Dmitry NATIGILAN ako sa sinabi ni Cecily. Alam ko kung anong narinig ko. Did she just say she have a son? Sinilip ko si Cecily at napansin na natutulog na siya. Huminga ako nang malalim at binuhat na lamang ito papunta sa isang guestroom. Nasa kuwarto ko si Damon at gusto ko mang dalhin si Cecily roon, mas gusto kong irespeto ang space ng dalawa. Alam ko na nabigla si Damon nang ipakilala ko si Cecily sa kanya. Umaasa ito na makikita niya pa ang kanyang ina. Partly, it’s my fault. I never told Damon the truth that his mother will never come back, dahil kahit ako ay hindi ko alam kung nasaan ito. Hinanap ko rin naman ang babaeng naka-one-night stand ko, lalo na nang dumating si Damon sa buhay ko, ang problema ay hindi ko siya magawang matagpuan. I don’t want to hurt my son, he’s a