Cecily I HAD A BAD DREAM. It was so bad, na gusto kong magising pero hindi ko magawa. Alam ko na panaginip ang nangyayari pero hindi ko magawang magising. Tumatakbo ako nang mabilis. Walang tao sa paligid pero ang alam ko ay may tinatakasan ako. “Huwag!” Malakas ang aking naging pagsigaw nang may humawak sa akin. Hinila niya ako at inihiga sa sahig. Walang mukha ang lalaki kaya’t hindi ko makilala kung sino siya. “Maawa kayo…” lumuluha kong sambit sa kanya. Sinira niya ang damit ko at nagsisigaw ako. Roon na naputol ang panaginip ko dahil naramdaman ko ang maingat na pagyugyog sa aking katawan habang tinatawag ng pamilyar na lalaki ang aking pangalan. “Cecily!” Hinahapo ako nang buksan ko ang aking mga mata. Pinagpapawisan din ako dahil sa hindi magandang panaginip. Nakita ko si