AGE EIGHTEEN
“Ano ba namang buhay ito?! Puro problema at puro utang!”
Narinig ko ang malakas na lagabog ng mga gamit sa kabilang silid. Nagulat ako at nagtalakbong ng kumot. Mainit na naman ang ulo ni Tita.
Si Tita Rasha ang pangalawang asawa ng aking ama. Maaga kasi kaming nilisan ng aking ina at naiwan ako sa aking ama. May kaya naman kami sa buhay noon. Nakapag-asawa ulit si papa—si Tita Rasha. Kaya lamang, noong dyesisais anyos ako, namatay si Papa. Pinatay siya ng mga hindi kilalang lalaki at hanggang ngayon ay wala kaming ideya kung sino ang pumatay sa kanya.
Naiwan ako kay Tita Rasha dahil siya ang tumatayong guardian ko. Wala na kasi akong naiwan na mga kamag-anak kaya wala akong choice. Siya ang tumutulong sa akin na makapag-aral pero kumukuha rin ako ng part-time jobs para makatulong sa araw-araw. Kailangan ko rin kasing tulungan si Tita na mabayaran ang mga utang na iniwan ni Papa nang mamatay siya.
Wala akong ideya noon na ganito na pala kalaki ang utang na mayroon si Papa. Parati niya kasing pinapakita sa akin that our life was good, kahit sa likod nito ay ang patong-patong na utang niya. Nalulong din si Papa sa pagsusugal. Iyon ang unang naging konklusyon ng awtoridad. Baka raw may nakaaway ito sa sugalan o sa mga pinagkakautangan kaya ito pinatay.
“Cecily! Nasaan ka na namang bata ka?!”
Napabangon ako sa aking kinahihigaan. Ngayon pa lamang ako magpapahinga matapos kong mag-aral para sa nalalpit kong final exam bago mag-sembreak at paglilinis ng bahay.
“Po?”
But I know better. Hindi ako maaaring magpahinga. Ang oras na makakapagpahinga lang ako ay kapag nagpapahinga na rin si Tita.
Lumabas ako ng kuwarto ko at nilapitan si Tita na nasa kusina. Nakapaghanda na ako ng pagkain niya kaya hindi ko alam kung ano pang gusto niya.
“Nasaan ka ba? Nagkukulong ka na naman sa kuwarto mo! Napakabatugan mo talaga! Kung hindi lang ako naaawa sa ‘yo, hahayaan kitang mamatay sa kalsada!” Itinuro niya ang niluto kong pagkain para sa kanya. “Isa pa, ano itong pagkain na ito? Alam mong hindi ako kumakain ng karne!”
“Tita, iyan na lang kasi ang nasa ref kaya iyan na lang ang nailuto ko.” Gusto kong sabihin na kinuha niya ang pera ko at wala siyang ibinigay pambili ng mga pagkain dito sa bahay kaya wala akong choice.
“Sana namili ka! Napakabobo talaga ng batang ito, oo. Umalis ka na nga sa harapan ko at baka kung ano pang masabi ko sa ‘yo!”
Hindi na ako nagsalita pa. Naglakad ako pabalik sa aking kuwarto. Wala na akong nararamdaman. Noong mga unang araw nang mamatay si Papa at nakatanggap ako ng masasakit na salita kay Tita, umiyak ako. Ngunit ngayon na nasanay na ako, parang wala na lang sa akin.
Masayang-masaya ako nang matapos ang final exam ko. Nilapitan agad ako ng kaibigan kong si Ingrid.
“Kumusta ang exam? Nako, paniguradong i-a-ace mo na naman!”
Napangiti ako sa sinabi ni Ingrid. Hindi ko rin sigurado. Mababa ang kompiyansa ko sa aking sarili kaya iniisip ko na maibabagsak ko ang exam kahit nag-aral naman ako nang maayos.
“Saan ka magpapalipas ng semestral break mo? Huwag mong sabihin na magkukulong ka lang sa bahay, ah! Sayang!”
“As if naman may karapatan akong magkulong lang sa bahay,” sabi ko kay Ingrid at tiningnan siya. “May part-time job akong kailangang puntahan sa sembreak. Magtatrabaho ako buong bakasyon. I don’t have the luxury to slacked off.”
Ngumuso si Ingrid. Alam ko na gusto niyang tutulan ang sinabi ko pero alam niya ring kailangan ko ng pera.
Noong una ay sobrang hirap mag-adjust. Mula sa magandang buhay rito sa Puerto Rivas ay bigla kaming bumagsak.
