibigan—si Glaisa. Kaibigan din namin siya ni Ingrid pero mas close lang talaga kami ni Ingrid. Marami kasing circle of friends si Glaisa kaya madalas ay hindi namin siya kasama. Gimikera rin na siyang hindi ko gawain. Binati siya ni Ingrid pero kita mo sa kaibigan ang kaba. Ngumiti lang naman ako sa kanya. “Anong problema? Bakit para kayong nakakita ng multo?” Tumawa siya at umiling. “Anyway, may party sa bahay. Iimbitahan ko sana kayo—” Naamoy ko ang pabango ni Glaisa at hindi ko iyon nagustuhan. Napatayo ako sa kinauupuan at bago pa ako malayo ay napasuka na ako. Sa likod ng isang malaking puno ako sumuka. Nilapitan agad ako ng dalawang kaibigan. Si Ingrid ay nag-aalala habang si Glaisa naman ay nagtataka. Nang maamoy ko ulit si Glaisa ay naduwal na naman ako. “Glaisa, sorry, pwede bang lumayo ka muna. Nasusuka kasi si Cecy sa amoy mo—” “Buntis ka ba?” walang pagdadalawang-isip na tanong nito. Gusto kong itanggi pero hindi ko magawang iiling ang aking ulo. Sa huli ay nanahimik na lamang ako at napayuko. “Sabi na, eh! Kaya ang weird ng kilos mo nitong nakaraan. Napapansin ko rin na medyo nagge-gain ka ng weight. Alam na alam ko ‘yan kasi nabuntis din ako.” Napatingin ako kay Glaisa dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko siya nang matagal. “Anong sinabi mo?” Nagkibit-balikat si Glaisa na para bang wala lang iyong balitang sinabi niya. “Nabuntis din ako pero wala na ‘yong baby. Inalis ko na dahil papatayin ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila na nabuntis ako, ‘no. Kung ayaw mo sa bata, Ces, may kakilala ako. Okay ‘yon. Safe.” Nanginginig ang katawan ko habang nakatingin kay Glaisa. Nang tawagin siya ng mga kaibigan niya ay nagpaalam siya sa amin. “Basta, Cecily, sabihan mo lang ako. Kilala natin stepmother mo, gugulpihin ka no’n panigurado kapag nalaman niya.” Umalis na si Glaise, leaving me dumbfounded. Kahit wala siyang sinabi, nakuha ko kaagad ang gusto niyang ipahiwatig. “Cecy, huwag mong sabihin na…iniisip mong gawin iyon—” “Wala nang ibang paraan, Ingrid. Natatakot ako. Hindi ko kayang maging ina sa ganitong edad. Hindi ko rin alam kung nasaan ang ama ng anak ko. I don’t know what to do anymore. Hindi ko na alam ang tama o mali.” Kakaisip ko sa mga maaarimg mangyari, wala na akong maayos na tulog. Umaasa ako na darating ang lalaki at magpapakita sa akin, pero wala. Hindi na kami muling nagkita. May mga pagkakataon na nagsisisi akong inihain ko nang ganoon ang sarili. Para akong binabaliw ng mga iniisip ko. I considered Glaisa’s idea. Ayaw ni Ingrid doon at pinipilit niya ako na huwag tumuloy pero naandito ako at kasama si Glaisa. Sumama rin si Ingrid dahil nag-aalala siya sa akin. Panay ang paglunok ko. Madilim ang kaulapan, tila sinasalamin ang nararamdaman ko ngayon. “Tara na, hinihintay na tayo.” Naglakad na si Glaisa pero hindi ako gumalaw. Nagdadalawang-isip ako. Kagabi ay kinumbinsi ko na ito ang magandang solusyon dahil matatapos ang problema ko pero kaakibat nito ay ang pagdalaw ng konsensya ko. “Cecily!” Umatras ako at umiling. Tumingin ako kay Glaisa. Nakakunot ang noo niya, siguro ay nagtataka sa ikinikilos ko. “Sorry. Hindi ko pala kaya. I will keep the baby.” Umalis ako roon. Kahit nang isigaw ni Glaisa ang pangalan ko, hindi na ako muling bumalik doon. “Anong nagpabago sa isip mo?” Nasa bahay kami nina Ingrid. Wala sina Tita kaya kampante ako na walang makakarinig. Wala pa kasing nakakaalam na buntis ako bukod kina Ingrid at Glaisa. “Nakokonsensya ako, Ingrid. Hindi ko kayang gawin iyon sa baby ko. Hindi ako handang maging ina, oo, pero hindi ko rin kayang gawin iyon sa magiging anak ko. Maaaring iniisip ko na hindi ko pa kaya dahil sa edad ko pero sisikapin kong maging mabuting ina sa aking magiging anak.” Okay nang ako ang mahirapan basta at mabigyan ko nang maayos na buhay ang anak ko. Tila ba nakahinga nang maluwag si Ingrid sa sinabi ko. Ngumiti siya sa akin at tumango. I decided. Magpakita man o hindi ang ama ng baby ko, magpapakaina ako rito. Hindi ko siya susukuan kagaya nang muntikan ko nang gawin kanina. Malakas na lagitik ng sampal ang aking