Dmitry “WHAT DO you mean…dead? Sinong patay?” I had to cover my face with my hand to act shocked by the news, but the truth is, it was to hide my grinning face. “Hindi pa po namin alam, Sir. Pinaiimbestigahan na po namin ang nangyari. Si Sir Akim…he was brutally killed. Lasog-lasog ang kanyang katawan at kung hindi sa kanyang singsing sa kamay ay hindi namin ito kaagad makikilala. Base po sa kondisyon ng katawan, mukhang ilang araw na po ang nakakalipas simula nang mamatay ito.” Para bang nanlumo si Ruslan sa narinig. Napaupo ito sa sofa habang tulala at walang masabi. I felt someone looking at me kaya tumingin din ako kay Cecily at nahuli ko nga siyang nakatitig sa akin. Tinaasan ko ng isang kilay si Cecily. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Mukhang nakita niya akong nakangiti kanina