Naglakad na kami. Niyaya niya ako na kumain sa labas pero tight ang budget ko kaya sabi ko ay sa bahay na lang ako kakain para makatipid.
“Sus! Ililibre na kita. Parati ka na lang busy, eh. Inaalila ka ng stepmother mo. Minsan ay kailangan mo ring mag-unwind, ‘no! Sumama ka na sa ‘kin.” Dahil mapilit siya ay sumama ako sa kanya.
Kumain kami sa bagong bukas na kainan malapit sa school namin. Maraming tao pero nakaupo naman agad kami at naka-order.
Pinagmasdan ako ni Ingrid. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansin na maayos naman ako.
“Buti at wala kang panibagong sugat at pasa! Isa talaga iyang evil stepmother mo sa example ng mga stepmother na mapapanuod mo sa pelikula. Napakalupit. Kaya lang naman gumanda ang buhay niya at nakatikim ng ginhawa sa buhay ay dahil sa pagpapakasal niya sa papa mo. Sana man lang alagaan ka niya.”
Alam ko na nag-aalala sa akin si Ingrid. Ilang beses niya na rin akong kinumbinsi simula nang mag-eighteen ako na iwanan na si Tita, pero hindi ko magawa. Wala akong pupuntahan at wala akong sapat na pera para bumukod. Alam ko naman na tutulungan ako ni Ingrid pero ayokong maging pabigat sa kanya at sa pamilya niya. Kaya hanggang makapagtapos ako sa pag-aaral at makapagtrabaho nang mas maayos, magtitiis muna ako kasama si Tita.
“Sanay na naman ako.”
Inirapan ako ng kaibigan ko. “Sanay-sanay ka riyan! Kahit pa, ‘no! Hindi kaya tama na sinasaktan ka niya. Wala ka namang kasalanan sa kung ano mang naiwan ng papa mo.”
Itinikom ko na lamang ang aking bibig. Madali kasing sabihin na iiwan ko na si Tita, pero kapag nagutom na ako sa kalsada, roon ko mapagtatanto na hindi pala.
Sandali kaming natahimik na dalawa. Kumain na lamang ako.
“Alam ko na!” sigaw ni Ingrid. Ang lakas ng boses niya na pati ibang naririto sa kainan ay napatingin sa amin.
“Lower your voice, Ingrid.”
Tumawa siya at humingi ng paumanhin sa mga taong nasa paligid namin.
“Anyway, may malaking catering service kami sa susunod na linggo. Bakit kaya hindi ka sumama? Kakausapin ko si Mama na paswelduhin ka kapag tumulong ka sa amin. Extra income rin iyon!”
Naisip ko na magandang ideya rin iyon. Ngumiti ako kay Ingrid at pumayag sa kanyang sinabi.
Sa araw ng party ay sa isang sikat na hotel gaganapin ang event. Naandito ang naglalakihang pamilya ng Puerto Rivas at iba pang panauhin. Masquerade ang tema ng party kaya naman lahat ay nakamaskara, maging ang mga waiter and waitress na naririo.
Isa ako sa mga waitress ngayon. Pumayag ang mama ni Ingrid dahil kulang sila sa tao at dahil okay naman ang ibabayad sa akin, nagawa ko siyang isingit sa araw na ito.
Inaayos ko ang eye mask ko para hindi ito mahulog.
Sobrang abala ko sa pagse-serve ng mga drinks. Maingat ang aking bawat paggalaw dahil natatakot ako na may magawang kapalpakan ngayon. Ayoko namang ipahiya ang pamilya ni Ingrid lalo na’t nabigyan sila ng pagkakataon na makuha sa ganitong kalaking event.
“Cecy, magpahinga ka muna. Kanina ka pa nagse-serve,” sabi ni Tita Yna sa akin, ang mama ni Ingrid.
Nagpasalamat ako sa kanya at umalis na muna roon. Uminom ako ng tubig at pumunta sa staff room. Kakain na muna rin ako ng dinner.
Nang matapos ako, naisipan ko na maglakad-lakad muna habang break ko pa. Magpapatunaw rin muna ako ng pagkain. May sapat na oras naman ako para roon.
Napadpad ako sa malaking garden ng hotel. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito.
Paalis na sana ako nang mapansin ko na ang ganda ng garden. Naisipan ko na hindi naman siguro ako pagagalitan kung maglilibot-libot ako sandali.
“f**k this motherfucking life!”
Natigilan ako nang may marinig akong boses. Sinilip ko kung saan nanggaling iyon at nakita ko ang isang lalaki.
