Cecily NAGULAT AKONG makita sina Dmitry at Ruslan na magkasama. Wala namang sinabi na may bisitang darating ngayon. Tumigil ang dalawang lalaki sa harapan ko. Agad na tumama sa akin ang mga mata ni Dmitry. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, at kahit may damit naman ako, I feel so exposed to him. Tumaas ang kilay niya nang mapansin ang suot ko. Ngumisi siya kaya agad akong nag-iwas at tumingin na lang kay Ruslan. Baka makalimutan ko na naririto ito at kung ano pang mapansin sa aming dalawa ni Dmitry. “You look beautiful, Cecily.” Ngumiti si Ruslan na akala mo ay proud siya na may nagawa akong tama. “Don’t you agree, Dmitry?” “Hmm, I do feel like she’s overdressed.” Ikinagulat ko ang sinabi ni Dmitry. Tinitigan ko siya pero nakatingin lang din siya sa akin. Narinig ko ang ha