KABANATA 40

2125 Words

Cecily NAKATULALA ako sa malaking bahay sa harapan ko. Hindi ko alam kung kanino ito pero isa ito sa malaking bahay na nakita ko rito sa Puerto Rivas. “Wow…” Ganitong-ganito rin ang naging reaksyon ko noon nang makita ang bahay nina Dmitry. May pagka-Victoria style ang bahay samantalang ang kina Dmitry ay may pagka-Russian architecture. Magkaibang klase ng bahay pero parehong maganda. “Kaninong bahay ito?” Sumama sa amin si Polina, ang pinakamatagal na katiwala ni Dmitry. Sabi pa nga nito ay halos siya raw at ang isa pang katiwala nila na nasa Russia ang nagpalaki sa magkakapatid. Ngumisi lang si Dmitry at hinila na ako papasok. Sinalubong kami ng ilang tauhan. Masama ang tingin nila kay Dmitry pero hindi sila pinansin nito. Ganoon man, nararamdaman ko ang kagustuhan ni Dmitry na waka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD