"Hoy malandi gumising ka na nga!" malakas na bulyaw ni Melissa ang narinig ko. May inihampas itong mga papeles sa aking mukha. "Basahin mo ng maigi 'yan para matauhan ka!" sambit pa niya bago lumabas ng kwarto. Isa - isa kong binasa ang dokumentong ibinigay ni Melissa. Annulment papers iyon. Nakita kong pirmado na ito ni Timothy at tanging pirma ko na lamang ang kulang. Isinantabi ko na muna ang papeles na iyon.Hindi pa ito ang oras para sumuko.Tanga na kung tanga. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan magkakaanak na kami? Alam ko at nararamdaman ko na may puwang rin naman ako sa kanya.Hindi man niya sasabihin ay nararamdaman ko iyon. Hinawakan ko ang aking dibdib. Medyo sumasakit at medyo hirap ako sa paghinga. Ngunit ilang minuto lamang ay naging maayos na ako ulit. Siguro, dahil lama