Cecily PUMASOK na kami sa kuwarto ni Dmitry. Ang sabi niya sa akin ay mas maganda raw kung magpahinga na muna kami. Pagod ako sa byahe at napagod ako sa maghapon. I am emotionally drained, too. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ba ako matatanggap ni Damon. Hindi naman ako umaasa na makukuha ko kaagad ang loob niya. I’m sure it will take time. Pero gusto ko talagang matanggap niya ako para kay Dmitry. Magkatabi kaming dalawa ni Dmitry sa kama. Sinabi niya sa akin na matulog na ako at bukas ay kakausapin niya si Damon. Ngunit kahit anong pilit ko sa aking sarili na makatulog ay hindi ako dinadalaw man lang ng antok ko. This sucks. Naglalakbay ang isipan ko sa kung paano ko aamuhin ang batang kagaya ni Damon. Kahit sabihin nating isa akong ina na naghahangad na makita ang anak, wala ako