Nakaupo siya sa wooden bench at nakasandal. Nakatingala ito at maayos pa rin naman na suot ang kanyang maskara.
But even with his mask on, ang katawan niya ay sapat na para masabi ko na magandang lalaki ito. Sa suot niya ay humuhulma ang kanyang biceps.
Napatulala ako sa kanya. Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang iiwas ang aking tingin sa kanya.
“Who’s there?”
Napatalon ako at agad na nagtago sa halamanan nang marinig ko ng malagom niyang boses.
Hindi ko man lang napansin na nakita niya na ako! Hindi nga siya tumitingin sa aking direksyon.
“Don’t wait for me to walk towards you as you won’t like what I will do.”
Sa takot ko na baka totohanin niya ang sinabi niya, mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nahihiya akong nagpakita sa lalaki.
Suot ko naman ang aking mask pero sa suot kong uniporme, malalaman niya na waitress ako sa event. Baka isumbong niya ako.
“Magandang gabi po,” pagbati ko sa lalaki.
Napansin ko na nagdurugo ang kamay niya. Nasugatan ata siya ng nabasag na baso. Iyon siguro ang dahilan bakit narinig ko siyang magmura kanina.
Wala sa sarili akong tumakbo papalapit sa kanya. Kinuha ko ang panyo ko at ginamot ang kanyang kamay. Ayokong nakakakita ng dugo dahil nakita kong naliligo sa sariling dugo ang aking ama noon.
“What are you doing?”
Natigilan ako nang mapagtanto kong I crossed the line. Hindi ko dapat siya hinawakan.
“P-Pasensya na po. Ginamot ko nang walang pasabi ang sugat ninyo—”
Pinutol niya ang sinasabi ko. Ibinigay niya sa akin ang isang baso ng alak.
“Do you drink? If yes, drink with me.”
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mga mata niya. Looking at his eyes feels like witnessing a storm. Magulo ang ekspresyon ng mga ito. Hindi mo malaman kung malungkot ba siya o galit.
Naupo ako sa tabi niya at tinanggap ang inaalok niyang alak. Hindi naman ako umiinom talaga pero…natatakot akong magalit pa ang lalaki.
Tinikman ko ang laman ng baso at agad akong napangiwi sa lasa nito. Hindi masarap! Hindi ko maintindihan kung bakit marami ang naaadik sa alak.
“What brings you here? Hindi ka ba nasabihan na masamang nag-spy sa ibang tao?”
Kinagat ko ang labi ko, nilalamon ng kahihiyan dahil sa sinabi niya.
“Hindi ko sinasadya. Naligaw lang ako rito at nakita kita.”
Natahimik kami sandali. Despite the unpleasant taste of the liquor, ininom ko pa rin.
Dahan-dahan ay nakakapag-adjust na ang panlasa ko. Nato-tolerate ko na ang inumin ito.
“You don’t have to be anxious around me. I don’t bite…hard.” Nakita ko ang pagngisi ng lalaki at nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. Hindi ko magawang ipaliwanag kung gaano ito kaganda kahit natatakpan ang kalahati ng mukha niya.
We shared a moment. Hindi ko na nga namalayan ang pagtakbo ng oras. May mga sinasabi siya sa akin na siyang ikinatatawa ko at may mga sinasabi rin akong nakakapagpangiti sa kanya.
At the moment, I feel…alive. Nakalimutan ko ang mga problemang mayroon ako. Nakalimutan ko dahil sa lalaking kausap ko. Miraculously, nawala rin ang kabang nararamdaman ko sa kanya kanina.
Hindi ko maintindihan kanina kung bakit naaadik ang mga tao sa alak ganoong hindi naman ito masarap, pero ngayon ay alam ko na. Natutulungan ka nitong makalimutan ag mga bagay-bagay kahit sandali lamang.
“Saan tayo pupunta?” Natatawa ako habang hinihila ako ng lalaki. Nakalimutan ko na may trabaho pa akong kailangan gawin.
Pumasok kami sa isang kuwarto sa hotel. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung ano ang maaaring mangyari.
Pagkasara nito ng pinto, isinandal ako ng lalaki sa pader. Sandali niya akong tinittigan at agad na sinunggaban ng halik.
Noong una ay hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. I wanted to push him away pero para akong nanghihina…parang ayoko rin siyang patigilin.
Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang dibdib at mariing hinawakan ang kanyang damit.
My first kiss. Hindi ko alam bakit hinahayaan ko siyang gawin ito sa akin. Siguro dahil sa tensyong kanina ko pa rin nararamdaman pero ayokong bigyan ng ibangg ibig sabihin.
