Cecily MALAKAS ANG ULAN. Nasa libing kami ngayon ng anak ni Ruslan na si Akim. Nakaitim ako at tinititigan ang puting bulaklak na ilalagay namin sa coffin ni Akim mamaya bago siya ibaon sa lupa. Matapos ang seremonyas, oras na para magbigay ng mensahe si Ruslan. Hindi pa kami nagkakausap muli simula nang bumalik ako sa bahay kasama si Dmitry. Masyado siyang naging abala sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Akim. Kahit sinasabi ng mga awtoridad na isang pag-atake ng mabangis na hayop ang ikinamatay ni Akim, hindi ito matanggap ni Ruslan. Sinasabi niya na may may taong nasa likod nito. Ganoon pa man, wala siyang makuhang ebidensya. Dmitry never left his uncle’s side. Nagbibigay ito ng suporta kay Ruslan na siya naman pinagpapasalamat ni Ruslan. It’s scary, that Dmitry can act like he didn’