Cecily PAGLABAS KO ng banyo, nakita ko na may note na nakapatong sa aking side table. Kinuha ko iyon at napangiti. This is my number: +63906******* Call me. -Dmitry. Naupo ako sa aking kama habang hawak ang maliit na note kung saan niya inilagay ang kanyang numero. Hindi ko naman sinasabi na kakailanganin ko siya, but just in case of emergency ay maganda na rin na may number ako ni Dmitry. I saved his number. Habang nag-scroll ako sa aking cellphone, napadaan ako sa email ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang confirmation ng admission ko sa isang sikat na school dito sa Puerto Rivas. Napatayo ako dahil hindi ko maalala na nagpasa ako ng documentary requirements dito. Binasa ko ang email at sinasabi rito na open na raw ang enrollment at maaari na akong makapag-enroll s