Cecily HINDI KO alam kung bakit ako umiiyak. Nang makita ko ang bata sa harapan ko ay kusang kumawala ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapagsalita at para bang nag-uunahan ang mga salita sa aking bibig at walang ni isang lumabas doon kung hindi ang paghikbi ko. Nakatingin sa akin ang bata. Ikiniling niya ang kanyang ulo at akala mo ay naguguluhan siya kung bakit ako umiiyak. Huminga ako nang malalim at pinawi ang mga luha. “Why are you crying?” tanong niya sa isang maliit na boses. Napakainosente ng kanyang pagtatanong na imbis na mapatigil nito ang pagluha ko ay lalong bumuhos ang pag-iyak ko. “S-Sorry…” Tumayo muna ako at tumalikod sa bata. Hindi rin ako makatingin kay Dmitry dahil nahihiya ako. Baka mamaya ay magtaka siya kung bakit ako umiiyak. “Hindi ko rin alam bakit ak