natamo mula kay Tita Rasha pag-uwi ko sa bahay. Sa sobrang lakas nito ay parang namanhid ang buong katawan ko. Napahawak ako sa aking pisngi at tumingin sa kanya. “Ano ‘to, ha?” Ipinakita niya sa akin ang PT kit na may resulta ng pagbubuntis ko. Itinago ko iyon sa kuwarto ko at hindi ko akalain na pakikialamanan ni Tita ang mga gamit ko. Sabi na, nagsususpetiya siya. “Buntis ka? Napakalandi mo talagang babae ka!” Isa na namang sampal sa kabilang pisngi ang nakuha ko mula kay Tita. Hindi ako nanlaban, because maybe I was accepting her harsh remarks. Maybe I deserved the slaps. “Paano mo bubuhayin ang bata na iyan, ha?! Huwag mong sabihin na idadagdag mo pa iyan sa gastusin sa bahay na ito! Get rid of that thing!” sigaw ni Tita sa akin. Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Umiling ako kay Tita dahil hindi ko iyon gagawin. Napahawak ako sa aking tiyan. “Tita, hindi ko po iyan gagawin.” Napalunok ako. “Ako na po ang bahala sa baby ko kapag nanganak ako. Hindi po ako manghihingi ng kahit anong tulong mula sa inyo—” “Aba, dapat lang! Hirap na nga akong palamunin ka ay dadagdagan mo pa. Hoy, Cecily! Baka gusto mong ipaalala ko sa ‘yo, hindi ka na mayaman! Hindi na maganda ang buhay mo! Kahit isang sentimo ay walang iniwan ang magaling mong ama para sa ‘yo! Ako ang bumubuhay sa ‘yo ngayon kaya kung hindi mo susundin ang gusto ko, lumayas ka sa bahay na ito!” Umiling ako at hinawakan ko si Tita. Tinulak niya ako pero sinikap ko na huwag matumba. I don’t want my child to get hurt. “Tita, magtatrabaho po ako. Pangako po, hindi makakasagabal ang pagbubuntis ko sa inyo. Ako na pong bahala. Just let me stay here. Kailangan ko po ng matitirhan.” Tiningnan lang ako ni Tita at inirapan. Panay ang pagsasalita niya nang masasakit na salita sa akin. Ganoon pa man, hinayaan ako ni Tita na manirahan sa bahay namin. Kinailangan kong dagdagan ang part-time ko at isinasabay ko iyon sa pag-aaral ko. Hindi na ako nagreklamo sa buhhay dahil wala naman iyong magagawa. Nahihirapan man ako, nagawa kong maging masaya. Sa tuwing nakikita ko ang ebidensya na may buhay sa loob ng katawan ko, kakaibang kaligayahan ang naibibigay nito sa akin. Bukod pa roon, nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa. Nakapag-ayos na ako para sa isang part-time job ko. Papaalis na ako ng bahay nang mapansin ko na may kinakausap si Tita sa sala. “Cecily!” Nakangiti si Tita nang lumapit sa akin na siyang nakakapanibago. Hinawakan niya ako at dinala sa sala. “Tita, may trabaho pa po ako—” Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. Napadaing ako pero nakuha ko ang mensahe ng ginawa niya. “Ito na po si Cecily! Hindi ba at kay gandang bata.” Nakita ko ang isang lalaki na halos kasing-edaran siguro ni Papa kung nabubuhay pa siya. “Cecily, ito si Mr. Ruslan. Gusto ka niyang makilala.” Ngumiti sa akin ang matandang lalaki. Napalagok ako at iba na ang nararamdaman ko rito. “Please, just Ruslan. Nice meeting you, Cecily.” Inilahad ng matanda ang kanyang kamay. Hindi ko agad iyon tinanggap hanggang sa sikuhin ako ni Tita. Tinanggap ko ang kamay niya at ikinabigla ko nang dalhin niya ito sa kanyang labi upang halikan. Mabilis kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. “Aalis na po ako. May trabaho pa ako.” Hindi pa ako nakakadalawang-hakbang papalayo sa kanila ay narinig ko na ang boses ng matandang lalaki. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I saw you in a café, working in there, Cecily. You caught my attention. I know I am old enough to be your father, but I want to have your hand in a marriage. Nakausap ko na ang Tita Rasha mo.” Nilingon ko siya, hindi makapaniwala sa sinabi. Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Tita sa narinig. “Seryoso po ba kayo? Alam ninyo po bang baon kami sa utang at buntis ako?” Sinabi ko ang lahat ng iyon upang mapaisip siya kung gusto niya pa rin ba akong pakasalanan. “Yes, I know your situation, Cecily. I have money that can clear your debts in no time. I can be the father of your child if you marry me. Ako na ang bahala kung papakasalan mo ako.” Tumingin ako kay Tita at sinenyasan niya ako na pumayag. Is she seriously selling me out now? “I decline. Hindi po ako magpapakasal sa inyo. Pasensya na. Aalis na po ako at may trabaho pa ako.” Hindi ko kilala ang lalaki pero sa postura at ayos na mayroon siya, alam ko na kabilang siya sa mayayamang pamilya ng Puerto Rivas. May kaya kami noon, pero wala pa rin kami sa kalingkingan ng mga taong nasa tuktok ng Puerto Rivas. Habang naglalakad ako papunta sa aking trabaho, nakatanggap ako ng text mula kay Ingrid. Patay na ang kanyang ina. Cardiac arrest. Gulat na gulat ako dahil sobrang lakas pa ni Tita. Iyon pala ay hindi niya lamang sinasabi ang mga nararamdamang sakit. “Kinukuha ako ng mga kapatid ko, Cecy. Pupunta na ako ng Manila.” Umiiyak si Ingrid sa akin habang nagpapaalam. “Magiging maayos ka ba rito?” Hindi. Si Ingrid na lang ang kaibigang kinakapitan ko rito. Siya na lang ang kakampi ko, kapag umalis siya ay mawawalan ako ng kaibigan. Ganoon pa man, hindi ko pwedeng bigyan pa siya ng aalalahanin. May kanya-kanya kaming buhay at problema. Kahit pa magkaibigan kami ni Ingrid, hindi ko dapat ipatong sa kanya ang problema ko. “Oo naman!” sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya. “Mag-iingat ka roon sa Manila, ha? Magkikita pa naman tayo.” Niyakap ako ng kaibigan ko at naluha rin ako habang niyayakap siya. “Magpapakasal ka kay Ruslan!” sabi ni Tita Rasha sa akin. Umalis na si Ingrid. Parati na akong mag-isa at araw-araw ay pakiramdam ko, pinapahirapan ako lalo. “Tita, ayoko po. Masyado na pong matanda si Mr. Ruslan.” Agresibo akong umiling kay Tita. “Hindi ko po siya mahal para magpakasal sa kanya—” “Putanginang pagmamahal ‘yan! Hindi ka mabubuhay niyan at mababayaran ang mga utang ng tatay mo!” Mahigpit niyang hinawakan ang aking pisngi. “Magpapakasal ka sa kanya o lumayas ka sa pamamahay na ito! Tanginang batang ‘to, dami na nga problema ay inuuna pa ang pagmamahal na iyan! Ha! Ewan ko lang kung mapalamon ng pagmamahal mo ang anak mo kapag umiiyak na sa gutom!” Marahas niyang binitawan ang pisngi ko na dahilan para sumabog ang aking buhok. Hindi pa rin ako pumayag, sinabi ko sa sarili na may ibang paraan. Kung kailangan kong magpakakuba sa pagtatrabaho ay gagawin ko para sa anak, pero hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko alam kung ituturing kami nang maayos. Pinalayas ako ni Tita at wala akong nagawa kung hindi ang umalis. Umiyak ako pero nagpakatatag. Nang manganak ako, wala akong makuhanan ng pera. Hindi naging sapat ang ipon ko at hindi pa ako nakabayad sa inuupahang bahay kaya pinalayas din ako. “Shh…” Umiiyak ang aking anak dahil gabi na ay nasa kalsada pa kami. Malamig at maulan ang panahon, sumisilong lang kami sa isang lumang bahay pero hindi ito sapat. Wala akong ibang mapuntahan. Hindi ko pa nabibigyan ng pangalan ang anak ko. Masyado akong maraming iniisip para makapag-isip ng pangalan. Nang magawa kong mapa-breastfeed ang anak ko, nakatulog ito. Dala na rin siguro ng pagod, nakatulog din ako. Nagising ako sa isang ingay at pakiramdam na wala na akong hawak na bata. Agad akong napabangon at doon ko nga napagtanto na wala na sa kamay ko ang aking anak. “Anak?” Hinanap ko ito sa paligid subalit wala. May nakita akong lalaki na hawak ang baby ko at pumapasok sa isang sasakyan. “Anak ko ‘yan!” sigaw ko at agad na tumakbo. Tumingin sa akin ang hindi kilalang lalaki at dali-daling pumasok sa loob ng kotse. Pinaharurot nila ang kotse. Panay ang pagtakbo ko kahit na nahihirapan pang gumalaw dahil kakapanganak ko pa lamang. “Ang anak ko! Ibalik ninyo ang anak ko!” Wala na akong makita dahil sa pagbagsak ng luha ko. Hinahabol ko pa rin ang kotse na tumangay ng anak ko pero hindi ako nagtagumpay. Sumubsob ako sa lupa at pilit pa ring tumatayo pero hinang-hina na ang katawan ko. “Ang anak ko…” Wala akong ibang binabanggit kung hindi ang mga salitang iyon. Panay rin ang pagtulo ng luha ko. Ang batang pinanghahawakan ko para magpatuloy sa buhay ay tinangay sa akin sa isang iglap. Dahan-dahang nilamon ng dilim ang aking mga mata at tuluyan akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD