"O-okay ka lang?" tanong ko kay Terrence. "Daplis lang naman ito Eloisa. Atsaka okay na ako dahil nandito ka sa tabi ko." nakangiting saad nito habang nakatingin sa akin. "D-dumaan na tayo sa hospital Terrence, hindi mo ba ipapagamot 'yang sugat mo?" mas nag-alala ako nang makitang lumampas lamang ang kotsze nito sa isang hospital. "T-tulungan mo n lang ako. Linisin mo lang' to 'dun sa pad ko." "Okay!" sagot ko sa kanya. Maaga pa naman atsaka hindi ko siya maaaring iwan lalo na' t sa ganitong sitwasyon. Nang dumating kami sa pad niya ay itinuro niya sa akin ang medicine kit niya at hinanda ko na ang mga gamit.Umupo siya sa sofa habang ako naman ay nasa tabi lamang niya. "The red one is the disinfectant liquid!" turo niya sa akin. Hinubad niya ang kanyang pang-itaas na damit habang