Naramdaman ko na dahan-dahan na gumagala ang kamay niya sa katawan ko. When he was about take off my mask, pinigilan ko siya.
“Huwag…”. Nahihiya ako. Ayokong makita niya ako at kapag nakita niya na mukha pa akong bata ay matigil ito.
Hindi ko rin maintinddihan saan nanggagaling ang init ng aking katawan pero…I don’t want this to stop. I want to give my all to this beautiful stranger in front of me.
Oddly weird but I don’t care anymore.
Hinila ko ang lalaki para mas dumikit ang kanyang katawan sa akin. I reciprocated his kisses at naramdaman ko ang pagngisi niya.
We did it that night. Mainit ang pinagsaluhan naming dalawa ng estranghero na halos makalimutan ko kung ano bang dahilan bakit ako naririto sa hotel.
Maaga akong nagising. Madilim pa ang kapaligiran at suot ko pa rin ang mask ko. Napatingin ako sa katabi ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang lalaki.
Nang maproseso ng aking utak kung anong nangyari, napatayo ako.
Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Dahan-dahan ako bumangon at inayos ang sarili. Nakakalat ang damit namin sa sahig at hindi ko maalala kung ano ang lahat ng ginawa namin kagabi.
Mabilis akong nagbihis at tahimik na umalis sa hotel room. Bago ako tuluyang lumabas ay tinanaw ko ulit ang lalaki.
Huminga ako nang malalim at umalis doon.
Naalala ko pang sandamakmak na lecture ang natanggap ko mula kay Ingrid kinabukasan. Nag-alala ata ito dahil buong gabi nila akong hindi makita at naiwan ko pa sa staff room ang cellphone. Binayaran pa rin naman ako ni Tita dahil malaki ang aking naitulong sa kanila.
Hindi ko sinabi kay Ingrid ang nangyari pero hinahangad ko araw-araw na muling makita ang lalaki. Kahit hindi ko alam ang mukha niya o kahit hindi ko alam ang pangalan niya.
But that didn’t come.
Ilang buwan simula nang mangyari ang one-night stand na iyon, tumatakbo ako papunta sa CR sa school namin. Panay ang pagtawag ni Ingrid sa akin pero dumiretso ako sa CR at pumasok sa sa isang cubicle. Hindi ko na nga iyon naisara.
Sumuka ako nang sumuka. Parang bumabaliktad ang aking sikmura.
“Cecy, anong nangyayari sa ‘yo? Okay ka lang?” Nang maabutan ako ni Ingrid, hinagod niya ang likod ko habang ako ay sumusuka.
Binigyan niya ako ng tisyu at pinunasan ko ang aking bibig.
Hindi ako nakapagsalita. Iniisip ko kung anong nangyayari. Ilang araw na akong ganito. Nagsusuka ako sa tuwing may amoy na hindi ko nagugustuhan o hindi kaya ay pagkagising ko sa umaga.
Hindi kaya…
Inisip ko kung dinatnan na ba ako. Hindi ko maalala kung kailan ako nagkaroon.
“Hoy, babae!” Napatingin ako kay Ingrid. Naniningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “Umamin ka nga sa akin, buntis ka ba?”
Siguro ay namutla ako sa sinabi ni Ingrid sa akin. Buntis nga kaya ako? Hindi ko alam. Hindi ko matandaan na may ginamit na proteksyon ang estranghero nang may mangyari sa aming dalawa.
“Cecily Evonne!”
Umiling ako. “Hindi ko alam.”
“Oh, my gosh! Nagbibiro lang ako pero…bakit ganyan ang sagot mo. Huwag mong sabihin na—oh, s**t!”
Natataranta na ako sa nangyayari. Hindi maaaring buntis ako! Hindi ako handang maging ina! I am just eighteen!
“Bibili ako ng pregnancy test kit. Hintayin mo ako rito. Kailangan nating makasigurado.”
Tumango ako sa kaibigan. Habang hinihintay ko itong bumalik ay tahimik akong nagdadasal na sana ay hindi ako buntis.
Bumali si Ingrid at binigyan ako ng tatlong PT kit.
“Para lang makasigurado.”
Pumasok ako sa isang cubicle. Ginamit ko ang isang PT kit at naghintay ng resulta. What we saw shocked us.
Two lines. Positive.
“Ingrid…” Nanginginig ang aking kamay at para bang maiiyak ako. “I-I’m pregnant.”
Ang bagay na akala ko ay isang beses lamang nangyari ay nagkaroon ng bunga.